Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1

PANLINGGONG LITURHIYA KAPAG WALANG PARI


1. PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Namumuno sa pagdiriwang kasama ng taga-pagpahayag ng Salita ng Diyos na dala-dala ang
Banal na Biblia o Leksionaryo ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang Awiting Pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa altar ang
Namumuno ay magbibigay-galang sa altar ayon sa nakaugalian.

Ilalagay ng Lektor ang Banal na Aklat sa Altar. Pagkatapos nito paroroon sa kanilang mga upuan ang Namumuno at lektor.

Ang Namumuno at ang bayan ay magkukurus:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Amen.
Ang isa sa mga anyo ng pagbati ay ilalahad ng namumuno

Anyo A:
Mga kapatid, binabati ko kayo sa ngalan ng ating Panginoong Jesukristo. Siya ay naririto ngayon sa ating piling,
sapagkat winika niya, "Kapag ang dalawa o tatlo ay natitipon sa aking pangalan, ako' y nasa kanila.
Anyo B:
Mga kapatid, tinipon tayo ni Jesukristo bilang bahagi ng kanyang Katawan upang papurihan ang Ama sa langit.
Sa ngalan ng ating kura paroko na si___________.kayo ay tinatanggap ko sa ating
panlinggong liturhiya.
Kaya'y K:
Mga kapatid, inaanyayahan tayo ng Panginoon na making sa kanyang Salita at makiisa sa kanyang Sakramento
ng Pag-ibig. Purihin natin siya dahil a kanyang butihing pag-ibig.
Pagkatapos ng pagbati, bibigkasin ng Namumuno ang isa sa mga sumusunod

Anyo A:
PAGSASARIWA NG BINYAG
Namumuno: Sa sakramento ng binyag, tayo' y nagging kabahagi ng buhay at pag-ibig ng Diyos. Pasalamatan
natin ang kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pagpapanibago ng ating mga pangako sa binyag.
Itinatakwil ba ninyo ang kasalanan upang mamuhay sa kalayaan bilang mga anak ng Diyos?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Itinatakwil ba ninyo ang panghahalina
ng kasamaan at pang-aalipin ng kasalanan?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Itinatakwil ba ninyo si Satanas, ama at prinsipe ng kasamaan?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na Maylikha ng langit at
lupa?
Bayan: Opo, sumasampalataya ako.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo kay Jesukristo, lisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat,
ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria, ipinako sa krus, namatay at inilibing, nabuhay na mag-uli, at
naluluklok sa kanan ng Amang makapangyarihan?
Bayan: Opo, sumasampalataya ako.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng
mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay
na walang hanggan?
2

Bayan: Opo, sumasampalataya ako.


Namumuno: Ang Diyos ay Ama nating maka-pangyarihan sa lahat, Ama ng ating Panginoong Jesukristo, na
nagbigay sa atin ng bagong buhay sa pamamagitan ng tubig at banal na Espiritu, at nagpapatawad ng ating
mga kasalanan.Gawin nawa niya tayong tapat kay Jesukristo, ating Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pagkatapos ng pagpapanibago ng mga pangako sa binyag, wiwisikan ng Namumuno ang mga tao ng Banal na Tubig, habang inaawit
ang isang naaangkop na awit.

O kaya'y B: PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


Namumuno: Sumasampalataya tayo na sa sakramento ng binyag tayong nalibing na kasama ni Kristo at muling
nabuhay kasama niya sa bagong buhay. Ipahayag natin ang ating pananampalataya na ating ipinahayag noong
tayo ay binyagan. (Dadasalin ang Sumasampalataya)
O kaya'y K:
Mga kapatid, inaanyayahan tayo ng Panginoon na makinig sa kanyang. Salita at makiisa sa kanyang
Sakramento ng Pag-ibig. Purihin natin siya dahil sa kanyang butihing pag-ibig.
Anyo A: PAGSASARIWA NG BINYAG
Namumuno: Sa sakramento ng binyag, tayo'y nagging kabahagi ng buhay at pag-ibig ng Diyos. Pasalamatan
natin ang kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pagpapanibago ng ating mga pangako sa binyag.
Itinatakwil ba ninyo ang kasalanan upang mamuhay sa kalayaan bilang mga anak ng Diyos?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Itinatakwil ba ninyo ang panghahalina ng kasamaan at pang-aalipin ng kasalanan?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Itinatakwil ba ninyo si Satanas, ama at prinsipe ng kasamaan?
Bayan: Opo, itinatakwil ko.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, at Maylikha ng langit at
lupa?
Bayan: Opo, sumasampalataya ako.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo kay Jesukristo, lisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat,
ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria, ipinako sa krus, namatay at inilibing, nabuhay na mag-uli, at
naluluklok sa kanan ng Amang makapangyarihan?
Bayan: Opo, sumasampalataya ako.
Namumuno: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng
mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay
na walang hanggan?
Bayan: Opo, sumasampalataya ako.
Namumuno: Ang Diyos ay Ama nating maka-pangyarihan sa lahat, Ama ng ating Panginoong Jesukristo, na
nagbigay sa atin ng bagong buhay sa pamamagitan 'ng tubig at banal na Espiritu, at nagpapatawad ng ating
mga kasalanan.
Gawin nawa niya tayong tapat kay Jesukristo, ating Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pagkatapos ng pagpapanibago ng mga pangako sa binyag, wiwisikan ng Namumuno ang mga tao ng Banal na Tubig, habang inaawit
ang isang naaangkop na awit.

o kaya'y B: PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3

Namumuno: Sumasampalataya tayo na sa sakramento ng binyag tayong nalibing na kasama ni Kristo at muling
nabuhay kasama niya sa bagong buhay. Ipahayag natin ang ating pananampalataya na ating ipinahayag noong
tayo ay binyagan.
Bayan: Sumasampalataya ako sa lisang Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita. Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Jesukristo, Bugtong na
Anak ng Diyos, sumilang we Ama bago pa nagkapanahon, Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat o Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at so
paramagitan niya ay ginawa ang lahat.
Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan, siya ay nanaog mula sa kalangitan. Nagkatawang
tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit
sa hatol ni Poncio Pilato. Namatay at inilibing.
Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Banal na Kasulatan. Umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa
kanan ng Amang Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga
buhay at mga patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay buhay na nanggagaling
sa Ama at sa Anak.
Sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Suma-sampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at apostolika, gayundin sa isang binyag sa ika-
pagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na
walang hanggan. Amen.
Pagkatapos ng pagpapahayag ng pana-nampalataya, wiwisikan ng Namumuno ang bayan ng Banal na Tubig, habang inaawit ang
isang nagangkop na awit.

o kaya'y K: PAGPUPURI SA PANGINOON


Namumuno: Sa ating sama-samang pagdiriwang ng Araw ng Panginoon, tayo'y magpuri sa kanyang mga
kahanga-hangang ginawa
Darasalin ng Namumuno ang litaniya ng papuri at sasagot ang bayan ng:
Bayan: Purihin ang Panginoon.
Litaniya:
Para sa biyaya ng buhay.
Para sa biyaya ng pananampalataya.
Para sa biyaya ng Banal na Espiritu.
Para sa biyaya ng kanyang Banal na Salita.
Para sa biyaya ng kanyang Katawan at
Dugo sa sakramento ng Eukaristiya.
Para sa pag-aampon sa atin bilang mga anak ng Diyos.
Para sa ating pagiging kasapi ng
Simbahang Apostolika at Katolika.
Para sa Pagpapatawad sa ating mga kasalanan.
o kaya'y D: PAPURI SA DIYOS
Namumuno: Sa ating sama-samang pagdiriwang ng
Araw ng Panginoon, tayo'y magpuri sa kanyang kadakilaan at kabutihan
Bayan: Aawitin o darasalin ang sumusunod:
Papuri sa Divos sa kaitaasan
at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba
ka namin, ipinagbubunyi ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.
4

Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyo Amang makapaneyarihan sa faro, Panginoong Jesukristo, Bugtong na
anak, Panginoong Diyos, Cordero no Diyos, Anak ng Ama,. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang
Panginoon, ikaw lamang, O Jesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos
Ama.
Amen.
o kaya'y E: PAGHINGI NG KAPATAWARAN
Namumuno: Sa binyag tayo' y namatay sa kasalanan at naging bagong nilalang. Suma-sampalataya tayo na
bagama't tayo'y nagkakasalang muli, patuloy na namamagitan para sa lahat ng tao ang ating Panginoong
Jesukristo. Kaya, hilingin natin sa Panginoong Jesus na patawarin tayo sa ating mga kasalanan upang ang ating
ligaya sa pagdiriwang na ito ay maging ganap.
Pagkatapos ng saglit na katahimikan, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:
Inaamin ko sa makapanyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa
gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga
banal at sa inyo, mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Namumuno: Ipahayag natin ngayon ang ating pagkakapatiran kay Kristo at mag-bigayan tayo ng kapayapaan
sa isa't-isa.
Maaring umawit ng isang angkop na awit samantalang isinasagawa ito.

II. SALITA NG Divos


anyo A: Pagpapahayag ng Salita ng Diyos na may Pagpapaliwanag
1. Pagpaparangal sa Banal na Salita ng Diyos

Ang bayan ay tatayo, ang Namumuno ay lalapit sa altar, hahalikan ang Banal na Kasulatan at sasambitin ang sumusunod :

Mga kapatid, parangalan natin ang Banal na Kasulatan, upang ang mga aral na tumatanglaw sa ating buhay ay
tumimo sa ating puso at isipan.
Pagkatapos ay itataas ng Namumuno sa dalawang kamay ang Banal na Kasulatan samantalang tahimik na pagpipitaganan ito ng
bayan, o kaya'y aawit sila ng isang angkop na awit o aklamasyon, halimbawa :

Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama na bukal ng buhay, Anak na siya nating Daan, Espiritung
ating Tanglaw.
2. Unang Pagbasa
Pagkatapos ng paspaparangal, ibibigay ng Namumuno ang Banal na kasulatan sa Lektor. Sisimulan ng tagabasa ang pagbasa sa
pamamagitan ng pahayag:

Pagbasa mula sa . . .
At pagkatapos ng pagbasa:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang Bayan:

Salamat sa Diyos.
3. Salmong Tugunan
Ang salmong tugunan ay kukunin sa leksionaryo o Patnubay.

4. Ikalawang Pagbasa
Pagpapahayag tulad ng sa Unang Pagbasa

5. Pagbubunyi sa Mabuting Balita: Aleluya


Ang lahat ay tatayo at aawitin ang Aleluja o Kaya sa panahon ng Cuaresma, ang naangkop na aklamasyon o versiculo para sa
Mabuting Balita
5

6. Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ipahahayag ng Namumuno ang Mabuting Balita sa ganitong pananalita.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoong Jesukristo ayon kay San...

Pagkatapos ng pagbasa, sasabihin ng tagabasa:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang bayan:

Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


7. Pagpapaliwanag
Pagkatapos ng Mabuting Balita, babasahin ng Namumuno ang isang inihandang homiliya mula sa pari, o kaya, ang Namumuno ay
magbabahagi ng kanyang pinagnilayan mula sa mga pagbasa.

8. Panalanging Pangkalahatan
Pagkatapos ng homiliya, susunod ang Panalanging Pangkalahatan. Ito ay nararapat na batay sa mga pagbasa, patungkol sa buong
Simbahan, sa mga nanunungkulan sa lipunan, sa panga-ngailangan ng Simbahang lokal, sa mga mahihirap, mga maysakit, para sa
pangangailangan ng nagdiriwang na komunidad.

Anyo B: PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS NA MAY PALIWANAG SA MGA PAGBASA


Ang pagkakaiba lamang ng Anyo B sa Anyo A ay ang paliwanag sa Salita ng Diyos na binabasa bago ipahayag ang mismong teksto ng
Banal na Kasulatan. Isasama rito ang mga pamamaraan ng pagsasabuhay nito.

III. ANG BANAL NA PAKIKINABANG


1. Pagsamba sa Kabanal-Banalang Sakramento
Ang lahat ay luluhod. Kukunin ng Namumuno ang Banal na Ostiya mula sa tabernakulo, ilalagay ito sa ibabaw ng altar at sasabihin
ang sumusunod:

Mga kapatid, sambahin natin ang Panginoong Jesukristo na naririto sa Banal na Sakramento na tanda ng pag-
ibig at pagkakaisa.
Itataas ng Namumuno ang Ostiya habang ang mga tao ay tahimik na sumasamba, o kaya habang umaawit ng isang naaangkop na
awit, halimbawa:

"Purihin at Ipagdangal"

2. Panalangin ng Pagpupuri't Pasasalamat


Pagkatapos ng pagsamba sa Banal na Sakramento, ang mga tao ay tatayo at bibigkasin ng Namumuno ang sumusunod na
panalangin:

Unang Paraan:
Diyos na aming Ama, ito ang araw nang ang iyong Anak at aming Panginoong Jesukristo ay muling nabuhay at
nagdulot ng kagalakan sa buong sanlibutan. Ito ang araw nang siya ay magpakita sa kanyang mga alagad at
ibinigay niya sa kanila ang kapayapaan, kagalakan at ang bagong pag-asa. Ito ang araw nang kumain siyang
kasama nila sa dalampasigan, at nang magpakilala siya sa kanila sa pagpipiraso ng tinapay sa Emmaus. Kaya
kami ay nagpupuri sa iyo.
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Poong Diyos.
Ama namin, anong dakila ng iyong pag-ibig sa amin, twing kami' y natitipon, ikaw ay nasa aming gitna at
nadarama namin ang iyong malabis na pagmamahal. Pinupuri't pinasasalamatan ka namin dahil sa mga kaloob
mo sa amin sa araw na ito, dahil Sa kapayapaang dulot mo at dahil sa tinapay ng buhay. Kaya ipinamamansag
namin:
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Poong Diyos.
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong Espiritung Banal, mag-alab nawa sa aming puso sa pag-ibig sa iyo,
maalala nawa naming lagi ang itinuturo ng iyong Anak sa Banal na Kasulatan, at makilala nawa namin siya sa
banal na sakramento sa altar. Kaya kami ay nagpupuri sa iyo.
Bayan: Parangal at papuri sa iyo, Poong Diyos.
6

Kasama ng aming Obispo na si -, ng aming kura paroko na si - at ng Simbahang laganap sa buong daigdig,
pinupuri at pinasasalamatan ka namin, Diyos na aming Ama, sa pamamagitan ng yong Anak na aming
Panginoong Jesukristo, na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo, lisang Diyos, magpasa-
walang hanggan.
Bayan: Amen.
o kaya'y Ikalawang Paraan:
Papuri sa iyo, Diyos na aming Ama!
pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo, binigyan mo kami ng bagong buhay at ginawang lahing hinirang,
mga saserdote ng Hari, banal na bansa, bayang nakatalaga sa Diyos. Luwalhati at papuri sa ivo, Poong Diyos.
Bavan: Luwalhati at Papuri sa iyo, Poong Divos.
Ngayon, kami ay natitipon upang ipahayag ang misterio ng iyong pag-ibig. Sa simula nilikha mo ang lahat ng
bagay na may kahanga-hangang ganda at kaayusan. Ngunit higit na kahanga-hanga ang kaligtasang
ipinagkaloob mo sa amin sa pamamagitan ng aming Panginoong si Jesukristo. Noong una pinili mo ang Israel
upang maging iyong Anak, subalit sa pamamagitan ng dugo ng iyong Anak, tinipon mo ang lahat ng tao upang
maging iyong mga anak. Luwalhati at papuri sa iyo, Poong Diyos.
Bayan: Luwalhati at papuri sa iyo, Poong Diyos.
Naninirahan kaming malayo sa mga kapatid naming mananampalataya, datapuwat, sa pamamagitan ng
Espiritu Santo, kami ay kaisa ng buong Simbahan, kami ay nakikibahagi sa pagkakapatiran ng mga banal sa
langit, kasama ng Mahal na Birheng si Maria, Ina ng iyong Anak, kasama ni Jose ang kalinis-linisan niyang
esposo, ni Santo/a) _________________patron. Luwalhati at papuri sa iyo, Poong Diyos.
Bayan: Luwalhati at papuri sa iyo, Poong Diyos.

Kasama ng aming Obispo na si _________ ng aming kura paroko na si ____, at ng buong Simbahang laganap sa
buong daigdig, kami ay nagpupuri sa iyo, sumasamba't nagpapasalamat sa iyo, sa pamamagitan ng iyong Anak
at aming Panginoon na si Jesukristo, nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasa-walang hanggan.
Bayan: Amen.
3. Panalangin ng Panginoong Jesus
Pagkatapos na panalangin ng papuri't pasasalamat, ilalahad ng namumuno ang Ama namin, sa pamamagitan ng sumusunod na
pananalita katumbas nito:

Manalangin tayo, mga kapatid, sa ating Ama sa pamamagitan ng panalanging itinuro ng ating Tagapagligtas.
Ama namin, sumasalangit ka ….
Ang pagbibigayan ng kapayapaan ay maaaring gawin kung hindi ito naisagawa sa pasimula

4. Ang Pagkokomunyon
Luluhod ang mga tao. Kukunin ng namumuno ng pagdiriwang ang Banal na Ostiya at bahagyang itataas iyon na nasa ciborium at
bibigkasin niyang malakas ang sumusunod:

Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang mga inaanyayahan sa
kanyang piging.
Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na tumanggap sa iyo, subalit sa iyong salita ay gagaling na ako.
Gagawin ngayon ang pagkokomunyon. Maaaring umawit ng isang naaangkop na awit.

5. Panalangin pagkakomunyon

Tatayo ang bayan; darasalin ng Namumuno ang sumusunod na panalangin :

Diyos na aming Ama,Binusog mo kami ng tinapay ng buhay.Ipagkaloob mong mamuhay kami bilang isang
sambayanan na nagmamahal at nagpapahalaga sa bawa't isa.Sa pamamagitan ni Jesukristo na aming
Panginoon.
7

Bayan: Amen.
6. Paghahandog ng Ikapo sa Panginoon
Pagkatapos ng panalangin hihilingin ng Namumuno sa mga tao na ilagak ang kanilang mga handog sa Panginoon para sa mga
mahihirap na kapatid at sa mga pangangailangan ng Simbahan.

IV. PAGHAHAYO
Sasabihin ng Namumuno ang sumusunod:

Mga kapatid, yayamang naipagdiwang na natin ang misterio ng kamatayan at muling pagkabuhay ng ating
Panginoong Jesukristo, humayo tayo at ipahayag ang Salita na ating narinig at mamuhay ayon sa sakramento
na ating tinanggap. Pagpalain nawa tayong lahat ng makapangyarihan Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.
Namumuno: Humayo tayong mapayapa; mahalin at paglingkuran ang Poong Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.
RITU NG PAGLILIBING SA KRISTIYANO SA PAMUMUNO NG LAYKO
l. PASIMULA
(Gamitin ang Unang Bahagi ng Pamamaraan sa Panlinggong Liturhuiyang walang Pari pagkatapos ay isunod ang mga ito:)

N : Manalangin tayo.
(Sandaling katahimikan)
Ama naming Makapangyarihan, Ikaw ay maawain at mapagpatawad kailan man. Kami'y lumuluhog para kay
(N_ na lyong tinawag (ngayon), upang lyong makapiling. Pakundangan sa kanyang pag-asa at
pananampalataya, maihatid nawa siya sa kanyang talagang bayan at magkamit ng ligayang pangmagpakailan
man. Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B:Amen.
II. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Job 19: 1 • 23-27a
UNANG PAGBASA
Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas.
Ang Salita ng Diyos mula sa Aklat ni Job
Ang sagot ni Job: "Sana ang sinabi ko'y maitala't maisulat At ito ay magawang isang buong aklat. At sa bato'y
maiukit itong mga salita ko Upang sa habang panaho' y mabasa ng mga tao. Alam kong di natutulog ang aking
Tagapagligtas Na sa aki' y magtatanggol pagdating noong wakas. Pagkatapos na maluray itong aking buong
balat, ang Diyos ko'y mamamalas kahit laman ay maagnas. Siya y aking mamamasdan, at mukhaang makikita
ng sariling mga mata ding sinumang iba."
Ang Salita ng Diyos.
B. : Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
SALMO 142: 1-2 • 5-6 • 7ab at 8 ab • 10
Tugon : Panginoong aking mahal, panalangin ko'y pakinggan.
Dinggin Mo, O POON, ang aking dalangin, tapat Ka't matuwid, kaya ako'y dinggin. Itong lyong lingkod, h'wag
Mo nang subukin, batid Mo nang lahat, kami ay salarin.
8

Tugon: Panginoong aking mahal, panalangin ko'y pakinggan.


Araw na lumipas, aking nagunita, at naalaala ang lyong ginawa, sa aking isipa'y gumuhit na bigla! Ako' y
dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw.
Tugon : Panginoong aking mahal, panalangin ko'y pakinggan.
Nawala nang lahat ang aking pag-asa, kaya naman, POON, ako'y dinggin Mo na! Ako ay umasa, sa 'Yo
nagtiwala, na kung umumaga'y ipagugunita yaong pag-ibig Mo na lubhang dakila.
Tugon : Panginoong aking mahal, panalangin ko'y pakinggan.
Ikaw aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang 'Yong kalooban; Ang Espiritu Mo'y maging aking
tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
Tugon : Panginoong aking mahal, panalangin ko'y pakinggan.
IKALAWANG PAGBASA
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo?
Roma 8:316-35. 37-39
Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Roma
Mga kapatid, kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin? Hindi Niya ipinagkait ang sarili Niyang
Anak kundi ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob Niya sa atin ang Kanyang Anak, hindi ba niya
ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng Kanyang Anak? Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa
mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng
kaparusahan? Si Kristo Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siyapa nga ang namatay at muling binuhay, at
ngayo'y namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang
paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi!
Ang lahat ng ito'y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat
natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa
kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman,O ang alinmang
nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin so pag-ibig ng Diyos - pag-ibig na ipinadama Niya sa atin sa
pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
B.:Salamat sa Diyos.
ALELUYA Juan 6: 40
Mabubuhay kailan man ang manalig sa hinirang na Manunubos ng tanan.
MABUTING BALITA
Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid.
Juan 14: 1-6
N.:+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.
B.:Papuri sa lyo, Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad,
"Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa Akin. Sa bahay ng Aking Ama ay
maraming silid; kung hindi gayon, sinabi Ko na sana sa inyo. At paroroon Ako upang ipaghanda Ko kayo ng
matitirhan. Kapag naroroon na Ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa
kinaroroonan Ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan Ko. "Sinabi sa kanya ni Tomas,
"Panginoon, hindi po namin alam kung saan Kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?" Sumagot si
Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan
Ko."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
9

B:Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.


PAGBABAHAGI
PANALANGIN NG BAYAN
P: Mga kapatid,
halina't manalangin nang buong pananalig sa Diyos Amang makapangyarihan. Binuhay Niyang muli ang Anak
Niyang si Kristo, upang maging pagkabuhay ng lahat ng tao.
B:Amang Makapangyarihan, kami'y lyong kaawaan.
N: Noong binyagan ang ating kapatid na si (N. ), sa kanya'y ipinunla ang binhi ng buhay na walang hanggan.
Nawa'y umani ito ng pagkabuhay sa piling ng mga banal sa kalangitan. Idalangin natin siya sa Poong Maykapal.
B: Amang Makapangyarihan, kami'y lyong kaawaan.
N: Ang lahat ng namatay na umaasang muling mabubuhay ay malugod nawang ng Diyos sa piling Niya sa
kalangitan. Idalangin natin sila sa Poong Maykapal.
B: Amang Makapangyarihan, kami'y lyong kaawaan.
N: Ang lahat ng ating mga kapatid na naririto, ang mga nagdadalamhati at nalulumbay, at ang lahat ng sa
kanila'y nakikiramay ay magkasama-sama nawa sa langit na tahanan. Idalangin natin sila sa Poong Maykapal.
B: Amang Makapangyarihan, kami'y lyong kaawaan.
N: Nawa'y gantimpalaan ng Panginoon ang ating mga yumaong kapatid, kamag-anak at pinagkakautangan ng
loob. Idalangin natin sila sa Poong Maykapal.
B: Amang Makapangyarihan, kamiy lyong kaawaan.
(Sandaling Katahimikan)
N: Ama naming Mapagkalinga, ipagkaloob Mo sa lahat ng nakikipagkaisa kay Kristo ang muling pagkabuhay sa
piling Mo, kasama ng Iyong Anak at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B:Amen.
III. KOMUNYON
(Gamitin ang ikatlong Bahagi ng Pamamaraan sa Panlinggong Liturhuiyang walang Pari kung sinabi ng Kura na may Komunyon))

IV. HULING PAGHAHABILIN AT PAMAALAM


N. Mga kapatis, bago natin ihatid sa huling hantungan si (N____) pagukulan natin siya ng huling pamaaalam.
I[ahayag natin ang ating pagmamahal sa kanya, tanggapin natin ng maluwag sa ating kalooban ang kanyang
pagpanaw at umasa tayong magkikita-kita tayo sa piling ni Hesus; doon ay wala ng dusa kalungkutan at
kamatayan kundi ang mamayani ay lubos na ligaya at buhay na walang hanggan.
N. Mga anghel, mga banal, tanang nasa kalangitan, halikayo at samahan
B. Ang giliw naming Pumanaw sa Piling ng Poong Mahal
N. Si Kristo ang magaakay sa kandungan ni Abrahan upang doon ay humimlay.
B. Ang giliw naming Pumanaw sa Piling ng Poong Mahal
N.Sa ilaw na walang hanggang, kapayapaan kalian ma’y pagkamitin ng maykapal.
B. Ang giliw naming Pumanaw sa Piling ng Poong Mahal
N. Ama naming mapagmahal, inihahabilin naming sa iyo si (____) na pumanawa sa buhay na ito. Huwag mi
siyang pabayaan at pamaligiin mo siyang buhay sa iyong piling alang-alang sa iyong pagibig at awa, patawarin
mon a sana ang kanyang mga pagkukulang at nagawang pagkakasala dala ng kanyang kahinaan. Manatili
nawang siyang maligaya sa iyong piling kasama ng iyong Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B. Amen
10

N. Paalam sa iyo kapatid na pumanaw, mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal. Ang Pagpapala ng Diyos ay
baunin mo sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
B. Amen
N. Sa Paraiso magkikita muli tayo. Samahan ka ng mga Santo. Kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama,
upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama.
B. Amen
(Wiwisikan ng banal na tubig ang kabaong habang inaawit ang Ama namin)

You might also like