Fil8 q1 SLM SLK Paghahambing

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

KAGAWARAN NG EDUKASYON REGION III

Matalino St., D.M. Government Center, Maipmis


City of San Fernando (P)

“Paghahambing”
Filipino
Baitang 8

Sariling-Linangan Kit
PAUNANG SALITA

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag-unlad ng


iba’t ibang uri ng panitikan, kaakibat nito ang mga karunungan o
kaalamang bayan na nagtataglay ng talinghaga. Sa mundo ng
modernisasyon hindi maikakailang sandigan natin ang mga aral na
dala ng mga karunungan bayang ito. Ang mga talinghagang
taglay nito ang nagdadala sa atin patungo sa lagusan ng
panibagong mundo dahil nagsisilbi itong gabay, prinsipyo at
paniniwala sa pagtatagumpay.
Sa tulong ng mga talinghagang ito ay mas napalalalim natin
ang pagpapakahulugan sa ating buhay; at sa pamamagitan nito
ay tuluyan na nating pinaghahambing ang mga bagay. Kung ating
papansinin ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-
araw na buhay. Ito ay isang paraan ng ating paglalahad mula sa
mga bagay na ating naisin, sa pagpili ng pagkain, kagamitan,
maging sa lugar na ating nais puntahan.
Ngunit ano nga ba ang paghahambing at mga uri nito? Bakit
mahalagang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
bagay sa mundo. Lalo na ang paggamit nito sa pagbuo ng alin
mang uri ng mga karunungang bayan kabilang na ang bugtong,
salawikain o kasabihan.
Handa ka na bang malaman ang iba pang kaisipan at kaalaman
sa araling ito.
Halika’t samahan mo ako…

2
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
a. Nahihinuha ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
karunungang bayan sa pamamagitan ng paghahambing;
b. Natutukoy ang mga panlaping ginagamit sa paghahambing sa
loob ng pangungusap; at
c. Nakasusulat ng mga pangungusap na may paghahambing
higgil sa kalagayan ng bansa noon at ngayon.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, o kasabihan (eupemistikong pahayag).
(WG-Ia-c-17)
I. ANO ANG NANGYARI?
PANIMULANG PAGTATAYA
Piliin ang tamang sagot.
1. Sinusuri dito ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang
bagay na pinagkukumpara.
a. paghahambing b. paglalahad c. paglalarawan d.
pagtatangi
2. Tinitingnan ang hindi pantay na katangian ng dalawang
bagay na pinagkukumpara.
a. di-magkatulad b. magkaiba c. magkatugma d.
magkatulad
3. Ginagamit ang uri na ito kung patas o pantay ang katangian
ng dalawang bagay na pinaghahambing.
a. di-magkatulad b. magkaiba c. magkatugma d.
magkatulad
4. Ang magkatulad na paghahambing ay gumagamit ng
sumusunod na salita maliban sa isa.
a. higit b. kapwa c. pareho d. tulad
5. Ang di-magkatulad na paghahambing ay ginagamitan ng
mga sumusunod na salita liban sa isa.
a. di-hamak b. lalo c. mas d. tulad

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN? 3


PAGTATALAKAY

PAGHAHAMBING

 Isang paraan ng paglalahad. Sinusuri nito ang


pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang bagay
na pinagkukumpara. Ito ay makatutulong sa
pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga katangian na mayroon at
wala sa mga ito. Tinitingnan din ang kalakasan at
kahinaan, pasitibo at negatibo ng isa’t isa.

 Nagagamit din ang paghahambing sa


pamamagitan ng eupemistikong pahayag o mga
pananalitang nagkukubli sa tahasang kahulugan ng
isang pahayag tulad ng pamumuna, karahasan,
kabastusan, at iba pang may matalim na mensahe.
Ito ay mga pahayag na maituturing na
matalinghaga upang mapalambot ang paraan ng
pagkakaiba ng isang pahayag. Sa pag-unawa ng
mga ganitong pahayag, nakatutulong ito na
mapataas ang pandama at kaisipan ng mga
mambabasa.
Halimbaw: Kapwa butas ang bulsa ni Aling Nena at
Aling Rosi matapos magtungo sa palengke.

4
DALAWANG URI NG
PAGHAHAMBING

Magkatulad Di-magkatulad

Ginagamit ito kung Kung nagbibigay ito ng


patas o pantay ang diwa ng pagkakait,
katangian ng dalawang pagtanggi sa
bagay na pangungusap.
pinaghahambing.
Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka, magka, Pasahol-kulang
Palamang-
sing, kasing, magsing, sa katangian
nakahihigit sa
ga/gangga. Ginagamit ang
katangian.
Ginagamit mga salitang
ang mga di-gasino, di-
salitang higit, gaano o
Halimbawa: Ang mga lalo, mas dimasyado.
o di-hamak.
karunungang bayan na
taglay ng ating lahi ay
singtatag ng ating
kasaysayan

Halimbawa: Higit na Halimbawa: Di


nagbibigay ng aral sa masyadong mahirap
buhay ang salawikain ang bugtong ni Kikay
kaysa sawikain. kaysa kay Kokoy.

5
III. ANO ANG NATUTUHAN?
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang konsepto ng aralin. Itala ito sa iyong
sagutang papel.

Ang dalawang uri ng paghahambing ay ___________ at


______________. Ang mga panlapi, katagang o salitang ginagamit
sa paghahambing ay _________________. Higit na madaling
ilarawan ang mga karunungang-bayan gaya ng
___________________ sa paggamit ng mga uri ng paghahambing.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga salawikain o sawikain at
tukuyin kung anong uri ng paghahambing ang ginamit. Itala ito sa
iyong sagutang papel.

Uri ng
Salawikain/sawikain Kahulugan
Paghahambing
1. Ang kayamanan na
galing sa masama,
dulot ay
kapahamakan.

2. Ang anak na
magalang ay yaman
ng magulang.

3. Kapag maikli ang


kumot, matutong
mamaluktot.
4. Ang taong nagigipit
sa patalim kumakapit.

5. Huwag mong
hatulan ang isang

6
aklat sa kanyang
pabalat.

Gawain 3
Batay sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan, makikita ang
mga larawang kumakatawan sa sitwasyon ng bansa noon at
ngayon. Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihinging uri ng
paghahambing. Salungguhitan ang mga salita at panlapi na
ginamit sa iyong sagutang papel.
NOON NGAYON
1.

MAGKATULAD
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
DI-MAGKATULAD
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

7
2.

MAGKATULAD
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
DI-MAGKATULAD
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3.

MAGKATULAD
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
DI-MAGKATULA
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

8
Gawain 4

Sumulat ng sariling karunungang bayan ayon sa naintindihan


na kahulugan at halimbawa nito. Sa pagsulat ng sawikain,
bugtong, at salawikain o kasabihan. Gamitin ang dalawang uri ng
paghahambing. Itala ito sa iyong sagutang papel.

KARUNUNGANG
BAYAN

SAWIKAIN
SALAWIKAIN

BUGTONG

Gawain 4 “Pamantayan sa Pagmamarka”

Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na bilang. (5 ang


pinakamataas at 1 ang pinakamababa). Itala ito sa iyong
sagutang papel.

9
Interpretasyon
16 – 20: Napakahusay
11 – 15: Mahusay
6 – 10: Katamtaman
1 – 5: Nangangailangan pa ng pagsasanay
Pamantayan sa Pagsulat ng mga Karunungang- 1 2 3 4 5
bayan (Salawikain, Sawikain, at Bugtong)

1. Kahusayan ng pagkakasulat ng mga


karunungang-bayan (salawikain, sawikain, at
bugtong) at pagsaaalang-alang sa anyo at
estruktura ng mga ito.

2. Kaangkupan ng paksa ng mga


karunungang- bayan sa kasalukuyang
kalagayan.

3. Kahusayan sa paggamit ng paghahambing


at eupemistikong pahayag.

4. Pagiging malikhain at pagkakaroon ng


orihinalidad.

Kabuuang puntos

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot. (edit)


Isulat sa sagutang papel ang letrang “M” kung ang isinasaad ng
pangungusap ay Paghahambing na magkatulad samantalang

10
1
“DM” namn kung ito ay hindi magkatulad. Itala ito sa iyong
sagutang papel.
1. Parang gulong ang buhay, minsan nasa ibabaw, minsan nasa
ilalim.
2. Parehong kaliwa ang kanyang paa kaya naman hindi siya
makasunod sa musika ng sayaw.
3. Higit na mainit ang sikat ng araw sa buwan ng Marso kaysa sa
Disyembre.
4. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.
5. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Zeus!
6. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa
nakaraang buwan.
7. Di-hamak na maliit ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.
8. Ayon sa datos na nakuha, mas marami ang nabawian ng buhay
sa taon na ito kaysa noong nakaraang taon.
9. Si Ana ay kasing husay ni Teresa sa pag-awit.
10. Ang unang grupo ay nagpakitang gilas ng labis hindi gaya ng
sumunod na grupo.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng pangungusap mula sa panlapi at salitang
ginaganamit sa paghahambing na makikita sa bawat hanay. Itala
ito sa sagutang papel.
Paghahambing na Paghahambing na di-
magkatulad magkatulad
1. Sing 1. Higit
2. Tulad 2. Di-gaano
3. Magka 3. Lalo
4. Kapwa 4. Mas
5. Gaya 5. Di-hamak

11
10. DM M 5.
9. M M 4.
8. DM DM 3.
7. DM M 2.
6. DM M 1.

Pangwakas na pagtataya

D 5.
A 4.
B 3.
A 2.
A 1.

Panimulang pagtataya

SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN

Dayag, Alma, Julian, Ailene, Del Rosario,Mary Grace and Lontoc, Nestor. Pinagyamang Pluma 8, 927
Quezon Ave. Quezon City:Phoenix Publishing House Inc. 2015.
Reyes, Alvin, Santos, Nadia. Pinagyamang Wika at Panitikan 8. 4/F SEDCCO Bldg. 120 Thailand corner
Legaspi Village, Makati City, Philippines: Diwa Learning Systems Inc. 2016.
Microsoft Corporation. “Academia.edu”. June 18, 2020.
https://www.academia.edu/40115940/FILIPINO_Baitang_8_Yunit_1_Mga_Karunungang_bayan

Ki. “Philippines News.”June 18,2020. https://philnews.ph/2020/03/05/dalawang-uri-ng-paghahambing-mga-


halimbawa-at-kahulugan/

Microsoft Corporation. “Slideshare.” June 20,2020. https://www.slideshare.net/daniholic/dalawang-uri-ng-


paghahambing
This Material was conceptualized by the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management Section (LRMS)

SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY


MERLINA P. CRUZ PhD. CESO VI
Officer-in-Charge
Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO IV


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief, Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor,LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

NISSA S. CAPARAL/SHIELA MAY LIBRADO


Writers

NISSA S. CAPARAL
Illustrator

SHIELA MAY LIBRADO


Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION – REGIONAL OFFICE III

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO V


Schools Division Superintendent
OIC-Regional Director
Office of the Regional Director

RHODA T. RAZON EdD V, CESO V


OIC-Office of the Regional Director

ELIZABETH M. PERFECTO EdD


Chief,Curriculum and Learning Management Division

MA. EDITHA R. CAPARAS EdD


LRMS Supervisor

MARIE ANN LIGSAY PhD


Educational Program Supervisor- Filipino

12
SINOPSIS

Ang paglinang sa kaalamang paghahambing ang


nagbibigay-linaw sa pagtukoy ng mga bagay hinggil sa kanilang
pagkakaiba at pagkakatulad. Malinaw na naisaad sa araling ito
ang kahalagan ng paggamit nito sa paglalahad at gayon din sa
pagiging malikhain sa larangan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
panitikan. Ang mga ginagamit na salita at panlapi sa
paghahambing ay nagpapatunay lamang ng higit sa kaalamang
pampanitikan; ngunit tandaan din na ang kaalamang
panggramatika ay maituturing ding mahalaga sa paglalahad ng
talinghaga.

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Center
(LRMDC)
Department of Education
Regional Office III

You might also like