Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IV- SAGUTAN MO

THE OCEAN: ANG AKING REPLEKSYON

Ang video clip na ito ay nagsasaad ng malalim na mensahe tungkol sa


kwento ng isda na hangad ang pangarap na makita ang dagat. Ang paggawa ng
mga goals o layunin ay isang napakahalagang kakayahang kailangan mong
matutunan. Ngunit iba talaga ang saya sa kung ano ang mayroon ka kaysa
habulin ang mga bagay na mahirap at imposibleng makamtan na kakulangan ng
isang indibidwal. May sawikain ng ana nagsasabi na “Boil the Ocean” o kaya
naman sa wikang Filipino ay pakuluin ang dagat. Ito’y nangangahulugan na
upang isagawa ang isang imposibleng gawain o proyekto o upang gawing
mahirap ang isang trabaho o proyekto.

Walang masama na magsumikap upang makamtan ang ating mithiin at


pangarap sa buhay, bagkus isaisip pa rin natin ang kahalagahan ng mga bagay
na nasa harap lang natin ay ang tunay na magbibigay ligaya at kapanatagan ng
loob ng ating mga puso’t isipan. Maihahalintulad ko rin ito sa aking karanasan sa
pagpili sa mga pangarap ko sa buhay. Ako ay natutong tumugtog ng gitara
noong labing dalawang taong gulang pa lang, sa tulong ng mga maaring
magamit na aparatong tulad ng kompyuter, selpon, mga youtube tutorial, atbp.
upang makapag-ensayo sa akinng lugar. Sa aking pagkakaalam ay madali lang
tumugtog ng gitara: isang dahilan kung bakit gusto kong subukan na tumugtog
ng iba pang mga instrumentong tulad ng piano, biyolin, at yukulele Naging
pangarap ko na maging isang musikero at naisipang magipon ng pera para sa
mamahaling pyanong tatak Yamaha, na nagkakahalagang Php, 40,000 pataas.

Nagkaroon ako ng biyolin noong 2017 dahil binigyan ako ng aking lola ng
pambili sa ninanais kong instrument bilang isang pamaskong handog sa akin.
Daglian akong bumili nito kasama ang aking ina, makaraan lang ng ilang araw na
mabigyan ako. Ilang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin nakakayang
tumugtog nito kahit na sa tulong lang ng panonood ng tutorial sa youtube.
Kailangan ko pala ng tunay na guro sa pagtahak nito, ngunit wala kaming sapat
nap era upang maturuan ako at mapatnubayan ang aking progreso. Napagtanto
ko na hindi lahat ng gusto natin ay matutupad, lalo na’t napakarami kong interes
na hangarin ang mga bagay na wala sa akin. Masyadong akong naging abala at
okupado sa mga bagay na pinagtitiyagaan kong makamtan, ngunit hindi ko man
lang naisip kung tunay nga bang makapagpapasaya ito sa akin sa pinipili kong
tagumpay o kaya naman ay matutuklasan ko ang aking halaga at layunin sa
buhay.
Hindi ko man kayang makuha ang mga bagay na wala ako, ngunit ang
pagmamasid sa aking kasalukuyan ay bagama’t isang mahalagang sangkap sa
halip na alalahanin ang darating na hindi naman makakapalugod o
mapapasaakin. Ang pagkakuntento ay isang mahalagang katangian na dapat
nating taglayin.

You might also like