Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tolentino, Arabella Bina Rating:

BEEd 3A April 01, 2022

Juana Padayon!

Ang mundo ay puno ng karahasan, diskriminasyon at isyung panlipunan. Isa na rito ang
paglabag sa karapatan ng bawat indibidwal lalo na sa kababaihan. Hindi lamang isinusulong ang
pantay na pagtingin o equality maging ang equity. Ang pagkapantay-pantay ng kasarian ay
nangangahulugan na ang mga lalaki at babae ay may pantay na karapatan at responsibilidad sa
lipunang kinabibilangan. Ito ay tungkol din sa pagtutulungan ng bawat isa upang mapabuti ang
kanilang buhay. Kung nililimitahan ng kasarian ang ating kakayahang makita ang mabuti at
masama sa lahat, maaari iton humantong sa diskriminasyon.
Ngayong ipinagdiriwang ang buwan ng kababaihan, layon nitong maipabatid na kilalanin
ang mga kayang gawin ng kababaihan. Hindi lamang isang asawa, ina, kapatid o kaibigan sa
halip kinikilala bilang kasapi ng lipunan na may kakayahan na magbigay ng kontribusyon at
kaagapay ng bawat indibidwal. Ayon nga kay Hadeel Sahal Al Balushi, “Para mabago ang mga
bagay, dapat panindigan ng mga kababaihan ang kanilang karapatan. Hindi tayo maaaring
manatiling passive at patuloy na umaasa na balang araw ay magbabago ang paninindigan ng
lipunan.” Ayon rito, hindi dapat tayo patuloy na manahimik, magsasakripisyo at lagging
nagbibigay sa halip yakapin at tamasahin ang mga karapatan at nararapat na gawin para sa sarili
at lipunang ginagalawan. Hindi lang nakagapos sa isang tradisyunal na papel na nakakulong sa
bahay o maghanap ng edukasyon at karera. Nabuhay ang mga kababaihan upang maging isang
parte ng isang sistemang umiiral sa lipunan. Kailangan nating isulong ang mga tinig ng
kababaihan upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian tungo sa pag-unlad.
Mahalaga ang papel na ginagampanan hindi lamang sa loob ng tahanan maging sa lahat ng
sektor sa ating lipunan. Mula sa webinar, ibinahagi ni Professor Gatchalian na ang mga
kababaihan ay may katangian na maging self-sacrificing at martyr. Isinaad niya rin na mahalaga
na hindi laging “giving in at giving up” ang dapat na umiiral sa kababaihan. Mahalaga na
makamtan ng isang babae ang pag-aalaga, pagtanggap, karapatan sa kalusugan, edukasyon at
trabaho. Kaya ang ating pamahalaan ay nagpanukala ng mga batas na nagbibigay ng proteksyon
sa mga karapatan ng mga kababaihan tulad na lang ng ipinaliwanag ni Attorney Bajita. Ayon sa
kanya, ang Republic Act No. 9995 o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009”, umiiral
ang batas na ito upang maprotektahan ang privacy ng babae maging sa lalaki. Saklaw ng parusa
nito ang pagkuha ng litrato, pagkopya o reproduce ng mga nabanggit na litrato o bidyu,
pagbebenta o pamamahagi at pagpublish o broadcast ng mga ito ng walang pahintulot.
Ito ang panahon na kailangan nating hikayatin ang mga kababaihan na tumayo at
magpatuloy. Ang pagtugon sa pagkakaiba-iba ng kasarian at pagsasara ng agwat ng kasarian,
lalo na sa mga komunidad na hindi nabibigyan ng serbisyo ay dapat na matugunan at kilalanin
ang mga karapatan at pangangailangan. Ngunit bilang isang pandaigdigang lipunan, maaari
tayong gumawa ng ilang hakbang nang mag-isa upang umunlad. Sa pamamagitan ng pagkilala sa
mga hindi pagkakapantay-pantay, paghamon sa ating sarili at sa umiiral na mga istrukturang
panlipunan, pamumuhunan sa mas mahusay na mga pagkakataong pang-edukasyon, pagkonekta
sa mga batang babae sa mga nagbibigay-inspirasyong tagapagturo, at paghikayat sa mas
maraming kababaihan na gampanan ang mga tungkulin sa pamumuno, maaari nating bigyang
kapangyarihan ang maraming kababaihan at mapagtanto ang kanilang buong potensyal.

You might also like