Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO9

Sharmaine J.Dela Cruz-Guro


Aralin 7.Dula
Layunin:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito
Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo,talaga,tunay,iba pa)

TALAKAYAN
Estruktura at Kalikasan ng Wikang Filipino
Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema.
Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita.
Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
Semantika - ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika
PONEMA- makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan" kapag ang mga tunog
ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.
Halimbawa:maestro-maestra
abogado-abogada
tindero-tindera
Angelito-Angelita
Ang wikang Filipino ay binubuo ng dalawang (2) uri ng Ponema:1.Ponemang Segmental 2.Ponemang Suprasegmental.
Ang Filipino ay may 21 na Ponemang Segmental. Labin-limang (15) katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r,y,k,g, η,
w,- at 5 patinig - /a, e, i, o, u/. ' / /' / - pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin.
/n/-kumakatawan sa titik na/ng/.
Ang Ponemang Suprasegmental ay may tatlong (3) uri.
1.TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
Halimbawa:Ikaw.-(may katiyakan)lkaw?-(hindi sigurado/nagtatanong)
2.DIIN-Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita.
Halimbawa:BUkas-buKAS
Plto-piTO
SAya-saYA
Upo-uPO
3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang/.
·Si Mark Anthony/at ako//
·Si Mark/Anthony/at ako //.
Halimbawa:
Hindi siya si Jomar //
Hindi/siya si Jomar //
Hindi siya/si Jomar //
Hindi ako ang gumawa.//
Hindi/Ako ang gumawa. //
DIPTONGGO-alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.-ang mga diptonggo sa
Filipino ay:/y/- ay, ey, oy, uy /w/ - aw, ew,iw,ow,uw.
Halimbawa:/aw//iw/

Galaw Sisiw
Hataw Giliw
Bataw Paksiw
Bitaw Baliw
Halimbawa: /ay/ /ey/ /oy/ /uy/
Laway Reyna Langoy Aruy

FILIPIN① 9
Saklay Keyk Unggoy Baduy
Lagay Beyk Palaboy
Hukay Beysbol Abnoy
Mga Tulang may Diptonggo
Paalam na sintang lupang
Ibig kong maratingang abot ng tanaw.
tinubuan,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw Bayang masagana sa init ng araw,
Lupang malalawak sana ay malakbay.
Edeng maligayang sa ami'y
Dagat na malalim aymapaglanguyan.
pumanaw,
At perlas ng dagat sa dakong
Kaluluwa nati't buhay
Silangan.
Paalam na sintang lupang
Sa Diyos natin iaalay
tinubuan.
Nang tayo ay makinabang
Nang lubos na katuwaan
Doon sa langit na bayan.

Mga EkspresyongNagpapahayag ngKatotohanan at Opinyon


Sa pagpapahayag ng katotohan,kailangang maging tumpak at wastoang mga pahayag,salita, atgramatikang
gagamitin sapagpapahayag. Ang parirala saibaba ay ilan sa mga ginagamit sapagpapahayag ng
katotohanan.
Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito'y may suportang datos, pag-aaral,pananaliksik at suportang
impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita,at
gramatikang gagamitin sa pagpapapahayag.
Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Katotohanan·Batay sa pag-aaral,totoong.-.·Mula sa mga datos na
aking nakalap, totoong-·Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na-· Ayon sa mga dalubhasa,
napatunayan na...·Napatunayang mabisa ang...
Ang opinyon ay ang mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na
basehan.Karaniwang hindi suportado ng datos o mga siyentipikong basehan.
Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Opinyon:·Naniniwala ako_·Sa aking palagay-.·Ang opinyon ko sa
bagay na ito·Palagay ko...·Marahil ang bagay na ito ay...·Sa tingin ko...

SANGGUNIAN
Dela Cruz, M.A.S, (2016). Pinagyamang Wika at Panitikan 9:Makati City. Diwa Learning Systems
Inc.
FILIPINO 9
PAGTATAYA
Pangalang:
Baitang:
Gawain 1.Panuto.Bumuo ng 5 pangugusap na may antala. Huwag kakalimutang gamitin ang(/)slash sa pag
bigkas/pagsulat.
Gawain 2.Bumuo ng isang tula at bilugan ang mga Diptonggo na ginamit.

You might also like