Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

COMPLETED ACTION RESEARCH

DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN NG IKA-21


SIGLONG KASANAYAN, PARA SA PAGPAPAUNLAD NG PAGUNAWA SA MGA PILING
PANITIKANG PILIPINO (BAITANG 10)

I. Rasyonal/Sanligan ng Pag-aaral

Mahigpit ang tawag ng pangangailangan ng Ika-21 siglong kasanayan sa larangan ng edukasyon

sa kasalukuyang panahon. Alam naman natin na kabi-kabila na ang anyaya ng teknolohiya sa buhay

ng tao, ano pa mang estado at uri ng kaniyang pamumuhay at propesyon. Nagiging madali at

magaang ang ilang pangangailangan ng tao dahil sa makabagong teknolohiya. Kaya nga maging sa

larangan ng edukasyon at paturuan, isang behikulong maituturing ang paggamit ng makabagong

teknolohiya sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang aplikasyon at mga kagamitang pampagtuturo

na hango sa iba’t ibang webpage ang maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang

mga materyal na ito ay madaling makita o mahanap na ngayon sa internet sapagkat ang mga ito ay

“ready at available” na sa harap natin. Tanging ang kailangan lamang sa isang guro ay maging

mapaghanap(resourceful), malikhain, masigasig , madaling umangkla sa makabagong kalakaran at

higit sa lahat ay may kasanayan sa paggamit ng kompyuter, maalam sa paggalugad ng mga

webpage ng mga kagamitang pampagtuturo at nang maisapanahon ang kaniyang mga kasanayan.

Dahil sa mapanghalinang tawag ng Daigdig ng Internet, ang mananaliksik ay nagkaroon ng

marubdob na hangarin na maisapanahon ang kasanayan ng mga guro sa larangan ng nauuso

ngayong “Digitized Lesson” at ito ay maipatupad sa pagtuturo ng Filipino sa antas sekundarya.

Isa sa mga naging suliranin ng mga guro sa panahon ng pagmomonitor ng mananaliksik sa mga

mag aaral ay ang mababang lebel ng interes hinggil sa aralin at mga likhang panitikan Pilipino. Napuna

ito ng mananaliksik sapagkat may ilang guro na nahirati pa rin sa makalumang paraan ng pagpoproseso

1
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

ng aralin na ginagamitan lamang ng tinatawag na “modular method” lalo na sa paraalan ng

mananaliksik kung saan ito lamang ang nakagawiang metodolohiya sa pagtuturo ngayong pandemya.

Na syang dahilan na ang mga mag-aaral ay hindi gaanong nahihikayat ng guro na magpokus sa araling

tinatalakay. Bagamat ginamitan niya rin ng mga kinagawiang estratehiya ng mga kilalang pilosopo ang

aralin, may kung anong kulang pa ang dapat na ilapat.

Kaya batay sa masuring pagmamsid ng mananaliksik luboos na pagtanto nya at kapwa guro nya

sa Filipino na kailngan nila ng nararapat na interbensyon para malinang pa nga husto ang pagunawa ng

mga mag aaral sa mga aralin at mga piling akda ng Pilipino.

II. Mga Katanungan Para sa Aksyon Reserts

1. Ano ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga piling akdang Pilipino batay sa resulta

ng Paunang Pagsusulit bago ang interbensyon?

2. Ano ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga piling akdang Pilipino batay sa resulta

ng panapos na pagsusulit?

III. Pagbabago, Interbensyon at Pamamaraan

Inaasahang malinang sa mga mag-aaral ang kakayahang mapanuring pag-iisip sa pagunawa at

pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang dulog tungo sa pambansang pagkakakilanlan,

kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mga kaganapan sa daigdig sa gitna

ng krisis na dulot ng Covid 19.

Ang paggamit ng Estratehiyang Digital ay makatutulong upang masukat ang antas ng kasanayan sa

pag-unawa ng mga mag-aaral.. Sa unang araw ng pananaliksik ay ilalakip sa modyul o Learning Activity

Sheet ng mga estudyante ang Paunang Pagtataya at ipadadala sa mga magulang. Ang kanilang mga

2
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

kasagutan ay lilikumin, iwawasto at bibigyan ng kaukulang puntos at interpretasyon gamit ang researcher

made scale ng mananaliksik.

Batay sa resulta ng Paunang Pagsusulit ay isasagawa na kaagad ang pagtuturo gamit ang

Estratehiyang Digital. Sa tulong ng mga piling akda sa Filipino na hinalaw mula sa mga piling akdang

pampanitikan. Ang mananaliksik ay bubuo ng mga Digital worksheet kung saan naka base ito sa MELCS.

Bawat linggo ay magapapadala ang mananaliksik ng worksheet sa bawat tagatugon upang malaman

kung mayroon bang pagbabago sa kakayahan ng mag-aaral sa pag-unawa sa akdang binasa hanggang

sa tuluyang tumaas ang lebel ng kanilang kasanayan sa pag-unawa. Ito ay muling susukatin sa

pamamagitan ng pagbibigay ng Post Test gamit ang Teacher made test na ginamitan ng mga angkop

na katanungan batay sa bawat antas ng dimensyon na susukat sa kakayahan sa kanilang kasanayan sa

pag-unawa at upang maisakatuparan ang layunin ng aralin.

Nais mabatid ng mananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan o estratehiya ay angkop at

epektibo sa kakayahan ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang kasanayang pangkaisipan,

kasanayang pang-akademiko at maipaabot ang kalidad na edukasyon.

IV. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

a. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang kabuuang populasyon na 45 na mga mag-aaral sa dalawang pangkat ang naging

tagatugon sa panukalang kilos pananaliksik sa Grado 10 ng David Moises Memorial High

School, Taong Panuruan: 2020-2021 na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling method

ay umabot sa dalawampu’t isa (26) lamang sa kadahilanang sila ang nakakuha ng markang

pinakamababa sa ibinigay na paunang pagsusulit.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

b. Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang gurong mananaliksik ay naglaan ng sapat na panahon sa paglikha ng mga Gawain

na nakahalaw sa mga panitikang Pilipino, at pagsusullit na ibinatay sa MELCs sa pagsukat ng

kasanayan sa antas ng pag-unawa;

Ang unang hakbang na isinagawa ng gurong mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa

punongguro ng paaralan upang maisagawa ang pag-aaral. Kinuha din ang pangalan ng mga

mag-aaral na nagsilbing respondente ng pag-aaral. Sa pagkuha ng mga datos, ito ay isinagawa

sa pamamagitan ng pagpadala sa mga magulang ng researcher made test o palatanungan na

sinagutan ng mga mag-aaral at ibinalik pagkatapos masagutan.

Sinimulan ang pagsagawa ng pananaliksik noong buwan ng Desyembre taong 2021.

Ang mananaliksik ay nagbigay ng pagsusulit na kinapalooban ng tatlumpung (30) aytem na

sumukat sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa mga panitikang pilipino. Pagkatapos, sinuri at

pinag-aralan ng mananaliksik ang bawat aytem ng pagsusulit.

Ang 26 na mga mag-aaral sa dalawang pangkat sa Grado 10 ang nagsilbing

respondente ng pag-aaral. Ang mga gawain at worksheet ay inilakip sa Learning Activity Sheets

ng asignatura. Tinukoy ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa

sa pamamagitan ng paggamit ng Paunang Pagsusulit at Panapos na Pagsusulit. Sa pag-aaral

na ito, ang Paunang Pagsusulit ay tumukoy sa marka ng mga estudyante na hindi ginamitan at

binigyan ng interbensyon para sa ikalawang markahan samantalang ang Panapos na Pagsusulit

ay sinukat sa pamamagitan ng markang nakuha ng 26 mag-aaral o respondents sa ikalawang

markahan na ginamitan ng Estratehiyang Digital at bingyan ng kaukulang puntos at

interpretasyon gamit ang researcher made scale.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

c. Isyung Etikal

Ang mananaliksik ay humingi muna ng pagsang-ayon at suhestiyon sa punongguro at

Pansangay na Tanggapan sa Panukalang Kilos Pananaliksik. Ipinaalam din sa tagapayo upang

maipaabot sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpadala ng liham na humihingi ng pahintulot

na maging kalahok ang kanilang anak sa nasabing pag-aaral at ipinaunawa na ito ay hindi

makaaapekto sa kanilang marka bagkus ito ay magdudulot ng malaking kaginhawaan sa kanila.

V. Resulta at mga Detalye

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglahad ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa

mga nalikom na datos. Ang mananaliksik ay gumamit ng talahanayan sa paglahad ng datos

upang mas madali itong maunawaan.

a. Kinalabasan

5
Talahanayan 1
(1a) (1b)
Paunang Pagsusulit Panapos na Pagsusulit
Republic of the Philippines
1. 7 19
Department of Education
2. 12 DIVISION OF CAPIZ 22
Banica, Roxas City
3. 10 Tel. No./Fax No. (036) 6210974
21
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph
4. 13 23

5. 15 25

6. 9 17

7. 12 24

8. 11 23

9. 10 22

10. 9 20

11. 8 18

12. 11 21

13. 12 24

14. 10 22

15. 6 18

16. 8 19

17. 9 19

18. 7 18

19. 10 20

20. 11 25

21. 12 26

22. 12 24

23. 10 22

24. 6 18

25. 8 19

26. 9 19

6
 Mean 11.035 28.338

 MPS 36.35 85.79


Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Ang talahanayan 1.a at 1.b ay nagpapakita ng distribusyon ng iskor sa pagkakaiba ng Pauna at

Panapos na Pagsusulit.

Mean

Iskor Berbal na Interpretasyon

24.01 - 30.00 Lubhang Mataas


18.01 - 24.00 Mataas
12.01 - 18.00 Katamtaman
6.01 – 12.00 Mababa
0.00 – 6.00 Lubhang mababa/kailangang paunlarin

Batay sa talahanayan 1a, sa paunang pagsusulit ang mga respondent ay nakakuha lamang ng

11.035 (36.35 MPS) na nagpapahiwatig na ang mga mag aaral na ito ay nasa lebel lamang na “mababa”

ayon sa likert scale na ginawa ng mananaliksik kaya’t sila ang napili na maging tagatugon ng pag-aaral

na ito at binigyan ng mga interbensyon upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa

piling panitikang Pilipino.

Ang talahanayan 1b, ay nagpapakita sa huling ginawa ng mananaliksik. Ito ang resulta ng post

test o panapos na pagsususlit na naglalahad ng magandang resulta na umabot sa 28.33 mean iskor o

85.79 MPS na ang ibig sabihin ay may mataas na antas na ang mga mag aaral sa pag-unawa ng mga

panitikang Pilipino. Ang resulta rin ay nagpapakita na ang ginamit na interbensyon na Estratehiyang

Digital ay Epektibo sa mga mag aaral .

b. Rekomendasyon

Hindi magiging epektibo ang isang pag-aaral kung hindi ito ipatutupad o gagawan ng plano at

solusyon. Batay sa resulta ng ginawang pag-aaral ng mananaliksik, iminumungkahi niya ang sumusunod:

1. Magkaroon ng malawakang pagsasanay ang lahat ng mga guro hinggil sa iba’t ibang praktis na

may kaugnayan sa mga kasanayan at kagamitan at aplikasyong panteknolohiya atbp.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

2. Gawing wifi ready ang lahat ng paaralan sa buong dibisyon para sa mabilis at agarang akses sa

internet;

3. Hingiin ang buong suporta ng mga administrador at stakeholders ng bawat paaralan para sa

pagsasateknolohiya ng bawat asignatura hindi lamang ng Filipino.

4. Maglaan ng malaki-laking bahagi ng budget para sa mga proyekto at gawaing may kinalaman sa

pedagohiya ng guro at internet access sa bawat paaralan.

VI. Plano at Panahon ng Paggawa

1st to 2nd 3rd to 4th


1st to 4th
STRATEGIES week of week of 4th week of
week of 1st to 4th
March, March, April 2022
April 2022 week of
2022 2022
April 2022

Identify the problem and the


respondent of the study

Submission and approval to


conduct the study
Enhanced parental
involvement and participation
(Purpose, benefits, and ethical
issues of the study)

Administration of pre-test to
the respondents as baseline

Sharing of Video thru GC,


Share-It or Bluetooth
Monitor the progress of the
students

8
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Conduct of post-test, analysis,


and interpretation.

Submission and presentation


of the research paper

• VII. Plano ng Pagbabahagi at Paggamit

Ang mananaliksik ay magbabahagi ng kopya ng research paper sa Pansangay na Tanggapan ng

Capiz at sa David Moises Memorial High School. Ang resulta ng pag-aaral ay ipapaalam din sa mga guro

sa paaralan sa pamamagitan ng Learning Action Cell (LAC) Sessions, mga pagpupulong at In-Service

Trainings (INSET).

VIII. SANNGUNIAN

• Granberg, Ellen M. 2000. “How Technology Enhances Teaching and Learning.” CFT’s
newsletter. Teaching Forum.
• Sara Aloraini. 2012. The impact of using multimedia on students’ academic achievement in the
College of Education at King Saud University.Thesis.

• What Is Successful Technology Integration? | Edutopia, naakses noong May 24, 2016 sa
• http://www.edutopia.org/technology-integration-guide-description

9
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

• Why Integrate Technology into the Curriculum?: The Reasons Are ... naakses noong May 24,
2016 sa
• http://www.edutopia.org/technology-integration-introduction

• Yuan-Hsuan Lee etal. 2011. “Revisit the Effect of Teaching and Learning with Technology,”
Institute of Education, National Chiao Tung University, Hsinchu City 300, Taiwan naakses noong
Mayo, 2016 sa
• http://www.ifets.info/journals/16_1/12.pdf

• https://www.nextthoughtstudios.com/video-production-blog/2017/1/31/why-videos-are-important-

in-education

DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN NG IKA-21


SIGLONG KASANAYAN, PARA SA PAGPAPAUNLAD NG PAGUNAWA SA MGA PILING
PANITIKANG PILIPINO (BAITANG 10)

APPROVAL SHEET

10
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Prepared by:

MERRY GLORLY V. LORA


Researcher

Noted:

RONALD D. ARTILLERO
Research Coordinator

Recommending Approval:

RIZALINA L. BARRUELA
PRINCIPAL II

APPROVED BY:

MA. THERESA V. VILLAGRACIA Ed. D


PSDS. (EAST AND WEST) DISTRICT OF MAMBUSAO

Pauna at Panapos na pagsusulit para sa Baitang 10


- Blenda Mae Tucay

PANUTO: Unawain ng mabuti at bilugan ang tamang sagot.

1. Ito ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa .


a. dagli b. epiko c. alamat d. mitolohiya

11
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

2. Katutubong panitikan sa Pilipinas sa nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga


pangyayari.
a. mito b. epiko c. alamat d. mitolohiya

3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.


a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dalit

4. Mga kuwentong madalas na hango sa bibliya ay umaakay sa matuwid na landas ng buhay.


a. dagli b. nobela c. pabula d. parabola

5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.


a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kuwento

6. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o ddin ay kilos o galaw, ang pagsasalita
at pangungusap ng isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan

7. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakakahigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos-diyosa.
a. mitolohiya b. epiko c. alamat d. korido

8. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng


panitikan.
a. Ibalon b. Iliad at Odyssey c. Gilgamesh d. Beowulf

9. Hayun dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa
ng relasyong___________________.
a. layunin at resulta b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. sanhi at bunga.

10. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. ___________ karapat-dapat
lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay
na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. tiyak b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon
11. Tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng paglalarawan.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-abay

12. Ang pagbibigay ng hugis, kulay, anyo ay isang paraan ng ___________ ?


A. paglalahad B. paglalarawan C. pagsasalaysay D. pangangatwiran

13. Elemento ng maikling kuwento na kinapapalooban ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari.
A. salaysay B. balangkas C. banghay D. eskeleton

12
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

14. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook
o pangyayari ay tinatawag na tulang __________.
A. Mapang-aliw B. Mapangganyak C. Mapanglarawan D. Mapanglahad

15. Ito ay isang kathang naglalahad ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda hinggil sa isang paksa sa
maayos at epektibong pamamaraan.
A. Tula B. Maikling kuwento C. Sanaysay D. Dula

16. Ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala at sugnay sa loob ng pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pangatnig D. Pang-ukol

17. Ayon kay Aristotle, ito ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Maikling kuwento

18. Ito ay akdang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na
maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
A. Dula C. Alamat
B. Tula D. Maikling kuwento

19. Ang _____ ay bungang-isip na isinatitik. Ito ay buhay, buhay-buhay, pamumuhay at


pakikipamuhay ng mga tao.
A. Tula B. Dula C. Panitikan D. Sanaysay

20. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na


masaya.
A. Drama B. Melodrama C. Komedya D. Trahedya

21. Ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo)
at paglilista ng mga idea, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
A. Transitiona Devices B. Pang-ukol C. Pang-abay D. Pang-angkop

22. Nagsasaad ito kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring
may pananda o wala at nagsasaad ng dalas.

A. Pandiwang Panaganong Paturol C. Pang-abay na Pamanahon


B. Pangatnig at Transitional Devices D. Salitang Naglalarawan

23. Tahasang isinasaad ng _____ ang kilos na ipinahahayag nito. Kadalasan ay tuwirang ginagawa
o naaapektuhan ng tagaganap ang ipinahahayag na kilos.
A. Pang-abay na Pamanahon C. Pandiwang Panaganong Paturol
B. Pang-ugnay D. Salitang Naglalarawan

24. Anong bahagi ng panalita ang nagsasaad ng kilos o gawa?


A. Pandiwa B. Pangngalan C. Pang-uri D. Pang-abay

13
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

25. Ano ang akdang pampanitikan na may sukat, tugma at aliw-iw?


A. Dula B. Tula C. Sanaysay D. Salaysay

26. Uri ng pang-ugnay na nag-uugnay ng panuring sa salitang tinuturingan.


A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-angkop D. Pantukoy

27. Ito ay isang uri ng tulang nagsasaad ng panimdim o kalungkutan.


A. Oda B. Elihiya C. Soneto D. Kantahin

28. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal sa tanghalan.


A. Tulang Pasalaysay B. Maikling Kuwento C. Dagli D. Dulang
Pandulaan

30. Ayon sa kanya ang sanaysay ay “pagsasalayasay ng isang sanay.


A. Michel de Montaign B. Alejandro G Abadilla C. Genoveva Edroza Matute D.
Roselyn T. Salum

14

You might also like