DISKRIMINASYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa isang malayong isla sa pungsod ng Palawan ay may isang binatang nagpapangalang ‘Mark’.

Si
Mark ang pinakamatanda sa kanilang anim na magkakapatid. Ang kaniyang ina ay nagtratrabaho sa isang
pabrika ng asukal malapit sa kanilang isla, samantala ang kaniyang ama naman ay nasa bahay lamang
dahil sa may sakit ito na “Polio”. Ang Polio ay isang nakakahawang sakit, ang pinakamalalang anyo nito
ay nagdudulot ng pinsala sa ugat na humahantong sa paralisis, kahirapan sa paghinga at kung minsan ay
kamatayan.

“Kalaaman, ito ay isang yaman na hinding-hindi mananakaw sa iyo ng ibang tao anak”. Isa ito sa
mga naiwang salita ng tatay ni Mark nung siya ay pumanaw. Si Mark ay may kapansanan na kung
tawagin ay “dwarfism”. Ang “dwarfism” ay isang medikal o genetic na konidsyon na nagiging sanhi ng
isang tao na maging mas maikli kaysa sa isang karaniwang laki ng lalaki o babae. Maliit na bata, Maitim
na balat, Malaking mga mata na parang bumuwal na ito at mukha na puno ng mga taghiyawat. Halos
lahat ng kaniyang mga kababata ay ganyan talaga ang maiilarawan sa kaniya. Si Mark ay mahilig
magbasa ng libro at magsulat, ngunit sa kaniyang kapansanan ay hindi siya makapag-aral ng maayos at
makipaghalu-bilo sa iba. Palagi siyang tinutukso sa kanilang paaralan. “Pandak!”, “Aeta!”, “Taong-grasa”,
“Yan! Sumpa yan ng diyos!”. Mangiyak-ngiyak si Mark na palaging maririnig niya ito habang pumupunta
siya sa kanilang paaralan. Dahil sa kaniyang kapansanan ay hindi na nag atubili na tumigil na nang pag-
aaral si Mark.

“Maria! ang anak mo!” sigaw ng kapitbahay ni Mark, “Ano iyon Pedro?!” Nag-aalalang tanong ng
Ina ni Mark, “Si Mark! dinala ni Pikoy sa ospital dahil nahuli niyang nag tiwakal sa ilalim ng puno ng
makopa.”

Dali-daling nagpunta si Maria sa ospital kahit na maiwan na niya ang kaniyang tsinelas sa
pagtakbo sa sobrang pag-aalala. Puno ng luha at parang hindi na maiilarawan ang mukha ni Maria ng
marinig niya na nagtangkang magtiwakal ang kaniyang anak. Sumugod kaagad si Maria sa Emergency
Room ng ospital para hanapin si Mark. Dali-daling hinanap niya ang kaniyang anak at nung makita niya si
Mark ay bigla nalang siya bumagsak sa sahig na parang may tumulak sa kaniya. Nakita ni Maria ang
katawan ni Mark na puno ng mga sugat at ang kaniyang leeg rin na puno ng sugat bagamat nag tangka
itong magbigti. Sa sobrang pag-aalala ng kaniyang ina ay hindi na niya matigilan na sumigaw at umiyak
dahil inaakala nito na mamatay na ang kaniyang anak.

You might also like