Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NORTHPORT BATANG GIN KINGS

Talagang hindi papahuli ang SMC camp sa MVP camp pagdating sa mga
breaking trades at dahil sa pagiging official ng trades ng Northport at
Ginebra na kung saan napunta sina Arvin Tolentino, Kent Salado, Jeff
Chan at Prince Caperal sa Northport at dinagdagan na naman ang listahan
ng former Ginebra players na maglalaro sa Northport. Sa kasalukuyang
line up ng Batang Pier, sampong players galing sa Ginebra ang maglalaro
para sa susunod na conference. Take note: limang players lamang nito ang
hindi galing sa Ginebra.

Kaya para sa ating episodes, balikan natin ang mga trades ng Ginebra at
Northport noong mga nagkaraang taon. Katatampukan ito mga halos star
caliber players na nadraft ng Northport na inani ng Ginebra.

Una sa listahan ang Stanley Pringle trade na sa sa nagpa yanig na


transaction sa PBA noong 2019. Ang naging kapalit ng dekalibreng guard
na si Pringle ay sina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz. Galing si
Pringle sa 19.5 pts per game, 6.5 rebs per game at 4.7 asst per game
noong 2019 Philippine Cup habang ang naging kapalit niya na si Sol
Mercado ay mayroong average na 5.6 points, 3.2 rebounds at 3.4 assists.
Si Kevin Ferrer naman ay may average 3.6 points at 2.2 rebounds.

Balik naman tayong 2018 noong si Paolo Taha ay naitrade ng Ginebra


papunta sa Northport (Globalport pa ito noon) kapalit ng tireless forward na
si Julian Sargent. Hindi gaanong nagamit si Taha ng Ginebra dahil sa
napaka loaded na backcourt nito noon na kung saan nag average lamang
siya 3.3 minutes per game.

Punta naman tayo noong 2021 na kung saan naitrade ng Ginebra si Jerrick
Balanza papuntang Northport. Isang season lang ang itinagal ni Balanza sa
Ginebra at naitrade na nga ito para sa second round first pick ng 2021 PBA
Draft.

Sunod naman ay si MJ Ayaay na naitrade ng Ginebra papuntang Northport


kapalit ng dalawang future draft selections.

Nandiyan din ang trade ni Arth Dela Cruz noong 2021 na kung saan ay
pinadala siya sa Northport kapalit ni Sidney Onwubere.

Pero ang isa sa mega deal na kinatampukan ng Ginebra at Northport ay


ang palitan ng big man ng dalawang teams. Noong March 2021, Pinadala
ng Ginebra si Greg Slaughter sa Northport kapalit ni Christian
Standhardinger na kapapanalo lamang ng kanyang unang BPC Award.
Ngunit sa trade na ito ay halata namang panalo ang Ginebra dahil si Greg
ay wala na sa Northport at nagsign na ng deal para maglaro sa Japan.

So guys, ‘yan na muna para sa bagong episode ng sports bomb, wag


kalimutang mag like at subscribe. See you next episode, peace out!

You might also like