Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ST.

ANTHONY’S COLLEGE
San Jose, Antique
Liberal- Arts Education Department

GEC 111: INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG PILIPINAS


ARALIN 16

REHIYON XI
(REHIYON NG DAVAO)

LALAWIGAN KABISERA

Davao del Norte Tagum


Davao de Sur DigosCity
Davao Oriental Mati
Compostela Valley Nabunturan

Ang pangalang Davao ay pinananiwalaang nagmula sa paghahalo-halo ng mga salita mula sa tatlong
pangkat etnikong naninirahan sa lugar:Obo – Davoh; Diangan – Duhwow; Bagobo – Dabu.
Ang mga wikang ginagamit sa Rehiyon ay ang Cebuano,Tagalog,Ilokano at Ilonggo.
Ang Lumad ay salitang bisaya na nangangahulugang mga katutubo.
ATA- mga pangkat ng lumad na bihasa sa pangangaso at pangangahoy.
BAGOBO- isa sa pangkat ng lumad sa rehiyon na  pinakamagarbong magdamit, may pinakamalaking
impluwensya ng Kristiyanismo at nagsasakripisyo ng tao tuwing may mga ritwal.
B’LAAN - pangkat din ng lumad  magarbo ring manumit ngunit bihirang gumagamit ng mga palamuti
o “beads”. Sila ay itinuturing na pinakamapayapa at pinakamasipag sa lahat ng mga pangkat etniko.
CALAGANES o Malay- ay pangkat ng mga lumad na Kadalasang napagkakamalang Moro.
MANDAYA- sila ang pangkat ng mga lumad na unang yumayakap sa “sibilisasyon” dahil sa maagang
kaugnayan sa mga Kastila.
TAGACALOS- pangkat ng mga lumad na lumalaban sa kombersyon ng mga Muslim
 MANOBO- ay mga pangkat ng lumad na hindi kalakihan ang katawan ngunit atletiko at kadalasang
nakatira sa tabi ng ilog.
DULANGANES -   pangkat ng mga lumad na  lubhang matatapang. Sila ay walang saplot sa katawan
maliban lamang sa mga dahon at maliliit na sanga ng puno. Kadalasang naninirahan sa mga kuweba o
loob ng malalaking puno at ang mga armas ay matutulis na palaso.
Sa Rehiyong ito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Bundok Apo.
Sa Rehiyon rin na ito matatagpuan ang reyna ng mga orkidyas sa Pilipinas, ang Waling- Waling o
Vanda Sanderiana na ang ibig sabihin ay paruparong magara ang lipad.
Dito rin makikita at matitikman ang tanyag na Durian.
Ang Davao del Norte ay kilala bilang “Green Gold Country” dahil sa malawak na taniman ng saging
at mayaman sa mina ng ginto.
ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT
1. JOSE L. ANGLIONGTO
Siya ang sumulat ng nobelang “The Sultenate” na handog niya sa mga young overseas Chinese.
Naging kolumnista din siya ng Mindanao Times at naging tagapamahala ng Mindanao Publisher Inc.
2. JOSEPHINE MALAY DISCHOSO
Naging isa sa manunulat ng UP Summer Writers Workshop noong 1974. Kilala siya sa larangan ng
panitikan at larangan ng pagpipinta.
3. AIDA L. RIVERA FAROL
Karamihan sa kanyang isinulat ay nalathala sa Lands and Coral na lathalain ng S.U. Nalathala sa
nasabing babasahin ang kanyang maikling kwentong may pamagat na “Bridge of Tomorrow” noong
1948. Siya rin ang may akda ng “Now and at the Hour”. Ang lima pa sa kanyang mga akdang
maikling kwento ay tinipon at nilathala noong 1957 sa pamagat na “Now and at the Hour and other
Short Stories”.
4. PEPITO DEIPARINE
Kilala sa palayaw na Peps na isang bi-lingual fictionist, makata at kolumnista. Nailathala ang kanyang
mga maikling kwento, tula at sanaysay sa mga pambansang lathalain.

ILAN SA MGA KAUGNAY NA SINING NG REHIYON XI


“TINALAK”
 Kahusayan sa pagtatali at paghuhukay ng abaka.
“TANGONGO”
 Katutubong sayaw na sinasayaw ng mga may edad at mag-asawa.
“BALITI” at “KAMARAG”
 Ay mga uri ng sayaw na kung saan ang mga mananayaw ay sumasabay sa galaw ng dahon ng baliti.
“SAMPAK”
 Uri ng sayaw na isinasayaw ng mga lalaking nag-aaway.
“KULINTANG”
 Isa sa mga tanyag na instrumento hindi lang Rehiyon pati na rin sa buong Mindanao,
“BOLANGBOLANG”
 Isang uri ng tambol na ginagamit ng mga babae.
“GIMPAN”
 Isang tambol na gawa sa kahoy ng mga Bagobo.
“T’ONGGONG”
 Instrumento ng mga T’boli na may kasamang balat ng baboy at tinutugtog sa pamamagitan ng kamay
at patpat.
“ALPA”
 Instrumentong yari sa kawayan na higit na kilala sa tawag na Lud.
“TEU”
 Instrumento ng mga T’boli na inihipan.
“DIWAGAY”
 Sinaunang biyulin mula sa mga Bilaan.

REHIYON XII
(SOCCSKSARGEN)

LALAWIGAN KABISERA

Hilagang Cotabato Kidapawan City


Timog Cotabato Koronadal City
Sultan Kudarat Isulan
Saranggani Alabel
General Santos General Santos
City

Sa bisa ng Executive Order No. 36 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang Rehiyon XII na
tinawag na SOCCSKSARGEN ay binuo ng lalawigan ng Hilaga at Timog Cotabato, Saranggani,
Sultan Kudarat at Saranggani.
Ang lalawigan ng Cotabato ay ang tinaguriang “Rice Bowl of Mindanao” o Kamalig ng Palay sa
Mindanao, dahil ito ang lalawigang nagsusuplay ng bigas sa buong Mindanao.
Ang pangalang Cotabato ay nakuha sa salitang Maguindanao na “kuta wato” na ang ibig sabihin ay
kutang bato o stone fort.
Ang Cotabato rin ay tinawag na melting pot ng rehiyon dahil ito ay pinaninirahan ng mga taong
nagmula sa iba’t ibang lugar.
Ang pangalan ng lalawigan ng Sultan Kudarat ay mula sa pangalan ni Sultan Mohammed Dipatwan
Qudarat na siyang namuno sa lugar noong 1635 hanggang 1671 A.D.
ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT
1. Jaime An Lim
Isang makata, mananaysay at kuwentista. Ang kanyang mga akda ay ang mga sumusunod na nagtamo
ng matataas na parangala: The Liberation of Fidele Magsilang, The Changing of the Guard: Three
Critical Essays, Yasmin; The AXOLATL Colony at ang The Boy and The Three of Time.
2. Christine Godinez-Ortega
Naging editor ng Sand and Corals, isang literary journal ng Siliman University. Ang kanyang mga tula
ay natipon sa Lanterns in the Sun and other Poems noong 1987. Ang ilan sa kanyang mga nasulat
ay:Legend of Maria Cristina Falls, High Noon, Ablutions, Dumaguete at ang Cabbage.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON IX


Dahil sa malakas na impluwensya ng mga Arabia at ng kutura ng Timog-Silangang Asya, ang mga Muslim
particular na ang mga Maranao ay may malaking pag-ibig sa Sining. Panitikang Sanskrito ang naging saligan ng
panitikang Maranao.
Darangan
 Naglalaman ng dalawampu’t limang salaysay na epiko na nauukol sa isang dakilang bayani na si
Bantugan. Nauukol sa mala-Diyos na bayaning si Bnatugan- ang kanyang pakikipagsapalaran sa pag-
ibig, ang mga di-kapani-paniwalang katangian at kagitingan, ang kanyang matatalinong aral at ang
kanyang kamatayan sa kandungan ng kanyang iniirog.
Indarapatra at Sulayman
 Isang epikong naglalaman ng kasaysayan ng pangunahing tauhan na si Indarapatra, emperador ng
Imperyong Mantapuli at itinuturing na pinakadakila sa mga Haring Kanluranin dahil sa kanyang
kabaitan, karunungan at katapangan bilang isang Hari.
Bidasari
 Epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang paniniwala na ang buhay ay napatatagal
kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o punungkahoy.
Panambitan
 Isang awit ng mga Muslim upang ipakilala ang pagdadalamhati, pagtangis at pagpapakilala ng
pagluluksa kung sila ay namatayan.
Kapangendas
 Awiting pambata sa panghuhuli ng ibon ng mga Maranao.
Tubad-tubad
 Tawag sa maikling tula ng pag-ibig at pagmamahal ng mga Maranao.
Pananaraon
 Tawag sa salawikain ng mga Maranao bilang gabay sa paghubog ng kagandahang asal ng mga
kabataan.
Antoke
 Ito ay katawagan sa bugtong ng mga Maranao. Ito ay upang subukin ang kalistuhan ng isip ng mga
bata.
LALAWIGAN KABISERA
Limpangan
 Ang katumbas nito ay ang Agusan del Norte Cabadbaran City palaisipan.
Ginagamit upang subukin ang Butuan City kalistuhan ng
pag-iisip ng mga matatanda. Agusan del SUR Prosperidad
Tultol
Surigao del Norte SurigaoCity
 Ang tawag sa kwentong bayan o Alamat ng mga
Maranao. Surigao del Sur Tandag
Quiza
 Ito ay mga kwento tungkol sa kalikasan at matatagpuan sa mga lumang aklat na nalimbag sa wikang
Arabe.

REHIYON XIII
(CARAGA)

Ito ay rehiyong administribo ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng pulo ng


Mindanao.
Tinatawag din ang Caraga na Rehiyon XIII na pinakabagong rehiyon sa Pilipinas at ito ay nabuo sa
bisa ng Batas Republika Bilang 7901 na pinagtibay noong Pebrero 1995 ng dating pangulong Fidel V.
Ramos.
Ang pangalang Caraga ay nabuo mula sa salitang Bisaya na "kalagan" na mula sa "kalag" na ang ibig
sabihin ay "kaluluwa (soul)" o tao (people) at "An" na nangangahulugang "lupain (land)".
Ang mga "Kalagan" ay may mahabang kasaysayan ng katapangan at walang kinatatakutan. Kaya
tinawag ang Rehiyon na "Lupa ng Matatapang at Walang Takot."
Ang salitang Agusan ay nagmula sa salitang” agus” na ang ibig sabihin ay daloy ng tubig.
Ang mga mamamayan sa rehiyon na ito ay binubuo ng mga Kristiyano at Muslim.
Lungsod ng Surigao – sentro ng pagmimina ng rehiyon
Surigao del Norte – dito matatagpuan ang malawak na minahan ng mga mineral na tulad ng ginto,
copper at iron.
Agusan del Norte – matatagpuan ang malaking pagawaan ng papel.
Surigao del Norte – tinatawag bilang “Tuna Belt” ng Pilipinas
 
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON X
Mga Kilalang Awitin
Ginagamit bilang ritwal ang awitin ng mga Manobo.
Owaging/ Uwahingen
 Isang mahalagang awiting pang-epiko.
Mandata
 Awit ng pag-ibig.
Delinday
 Awit ng hanap-buhay, pakikidigma, pagpapatulog, pagtatanim at pag-aani.
Awiting Panritwal
Ay Dingding
 Awit panggising
Masulanti
 Awit sa pakikipag-usap ng anak na babae sa kanyang ina
Tamanda
 Awit ng mga mangkukulam
Mangahinay
 Awit sa panghuhuli ng mga bubuyog
Tiwa
 Awit pang ritual bago simulant ang panghuhuli ng butiki

Awiting Pasalaysay
Andal
 Panimula sa epikong Tulalang
Bimbiya
 Pakikipagsapalaran ng isang bayani
Tulalang
 Kilalang epiko ng Rehiyon
Idangdang
 Awiting pasalaysay na pang-aliw
Tuwa
 Naglalaman ng kwento ni Tuwa.

Awiting Panlibang
Dalwananay
 Tungkol sa pag-aalala ng isang ina sa kanyang sundalong anak
Dampilay
 Tungkol sa payo sa pagpili ng mapapangasawa
Inkakak
 Tungkol sa pagtakas ng asawa sa bungangerang kabiyak
Mantiay-ay
 Awit sa pakikipagsalamuha
Migkoy
 Awit tungkol sa taong tinalo ng ahas.

Awit ng Pag-ibig
Dalinday
 Tungkol sa panunuyo ng lalaki sa babae n asana ay huwag munang umalis.
Kasumba sa rawasan
 Awit na pamamaalam at nagpapaalala sa maiiwan.
Lawgan
 Tungkol sa isang babaeng umibig sa lalaking mahusay tumugtog ng kudyapi.

Mga Kilalang Sayaw


Inamo(Monkey Dance)
 Isinasagawa ng mga kalalakihang may asawa na upang ipagdiwang ang kanilang gawain hanggang sa
huling hibla ng kanilang hininga ng buhay.
Itik-itik
 Kilala bilang katutubong sayaw.
Pandagitan
 Ito ay pagbibigay sa pugay sa isang lugar na kung saan ang maliliit na nilikha (tao man o hindi)
aynagiging biktima ng malaking nilikha.

You might also like