1.1 Ang Ama, 1.2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

UNANG MARKAHAN

ARALIN 1.1
Panitikan :Maikling Kuwento
Paksa :Ang Ama salin sa Filipino ni Mauro R. Avena
Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari
Bilang ng Araw :5 Sesyon

Unang Markahan | 1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN -Ia-b-39)


• Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan
nito sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB -Ia-b-39)


• Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT -Ia-b-39)


• Nabibigyang-kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay
sa denotatibo o konotatibong kahulugan .

PANONOOD (PD) (F9PD-Ia-b-39)


• Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela
sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ia-b-41)


• Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor,
iba pa.

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ia-b-41)


• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ia-b-41)


• Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari.

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ia-b-39)


Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan
sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.

II. PAKSA

Unang Markahan | 2
Panitikan :Maikling Kuwento - “Kape”
Kagamitan :Pantulong na Biswal
Sanggunian :Gabay sa Pagtuturo ng Filipino 9, ph.84-89.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: PAGSUNOD-SUNURIN MO


Ipaayos sa mga mag-aaral ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, “Kape” ( pangyayari sa kuwento o mga larawan na may
kaugnayan sa kuwento)

Gabay na Tanong:

Ano ang kahalagahan ng mga pangyayaring nasa


pagkakasunod-sunod ang serye ng mga pangyayari?

2. Pokus na Tanong
a. Ano ang mga pangyayaring binanggit sa kuwento na may
malaking kaugnayan sa lipunang Asyano?

3. b.Presentasyon Paano nakatutulong ang mga pang ng Aralin -ugnay sa


pagsasalaysay ng
mga pangyayari sa kuwento?

3.Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: ITALA MO


Itatala ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring nagaganap sa kuwento
gayundin ang mga tauhang binabanggit upang malaman ang kaugnayan
ng mga ito sa pagkakabuo ng kuwento.(Maaaring magtalaga ng mga
mag-aaral na magbabasa para sa buong klase o irekord ng guro ang
akda o basahin ng guro sa buong klase ang mga piling bahagi ng
kuwento)
Unang Markahan | 3
ANALISIS

1. Ano ang mga katangiang ipinakita ng asawang babae sa kuwento?


Paano tinanggap ng mga anak ang pagkamatay ng kanilang ama?

2. Paano ipinakita ng asawang babae ang pagmamahal at pangungulila sa


asawa?

3. Bakit maituturing na ang kuwento ay may pagka-makabanghay?

4. May kaugnayan ba ang mga kilos, gawi at sinasabi ng mga tauhan


sa lipunang Asyano? Patunayan mo ang iyong sagot.

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang pagpapahalagang Asyano, ay ang mga pagpapahalaga na


AngAA masasabing karaniwan at pangkalahatan bagamat may
pagkakaiba ito sa bawat bansa sa Asya. Ang mga ito ay ang sumusunod: ang
kahalagahan ng pamilya at kamag-anak; ang pagpapahalaga sa edukasyon;
ang paggalang sa naka-
tatanda; ang pagkakaroon ng hirarkiya sa lipunan; ang pagpapahalaga sa naka-
lipas; ang pamamayani ng panggrupong kapakanan kaysa indibidwal na interes.
Ang pamilya ay pangunahing tagapasa ng kultura sapagkat ang ama at
ina ang mga unang tagapagturo sa anak ng mga katanggap-tanggap at tamang
asal ng lipunan. Walang iisang namamayaning kultura sa buong Asya at walang
parehong asal at gawi para sa lahat ng mga Asyano.
Sanggunian: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan ni Grace Estela C. Mateo et., al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SURIIN MO


Bakit naiiba ang kuwento na may iisang banghay sa kuwento ng maka-
banghay, at ang kaugnayan ng kuwento sa lipunang Asyano?

Unang Markahan | 4
Maikling Kuwento

Iisang banghay makabanghay

Lipunang Asyano

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SIMBOLO - IUGNAY MO


Ipaliwanag mo ang mahalagang kaugnayan ng kape sa anumang
okasyon. (Maaaring magpakita ng clips tungkol sa kape)

IV. KASUNDUAN

• Basahin at unawain ang maikling kuwento “Ang Ama” na nagmula sa


Singapore.

• Alamin ang kahulugan at pagkakaiba ng denotatibo at konotatibo.

LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ia-b-39)

Unang Markahan | 5
• Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ia-b-39)


• Nabibigyang-kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa
denotatibo o konotatibong kahulugan.

II. PAKSA

PANITIKAN :Maikling Kuwento: “Ang Ama” Isinalin sa Filipino


ni Mauro R. Avena
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google,
sipi ng kuwento
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 Romulo N. Peralta et. al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: HALIGI NG KATATAGAN

a. (Magpapakita ang guro ng iba-ibang uri ng mga poste na yari sa


kahoy , semento, bakal, kawayan, at iba pa. Itanong sa mga
mag-aaral ang kahalagahan ng mga ito sa pagbuo ng anomang
istruktura. Papiliin ang mga mag- aaral ng nais nilang maging
haligi bilang pundasyon, ipaliwanag ang ginawang pagpili.)

b. Tukuyin ang pangungusap na konotatibo/pangungusap na


denotatibo. Ipaliwanag ang kahulugan.
1. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon
na
Unang Markahan | 6
sinorpresa sila ng ama ng kaluwagan-palad nito-sadyang
nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng
pansit guisado.

2. Ang dahilan ay si Mui Mui, otso anyos at sakitin at


palaha- linghing na parang kuting,
ay madalas kainisan ng ama.

3. Walang ano-ano ang kamao ng ama ay bumagsak sa


naka- ngusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabila ng kuwarto kung
saan ito ay nanatiling walang kagalaw-galaw.

4. Dala ng kagandahang-loob , ito ay nagbigay ng sariling


pakikiramay, kalakip ang munting abuloy.

5. Madilim na ang langit at ang maiitim na ulap ay


nagbaban- tang mapunit anumang
saglit, pero patuloy sa pagdarasal at
pag-iyak ang ama.

2. Presentasyon ng Aralin
• Pagpapabasa sa maikling kuwento “Ang Ama”
• Pagsusuri ng mga mag-aaral

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
PAKSA KO - SURIIN MO
Ipaliwanag ang paksa ng maikling kuwentong “Ang Ama”.
Ilahad ang patunay batay sa pagkasuri ng paksa ng akda.

Pangkat 2

KILALANIN MO AKO …
Suriin ang mga tauhan sa akda. Ipaliwanag ang mga ginawa nilang
pagganap bilang mga tauhan.

Unang Markahan | 7
Pangkat 3

HAGDAN NG PAGKAKASUNOD-SUNOD

Sa bawat baitang, isulat sa pamamagitan ng pangungusap ang


mga pangyayaring naganap sa kuwento ayon sa pagkakasunod-
sunod.

Pangkat 4
AWTOR AKO - ESTILO KO ITO
Suriin at ipaliwanag ang estilo ng awtor sa pagkabuo niya ng
maikling kuwento “Ang Ama”. Patunayan ang uri ng kuwentong taglay ng
akda.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)

Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng


Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang gawain miyembro sa
kanilang gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

Unang Markahan | 8
4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Anong uri ng pananabik ang nararamdaman ng mga bata tuwing uuwi


ang kanilang ama ?

2. Bakit may takot na nararamdaman ang mga bata kapag umuuwi ng


mas gabi na at mas lasing ang kanilang ama?

3. Kailan naganap ang pananakit ng ama sa kanyang anak? Patunayan


sa pamamagitan ng pagtukoy kung alin sa bahagi ng kuwento,
binanggit ito?

4. Paano naganap ang mga pagbabago ng ama ng mga bata?

5. Alin sa mga pangyayaring naganap sa akda ang may kaugnayan sa


lipunang Asyano?

6. Sa paanong paraan mapatutunayan na ang maikling kuwentong “Ang


Ama” ay isang uri ng kuwentong makabanghay?

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Unang Markahan | 9
Ang paksa ay ukol sa isang malaki at mahalagang suliranin ng tauhan,
pangunahing tauhan, na kailangan niyang lutasin. Sa maikling kuwento, ang
pundasyon ay ang paksa o theme. Mula sa pagpapakilala ng suliranin, ang mga
pangyayari sa kuwento ay dapat nang gumalaw o lumakad nang mabilis
patungo sa kasukdulan at hahangga sa kakalasan at wakas.
Sanggunian: Retorika sa Kolehiyo Filipino 3 Alcomtiser P. Tumangan, Sr. et. al.

Ang denotatibo ay ang tunay na kahulugan ng salita, samantala ang


konotatibo ay pagpapahiwatig, pagpapakahulugan ng salita/hindi eksaktong

kahulugan ng s alita. Sanggunian: English-Tagalog


Dictionary: L. English C.Ss.R.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: MALALIM NA SALITA - UUNAWAIN KO…

• Paano nakatulong ang paggamit ng awtor ng mahirap na


salita sa pag-unawa ng kabuuan ng kuwento?

• Ano ang kaugnayan ng mga mahirap na salitang ginamit sa


mga madulang pangyayari ng maikling kuwento?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: PROTEKSYON - KARAPATAN MO…


Isa kang mambabatas, bumuo ka ng isang batas na mas higit na
proteksyon ang ibibigay sa mga batang inaabuso ng kanilang ama.
Gamitin ang denotatibo at konotatibong kahulugan.

EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Tukuyin ang salitang


MALI sa pangungusap at pagkatapos ito ay iwasto. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

_____ 1. Gabi nang umuwi ang ama na masamang - masama


ang timpla dahil nasisanté sa kaniyang trabaho sa
gasolinahan.
a. kumpanya b. hotel c. lagarian

Unang Markahan | 10
_____ 2. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na
walang pasalubong at ang mga bata’y magsisiksikan.
a. pera b. pagkain c.alak
.
_____ 3. Alam nila na ang pag-iyak niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama.
a. halinghing b. pagngulngol c. pagsigaw

Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nasa denotatibo o


konotatibong kahulugan.
.
_____ 4. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay
Madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob
pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong kunin uli, para
sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.

_____5. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na


pagmamahal sa patay na bata.

Susi sa Pagwawasto

C - Gasolinahan 2. B – Pagkain 3. A - Pag-iyak

4. Denotatibo 5. Konotatibo

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

Unang Markahan | 11
Alamin ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari.

Unang Markahan | 12
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ia-b-41)


Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari

II. PAKSA
WIKA :Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari
Kagamitan :Pantulong na Biswal; Teksto: Anim na Sabado
ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 Romulo N. Peralta et. al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: HUDYAT NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
Piliin ang tamang pang-ugnay upang mapagsunud-sunod ang mga
pangyayari.

datapwat kaya Dahil sa

ngunit saka

______ nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng


panahon para sa sarili.

______ sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula


nang siyang maging ganap na doktor.

Unang Markahan | 13
______ nagpatuloy si Adrian na pasan-pasan ang ama habang patuloy
ang pagtulo ng kanyang luha.

______ naiwan sa kanya ang pangangalaga ng ama na


noon ay may sakit na ring iniinda.

______ ”Alam kong nais mo akong iligaw sa loob ng


kagubatan,______ Binabali ko ang mga sanga
ng puno para sa pagbalik mo ay hindi ka
maligaw.”

2. Presentasyon ng Aralin

• Pagtalakay sa ginawang gawain ng mga mag-aaral.

• Pagbasa ng “Anim na Sabado ng Beyblade” (bahagi lamang)

• Tutukuyin ng mag-aaral ang mga pang-ugnay na ginamit sa


teksto. Aalamin ang mahalagang nangyari sa loob ng ” Anim
na Sabado ng Beyblade” batay sa teksto.

ANALISIS

1. Ano ang suliraning kinasasangkutan ng pangunahing tauhan sa


tekstong “Anim na Sabado ng Beyblade”?

2. Ano ang pagkakaiba ng sitwasyon ni Rebo kay Mui Mui?

3. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagpapahalaga sa anak na


may sakit sa “Anim na Sabado ng Beyblade”?

4. May pagkakatulad ba ang “Ang ama” sa “Anim na Sabado ng


Beyblade”. Patunayan at ipaliwanag ang iyong sagot.

5. Paano ipinakita ng isang ama sa akdang “Ang Ama” at sa “Anim


na Sabado ng Beyblade” ang kanilang katatagan?

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-


uugnay -ugnay ng mga pangungusap at sugnay.Sa pamamagitan nito,
napagsusunod -sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento
Unang Markahan | 14
ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag
uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devi ces
naman ang tawag sa mga kataga na nag -uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa
paglalahad.

Ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karani - wang


ginagamit sa Filipino: 1. Subalit - (ginagamit lamang kung ang datapwat, ngunit
ay ginamit na sa unahan ng pangungusap; 2. samantala, saka –
ginagamit-pantuwang; 3. kaya, dahil sa - ginagamit na pananhi; Transitional
Devices: 1.sa wakas, sa lahat ng ito - panapos; 2.kung gayon - panlinaw.

Sanggunian: Panitikang Asyano:Romulo N. Peralta et.al.

Ang kuwentong makabanghay ay ginagamitan ng mga pangatnig at


transitional devices. Sa kuwentong makabanghay ang binigyang -diin ay ang
pagkakasunod -sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at
magkakaugnay upang maging matatag at kapani -paniwala. Gaano man ito
kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili -wili nito ay
nakasalalay sa makatwirang pagkakasunod -sunod na makapagpapadulas sa
daloy ng salaysay.

Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Filipino III, Batay sa Kurikulum ng Sekundarya

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GAMIT MO - MAHALAGA…


Bakit kailangan ang mga pangatnig at transitional devices sa pagbuo ng
akda.?

Akda Transitional
pangatnig
devices

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: MAG-RAP TAYO…


Bumuo ng dalawang saknong na tula tungkol sa ama, gamitan ng
mga pangatnig o transitional devices. Bigkasin sa klase ang tula sa
tonong rap.

EBALWASYON

Unang Markahan | 15
Panuto: Punan ng angkop na pangatnig at transitional devices ang mga
patlang upang mabuo ang kaisipan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Pagod siya sa buong araw na pag-aaral__________ pursigido


siyang dapat mapanalunan ang kampeonato. Patay ang lahat ng ilaw sa
paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay isang ilawan sa
covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan. _______, habang
siya’y nakatayo sa spring board ng pool na may taas na tatlumpong talam-
pakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay,
_________ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon.
__________ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na
nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kanya. ________ na
lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng
krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang spring board
at umusal.

Susi sa Pagwawasto

1.Subaluit 2. Datapwat 3. Saka 4. ngunit 5. Kung gayon

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

• Alamin ang kahulugan ng illustrator o layout artist at alamin ang


kanilang gawain.

• Magsaliksik sa internet ng halimbawa ng graphical presentation ng


isang cover ng magasin o komiks.

Unang Markahan | 16
ILIPAT

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ia-b-41)


Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.1 :Graphical Presentation


Kagamitan :Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 Romulo N. Peralta et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: KOMIKS TAYO!
Magdala ang guro ng iba-ibang komiks na may makukulay na illustration.
Ipakita sa mga mag –aaral ang mga komiks upang makita nila ang
magagandang dibuho ng mga larawan na nakabatay sa kuwento.
Kailangang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang nasaliksik tungkol
sa graphical presentation ng isang illustrator.

ANALISIS

Unang Markahan | 17
1. Malinaw bang inilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, daloy ng
pangyayari sa pamamagitan ng ilustrasyon o pagguhit?

2. Umaakma ba ang mga ekspresyon ng mga tauhan batay sa kanilang


mga dayalogo.?

3. May hikayat na dating ba ang pabalat ng komiks?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: HIKAYAT NG DIBUHO


Paano mahihikayat ang mambabasa na tangkilikin ang akda ng mga
mahuhusay na manunulat?

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.

GRASPS

GOAL Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng isang kuwento


gamit ang graphic organizer sa masining na paraan.
ROLE Illustrator o layout artist
AUDIENCE Manunulat, mag-aaral, guro mambabasang
mamamayan
SITUATION Kailangan ng manunulat ng isang illustrator/graphic
artist na gagawa ng graphical presentation para sa
isang pahina ng kuwento.
PERFORMANCE Graphical Presentation ng Kuwento
STANDARDS Hikayat sa unang tingin…………………40 puntos
Kumpleto ang mga elemento…………..30 puntos
(tagpuan, tauhan, banghay)
Pagkamasining…………………………..30 puntos
Kabuuan…………………………………100 puntos

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Presentasyon ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


graphical presentation.

Unang Markahan | 18
5. Pagkilala sa mahusay na awtput ng mga mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

Basahin at unawain ang “Isang Libo’t Isang Gabi” na isinalin sa


Filipino ni Juliet U. Rivera.

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2
Panitikan :Nobela – Saudi Arabia
Teksto :Isang Libo’t Isang Gabi (Isinalin sa Filipino ni Julieta U.
Rivera)
Wika :Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon
Bilang ng Araw :6 Sesyon

Unang Markahan | 19
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ic-d-40)


• Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng pinakamataas
na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi
ng nobela.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB -Ic-d-40)


• Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-I)


• Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda.
PANONOOD (PD) (F9PD-Ic-d-40)

• Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang


pamantayan.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ic-d-42)


• Madamdaming nabibigkas ang palitang-diyalogo ng napiling bahagi ng
binasang nobela.

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ic-d-42)


• Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
sarili.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ic-d-42)


• Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay - opinion (sa
tingin/ akala/ pahayag/ ko, iba pa)

TUKLASIN
I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ic-d-40)
• Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng
pinakamataas na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ic-d-40)

Unang Markahan | 20
• Madamdaming nabibigkas ang palitang-diyalogo ng napiling bahagi ng
binasang nobela.

II. PAKSA

Panitikan :Nobela (Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro


Fransisco; Kabanata 13 “Wala Akong Sala”)
Kagamitan :Pantulong na Biswal, sipi ng teksto
Sanggunian :Banghay - Aralin sa Pagtuturo ng Filipino IV
Bilang ng Araw :1 sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: SA AKING MGA KAMAY…
Itanong sa mga mag-aaral: Paano nila dinadala ang mga problema na
kanilang nararanasan? Sa pagpapaliwanag, simulan sa ekspresyon na:
Sa aking mga kamay……………………….

Gabay na tanong:

a. Paano tinanggap ng mga tauhan ang mga suliraning


nararanasan nila?

b. Bakit kailangang maniwala ang mga tauhan na may pag-


asa pang nakalaan para sa kanila?

2. Pokus na Tanong
a. Paano ipinakita ng pangunahing tauhan ang katatagan ng kanyang
loob sa pagharap sa mga suliraning kanyang kinasasangkutan?

b. Bakit maituturing na ang kahinaan ng pangunahing tauhan ay


naging kanyang kalakasan?

3. Presentayon ng Aralin
Unang Markahan | 21
Mungkahing Estratehiya: TUGATOG NG KATUWIRAN…
Pagpaparinig ng mga piling bahagi ng nobela na nagpapakita ng
pinakamataas na: katotohanan; kabutihan; kagandahan. Mahalaga na
madama ng mga mag-aaral ang damdaming nangingibabaw sa ipinaririnig
na piling bahagi ng nobela.

ANALISIS

1. Ano ang paksa/tema ng Kabanata 13 - “Wala Akong Sala”?

2. Ano-anong damdamin ang nangibabaw sa kabanata?

3. Alin sa mga napakinggan ang nagpapakita ng:


a.katotohanan
b.kabutihan
c.kagandahan

4. Paano ipinakita sa “Wala Akong Sala” na kailangan magpatuloy ang


buhay, anoman ang suliraning kinasasangkutan ng tao?

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang nobela ay kinapapalooban ng mahigit sa isang mahalagang tauhan


at ang mga tauhang ito ay may kani-kaniyang buhay na ginagalawan ayon sa
pagkakalikha ng manunulat. Sa bawat tauhang lilikhain may kaakibat na
pakikibaka at suliranin sa buhay. Ang mga tauhan ay may kani-kaniyang suliranin,
hindi iisa ang kakintalang naiiwan sa mambabasa. Kung minsan sila ay bida at
minsan din ay kontrabida sa bawat isa. Hindi kataka-takang kahit pinapanood o
binabasa ang nobela may pinipili pa rin tayong paboritong tauhan. Idagdag pa
ang nobela bilang isang anyong pampanitikan na sumasalamin sa mga yaman ng
kultura, kaugaliang panlipunan at mga pang-araw-araw na buhay ng karaniwang
tao.
Sa teoryang Humanismo, ay malalim na tinatalakay ang kalikasan ng tao.
Binibigyang halaga ang katotohanan, kagandahan at kabutihan ng tao,
kapupulutan ng magagandang aral na maaaring isabuhay, gayundin
pinararangalan ang pagka-indibidwalistiko ng tao. Ang pinakamahalagang
pinararangalan ang pagka-indibidwalistiko ng tao. Ang pinakamahalagang
bahagi ng pagiging tao sa teoryang Humanismo ay ang kakayahang mag-isip
kaysa iba pang nilalang dito sa mundo.
Sanggunian: Filipino _ H.S.COM.: Batay sa Basic Education Curriculum ni Nimfa de Veluz

ABSTRAKSYON

Unang Markahan | 22
Mungkahing Estratehiya: KAANTASAN NG AKDA - SUKATIN MO!
• Bakit ang katotohanan, kabutihan at kagandahan ay kailangang
maging sangkap ng isang akda?

• Paano malalaman kung ang isang akda ay nagpapakita ng


pinakamataas na kaantasan ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan?

kabutihan
na

katotohanan kagandahan
akda n

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: MADAMDAMING PAGBIGKAS…


Ang magkapares na mag-aaral ay madamdaming bibigkasin ang mga
sumusunod na dayalogo mula sa Kabanata 13 “Wala akong Sala”
• “Kung hulihin na ako ilakad, maipapangako mo sa akin, Ernesto na
di ka iiyak?”

• “Itay!” “Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka, Itay!
Ayoko, ayoko, Itay!”

• “Miss Sanchez! Hindi ko malirip kung paanong naging marapat ang


kaliitan namin sa inyong paningin. Gayonma’y paniwalaan ninyong
buhay ko man ibibigay nang dahil sa inyo!”

• “Utang na loob, Kabo Lontoc, huwag ninyo silang kabitan ng posas


sinasagutan ko sa inyo na hindi sila tatakas!”

• “Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto!” “Gaya rin ng araw, may
dilim at may liwanag ang buhay!”

IV. KASUNDUAN

Basahin at unawain ang nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi”


Alamin ang uri ng tunggalian.

LINANGIN
I. LAYUNIN

Pag-unawa sa Binasa (PB) (F9PB-Ic-d-40)


Unang Markahan | 23
• Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang akda.

Paglinang ng Talasalitaan (PT) (F9PT-Ic-d-40)


• Nabibigyang ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit
sa akda.

II. PAKSA

Panitikan :Isang Libo’t Isang Gabi: (Saudi Arabia) isinalin sa


Filipino ni Julieta U. Rivera
Kagamitan :Video clips, sipi ng teksto, pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9: Romulo N. Peralta et. al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

A K T I B I TI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PAHIWATIG MO - INTERPRETASYON KO!
Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng mga pahayag:

• “Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood”


• “Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang
masaganang pag-agos ng aking luha”
• “Wala siyang tanging masusulingan kundi ang pamilya nasa
tabi niya”
Sanggunian: “Mga Patak ng Luha” Panitikang Asyano 9, Romulo N. Peralta et. al

2. Presentasyon ng Aralin

• Pagpapabasa sa nobela- “Isang Libo’t Isang Gabi”.

• Pagsusuri ng mga mag-aaral.

3. Pangkatang Gawain

Unang Markahan | 24
Pangkat 1
PAHIWATIG MO - ILALANTAD KO!
Piliin ang mga pahayag/dayalogo/usapan ng mga tauhan na
nagbibigay-pahiwatig o di- lantad ang kahulugan.

Pangkat 2
SARILI KO – KATUNGGALI KO!
Isadula ang mga pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang tao
vs. sarili. Maging malinaw sa pagsasadula ng tunggaliang tao vs.
sarili mula sa nobela.

Pangkat 3
KAHINAAN KO…NAGING KALAKASAN KO!
Suriin ang katangian ng babaeng tauhan. Ipaliwanag/ilarawan ang
kahinaan ng babae ay naging kalakasan niya.

Pangkat 4
SA TOTOO…TUNAY NGA!

I-role play ang mga pangyayaring nagpapakita ng antas ng katotohanan,


kabutihan at kagandahan.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman at Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating ang
Organisasyon naipahatid ang ang naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan o nilalaman o nilalaman o nilalaman o kaisipan. (1)
Mensahe kaisipan. (4) kaisipan. (3) kaisipan.(2)
(4)

Unang Markahan | 25
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang ang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang pamamaraan pamamaraang ginamit ng pangkat
ginamit ng g ginamit ng ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa pangkat sa pangkat sa (0)
presentasyon presentasyon presentasyon
(3) (2) (1)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas


Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang ang bawat
(3) bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro miyembro sa
sa kanilang gawain (2) sa kanilang kanilang gawain
gawain (3) gawain (1) (0)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang pinagmulan ng suliranin ng tauhang babae sa nobela?

2. Bakit kailangan ng babae na tulungan ang lalaking napakulong?

3. Sino-sino ang nilapitan ng babae upang matulungan sa paglaya ang


lalaki?

. 4. Bakit maraming nilapitan ang babae sa paghingi ng tulong?


Ipaliwanag.

5. Paano nasolusyunan ang suliranin ng tauhang babae?

6. Kung uuriin ang tunggalian sa nobela, anong uri ng tunggalian ang


ipinakita ng babae? Ipaliwanag.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Unang Markahan | 26
Alam mo ba na…

Ang “Isang Libo’t Isang Gabi” ay kilala rin sa Ingles bilang “The Arabian Nights
Entertainment (tuwirang salin: Arabong mga Gabi ng Paglilibang) ay ang 1,001
kuwentong isinalaysay ni Sharazad sa loob ng
1,001 gabi upang maligtas ang kanyang sarili mula sa kamatayan. Inilahad ito

ng prinsesang naging reyna at asawa ni Shahryar, isang haring nahumaling sa


pagpapatay ng asawa at susundan pagkatapos ng pagpapakasal sa ibang babae.
Mga tradisyunal ang mga kuwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang
Silangan at Dulong Silangan. Nasa Arabe ang unang nakasulat na kopya na
nagawa noong mga 1000 A.D.

Sanggunian: http://tl.wikipedia.org/wiki/AngLIsang_Libo’t_Isang_Gabi
Tao laban sa sarili: ipinakikita ang maigting na paglalabang pangkatauhan ng
pangunahing tauhan. Ang katunggali o kaaway ng

pangunahing tauhan ay ang kanyang sarili. Tao laban sa lipunan: ipinakikita ang
maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang
kinabibilangan. Lipunan ang katunggali ng pangunahing tauhan. Tao laban
saTao: ipinakikita ang kasiphayuan ng isang tao dulot ng kanyang kapwa. Tao
ang katunggali o kaaway rito ng pangunahing tauhan. Tao laban sa Kalikasan:
ipinakikita ang pakikibaka ng tauhan sa kalikasan.

Sanggunian: Filipino_HS.COM IV ni Nimfa de Veluz

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SARILING PAGPAPASYA…

Ano ang mga palatandaan sa tunggaliang tao vs. sarili?


Bakit mahalagang sangkap ng nobela, ang paggamit ng
mga pahiwatig?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TANGING AKO LAMANG…


Sa mga naranasan mong suliranin, alin sa mga ito ang may uri ng
tunggaliang tao laban sa sarili? Paano mo isinagawa ang pakikibaka?
Isalaysay mo ang mga pangyayari. Isulat ito sa scroll.

Unang Markahan | 27
EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawain ang maikling salaysay. Ipaliwanag ang


tunggaliang tao vs. sarili.

_____1-3. Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood. Kinapa


ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Pinayapa ko
ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay isa lamang
panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw. Panoorin nga
ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao. Hinayaan kong
umagos ang luha ko…at ng sumunod na mga sandali sinagot ko rin
ang aking tanong…Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan?
Sa labas ng silid? Ang sagot…. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa
maraming aspeto.. Dahil tayo ay may kani-kaniyang pagkabukod-
tangi.
Bawat bata ay may istilo ng pagkatuto. May kani – kaniyang
katangian at kakayahan.
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 pah.241 ni Romulo N. Peralta et.al.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Tukuyin ang ipinahihiwatig


nito. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____4. ”Payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin sa iyo at


palalayain ko ang iyong kapatid.”
a. pagnanasa b. aalipinin c. paglulutuin

____5. ”Kung hindi ka papaya, makakaalis ka na at huwag mo akong


sisisihin.”
a. pananakot b. panunuhol c.nagagalit

Susi sa Pagwawasto

1-3. Nasa guro ang pagbibigay ng puntos 4. A 5. A


3 - lubhang napakahusay
2 - napakahusay
1 – mahusay

Pagkuha ng Index of Mastery


Unang Markahan | 28
Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

Manood ng teleseryeng napapanood sa kasalukuyan. Suriin ang ginawi


ng tauhan kung paano nakipagtunggali sa mga suliraning nararanasan
niya. Alamin kung paano ipinakita ang tunggaliang tao laban sa sarili.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F9PD-Ic-d-40)


• Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang
pamantayan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ic-d-42)


• Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay–opinyon.

II. PAKSA

Gramatika :Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay-opinyon


Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Teleserye: A Love to Last-Episode:4;2-full episode
https://www.you tube.com/watch?v=hHtUwnRBznw
https://www.youtube.com/watch?v=EHJAf8TDD4&
list=PLpuM10KW1obixWReo7BYu7TAmfMTNLUw. Bilang ng Araw :1
Sesyon

Unang Markahan | 29
III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MANOOD TAYO NG TELESERYE…
Panonood ng teleseryeng ipinalalabas sa kasalukuyan,

A Love To Last

https://www.you tube.com/watch?v=hHtUwnRBznw

https://www.youtube.com/watch?v=EHJAf8TDD4&li st=PLpuM10KW1obixWReo7BYu7TAmfMTNLUw

ANALISIS

1. Ano ang suliraning kinasasangkutan ng mga pangunahing tauhan?

2. Bakit kailangan ng babae na makipaghiwaly sa kanyang asawa?

3. Paano tinanggap ng lalaki ang desisyon ng kanyang asawa na nais niyang


makipaghiwalay?

4. Ipinakita ba sa teleserye ang pakikipagtunggali ng mga tauhan sa


kanyang sarili? Paano ito ipinakita ng mga pangunahing tauhan?

5. Sino sa mag-asawa ang nagpakita ng antas ng katotohanan, kabutihan


at kagandahan?

6. Sa pagbibigay ninyo ng mga opinyon, ano ang mga ekspresyong


ginamit ninyo upang ito ay maituring na isang opinyon?

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Unang Markahan | 30
Alam mo ba na…
Ang isang opinyon ay magiging makatuwiran kung may
pinagbabatayang katotohanan na maaaring mga tiyak na impormasyon,
kaganapan o pangyayari at ebidensyang resulta ng pagsusuri. Ang isang
opinyon ay walang bisa o bigat kung walang kakayahang tumukoy sa
katotohanan, kaya’t masasabing haka-haka lamang. Ito ay nangangahulugang
ang pagbabasa at pag-alam sa mga impormasyon ay mahalaga upang
mapanaligan ang isang ideya. Narito ang ilan sa mga pahayag na maaaring
gamitin sa paglalahad ng isang katotohanan o opinyon:
Sang-ayon sa… Tinutukoy ng… Naniniwala ako na…
Batay sa resulta ng… Ipinahayag ni… Sa aking pananaw…
Ipinakikita ng… Mababasa sa… Sa aking obserbasyon…
Pinatunayan sa… Sa aking palagay… Masasabing
Makikita sa… Sa tingin ko…
Sanggunian: Ang Bagong Filipino Ngayon III: Estrella E. Cruz at Elizabeth C.
Aguilar

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON MO - MAKATUWIRAN BA?


Paano magiging katanggap-tanggap ang isang opinyon? Bumuo ng
makatuwirang pahayag mula sa mga salita sa loob ng wave.

batayan opinyon makatuwiran

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: IPAHAYAG MO… SALOOBIN MO…


Kung ang iyong mga magulang ay magdesisyon na maghiwalay, ano
ang iyong gagawin? Paano mo ito tatanggapin?

EBALWASYON

Panuto: Bumuo ng isang maikling talata na nagpapakita ng tunggalian:


tao laban sa kanyang sarili. Ang sitwasyon ay batay sa pagdami ng mga
kabataang nag-aasawa ng maaga. Gumamit ng mga ekspresyong
ginagamit sa paghahayag ng opinyon.
_________________________________________. ________
______________________________________________________.
_______________________. ______________________________.
______________________________________________________.
Unang Markahan | 31
__________________________________________________.

Rubriks sa Pagwawasto

5 puntos - lubhang napakahusay ng paghahayag ng opinyon


4 puntos - napakahusay ng paghahayag ng opinyon
3 puntos - mahusay ang paghahayag ng opinyon
2 puntos - katamtaman ang husay ng paghahayag ng opinyon
1 puntos - hindi mahusay ang paghahayag ng opinyon

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

Magbasa pa ng ibang akda/ manood ng iba pang teleserye/ mag-alam


ng iba-iba pang impormasyon. Suriin ang tunggaliang tao laban sa
sarili, alinman sa mga ito.

ILIPAT

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ic-d-42)


Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
sarili.

II. PAKSA

Unang Markahan | 32
Pagsulat ng Awtput 1.2 :Pangyayaring Nagpapakita ng tunggaliang
Tao vs. sarili
Kagamitan :Pantulong na biswal, video clips, laptop
Sanggunian :Panitikang Asyano9:Romulo N. Peralta et.al.
Filipino III H.S. COM.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: SURIIN MO…
Pagsusuri ng mga mag-aaral sa isang pangyayari mula sa nobelang “Canal
de la Reina”

ANALISIS

1. Bakit inagaw ni Ingga ang bayong kay Nyora Tentay?


2. Ano ang laman ng bayong ng Donya?
3. Paano naipakita ni Ingga ang tunggaliang tao laban sa sarili?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: MGA SUSING SALITA


Mula sa mga susing salita, bumuo ng mahalagang kaisipan sa araling
tinalakay.

kabutihan kilos kapwa antas katotohanan


APLIKASYON
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS.

GRASPS

GOAL Nakasusulat ng isang sinopsis ng isang nobela.


ROLE Nobelista
AUDIENCE Manunulat, mag-aaral, guro, mamamayan

Unang Markahan | 33
SITUATION Pararangalan ng Carlos Palanca Awards ang
pinakamahusay na nobela.
PERFORMANCE Pasusumite muna ng sinopsis ng nobelang isinulat
STANDARDS Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ………………………40%
Pagkamakatotohanan ng mga tauhan ……30%
Kaangkupan ng tagpuan ……………………30%
Kabuuan 100%

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat ng sinopsis ng nobela.

IV. KASUNDUAN

• Basahin ang tulang naglalarawan – “Kultura: Pamana ng


Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan”.

• Paano naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t


ibang paraan at pahayag.

Unang Markahan | 34

You might also like