Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Leonardo da Vinci

Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), ay


isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto,
embalsamador, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor.
Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na
mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.
Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "da Vinci" na
nangangahulugang "mula sa Vinci" — ay naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at
iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", ay nangangahulugang
"Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo dahil sa kanyang mga pinintang
larawan, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit
katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensiyon na pinangunahan ang
makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, calculator, atbp.,
bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa
nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang
mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pinta niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa
kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga
tanda.
Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. (ipinanganak noong 5 Marso 1981) ay isang guro at
panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen
Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa
pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng paaralan sa mga hindi kinakaugaliang lugar tulad ng
sementeryo at mga tambakan ng basura.[1]

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr.ay ipinanganak noong 1981 bilang pangalawang anak nina Efren
Peñaflorida Sr., isang traysikel drayber, at Lucila Geronimo, maybahay.[3]Nagsimula ang pamilya ng
isang maliit na negosyong pansitan para makasapat sa kanilang pangangailangan.[3] Lumaki si Efren
sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng basura, naglalaro sa gitna ng mga basura at naliligo sa
maruming tubig.[3] Malimit siyang inaapi ng kanyang mga kapitbahay.[3]
Nagtapos si Peñaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarsip at tulong pinansiyal,
at nagkamit siya ng ilang mga parangal at gawad sa klase.[3] Taong 2000, nagtapos siya sa San
Sebastian College - Recoletos na may degree sa Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na
karangalan.[3] Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan
nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa kursong Mataas na Edukasyon.[3].
jose rizal
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani
at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang


anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma
sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at
nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Parisat Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-
ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang
nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal,
na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa
ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong
pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang
ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya
sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga
mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging
maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni
Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim
ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno
Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan noong 2012. Dati ring kasapi si Robredo
ng Partido Liberal.
Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng
Naga sa Camarines Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong
siya'y ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala
sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon
Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa
Pilipinas na ginawaran ng ganitong parangal.
Noong 18 Agosto 2012, ay nag Crash ang eroplanong sinasakyan ni Kalihim Robredo sa may
pampang ng Lungsod ng Masbate.[2]Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang
anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG, sumaklolo ang piloto ng
eroplano sa Paliparan ng Masbate upang humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang
paglapag ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang paliparan at lumapag ito sa
dagat.[3][4] Nakunan naman ang bangkay ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang
aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat. 
Tinalo ni Dr. Josette Biyo ang 4,000 magagaling na guro mula sa iba’t-ibang bansa sa daigdig (pati mga
“finalist” na guro sa America kahit pa sa kanilang bayan ginanap ang awarding ceremony). Ipinangalan sa
kaniya ang bagong natuklasang planeta. Gayun din naman ay ipinangalan kay Dr. Roman Kintanar (Scientist)
ang isang “asteroid” na umiikot sa planetang Mars at Jupiter.
LAMAN siya ng halos lahat ng pahayagan nang magtapos siya noong Marso
24, 2001 sa Ateneo de Manila University bilang batch valedictorian at summa
cum laude ng kursong Bachelor of Science, Major in Mathematics, Minor in
Actuarial Science. Siya sa Roselle Rodriguez Ambubuyog, 22, maganda,
matalino, mabait at isang bulag.

Pagkaraan ng halos isang taon at kalahati ay binalikan siya ng Kabayan


upang kumustahin at muli ay isang magandang ku-wento ang aming nakalap.
Matatapos na niya ang kursong Masters in Applied Math, Major in Actuarial
Science sa University of the Philippines bilang university scholar at balak na
niyang mag-trabaho sa isa sa pinakapresti-hiyosong insurance company sa
bansa habang tinatapos ang kanyang thesis. Katuna-yan, may offer siya sa
apat na pinakama-lalaking insu-rance company sa bansa at pinag-iisipan niya
ngayon kung saan siya tuluyang magta-trabaho. 
Gerardo Gamboa
Rizal Peralta Gutierrez,

Hindi naging hadlang para kay Rizal Gutierrez ng Apalit, Pampanga ang
kaniyang facial deformity upang ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta.

Sa ulat Bernadette Reyes sa 24 Oras, ilan lamang sa mga obra ni Rizal na


hinahangaan ng mga netizen ay ang mga larawan nina Pangulong Rodrigo
Duterte, news anchor na si Mel Tiangco at dating bokalista ng banda na si Ely
Buendia.
Isa si Sheryll Borromeo Rillorta, 38 taong gulang na naninirahan sa bayan ng Gloria,
Oriental Mindoro ang kakikitaan ng pag-asa sa buhay dahil sa kaniyang mga ngiti at
makataong pakikitungo sa kapwa ay tunay na kabigha-bighani. 

Sa kabila ng kanyang kapansanan na ipinanganak na pre-mature (six months) at hindi-


na-develop ang kanyang pelvic bones at tatlong buwang naka-incubator matapos
ipanganak, nananatiling matatag, matiyaga at mapag-tiis sa hamon ng kapalaran.

Ang kapansanan para kay Sheryll ay naging hamon sa kanyang buhay upang
magpursige at maipakita sa mga tao na ang may kapansanan ay may kakayahan din at
sariling paninindigan.

You might also like