Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

National greening

program
“Ang matatag na puno ay pinagtibay ng panahon,sinuon ang matinding
bagyo at tumayong mataas sa kabila ng mga unos” ang mga puno ay isa
sa mga ating kasama sa mga sakuna tulad ng bagyo,ngunit anong
mangyayari sa atin kung ito ay tuluyan ng maubos ??

Ang pagkawala ng mga puno ay nagreresulta ng ilang kalamidad na


nagbubunga ng pagkawala ng maraming buhay,tulad na lamang ng
landslide,storm surge at baha.Illegal logging,pagmi mina at pagpuputol
ng mga mangrove ang dahilan.Na nagsa sanhi kaya tumataas ang
bahagdan ng air pollution sa mga nakalipas na mga taon.Dahil dito
naglunsad ang DENR ng isang programa na magiging paraan sa
pagpaparami ng puno.Ang National Greening Program.Ang layunin nito
ay makapagtanim ng mga puno sa mga kabundukan,mismo ang mga tao
sa lugar na iyon ang gagawa.Nakatulong na sila sa kalikasan,nabigyan pa
sila ng trabaho.Kaya ang mga dating mag-uuling at nag trotroso ay is ana
ngayon sa mga nag-aalaga at nagpaparami ng puno sa mga
kabundukan.Ang kanilang kikitain ay ang kanilang pera o hindi kaya pam
paaral sa kanilang mga anak.Ang DENR rin ay nakikipagtulungan sa LGU
ng Region 5 upang ma rehabilitate at ma reforest ang ilang parte nito.Ito
ay ginagawa para magkaroon ng isang malinis at maayos na komunidad
at para na rin makatulong sa pagpapayabong ng mga yamang gubat.

Ang ating kalikasan ay iisa lamang,kaya huwag nating sisirain at


bababuyin.Sapagkat ang kalikasan ay ating kasama sa mga kalamidad na
ating hinaharap.Sa halip na magputol ng mga puno,hindi ba’t mas mainam
na magtanim at magparami nito,nakatulong ka na sa
kalikasan,nakatulong ka pa sa mga mamamayan sa inyo.

You might also like