Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay isang asignatura sa Senior High

School na naglalayong linangin ang kasanayang komunikatibo at kasanayang pampanaliksik ng


mga estudyante habang pinalalalim ang kanilang kaalaman sa mga konseptong pangwika at ang
kanilang pagkaugat sa sariling kultura bilang mga Pilipino. Nahahati ito sa dalawang yunit: ang una
ay nakatuon sa mabisang komunikasyon samantalang ang ikalawa ay sa wika, wikang Filipino, at
sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
Sa modyul na ito, pagyayamanin ang pag-unawa ng mga estudyante sa mga konsepton,
elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa kulturang Pilipino, gayundin ang pag-unawa
nila nang may masusing pagsasaalang-alang sa mga lingguwistiko at kultura na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

You might also like