Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALIKHAING PAGSULAT

Grade Level: Grade 12

Quarter Content Performance MELC DURATIO


Standards Standards N
Quarter 1 Nauunawaan Ang mag - Natutukoy Isa hanggang
ng mag-aaral aaral ay ang dalawang
ang pagbuo makakasulat ng pagkakaiba araw.
ng imahe, maiikling talata ng
diksyon, mga o mga vignette makathaing
tayutay at na gumagamit pagsulat sa
pag-iibaiba ng iba pang
(variations) diksyon,pagbuo anyo ng
ng wika. ng imahe, mga pagsulat.
tayutay at mga
espesipikong
karanasan.

1
UNANG LEKSYON

Ang Pagkakaiba ng Teknikal sa Malikhaing Pagsulat

M ay dalawang uri ng pagsusulat, teknikal o academic at Malikhain o


Imaginative. May pagkakaiba ba sila? Siyempre meron!

Ano ang Teknikal na Pagsusulat?


Ang teknikal na pagsusulat ay basically nagbibigay ng impormasyon,
direksyon at direkta sa punto. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay research
paper, news, textbooks, user manual ng gadgets at mga recipe ng mga lutong
mahirap lutuin., ala Chef Ramsay.

Eh ano naman ang Malikhaing Pagsulat o Imaginative?


Simulan natin sa pagbibigay ng mga examples. Unang-una sigurong
maiisip niyo ang TULA. Well, tama kayo diyan. Kagaya nito:

Katha ito ni Allan Popa. Isa sa mga hinahangaang makata sa ating


makabagong panahon. Ngayon, kung babasahin natin ang tula niya, ano ang
mapapansin ninyo? Malalim ba? Mahirap bang intindihin? Kung oo ang sagot
niyo. Tama na naman kayo ulit. Pero yung lalim ng tula ay maaari ding iugnay
natin sa pagiging “masining” nito”. Ang pagiging masining ng Tula o artful na
pagkagawa ay isang katangian ng isang Malikhaing Pagsulat. Paano nagiging
masining? Una ay ang paggamit ng mga tamang salita o yung “diction”.

2
Pangalawa paggamit ng mga Tayutay o Figure of Speech at iba pang elemento
ng Tula. Matatalakay natin sa mga susunod na leksyon ang mas maliwanag pa
sa noo kong pagpapaliwanag tungkol sa mga Tula.

Ang Malikhaing Pagsulat ay tinatawag ding Imaginative. Bakit? Kasi ang


isang writer magaling mag-imagine yan. Naiisip niya ang mga bagay na hindi
naiisip ng ibang tao. Nakakalikha sila ng isang alternatibong mundo. Ano ang
alternatibong mundo? Ito yung mundong likha ng imahinasyon ng writer.
Halimbawa, kung napanood niyo o nanonood kayo ng Naruto “Siya Pa din
Huhuhu” este Shipuuden, ang “setting” niya ay sa mundo ng mga Ninja-may
Fire, Wind, Rain at Sand Country sa story. Sa Hunter X Hunter naman, ang
“setting” niya ay sa isang lugar ng mga Hunters (gumagawa ng mga delikadong
misyon). Tinatawag din natin itong (ang alternatibong mundo) na “Fictional
Universe”.

Katulad ng mga Maikling Kuwento o Nobelang nabasa niyo na sa


Wattpad o sa mga printed materials o E-book, may mga piksyonal na karakter
na nalilikha sa bawat malikhaing akda. Halimbawa, piksyonal ang karakter ni
Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere at nagbalik siya bilang si Simoun Ibarra
sa El Filibusterismo na kapuwa Nobela ni Rizal. Si Ace” Supremo” Craige sa
Hell University. Si Deib at Maxpein. Si Romeo at Juliet o Si Florante at Laura.

Sa dami ng sinabi ko, may naiintindihan ka ba o naiintindihan mo pa ba


siya? Kung mang-aakit akit ka na naman, puwede bang sa akin akin lang?
Tsarot.

Okay let’s wrap it up.

Ang ilan sa mga katangian para masabi natin na Malikhain o Imaginative


ang isang akda ay:

 Gumagamit ng mga tayutay


 Gumagamit ng tamang mga salita o diction
 May mga piksyunal na karakter (Although ibang usapan naman sa
Non Fiction)
 Lumilikha ng alternatibong mundo

Higit nating mauunawaan ang pagkakaiba ng teknikal at malikhaing


pagsulat sa pagpapatuloy ng ating leksyon. Kung tapos niyo na itong basahin at
naintindihan niyo na, magpahinga ka muna at habang nagpapahinga ka sagutan
mo ang activity sa next page. Lab yu.

3
Pangalan: _________________________________ Section/ Strand:
______________
Petsa: ___________________ Iskor: ______________

GAWAIN 1. Try natin kung may naintindihan ka nga.

Panuto: Sagutan mo ito dito! Isulat ang T kapag technical writing ang tinutukoy
at C kung Creative. Ilagay ang sagot sa mga patlang.

____1. Si Januz Silang at ang Lihim ng Santinakpan.

____2. Balita sa Philippine Daily Inquirer.

____3. Editorial sa Abante.

____4. Ibong Adarna.

____5. Impeng Negro.

____6. Research mo sa Practical Research.

____7. Module mong hindi mo naman binabasa.

____8. Libro ng Recipes

____9. Listahan ng pautang ng Bombay.

____10. Ang Biblia.

Pahabol na paalala. Sagutan mo ito nang tama at please lang huwag ka


mangopya sa classmate mo ha? Bad po yun!

You might also like