Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HALIMBAWA NG PERSONAL NA SANAYSAY

ISTORYA NG PINTO

Nagdaan ang araw ng mga puso.kumikita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan
ng kapote at tindahan ng balot sa kanto.malaki rin halos kinita ng mga sinhan,restawran at
mga motel maging ang mga pabriks ng tsokolat at stationary.Ang ligayang dulot ng
valentine’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng
kahit kaunting saya ang pagbibigyan.hindi mahalagang ang regalo.mas mahalaga ang pag-
aalala ng nagbigay sa binigyan.at ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong
pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng
magsing-iro.Ang mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa.and love is in the air

Kagaya ng mga nagdaang umaga,nagising ako kasaba ng tilaok ng manok sa


kapitbahay.Sinalubong ako ng malamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng
bahay.madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa
lugar na ito.

‘’wala pa kaming isang taon na nakalipatdito sa lugar na ito.Iba ito sa lugar kung saan ako
hinasa ang aking tari at kalyo.Sa lugar na kinalimutan ko,hindi natutulog ang oras.laging
maingay,laging magulo,libangan ng tao ang makipag-awa sa kapitbahay.

Ngunit sa kabala ng maingay at makulit na kapaligiran nito,natutunan kong mahalin ang


lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw.
Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang say’at ligaya na dulot ng
pagsasamahan.laging masigla ang buhay.Gigising kang masaya at matutulog na may ngita sa
labi habang sinasanay ang sarili sa pagtatanggap sa mga aberya.

Narito kami ngayon sa lugar na kahit sa panaghinip ay hindi naglalaro kahit sandal.Tangay
sa paligid ang katahimikan a sa umaga’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng
hangin.okay na rin kahit paano.Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng
ingay ng Maynila.Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga
tao.wala sa puso ng laging nagmamadaling lungsod.
Sanaysay na Pormal
Tungkol sa Kapaligiran Global Warming sa Pilipinas
–Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung
ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong
pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang
sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon. Patuloy na nasisira ang ating
kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito
sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay
nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at
atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga
eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging
sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting
nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s
rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya
na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang
nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang
ang makapasok sa ating atmosphere. Sa isyu ng global warming, napakahalaga na
pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong
paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng
unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil
fuels. Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming.
Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi
natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang
maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang
na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki
ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran.
Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating
kapaligiran.

You might also like