Q1 SCIENCE LAS - WEEK5 Checked 9 13 22

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________ Baitang/Seksyon:_______________ Asignatura:

Science 3 Guro: _____________________________ Iskor: ___________


Aralin : Quarter 1 ; Week 5; LAS 1
Pamagat ng Gawain : Pagbabago ng Liquid tungo sa Gas
Layunin : Mailalarawan mo kung ano ang mangyayari sa tubig
kapag ito ay pinaiinit o tumaas ang temperatura.
(S3MT-Ih-j-4)
Sanggunian : Science MELCs, Science 3 SLM Module 5
Manunulat : Gretchen Rose L. Billanes
Editor ng Nilalaman : Gladys P. Viola, MT-II
___________________________________________________________________________________

Konsepto ng Aralin:
Ang evaporation ay pagpapalit ng anumang substance mula liquid tungo sa gas dahil sa
init o pagtaas ng temperatura. Dahil dito, hindi nawala ang tubig kundi ito ay naging gas na
tinatawag na singaw o vapor na humalo sa hangin patungong atmospera.
Tumataas ang temperatura ng tubig kapag pinainit. Sa kalaunan ay binabago nito ang
kalagayan mula sa liquid at magiging gas kapag kumukulo. Samakatuwid, ang dami ng
pagbaba ng tubig ay dahil sa evaporation na nabubuo kapag ang liquid ay nabago sa gas.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.
1. Ano ang mangyayari sa dami ng tubig sa isang palanggana kapag inilagay
sa ilalim ng init ng araw?
A. Ito ay mananatili ang dami ng tubig. B. Ito ay madadagdagan.
C. Ito ay mag-iiba ang kulay. D. Ito ay kukunti
2. Kung naglagay ka ng isang tasang tubig sa isang takure at nilagay ito sa
apoy ng sampung minuto, ano ang mangyayari sa tubig?
A. Ito ay iinit. B. Ito ay lalamig.
C. Ito ay matutunaw. D. Ito ay mag-evaporate.
3. Bakit ang antas ng dami ng tubig ay bumababa pagkatapos pinainit o
pakuluan?
A. Dahil ang tubig ay nagiging vapor.
B. Dahil tumataas ang temperatura.
C. Sapagkat ang tubig ay humalo sa hangin.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Nagpapakulo ka ng isang basong tubig sa takure nang biglang tumunog
ang telepono. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung iwanan mo ang
tubig na kumukulo ng mahabang oras?
A. Ang tubig ay aapaw. B. Ang tubig ay magiging vapor.
C. Ang tubig ay magiging yelo. D. Ang tubig ay patuloy na kumukulo.
5. Nais mo na ang iyong basang medyas ay matuyo nang mabilis, saan mo
dapat ibitin ang mga ito?
A. Sa ilalim ng init ng araw. B. Sa ilalim ng puno.
C. Sa loob ng bahay. D. Sa loob ng silid.

You might also like