Esp 8 - Week 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

LEARNING ACTIVITY NO. 1


Third Quarter
Activity Title: Paggalang sa mga taong may awtoridad
Learning Target: Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa may awtoridad dahil
sa pagmamahal sa malalim na pananagutan. EsP8PBIIId-10.3

References: Garcia,et al,Pasig City Division,ESP 8-Q3 SLM 15, Pp. 4-16
(Author, Title, Pages)

Bakit kailangan ng mga awtoridad (magulang at may kapangyarihan) na


mag-pairal ng mga patakaran o alituntunin.

Una, dapat maunawaan na ang pagbibigay ng patakaran ay tanda ng pagmamahal ng


magulang sa anak, ng mga guro sa mag-aaral o ng lider ng bansa sa kaniyang kababayan.
Ikalawa, pananagutan ng namumuno na turuan at pangalagaan ang kanilana kasapi.
Ikatlo, kailangan ang mga patakaran sapagkat hindi pa kaya ng isang bata o kabataan
na turuan at disiplinahin ang sarili.

Bilang isang kabataan, gampanan mo ang pagsunod sa mga nasa kapangyarinan. Ang
pagsunod sa kanila ay isang mabuting daan tungo sa kaayusan at pagsasabunay
ng iyong panangutan bilang bahagi ng iyong pamilya at pangkat.

Ano ang sinasabi ng Bibliya sa awtoridad


sa ng mundo?

a. Ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo, kaya't siya ang
pinakahuli at katas-taasang awtoridad-

b. "Ang lupa ay sa Panginoon at sa lahat ng nandoon, ng mundo, at ng lahat na


naninirahan dito."
(Awit 24: 1)

Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng mga bansa. Pinangangasiwaan niya ang lahat.

P a g e 1|3
Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga taong may
awtoridad (ayon kay Wolff, n.d.)

P a g e 2|3
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may
awtoridad.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

3. Maging halimbawa sa kapwa.

4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay


magiging kaaya-aya para sa iyo.

Iba pang p agpapakita ng Paggalang sa Awtoridad

1. Sundin ang kanilang patakaran at payo.


2. Magsalita at makipag -usap nang maayos.
3. Makinigi.
4. Huwag magsalita kung hindi Nararapat.
5. Huwag silang siraan sa iba.

Tandaan:
Upang kusang maibigay ang paggalang, sa sinumang namumuno ay kailangang mapanagutan din
sa paggamit ng kanilang awtoridad. Kailangan sila rin ay magpakita ng paggalang sa iyo bilang isang
indibidwal ay isinasaalang-alang ang iyong kabutihan sa lahat ng patakaran at disiplina sa kanilang
mga ipinapatupad.

Mga Gawain:
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang mga taong kinikilala mong may awtoridad sa bawat lugar at itala ang paraan
ng pagpapakita ng iyong pagsunod at paggalang sa kanila.

Mga lugar May awtoridad Paraan ng Pagsunod at Paggalang


Halimbawa
Mga Magulang Sundin ang kanilang payo at patakaran.
Tahanan

Gawain 2
Gumawa ng sariling panalangin upang maisabuhay mo ang birtud ng pagsunod at paggalang sa
awtoridad.

P a g e 3|3

You might also like