Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 1

Metalinggwistik na Pagtatalakay ng Wikang Filipino

*Mahalagang Konsepto ng Wika

- ang wika ay may sariling kaangkinan at kakanyahan.

- higit na mabisa ang wika kung ito'y patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng
bayan, edukasyon, lipunan, pulitika, pamahalaan, relihiyon, kultura, komunikasyon at iba pang
larangan.

* Wika

- ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento,
maaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao.

- ayon kay Emmert at Donogby ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na bumubuo ng mga
tunog o kaya'y pasulat na bumubuo ng mga titik na mag-uugnay sa mga kahulugang nais ibahagi sa
tao.

- ayon naman kay Henry Gleason ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang arbitaryo.

* Kalikasan ng Wika

1. Ang wika ay may tunog - ang lahat ng wika ay may sariling tunog.

2. Ang wika ay may sistema - lahat ng wika ay may sariling istruktura o balangkas na sinusunod.

3. Ang wika ay arbitraryo - ang bawat wika ay may kanya-kanyang sariling paraan o sistema kung
paano gamitin.

4. Ang wika ay ginagamit - ang wika ay dapat gamitin upang mapaunlad, pasalita o pasulat man
upang makaagapay sa panahon na kanyang kinalalagyan.

5. Ang wika ay pinipili at isinasa-ayos - kinakailangang kilalanin kung sino ang ating kinakausap o
tagapakinig upang maiangkop t mapili ang wika o salita na gagamitin.

6. Ang wika ay kaugnay sa kultura - nababakas ang panahon, kaunlaran at kabihasnan ng bayan sa
pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamamayan.

7. Ang lahat ng wika ay naghihiram - walang dalisay o purong wika sa daigdig, ang lahat ng wika ay
nanghihiram upang madedelop ang talasalitaan at maka-agapay sa pag-unlad ng bansa, siyensya at
teknolohiya.

* Katangian ng Wika
1. Ang wika ay dinamiko at nagbabago - lahat ng wikang buhay, ay patuloy na nagbabago,
umuunlad at nadadagdagan ayon sa panahon.

2. Ang wika ay may antas o lebel - ang wika ay may antas gaya ng balbal, lalawiganin, kolokyal,
pampanitikang lingua franca, pormal at di pormal.

3. Ang wika ay makapangyarihan - ang wika ang nagtatakda ng kilos ng tao, nagtatakda ng panahon
o paraan.

4. Ang bawat wika ay may sariling kaangkinan - ang wika ay may sariling kilos, galaw at tuntunin.
May mga wika na magkahawig ngunit walang wika na magkatulad.

Halimbawa: (Usapan sa sasakyan)

Tanong: Magkano ang City Hall?

(Magkano ang pamasahe hanggang City Hall?)

Sagot: Sampung piso lang.

Tanong: Ilan ang dalawampung piso?

(Ilan ang magbabayad o mamasahe sa dalawampung piso?)

Sagot: Dalawa lang.

- Makikita sa ganitong usapan na sila ay nagkakaintindihan.

5. Ang wika ay komunikasyon - ang wika ang pinakamabisang gamit sa komunikasyon dahil
naipapahayag ang ideya, kaisipan, kaalaman at damdamin sa pinakatiyak at pinakasimpleng paraan.

* Pangunahing Kahalagahan ng Wika

1. Ang wika ang kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan. Mahalaga ang wika sa larangan ng
edukasyon upang mapaunlad ang sarili at mapalawak ang kaalaman.

2. Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon, madaling magpahayag ng damdamin


at kaisipan ng tao malayo man o malapit ang taong kausap.

3. Ang wika ang daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng bayan. Ilang beses na napatunayan ng mga
Pilipino na ang wika ay susi ng pagkakaisa ng bayan.

4. Ang wika ang lumilinang at nag-iingat ng kultura at kasaysayan ng bansa. Nababakas ang
panahon, kaunlaran, karanasan at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng
mamamayan, ito ay totoo sa lahat ng wika.

5. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bayan. Sa wika nababakas ang kaunlaran ng bayan at ang
pagsulong ng pamumuhay ng mga mamamayan.
* Tungkulin at Gamit ng Wika

- Batay sa tsart na ginawa ni Gordon Wells ipinakita ang (5) limang tungkulin o gamit ng gamit.

Tungkulin ng Komunikasyon Gawi ng Pagsasalita

(Function of Communication) (Speech of Communication Arts)

A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba Pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi,


pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala.
(Controlling Function)

B. Pagbabahagi ng damdamin Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon sa pahayag,


paglibak, paninisi at pagsalungat.
(Shared Feelings)

C. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtutukoy,


pagtatanong at pagsasagot.
(Information)

D. Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro,


pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin at iba pa.

(Ritualizing)

E. Pangangarap/paglikha Pagkukwento, pagsasadula, pagsasatao at paghula.

(Imagining/Creating Function)

You might also like