Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Gatdula, Vincent C.

GE13 TTH 5:30 August 23, 2022

Awiting Bayan
- Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahing-bayan ay isa sa mga uri ng
sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ang awiting-bayan ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang
binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Example ay Magtanim ay di
biro sa awiting-bayang ito,ipinaparating na ang pagtatanim ng palay ay hindi
madaling gawain. Ang trabahong magsasaka ay hindi biro kung kaya’tdapat
nating pahalagahanang bawat butil ng bigas. Gayundin, dapat natinkilalanin ang
mga magsasaka at huwag maliitin dahil ang agrikultura ay mahalaga sa ating
ekonomiya. Naghahatid ang mga awiting bayang ito ngmensahe at aral.
Pangalan: Gatdula, Vincent C. Petsa: Sept 1, 2022

Kurso at Taon:BSIT 3rd Sabjek at Skedyul: GE13 TTH 5:30

Gawain 2
Panuto: Basahin ang akdang Miliminas at itala sa ibaba ang pagkakapareho at pagkakaiba nito
sa kasalukuyang mga pangyayari at sitwasyon sa Pilipinas.

Miliminas Pilipinas
1 Pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Ang karagatang pasipiko at bansang
Dagat pasipiko bago pa nagkaroon ng nakahimlay sa rehiyong tropiko.
malawakang malaking pagbaha.
2 Ang mga baril ng mga alagad ng Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong ay
katiwalian ay paltik. hinihuli at pipatawan ng salang illegal
possession of genuine firearm.
3 Ang batas, kultura at pag-uugali ay hindi Malaya ang mga mamamayan na pumili ng
makatarungan at hindi karapat-dapat kanilang kasuotan na walang kaakibat na
parusa.
4 Pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo ng may 100 kilometro ang layo mula sa
higit sa pitong libo at dalawang daang kontinente ng Asya. Taglay nito ang
mga pulo. tinatayang 7,107 pulo, na mahahati sa
tatlong bahagi Luzon, Visayas, at
Mindanao.
5 Ang mga pulitiko at ang kanilang kampon Dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang
ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa magdadala sa kanilang kaluluwa sa
panahon ng kampanya at eleksyon. impyerno.
6 Ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos
likod para sa bawat gatas o milk na ng pulong ng grupong itong ng mga
tatanggaping suhol sa kanyang mga kabataan ng tinatawag nilang dungis ng
transaksyon. lipunan.
7
8
9
10
Kabuuang konklusyon:

Tinatawag na Miliminas ang pangkat ng mga pulo sa Dagat Pasipiko. Halos katulad rin
ang bansang ito ng Pilipinas lalo na sa mga taong naninirahan. Iyon lamang, iba ang
kanilang batas na sinusunod. Kabalintunaan ito ng mga batas na nakasanayan natin.
Isa sa mga kakaibang batas na kanilang sinusunod ay ang pagpapatakbo ng sasakyan
sa kalsada. Hindi maaari sa kanila ang mabagal kaya naman overspeeding ang pinaiiral
nila. Hinuhuli ang hindi mag-o-overspeed. Ang kanilang mga pamilihan din ay tinatawag
na super blackmarket. Ipinagbibili rito ang mga produktong nakaw at mga peke.
Hinuhuli at pinarurusahan ang mga negosyanteng nagtitinda ng mga totoo o genuine na
produkto. Pinahihintulutan din ng kanilang batas ang pagkitil ng buhay ng iba, ang
pangangaliwa o pagloloko sa asawa. Imbes din na Diyos ang kanilang sinasamba,
naniniwala sila kay Santasa. Buwaya rin ang tingin nila sa mga politko, pero taliwas sa
paniniwala natin sa Pilipinas, ang buwaya ay sagrado at tinitingalang tao. Kung sasapit
ang eleksiyon, ang mga ito ay magkakaroon ng isang paghaharap ngunit imbes na
magpalitan ng kanilang mga plataporma, ay magbabatuhan na lamang sila ng putik sa
ibabaw ng entablado. Ipinagbabawal sa kanilang bansa ang pagdaraos ng pulong ng
mga kabataan na kung tawagin nila ay dungis ng lipunan. Pinarusahan sila ng Santasa
kaya naman lumalakas ang ulan at nagkabaha, pumutok ang bulkan, at gumuho ang
Miliminas.
Pangalan: GATDULA, VINCENT C. Petsa: September 09, 2022

Kurso at Taon: BSIT – 3RD YEAR Sabjek at Skedyul: GE13 5:30-7:30TTH

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO


Pamagat: Tata Selo

Manunulat: Rogelio Sikat

Uri ng akda: Maikling Kwento

Link: https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html

A. Buod
Ang kwentong Tata Selo ay tungkol sa isang matanda na naghangad lamang na
makapagsaka sa kaniyang dating lupa na naibenta dahil sa pagkakasakit ang
kanyang asawa. Dahil sa kahirapan, hindi na niya ito nabawi kaya nakiusap na
lang siya kay Kabesa Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.
Ngunit isang araw, sapilitan siya pinaaalis ni Kabesang Tano dahil may iba nang
magsasaka sa kanyang dating lupa. Hindi siya pinakinggan sa kanyang
pagsusumamo. Sa halip, sinaktan pa siya nito. Nagdilim ang kanyang paningin at
nataga niya si Kabesang Tano na ikinamatay nito. Nakulong si Tata Selo. Sa
bandang huli, pinagsamantalahan pa ng alkalde ang anak ni Tata Selo na si
Saling. Nanlulumo man ay wala na silang magawa. Nanaig ang hustisya ng mga
mayayaman.Kaya inabuso si tata selo dahil mahirap siya wala siyang
pansalaban kase may mga armas ang kanyang mga kalaban maliban sa kanya
wala siyang armas.

B. Tauhan
B.1. Tata Selo

B.2. Kabesa Tano

B.3. Saling
C. Tagpuan
C.1. Iskated, Munisipyo, Sa Bukid Banghay

D. Banghay
D1. Panimula
Sa bakuran ng munisipyo ng kaumagahan ay nagkukumpulan ang mga tao sa
kadahilanangkumalat ang balita na si kabesang tano ay pinatay at tinaga ni Tata
selo na isang magsasaka at ngayoy nakakulong sa istaked na ngayo’y
pinagkakaguluhan ng mga tao na tila di makapaniwala sa nangyari. Nang
tanungin kung bakit nagawa ni tata selo ang ganungbagay ay sinabi niyang
babawiin daw ang saka at nagpaliwanag na ni kailanman ay di niyadinaya sa
partihan ang kabesa at siya lamang daw ay kasama at dinugtong pa nito
namadaming tao ang nagagalit sakanya pagkat di siya nagbibigay ng kahit isang
pinangko sa tuwing siya’y umaani.

D2. Sulyap sa Suliranin


Ang pagpapaalis ng kabesa kay Tata Selo sa sinasakahan nitong lupain. At ito’y
naging sanhi ng pagkitil ni Tata Selo sa buhay ni Kabesang Tano.

D3. Tunggalian
D3.1. Tao laban sa - Dahil nang nalaman ng taumbayan na napatay ni Tata Selo

ang kabesa, ay hinusgahan na kaagad nila ang matanda.

D3.2. Tao laban sa _______ - ______________________________________

D3.3. Tao laban sa _______ - ______________________________________

D4. Saglit na Kasiglahan


Mag-aalas-onse na nang dumating ang alkalde, kasama ang hepe ng mga pulis.
Galing sila sa bahay ng kabesa. Abu’t-abot ang busina ng dyip na kinsasakyan
ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y ‘di pa nag-aalisang tao. Tumigil
ang dyip sa di-kalayuan ng istaked. Itinaas ng katabaang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay.Nanulak ang malaking lalaking hepe.”
Sa bahaging ito, makikita natin na sa pagdating ng alkalde at ng hepe ng pulisya
ay panandaliang natahimik at nahawid ang mga taong nag kukumpulan sa may
istaked.

D5. Kasukdulan
Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa
lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis
ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa
bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita
niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-
ama pagkakita.

D6. Kakalasan/Wakas
Nanaig ang hustisya ng mga mayayaman.Kaya inabuso si tata selo dahil
mahirap siya wala siyang pansalaban kase may mga armas ang kanyang mga
kalaban maliban sa kanya wala siyang armas

E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya: Teoryang Sosyolohikal


Patunay:
Naikwento ni Tata Selo na siya ay pinaaalis at papalitan ni Kabesang Tano sa
lupang sinasaka kahit pa iginigiit niya na kaya niya pa ang magsaka na siyang
dahilan ng pagtago niya sa huli. Ito ang kaapihan na kanyang dinanas sa kwento
na sumasalamin din sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan.

Paliwanag:
Sumasalamin sa mga totoong nangyayari sa lipunan na kinabibilangan ng may-
akda. Ito ay mayroong paksa na nagbibigay at nagpapakita ng mga kaapihan na
dinanas ng tauhan sa nasabing kwento.
E2. Teorya: Realismo

Patunay:
Hustisya para sa mahihirap.

Paliwanag:
Nagbibigay-diin sa mga nangyayari sa tunay na buhay. Ito ay mayroong layunin
na ipakita ang mga nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Karaniwan na
nagiging paksa nito ay mga pangyayari sa lipunan tulad ng korupsyon,
kahirapan, kalayaan, at katarungan para sa mga inaapi. Ang kawalang hustisya
para sa mga mahihirap na manggagawang Pilipino.

E3. Teorya: Eksistensyalismo

Patunay:
Kahit na hindi na pagmamay-ari ni Tata Selo ang lupa ay tuloy pa rin siya sa
pagsasaka doon ngunit dahil matanda na siya ay pinagdesisyunan agad ni
Kabesang Tano na paalisin siya doon. Nabalewala ang katuwiran ni Tata Selo na
kaya niya pang magsaka sa kabila ng katandaan.

Paliwanag:
pinapakita ang kalayaan at kakayahan ng taong magdesisyon para sa sariling
kapakanan at pamumuhay sa mundo.

F. Kabisaan/Aral
F1. Ang buhay ay hindi madali, kailangan mag sumikap kung may gusting
makamit sa buhay. Pero palaging pakatatandaan na kapag naksasakit na ng iba,
ang iyong ginagawa ay hindi na tamaAng buhay ay hindi madali, kailangan mag
sumikap kung may gusting makamit sa buhay. Pero palaging pakatatandaan na
kapag naksasakit na ng iba, ang iyong ginagawa ay hindi na tamaAng buhay ay
hindi madali, kailangan mag sumikap kung may gusting makamit sa buhay. Pero
palaging pakatatandaan na kapag naksasakit na ng iba, ang iyong ginagawa ay
hindi na tama.
F2. Paninindigan sa mga nagawang bagay: Nasira ang reputasyon ni Tata Selo
sa kanyang pagpatay kay Kabesa ngunit hindi nya ito itinanggi bagkus,
ipinaliwanag nya nang maayos kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon.
F3. Pag-aalala sa Pamilya: Inuuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak
na si Saling kaysa sa sarili nyang kalagayan. Nagawaniya ito dahil sa kaniyang
pagmamahal dito.
Pangalan: GATDULA, VINCENT C. Petsa: September 13, 2022

Kurso at Taon: BSIT – 3RD YEAR Sabjek at Skedyul: GE13 5:30-7:30TTH

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO


Pamagat: Geyluv

Manunulat: Honorio Bartolome De Dios

Uri ng akda: Maikling Kwento

Link: https://mgamaiklingkuwento.fandom.com/tl/wiki/Geyluv

A. Buod
- Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kumpanya nito. Pagkatapos
ng proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa.
Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito
rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging
malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay ng jowa niyang si
Carmi. Madalas magkasama sina Mike at Benjie. MInsan sila ay nagiinuman,
nanonood ng sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses,
habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos
nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira
magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga
ang gusto nila mangyari sa relasyon.

B. Tauhan
B.1. Mike - Isang mamamahayag ng diyaryo na napalapit ng husto kay Benjie.

B.2 Benjie - Matalik na kaibigang bakla ni MIke na may natatagong pagtingin

para sa kanya.

B.3 Joana - Kaibigan at katrabaho ni Benjie na may gusto kay Mike.

B.4 Carmi - Dating syota ni Mike.

B.5 Inay - Nanay ni Benjie.


C. Tagpuan
C.1. Media Party, Zambales (kung saan sila nagtatrabaho para sa isang
proyekto)

D. Banghay

D1. Panimula
- Unang nakilala ni Mike si Benjie sa media party ng kompanya nito. At si Joana
naman sobrang nagwapuhan kay Mike at parang may gusto ito sa kanya.
Pagkatapos nang proyekto nila sa Zambales, sobrang nagging malapit ang
dalawa sa isa’t isa. Mataray na uri nang bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang
masaktan muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot syang makipag relasyon. Sa
panahon nagging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay
ng gerlpren niyang si Carmi. Madalas magkasama sina Mike at Benjie. Minsan
sila ay nagiinuman, nanonood nang sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa
labas.

D2. Sulyap sa Suliranin


- Ayaw ni Benjie umibig dahil natatakot na siyang magamit ng ibang tao, pero sa
lalim ng pinagsasamahan nila ni Mike, naiinlove na ito sa kanya. At natatakot sya
na baka dahil dito masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

D3. Tunggalian
D3.1. Tao Laban sa sarili - Hindi sigurado si Benjie na kung itutuloy niya ba ang
bagong love interest niya. Hindi pa sigurado si Mike kung may nararamdaman
naba siya kay Benjie.

D3.2. Tao laban sa _______ - ______________________________________

D3.3. Tao laban sa _______ - ______________________________________

D4. Saglit na Kasiglahan


- Nung ipinakilala ni Mike si Carmi kay Benjie, sobrang nagandahan ito sa kanya.
At nanghihinayang si Benjie kung bakit naghiwalay silang dalawa. Kaya gusto ni
Benjie makausap silang dalawa dahil gusto niya at nagbabasakali siya na
maayos pa ang kanilang relasyon.

D5. Kasukdulan
- Sa lalim nga ng pinagsasamahan ng pagkakaibigan nila Mike at Benjie, hindi na
napigilan ni Benjie na mainlove kay Mike. Iniisip niya na rin na baka mahal pa
niya si Carmi at baka masira ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil sa
nararamdaman niya. Pero sa huli inamin niya din na nararamdaman niya kay
Mike, pero wala lang man lang reaksyon si Mike, ni hindi man lang siya nagalit at
di rin niya kinomfirm na mahal niya din si Benjie, pagkatapos naman nung
aminan. Wala naman nagbago sa pagsasamahan nila Mike at Benjie. Open pa
din si Mike kay Benjie tungkol sa mga nangyayari sa kanya.

D6. Kakalasan/Wakas
- Pero naiipit pa din si Benjie sa sitwasyon. Kaya napagdesisyunan ni Benjie na
ayain si Mike na maki share sa kanyang apartment. At kapag pumayag si Mike,
magkakaroon sila ng pagkakataong palalimin ang kanilang relasyon. At di niya
alam paano ito sasabihin sa kanya. Habang si Mike naman pinag iisipan niya
talaga yung sinabi ni Benjie sa kanya nung gabie. Natakot lang siya magbigay ng
anumang reaksyon dahil baka ma-misinterpret niya ito. At alam ni Mike sa sarili
niya na ayaw niya mawala si Benjie sa kanya at may balak din siya tanungin si
Benjie na kung pwede siyang makishare sa kanyang apartment, pag pumayag
siya, mas mapag-aaralan pa nila ang gusto nila sa kanilang relasyon.

E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya – Queer Theory

Patunay:
- Sa ating lipunan, maraming mga tao ang tinitignan bilang isang kasalanan ang
pagiging bakla o tomboy. Marami ang humuhusga ang sa kanila base sa
kanilang sekswalidad. Hindi maitatanggi na mula noon hanggang ngayon ay
umiiral pa rin ang di pantay na pagtingin sa mga babae, lalaki, bakla o tomboy o
mga miyembro ng tinatawag na LGBT Community. Sa ating akdang sinusuri na
Geyluv ay matutunghayan ang katayuan ni Mike bilang isang straight na lalaki na
sa huling bahagi ng kuwento ay tila nahuhulog na sa kanyang kaibigan na bakla
na si Benjie. Hindi siya nahihiya na maging kaibigan ito sapagkat hindi
nahahalata ang kabaklaan nito dahil sa pagiging macho nito at wala siyang
pakialam kung masabihan man siyang bakla dahil ito ang laging kasama at
kasabay sapagkat ito ay isang mabait na tao.

Paliwanag:
- Hindi nga naging hadlang ang pagiging bakla ni Benjie sa pagkakaibigan nila ni
Mike ngunit ng umamin na si Benjie ng kanyang nararamdaman kay Mike ay
parang tinanggalan na niya ng karapatang umibig si Benjie.

E2. Teorya: Feminismo

Patunay:
- Dapat maging pantay ang babae at lalaki sa lipunan sa pagtamasa ng sosyal
na karapatan. Ito ay may layuning muling iakda ang babae sa pagsusulat man o
sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng
babae, mabibigyan ng boses, makalilikha ng setro, mabigyang kapangyarihan at
mailalagay sa di establing posisyon ang sistemang patriarkal

Paliwanag:

- Masasalamin ang katayuan sa lipunan ng dalawang pangunahing tauhan na


sina Benjie at Mike. Ipinpapakita sa akda gamit ang Feminismong pananaw ay
mayroong karapatan ang bawat isa babae o lalaki man bakla at tomboy na
mahalin at magmahal. Ipinapakita rin sa akda na kahit ano pa man kasarian mo
hindi ito hadlang upang maging matagumpay ang isang tao at magkaroon ng
magandang trabaho tulad ni Benjie at Mike. Ipinaparating ng akda anuman ang
pagtanggap mo sa iyong sarili anuman ang kasarian mo mayroon kang
karapatan sa lipunan.

D. Kabisaan/Aral

- Sobrang naipakita sa kwento ang kahalagahan ng pagkakaibigan dahil sa


tinagaltagal namagkasama si Mike at Benjieay ni minsan ay hindi nila iniwan ang
isa’t - isa at ni hindi nila naisip na talikuran ang isa dahil sa sobrang pagtitiwala at
pagmamahal na ibinuhos nilasa isa’t isa. Kahit minsan ay hindi naipakita sa
kwento na nagkaalitan o nagkatampuhanman lang sila. Matatag ang kanilang
pagkakaibigan, ayon sa kwento. Naipakita din ng maayos ang pantay na tingin
sa lahat ng tao, maski anu pa man ang kanyang kasarian.Tulad ni Mike, hindi
naging alintana sa kanya ang pagiging bakla ni Benjie at ipinag patuloy pa din
niya ang pakikipag kaibigan dito. Natutunan niyang tanggapin ang kasarian nito
dahil lamang napakagaan ng loob niya rito at sa kanya lamang niya naibubuhos
lahat ng sama ng loob na kanyang nararamdaman. At si Benjie naman ay
walang sawang nakikinig sa mga drama ni Mike kahit na paulit-ulit lamang ito.
Nagagawa niyang isantabi ang kanyang mga ginagawa para lamang makinig sa
mga problema ni Mike sa buhay. Isa dinsa aking nagustuhan sa pagbasa ng
kwentong ito ay ang estilo ng pagsulat nito. Naipakita ang dalawang perspektibo
ng kwento, ang kay Mike at kay Benjie, at nailahad naman itong maayos.

You might also like