Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil.

223

YUNIT VI: TUNGUHIN AT HAMON SA WIKANG FILIPINO


MODYUL 16

WIKANG FILIPINO AT NASYONALISMO

Wikang Filipino at Nasyonalismo


Walang tiyak na kahulugan ang salitang nasyonalismo. Partikular sa
Pilipinas, ang kahulugan ng naturang salita ay mayroong iba’t ibang konteksto
depende sa yugto ng panahon kung kalian ito tinatalakay. Maaaring sabihin
na sa panahon ng katipunan, rebolusyong bayan ang kahulugan ng
nasyonalismo. Maaari rin, na sa panahon ng batas-militar ni Pangulong
Marcos, ang pagkakaisa ng lahat ng sector ng lipunan habang nagmamartsa
sa EDSA ang kahulugan ng nasyonalismo. Gayundin, sa kasalukuyan,
maaaring ang nasyonalismo ay idikit sa pagmamahal sa bayan-mga
sundalong nag-aalay ng buhay sa panahon ng sigwa, mga overseas Filipino
workers na nagtataguyod ng pamilya at nag-aambag ng kita sa pambansang
ekonomiya, o dili kaya’y pagiging boluntaryong guro sa kanayunan, militantent
miyembro ng pangmasang organisasyon, at pagiging kawani ng gobyerno.
Ngunit upang bigyan ng isang working definition ang ideyang ito, gagamitin
nating lente ang pagpapakahulugan ni Dr. Pamela Constantino:

At bagamat isang komplikadong salita ito (nasyonalismo),


karamihan ng mga depinisyon dito ay tumutukoy sa mga
sumusunod na element: ang pagkakaroon ng kamulatang
pambansa, pambansang identidad, dimensyong heograpikal,
patritismo, at pangangailangang aksyon para sa lalong
ikaagaling ng grupo o komunidad.

Ang kamulatang pambansa at pambansang identidad na tinutukoy ni


Dr. P. Constantino ay nakaangkla sa punong teorya ni Benedict Anderson,
isang political scientis at historyador. Ayon sa kaniyang akdang “Imagined
Communities”, ang nasyon ay isang imagined political community and
imagined as both inherently limited and sovereign. “Imagine” ang mga nasyon

Angadanan Campus 1
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
1
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

sapagkat hindi malalaman ng sinumang mamamayan ng isang komunidad na


siya’y napaloob sa isang mas malaking bahagi ng lipunan liban na lamang
kung ito ay tumutumbok sa kaniyang imahinasyon. Limitado at Malaya ang
pagkokonteksto ng “imagined communities” dahil datapwat Malaya ang pag-
iisip, nagmimistula pa ring limitado sapagkat pinipili ng iyong kaisipan ang
bilang na mga salik na bubuo sa isang nasyon – iyong batay lamang sa iyong
pansariling palagay”.
Ang “linkage” sa imahinasyon ng isang nasyon ay nasa pagtrato sa
mga imprentang kagamitan (dyaryo) bilang isang mahalagang komoditi. Ani
Anderson, ang petsang isinatitik sa ibabaw ng pahayagan ay gumaganao
bilang tagapagpatunay ng “calendaric coincidence”. Nilalayon nitong
mapatunayang ang saklaw ng mga mamamayang nasa iyong kaisipang-
nasyon ay kasabay mong kumilos sa isang homogenous time”. Mapapansin
ding ang wikang ginagamit sa pagsusulat ay yaong wika ng target ng
mgakapitalistang may-ari ng mga palimbagan. Alalaong baga, iniistandardays
at napagagalaw ito ng animo’y “pambansang” wika. Dulot nito’y nagiging
probinsiyal o rehiyonal ang “mas maliit’ na mga wika ng mga mamamayang
tumatangkilik din ng limbag na dyaryo.
Dito marahil nagsmula ang tungkulin ng wika bilang tagapagdaloy ng
idoyolohiya. Sa bawat seksyon ng balita, sa bawat naratibo at panawagang
mababasa, at sa bawat pangyayaring nakaapekto sa lipunan, wika ang
pinakamabisa nitong tagapag-ugnay. Sa bansang multi-etniko at multilinggwal
tulad ng Pilipinas, panawagan ito sa pagsulong ng isang wikang magbubuklod
sa mga mamamayang Filipino. Hindi man kayaning maisalin ang mga ganang
tala sa daang mga wika ng bansa, ang pagbuo ng “wikang pambansa” na
nakabatay sa lahat ng lengguwahe at higit na mahalaga at kinakailangan.
Sabi nga ni Dr. Virgilio Almario ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang
pagbabalangkas ng “Filipino” ay tugon na rin sa pagbuo ng pambansang
kaakuhan – mas malalim na pagkilala sa iyong sarili bilang bahagi ng
malaking lipunan.
Sa ganitong lebel din pinahahalagahan ni Anthony Reid ang papel ng
wika sa pagbuo ng nasyon (nation-building). Isa sa mga key-identity markers

Angadanan Campus 2
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

ng pagiging nasyon ay ang wika. Kalakip ang lingua franca sa mga tanda ng
kasarinlan at kalayaan. Sinabi rin niyang nagbibigay ito ng higit na bentahe sa
mga bansa – halimbawa niya’y mas madaling nakapagsarili at nakapag-unlad
ng pamahalaan ang Malaysia kaysa Pilipinas dahil mas maaga silang
kumalag sa gapos ng Dutch at malaking salik nito ang pagtatakda ng isang
wikang pambansa (Malay).
Wangis ito sa posisyon ni Rupert Emerson sa akda niyang “From
Empire to Nation”. Mahusay niyang iniutilisa ang kasan=ysayan ng India sa
pagpili ng Hindu (sa halip na Ingles) bilang wikang opisyal at nasyonal. Ang
katuturan nito ay dahil ang mga mamayang may iisang wika ay nagkakaroon
ng “immense common bond which also reaches back to a common store od
social memories. Isa ang wikang maraming bahagi ng bersyon niya ng
“anatomy of a nation”. Binigyan niya ng diin na “a national community is
inconceivable without a common language… There is no nation which at one
and the same time speakers severak language”.
Isang kabanata ng akda ang tumatalakay sa kalagayang pangwika ng
India. Nakasaad na noon pa man, ang pagtuturo sa mababang paaralan ay
nasa wikang katutubo. Ang Ingles, bilang wikang global, ay nasa mataas na
paaralan (at/o kolehiyo at unibersidad) na sinisimulan. Kung tatasahin, parang
magdudulot ito ng panggigiit ng naghaharing-uri sa masang mamamayan.
Ngunit, kabaligtaran ang naging resulta. Sa halip n talikuran, mas pinaghusay
ng mga elit at pulitikong Indian ang pag-aaral ng wikang katutubo upang
mawala ag “barrier” na malimit naghihiwalay sa hanay ng akademya at ng
bayan.
Ang punto sa usaping pambansa ay palaging ikinokonekta sa midyum
ng pagtuturo sa sector ng edukasyon. Ito ay dahil sa loob ng pamantasan
nahuhubog ang karakter-panlipunan ng isang mamamayan. Edukasyon ang
susi tungo sa diwang makabayan-pagmamahal at paglaban para sa kalayaan,
pambansang demokrasya, nasyon, bayan. Ang wika ang tagapaghatid ng
nasyonalismo at pamantasan ang pinakaaktibo at pinakamalaking hulmahan
ng mga nasyonalistikong Filipino-at ang UP, bilang pamantasang nasyunal ng
bayan-ang pinakamalaking “makinilya” ng nasyonalismo.

Angadanan Campus 3
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

Samakatuwid, mahihinuhang hindi lamang basta malawakang pumapel


o nakisangkot ang UP sa usapin ng pagsulong ng isang wikang pambansa.
Datapuwat nilalaman nitong tungkulin ng unibersidad ang magiging impukan
ng mga mag-aaral na magpapanimula ng “kamulatang pambansa” At dahil
ang wika ay salik sa pagbuo ng nasyon, nararapat lamang na una itong
isalang sa malawak na saliksikan ng unibersidad ng bayan.

MODYUL 17

WIKANG FILIPINO SA MGA ISYUNG LOKAL AT INTERNASYUNAL

Lokalisasyon at Globalisasyon

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago


ang naganap hindi lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating
wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon
ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata hanggang sa
kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto.
Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-
unlad na tinatamasa ngayon ng wika.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika


na mas mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang
nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kahit na malayo ang
isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong
kaparaanan, ay maraming salita ang nadagdag, naimbento at
nabago. Marami ring salita ang umuso at nakakuha pansin sa mga
tao. Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa
pagyaman at pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga
malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At sa
pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong
buhay ang kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-
isa. Hindi naging hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon
bagkus ay nakatulong pa lalo upang maipakita ang pag-unlad nito.

Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa


Ispeling, dala ng mga bagong dagdag na titik/letra C, F, J, Ñ, Q, V, X,
Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin upang
magkaroon ng sariling berso ang ating wika. Higit na mas napadali

Angadanan Campus 4
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

ang paggamit ng wika sa pagbibigay interpretasyon ng iba’t ibang


salita mula sa banyaga. Halos lahat ng wika sa mga karatig bansa ay
may katumbas na ring berso sa Filipino. Hindi naging hadlang ang
pagkakaiba-iba ng wika sa ating pakikiangkop sa agos ng
globalisasyon dahil ang rebisyong ito ang naging tulay sa ating
pakikipagtalastasan sa iba.

Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay


higit na napaunlad rin dulot ng wika. Nagkaroon ng
pagkakaintindihan ang mga tao dala ng komunikasyon gamit ang
lingua franca na siyang nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid
nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa
transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang
paggamit ng wika sa panahong ito. Hindi naging mahirap sa mga tao
na makipagsabayan sa mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng
ekonomiya sa tulong nang matalinong paggamit ng wika.

Samakatuwid maraming salik ang naging ugnayan ng


globalisasyon at ng ating wika. Ang dalawang ito ay magkaagapay sa
pag-unlad. Hindi naging masama ang panahong ito sa
pagpapalagom ng ating wika bagkus ay lalo pang naisakatuparan
ang mithiin para sa wika.

Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito


mapipigilan o masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto, ay
patuloy pa rin ang pagyabong nito. Ang modernong panahong ito
tungo sa bagong yugto ng globalisasyon ay malaki ang maitutulong
sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika hanggang sa mas lalo pa itong
mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag, mababago at
maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang henerasyon.

Kapayapaan at Karapatang-Pantao

Kapayapaan
Wikang Filipino : Tanglaw Tungo sa Kapayapaan

Wala na sigurong makapal ang mukha na makikibaka pa upang


gamitin ang ating sariling wika sa pang araw-araw na buhay. Oo nga’t kilala
ang wikang Ingles na pormal na ginagamit sa pangkalahatang pagsasalita,

Angadanan Campus 5
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

pero maririnig mo narin ito sa mga taong iniisip na mapasama sa sosyal na


pagsasalita. Sikat ka daw kasi kapag ginamit mo ito kaysa sa wikang
pinaglaban n gating mga bayan. Bakit kaya ganoon?
Ukol sa ilan, ang paggamit ng iisang wika ay magiging daan upang
makamit ang rurok ng tagumpay, kasabay ng pagpupunyagi sa pagpapaunlad
ng ating bayan. Ngunit sa kabilang banda, paano makakamit ang tunay na
tagumpay kung sa kabila ng pawisang pagsisikap upang iangat ang ating
pangalan, naiiwan naman natin ang pagpapalawak n gating nakagisnang
kultura, ang pagsasalita ng nakagisnan at pinagsikapang palawigin ng mga
unang nagmahal dito.
Minsan ko nang na ring naranasan ang maging estranghero sa sariling
bansa. Ikaw rin ba? Ang makisabay sa daloy ng makabagong panahon? Ang
maging taas noon a ipahayag at gamitin angibang wika upang makipag-usap
sa mga taong nakapaligid sayo. Nakikita naman natin sa ating henerasyon
ngayon na mas kinikilala at hinahangaan ang sinumang nakapagsalita ng
mga banyagang salita kaysa sa sariling wika p mga pang probinsyang
diyalekto. Dahil doon ay minarapat ng bawat isa sa atin na pagsikapang
makapag-aral at makapagsalita ng banyagang lengguwahe upang maging
epektibong empleyado at nakakataas sa iba sa darating na panahon.
Ngunit sa kabilang banda, nakatawag pansin sa bawat Pilipino ang
ginawang adbokasiya ng isang amerikano na naglalayong patuloy na
ipalaganap ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagkanta sa youtube
“Ako si Chris”ito ang pamagat ng kanyang inilathalang video sa naturang site.
Sa pamamagitan nito ay ipinamalas niya ang pagiging nasyonalistik,
kahit na isa siyang half-blooded na pinoy lamang ay ipinagmamalaki niya an
gating wika sa pamamagitan ng sining sa pag-awit. Nakahihiya na hindi natin
kayang gawin ang ginawa ng mga Pilipino. Nakahihiya dahil hindi natin
kayangsabihin at ipamukha sa ila na tayo ay mga Pilipino.
Kaya masasabi natin na hindi pa tayo lubusang Malaya at payapa.
Dahil hindi natin nakikita ang kagandahan ng wikang sariling atin. Patuloy
tayong nabubulag sa makabago, sikat na banyagang lenggwahe at sa gayong
kaisipan, marahil ay hindi mapapabilis an gating pagtutulungan at pagkakaisa.

Angadanan Campus 6
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

Sa aking paagay, isa sa mga ikauusad n gating bansa ay ang


pagkakaintindihan sa pamamagitan n gating sariling atin. Wikang Filipino, sa
harap ng buong mundo, pagkakaisa, pagtutulungan at kapayapaan ang
magiging daan.
Kaya’t imbes na kaawaan ang ating sariling wika, bakit hindi natin ito
pagtulungang ibandera at bigyan ng buhay na may sariling katauhan na iba at
may espesyal na taglay.

Karapatang Pantao

Wikang Filipino : Mahalagang Salik sa Pagpapahayag


ng Karapatang Pantao
ni : Aubrey Bondoc
Ang panahon ng Amerikano ang nagbigay-daan upang sumilang ang
mga dulang tuwiran at di-tuwirang tumutuligsa sa pamahalaan. Nariyan ang
Walang Sugat ni Severino Reyes, ang Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at
Kahapon, Ngayon at Bukas ng katipunerong si Aurelio Tolentino. Bawat isa
ay tumatalakay sa mapagbalatkayong pakikitungo sa atin ng mga Amerikano.
Sa panahon ding ito, ipinapahiwatig ng mga Pilipino ang epekto ng kulturang
Amerikano sa buhay ng mga Pilipino. Ang paksa ng ekonomiyang kapitalista
ay tinuligsa sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, ang pang-aapi ng mga
panginoong maylupa ay nabasa sa walang Panginoon ni Deogracias Rosario,
at sa lahat ng ito, nakarating hanggang sa kasalukuyan ang hapdi ng
pananakop sa mga titik ng tula na naging awit na Bayan Ko ni Jose Corazon
De Jesus.
Sa panahong kasalukuyan, kalabisan na marahil kung uulitin pa natin
ang malinaw na katotohanang walang ibang wikang ginamit ang Dalawang
EDSA upang mahikayat ng libo-libong Pilipino kundi ang wikang Filipino.
Pagdating ng eleksiyon wala ni isang kandidato ang nagpilit na magpa-Ingles-
Ingles sa harap ng madla. Sa buong proseso ng pagpapatalsik sa dating
Pangulo, di miminsang nagtalo pa ang mga senador sa kung anong uri ng
varayti ng Filipino ang gagamitin. Hindi nga ba’t kahit yaong matataas ang

Angadanan Campus 7
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

kalibre sa pagsasalita ng Ingles at maging yaong hindi tagalog ay nagsalita ng


Filipino upang maiparating lamang ang kanilang mga pananaw sa milyo-
milyong Pilipinong nanonood at sumusubaybay? At masasabing higit sa lahat,
pagkat siyang pinakaimpluwensiya, pagmasdan at pakinggan ang wika ng
mass media. Ang dati-rating mga wikang Ingles ang gamit sa pagbabalita at
paglilingkod ay mabilis na nagbago patungo sa paggamit ng wikang Filipino.
Maging ang mga telenobela at cartoon na kinahihiligan sa araw-araw ay
kinailangang isa-Filipino upang subaybayan. At sa lahat ng ito, natutuhan na
ng mga bata ang mga batayang konsepto sa matematika, agham at
teknolohiya sa sarili nating wika.
Sa kabuoan, bagamat dalawa ang madalas na ginagamit na wika ng
ating bansa, Filipino at Ingles, hindi maikakaila na kung ang nais natin ay
tapat at tuwirang pagkakaunawaan, Filipino ang dapat upang maipahayag
ang karapatan ng bawat mamamayan! Ang wikang ito ay subok na ng
kasaysayan! Ang Wika ring ito sng msgbubuklod sa sambayanan.

Angadanan Campus 8
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

MODYUL 18

WIKANG FILIPINO SA MGA ISYUNG LOKAL AT INTERNASYUNAL

Kalikasan at Paggawa, Seguridad sa Pagkain at Teritoryo at Teknolohiya

Ang Wika at Kalikasan


ni: Rox Peña
Sa unang pagkakataon, wikang Filipino ang aking gagamitin sa kolumn
na ito upang maki-isa sa pag-gunita ng Buwan ng Wikang Pambansa. Gusto
ko ring bigyang pansin ang kakaibang tema ng pagdiriwang sa taong ito.
Ngayon lang kasi nangyari na ang tema sa buwan ng wika ay may kaugnayan
sa pangangalaga sa kalikasan. Ang tema sa buwan ng wika ngayong 2010 ay
"Sa Pangangalaga sa Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang
Kailangan." Ayon sa DepEd, napili ang temang ito dahil sa lumalawak na
pagkilala sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan. Mapapansin
nga naman na sa kalukuyan, pati ang mga ordinaryong mamamayan ay may
interes na sa mga usaping may kinalaman sa kalikasan gaya ‘climate
change,’ basura at polusyon.

Sa bawat linggo ng Agosto, may iba-ibang tema sa pagdiriwang.


Nuong Agosto 1-7, ang tema ng selebrasyon ay "Wika'y Kailangan sa
Pandaigdigang Impormasyon sa Pangangalaga sa Kalikasan." Sa ikalawang
linggo (Agosto 8-14) ang tema ay "Wika'y Instrumento sa Pagpapalaganap ng
Kamalayan sa Pagbabago ng Kalikasan."

Angadanan Campus 9
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

Sa ikatlong linggo (Agosto 15-21), ang tema ay "Wika'y Mabisang Susi


sa Edukasyong Pangkalikasan," habang sa linggong kasalukuyan ang tema
ay "Ang Pagpapahalaga sa Wika at Pangangalaga sa Kalikasan ay
Pagmamahal sa Inang Bayan." Sa huling tatlong araw ng buwan, ang tema ay
"Wika't Kalikasan Mahalin at Pangalagaan, Biyaya ng Poong Maykapal sa
Bayan."
Mayroon ngang pagkaka-halintulad ang pambansang wika at ang
kalikasan. Pareho nitong pinag-iisa ang mga Pilipino. Marami tayong ibat-
ibang lokal na lengguwahe pero pinag-uugnay tayo ng wikang pambansa.
Iba-iba man ang ating kultura ay pareho naman ang ating hanging
nilalanghap, tubig na iniinom at lupang sinasaka.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mayamang ‘biodiversity’ sa


buong mundo. Gaya ng pagiging mayaman natin sa iba-ibang lengguwahe at
kultura, marami tayong ibat-ibang klase ng hayop, insekto, isda at halaman.
Kung hindi tayo magkakaisa sa pangangalaga sa kanila ay tuluyan ng
masisira ang ating kapaligiran.

Sa aking opinyon, malaki ang maitutulong ng pag-gamit ng ating


sariling wika sa kampanya para sa kalikasan. Ito ay may “personal touch” ika
nga. Isang halimbawa ay ang mga awiting maka-kalikasan gaya ng “Masdan
mo ang kapaligiran” ng grupong Asin. Mahigit na tatlumpung taon na ang
awiting ito subalit ito’y patuloy na gumigising sa ating damdamin para kumilos
para sa kalikasan.

Isang wika din ang nag-uugnay sa ibat-ibang lahi sa buong mundo.


Kahit saang panig ng daigdig ay may nakakaintindi ng salitang ingles. Iisa
lamang ang ating mundo at ang pagkasira nito ay siya ring katapusan ng tao.
Kaya nga mayroong Kyoto Protocol at Montreal protocol sapagkat kailangang
magkaisa ang mga bansa sa paglutas sa mga suliraning pangakalikasan.

Wika at Paggawa

Angadanan Campus 10
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

Sa pagpapaunlad ng wika, nakatutulong sa ekonomiya. Ani ni Santos


(2011), angpagpapaunlad ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay
mayroong tiyak at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito.
Ngunit ano nga ba angkaugnayan ng wikang pambansa sa
kasalukuyang ekonomiya ng bansa?
Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong
Pangwika, Pagpaplanong Pang-ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-
College of Accountancy multi-purpose hall, ang tanong na ito ang naging
sentro ng talakayan ng mga eksperto sa wika at ekonomiya.
Ani ni Jose Laderas Santos, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang
Filipino noong panahon na ito, kasama ang dalawa pang mga komisyoner ng
KWF na sina Bernard Macinas mula Bicol at Vilma Tavbad mula Pampanga.
Kinatawan naman ni Tereso Tullao, guro ng ekonomiks sa De La Salle
University, ang diskursonf pang-ekonomiya. Bagaman hindi nakarating,
nagpadala ito ng kinatawan upang ipahayag ang kaniyang panig. Ani ni
Chritopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, ang
nagsaad ng reyalidad na hidi na maiwasan ang paggamit ng Ingles sa
pakikipagtalastasan sa mundo ng ekonomiya.
“Ang wika ay isang pamamaraan ng paggawa ng transaksiyon. Dito,
hindi tayo makagagawa ng kahit anong transaksiyon kung hindi tayo
magkaintindihan dahil lahat ng nangyayari sa ating ekonomiya ay nakabase
sa ating pagkakaintindihan. Kung papansinin naman talaga natin, ang
programang pang-ekonomiko pati ang mga batas ay nakalimbag at nakasalin
sa ingles,” ani Cabuhay.
Ibinahagi rin niya na ang Ingles at Filipino ay hindi magkaaway kung
hindi magkatulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Inilatag niya ang
mahalagang papel ng Ingles sa mundo ng ekonomiya tulad ng pang-unawa
ng mga konseptong abstract, paggamit ng mga paraang holisiko, pag-aayos
ng mga simbolo, at pagtatrabaho sa mga dayuhang kompaniya.
“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung iisipin natin,
kung walang lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya…Ang
susunod na pangunahing papel ng wika ay bilang isang instrument sa

Angadanan Campus 11
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN SEd Fil. 223

globalisasyon tungo sa mga panlipunang layunin o mga social objectives: ani


ni Cabuhay.
Ibinahagi rin niya na isang importanteng salik sa paglago ng
ekonomiya ay ang paggamit ng wika na maiintindihan ng mga maralita at sa
ating bansa at wikang Filipino ang kailangang gamitin sa pakikipagtalastasan
upang mahikayat ang mas maraming tao na sumali sa mga transaksiyon ng
ekonomiya.

Angadanan Campus 12
University for people, nature, entrepreneurship and
innovation

You might also like