Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MORPOLOHIYA

ng Wikang Filipino

Tumutukoy ang morpolohiya sa maka-agham na pag-aaral ng


makabukuhang yunit ng salita o morpema. Ipaliliwanag sa bahaging
ito ang mga pangkalahatang kaalaman kaugnay ng pagbuo ng mga
morpema kabilang ang anyo ng morpema, uri ng morpema ayon sa
kahulugan, pangkalahatang paraan ng pagbuo ng morpema at
pagbabagong morpoponemiko.

Mga Anyo ng Morpema


1. Ang morpema ay maaaring isang ponema o makabuluhang tunog.
Dalawa ang makabuluhang tunog sa Filipino na maituturing na
morpema. Ito ay ang ponemang / a / at / o /. Sa ating wika
ay nag papakilala ito ng sex o kasarian.

/a/
/ o /
Paula
Paulo
Tindera
tindero
Maestro
maestro
Lita
lito

2. Ang ikalawang uri ay ang morpemang salitang-ugat. Tumutukoy


ito sa mga simple o payak na salita sapagkat wala itong mga
Mata ulan panlapi.
pagod ligaya
kain sulat
bato payong
Taas sakit
Ang huling uri ay ang mga morpemang panlapi. Maaari
itong unlapi, gitlapi at hulapi o ang kumbinasyon ng mga ito. Ang
mga panlapi ay maaaring makangalan kung ang nabubuong salita ay
pangngalan o panawag sa kongkreto o abstraktong bagay, makadiwa
kung pandiwa o salitang kilos ang nabubuo at makauri o salitang
panlarawan ang nabubuo.

Unl Gitla
api pi Hulapi
Mag-ina bumasa aklatan
Magbasa Kinain sabihin
URI NG Maganda tinakbo matahin MORPEMA
Napagod lumayas bantayan
AYON SA
KAHULUGAN
1. MGA MORPEMANG MAY KAHULUGAN LEKSIKAL. Tinatawag din itong
morpemang pangnilalaman sapagkat ang mga ito ay may
kahulugan sa ganang sarili. Kabilang ito ang mga salitang
panawag sa mga kongkreto at abstraktong bagay
(pangngalan), mga salitang kilos (pandiwa), mga salitang
panlarawan (pang-uri) at mga salitang nagsasabi ng
panahaon, paraan ng pagsasagawa ng kilos o pagtuturo ng
lugar (pang-abay)

Pangalan- tao,sabon,paaralan,kompyuter,telebisyon,aso ,babae


Panghalip-ako,ikaw,siya,kami,tayo,kayo,sila
Pandiwa-mag-aaral,sumasayaw,naglinis,maligo,umalis,akyatin
Pang-uri- banal,maligaya,palaaway,maputi,sexy,maganda
Pang-abay
kahapon,kanina,totoong,maganda,doon,diyan,patalikod,pasigaw
2.MGA MORPEMANG MAY KAHULUGAN LEKSIKAL/PANGKAYARIAN. Ito ang mga
salitang walang kahulugan sa ganang sarili. Kailangan pang makita
ito isang konteksto upang maging makahulugan.
Pang-angkop-na,-ng,-g
Pangatnig- at,o,saka,at iba pa
Pang-uko-tungkol sa / kay,ayon sa / kay,at iba pa
Pananda-ang,ng,sa,si,sina,ni,nina,kay,kina at iba pa

PANGKALAHATANG PARAAN NG PAGBUO NG MGA SALITA Nakakabuo ng salita


sa pamamagitan ng apat na paraan: paggamit ng payak na anyo ng
salita ,paglalapi , pag-uulit ng salitang ugat at pagtatambal ng
salitang ugat.

1.Paggamit ng payak na anyo ng salita.


Sariwa alaala kristal bakasyon
Ligaya bango bulaklak kolehiyo

2.Paglalapi
Pag-uunlapi – napakaganda,umalis,pag-unlad,sing-asim
Paggigitlapi – sinariwa,lumigaya,binato,pinuri,tumalima
Paghuhulapi – takbuhin,alisin,sariwain,kuntsabahin
Kabilaan – kalagayan,pasiglahin,Kalayaan,patumbahin
Laguhan – pagsumikapan,magbinaggoongan,ipinaghumiyawan

3.Pag-uulit ng salita
Parsyal o di ganap – aalis,tatakbo,kakain
Buo o ganap – gustong-gusto,ibang-iba,araw-araw,oras-oras, iilan-
ilan,papaya-payag,tatatlo-tatlo,aaraw-arawin

4.Pagtatambal ng salita
May linker – binatang-taring,dalagang-bukid,tubong-maynila
Walang liker – hampaslupa,pataygutom,balat-sibuyas,silid-aklatan
Ganap – bahaghari,balat-sibuyas,hampaslupa
Malatambalan – tsaang-gubat,bahay-ampunan,silid-tulugan,taong-
bahay

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang
pagbabago karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya
ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang
maaaring makaimpluwensiya upang mabago ang anyo ng isang morpema.
Ang nakakaimpluwensyang ponema ay maaring yaong
sinusundan ng ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o
yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan nang ang sinusundang
ponema ang nakaiimpluwensya.

1. Asimilasyon -Ito ay ang pagbabagong kinapapalooban ng mga


panlaping nagtatapos sa /ŋ/ o ng dahil sa impluwensya ng
kasunod na katinig nito. Nakikibagay ang huling titik ng
panlapi sa unang titik ng salitang-ugat. Ito ang tinatawag
na alomorp ng morpema.
 Narito ang mga panlaping may alomorp.

Sing- sintalino simputi


Pang- panlamig pambato
Mang- mandaya mambola
Kasing- kasinlaki kasimbango

 Asimilasyong Parsyal – Tinatawag din itong asimilasyong di-


ganap sapagkad bukod sa pagbabagong nagaganap sa pinal na
morpemang (– ng) o ponemang / n / o / m / dahil sa mga
sumusunod na tunog ay wala ng iba pang pagbabagong magaganap
sa anyo ng salita.
Pang + bansa  Pam + bansa =Pambansa
Pang + ligo  Pan + ligo =panligo
Sing + pula  Sim + pula =simpula
Sing + bango  Sim + bango =simbango

 Asimilasyong Ganap – Nagaganap ang asimilasyong ito kapag


matapos na maging / n / at / m / ang ponemang / N / o
/morpemang -ng dahil sa pakikibagay sa kasunod natunog ay
nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang ugat
nagsisimula sa / d, l, r, s, t / at nananatili na lamang ang
tunog ng / n / at / m /.

Mang + salamin  Man + salamin =manalamin


Mang + tahi  Man + tahi =manahi
Pang + pukaw  Pam + pukaw =pamukaw
Pang + payong  Pam + payong =pamayong

2. Pagpapalit ng Ponema – may mga ponemang nagbabago o


napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan ang
gamitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit diin ./ e /
at / e /- nagpapalit ang / e / at / e / kapag inuulit ang
pantig na may /e / nagiging / i / ang / e / at kinakabitan
ng linker ang inang bahagi ng salitang unuulit.
Lalake + -ng +  Lalaking-
lalake / lalaki lalake /lalaki
Babae + -ng + babae  Babaeng-babae

3. Matatesis o Paglilipat – Nangangahulugan ito ng paglilipat


ng posisyon ng ponema.Kapag nag sisismula sa / l / o / y
/ang salitang ugat at itoy nilagyan ng gitlaping -in-,
nagkakalapit ang / i / at / n / at nagging / ni / tulad
nito.
y + -in + aya  yinaya  niyaya Hindi yinayaya
Y + -in + akap  yinakap  niyakap Hindi
yinayakap
I + -in +uto  linuto  niluto Hindi linuto
I +-in + inis  lininis  nilinis Hindi
linilinis

4. Pagkakaltas – Nangangahulugang ito ng pagkawala ng ponema o


morpema sa isang salita sa unahan o gitna ng salita.
Magpa + tahi  magpatahi  patahi
Ipa + tapon  Ipatapon  Patapon
Bili + han  Bilihan  bilhan
Putol + in  Putukin  putlin

5. Pagdaragdag o pagsusudlong – Nangangahulugang ito ng


pagdadaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang ugat
(hulapi) kahit mayroon ng dating hulapi ang salitang ugat.
Paalala +  paalalahan  paalalahan+an  paalalahanan
han
Alala +  Alalahan  Alalahan+in  alalahanin
han
Totoo  totoohan  toto(o)han+in  totoohanin
+han

6. Pag-aangkop o Pagiisa ng Dalawang salita – Dito ay pinagsasama


ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita.
Nagaganap din dito ang pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng
bagong salitang nabuo.

Hintay + ka  teka (tayka)


Tignan + mo  tamo (timo)
Hayaan + mo  hamo
Tayo + na  tena

You might also like