Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SITWASYON 1

Prinsipal: Papapasok pa lang ang sinasakyan ko nadidinig ko na ingay ng mga bata. nagkagulo ba? ayyy,
ang kalat

Guard: Mam, meron pong nag-away na mga mag-aaral sa Baitang 10. Hindi po masawata.
Nagkasiksikan lang po daw sa pagbili sa canteen, nagpandali na po raw agad.

Prinsipal: Kainaman mga bata iyan, Naku, ipapatawag ang magulang ng mga batang sangkot para
maibigyan agad ng aksiyon. Pakisabi kay mam Fely umakyat sa opis.

Mam Fely: Mam, magandang araw po. bakit po raw hanap nyo ako?

Prinsipal: Bilang ikaw naman ang nakatalaga sa umaga na CYH. Huwag mong kalimutang sabihan ang
mga adviser ng mga bata na magpapalinis lagi after recess. Saka ung mga batang nag-away, ipatawag ang
mga magulang, bukas ng alas 9:00 ng umaga.

SITWASYON 2

Glenn: Akala ko malinaw na naiparating sa bawat mamayan sa lugar natin na hindi maaaring lumabas ng
walang suot na face mask?

Bryan: Gayundin ang sa pagkakaalam ko. Basta, lalabas ka sa pampublikong lugar lalong higit na
makakasalamuha ka ng maraming tao, magsusuot ng proteksyon lalo sa ganitong nasa loob tayo ng
sasakyan.

Glenn: Saglit lang, sasabihan ko ang kasabay natin sa dyip baka nakakalimot magsuot.

Glenn: Ginoo, mawalang galang po. Pakikabit po ng inyong face mask, bawal po ang walang suot lalo na
sa ganitong lugar na matao. Hindi po ba kayo takot sa mahawahan ng covid 19?

Ginoo: Naku, nasira ang suot ko kanina, naputol ang tali. may dala naman akong pamalit. Nakalimutan ko
lang magsuot. Salamat sa iyong paalaala.

SITWASYON 2:

Lhester: Sir, nalate po ang aking project. Pwede ko pa po ba ipasa kahit late na ng 2 araw?

Nilo: Pwede po bukas ang akin, medyo kulang po ilalaman. medyo nahihirapan po ako sa subject natin sa
MAPEH.

Guro: Mga bata at sa inyong lahat na. Pagbibigyan ko ngayon kayo pero sa susunod, hindi ko na
tatanggapin ang late magpasa ng anumang gawain na itinakdang petsa. Nagpapakita lang ito na hindi
kayo dsiplinado at responsible sa mga ipinagagawa sa inyo.

Miguel: Sorry sir, hindi na po mauulit. Tatandaan po namin. Hindi na po kami malalate sa pagpasa ng
anumang gawain. Promise po.
SITWASYON 4

Babae. Manong driver, baka naman gusto ninyong magbilang muna ng sukli bago iaabot sa nagbayad.
kulang ho ang sukli ninyo.

Driver: Ayy kulang ba, pasensya na baka nagkamali ako sa tingin ng piso at limampisong barya. Medyo
malabo na ata ang aking mata. Magkano ba ang kulang?

Babae: Teka nga bilangin ko ulit. Tatlo…Lima.. Kulang ng sais pesos.

Kasakay na babae: Sais lang ei, ikakahirap mo ba iyan? Grabe ka naman, mukhang galit kana agad kay
manong ei.

Babae: Naku, bilangan nyo mabuti, sa hirap ng buhay ngayon sadyang kahit konting barya ay sinisinop
ko.

You might also like