Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

HULING PARANGAL SA WATAWAT Ika-10 ng Hunyo,3:00 ng hapon sa bakuran ng Bentung-Sulit National High School

PAANYAYA:

Guro ng Palatuntunan

1.PAGPASOK NG MGA PANAUHING PANDANGAL (guided by ushers and usherettes) ang lahat ay matahimik at maayos na pupunta sa mga itinalagang puwesto at manatili doon hanggang sa matapos ang seremonya.

Guro ng Palatuntunan: Magandang hapon po sa inyong lahat. Hinihiling po naming sa lahat ang lubos na katahimikan upang saksihan po natin ang Huling Parangal sa Watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng ating ______________ ,_________________ ,________________ (mga bisita) Ang ating punong guro, mga guro , at mga mag-aaral. Muli, isang magandang hapon sa makasaysayang pagtitipong ito. Bating Pagtanggap ni Gng. Digna A. Hibionada , Head Teacher III Pagbasa: PANIMULANG SALITA ni Gng Florence C. Miano Nasasaad sa Batas Republika Blg.8491 na ang bandilang luma, kupas, at punit-punit ay hindi dapat itapon. Bagkus, ito ay bigyang pagpupugay upang maiwasan ang pagwalang galang nito. Ang bandila ay nararapat na palitan kaagad kapag ito y kakitaan ng pagkupas at pagkasira. Maraming bandila ang nakikita sa ngayon na patuloy na nakataas sa mga tagdan kahit na ito y kupas na at sira sa kadahilanang marami sa atin ang di nakakaalam kung ano at paano ang gagawin dito. Ang seremonya para sa Huling Parangal sa Watawat ay isinasagawa alinsunod sa programang campfire o Jamboree ng mga Boy at Girl Scouts. Ito y kanilang isinasagawa tuwing dapit- hapon ng nasabing araw. Ito rin ay isa sa mga pinakamahalagang palatuntunan ginaganap tuwing Oktubre, ang buwan ng mga Scouts. Sa ngayon, matutunghayan natin ang nasabing makabansang palatuntunan para sa karangalang dapat lamang nating ibigay sa ating pambansang watawat. 2.PANALANGIN (Boy Scouts of the Philippines) Panalangin , iniaalay naming sa inyo ang pagtitipong ito; Hinihiling naming na basbasan Mo ito ng iyong-ibig at karunungan.Nagpapasalamat kami sa araw na ito na itinalaga Mo upang kami y sama-samang lumago sa pagmamahal sa iyo, sa kapwa at sa bayan.

Liwanagin Mo ang aming pag-iisip upang alamin ang tama at marapat; palakasin Mo an gaming kalooban upang magampanan naming nang buong katapatan an gaming mga Gawain. Nawa y matanim sa puso at isipan ng bawat isa ang tunay na pagmamahal sa bayan at paggalang sa watawat na sumasagisag sa bansang Pilipinans.

3. MENSAHE : PAGBASA :

Barangay Captain ( Bentung, Lapu & Sulit ) Maikling Kasaysayan ng Pilipinas Gg. Rogelio Celestial

Ang unang watawat ng Pilipinas ay ginawa sa Hongkong, kung saan si Felipe Agoncillo, isang manananggol at unang diplomatiko ng Republika ng Pilipinas ay nakadistino. Ang kanyang asawa na si Marcela ay sumunod sa kanya doon, ginawa niya ang unang watawat sa tulong ng kanyang anak na si Lorenza at ni Delfina Herbosa de Natividad, panmangkin ni Dr. Jose P. Rizal at maybahay ni Hen. Salvador Natividad, isang kawal ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ang watawat na ito ay tinahi ni gng Marcela Agoncillo ayon sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguionaldo na siyang namumuno ng pamahalaang rebolusyunaryo na ipinatapon sa Hongkong noong 1897. Ang desebyo ng watawat ay iginuhit ni Heneral Emilio Aguinaldo na naayon sa simulain ng rebolusyon. Mula sa Hongkong, dinala sa Pilipinas ni Hen. Aguinaldo ang unang watawat noong ika19 ng Mayo, 1898 sakay ng barkong McCulloch. Itinaas ang watawat sa kauna-unahang pagkakataon noong ika-28 ng Mayo 1898 sa wakas ng Labanan ng Alapan, isang baryo sa gitna ng Imus, at Kawit, Cavite. 4. PAGBASA: Ang bandila bilang simbolo ng bansa Mr. Nelson R. Gasmin Ang watawat ay simbolo ng isang nagkakaisa. Ito ang kabuuan ng lahat ng mga hangarin, pagpupunyagi at pakikipaglaban upang matamo ang kalayaan. Ito rin ang pagkakakilanlan ng isang lahi. Ang watawat na nakikita nating nakawagayway sa tagdan ng iba t ibang gusali ay nagtataglay ng araw na may walong rayos na sumasagisag saw along lalawigang unang naghimagsik laban sa mga kastila, ito ay ang mga sumusunod: Batan gas, Laguna, Cavite, Maynila, Bulakan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac; mayroon din itong tatlong bituin na siyang kumakatawan sa malalaking pulo ng bansa- ang Luzon, visayas, at Mindanao- na itinahi sa isang putting telang tatsulok. Ang watawat ng Pilipinas ay makabuluhang sagisag ng demokrasya, ng isang pamahalaan ng mga mamamayan, para sa mga mamamayan; ng isang lahing naniniwala sa katahimikan, pagkakapantay-pantay at kalayaan. Marapat na bigyan nating mga Pilipino ng tamang paggalang ang watawat na ito; na lagi natin itong pangalagaan sa anumang kalapastanganan.

5. PAGBASA: THE FLAG CODE

Mr. Nestor Zabala

Section 2 of Republic Act 8491 known as the flag and Heraldic code of the Philippines provides the Reverence and respect shall at all times be accorded the flag, the anthem, and other national symbols which embody the national ideals and traditions and which express the principles, sovereignty , and national solidarity . Ang panatilihing nakataas at nagwawagayway ang kupas at punit-punit na watawat ay kawalan ng galang at paglapastangan sa bansang kinakatawan nito. Kaya t naririto tayo upang, sa isang natatanging seremon ya, ay bigyan ito ng huling parangal. Wala nang marurumi at gula-gulanit na mga watawat ang dapat makitang nakawagayway sa mga tagdan, maging sa mga gusali t bahay ng bawa t Pilipino.

Nasusulat sa Section 14 ng Flag Code ang ganito: A flag worn out through wear and tear, shall not be thrown away. It shall be solemnly burned to avoid misuse or desecration. The flag shall be replaced immediately when it begins to show of wear and tear . 6. PAGBABABA NG WATAWAT ( 3 boy Scouts / 3 Girl Scouts ) Awitin ang Pambansang Awit (Lupang Hinirang )

7. ANG PAGTITIKLOP NG WATAWAT ( Boy Scouts and Girl Scouts ) 8. PAGSASALIN NG WATAWAT - Ang watawat ay isasalin ng mga batang Scouts sa Punong guro, panauhing pandangal . 9. ANG HULING PARANGAL SA WATAWAT Ang madla ay aawit ng Bayan Ko y y Pagsusunog samga punit-punit na watawat Ang pagtatalaga at paglalagay ng mga abo sa urna ( Scouts )

Guro ng Palatuntunan: Ang abo ng ating watawat, tulad ng labi ng isang tao, matapos itong sunugin ay inilalagay sa isang urna at mapitagang inililibing sa isang banal na lugar. Ang labi ng ating watawat ay ihahatid ngayon sa kanyang huling hantungan ng mga sumusunod . (isa-isahin ang mga panauhin ) ( Note: Ang urna ay dala-dala ng mga Boy Scouts at ang mga bulaklak ay dala-dala ng mga Girl Scouts) Sasarahan ang lugar ng pinaglibingan ng watawat habang binabasa ng Guro ng Palatuntunan ang panalanging ito: Salamat Panginoon, sa biyayang ipinagkaloob Mo sa amin. Panatilihi Mo po sa aming puso at isipan ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Gabayan mo po kami sa aming mga tungkulin. Pag-alabin mo po ang aming kalooban upang patuloy na mapaglimgkuran an gaming bayan at kapwatao.

Ang paglalagay ng mga bulaklak gagampanan ng mga batang Scouts habamg ang lahat ay nakamasid. ( Tugtugin ang TAPS ) At sa wakas ay babasahin ng Guro ng Palatuntunan ang pinal na berso: TAPOS NA ANG ARAW MALUGOD ANG LAHAT, MARAMING PONG SALAMAT. 10. MAKASAYSAYANG PAGLAGDA SA MGA PANGAKO NG PANANAGUTAN SA WATAWAT ( Pledge of Commitment ) sa pangunguna ng mga sumusunod:

11. RESESYONAL Lahat ay inaanyayahan sa isang salu-salo.

You might also like