Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KARINDERYA

“Pa-order po, ate! Kanina pa po ako dito eh.”

“Ay sori, beh. Wait lang ha.”

Parang pila ng BTS concert ngayon sa harap ng Karinderya ni Aling Nena. Di-mahulugang
karayom sa dami ng taong nakikisiksik at nakikitulak para maka-order. Aakalain mong walang
pandemya kasi walang may kilala kay “Social Distancing”. Sasabihin ko, “Social distancing po”.
Ang sagot: “Ano po?”. Haynaku. Eh kasi naman itong si Aling Nena: ang galing-galing magluto ng
Adobo! Sa sarap ay makaklimutan mo ang sarili mong pangalan. Natutunaw sa bibig ang karne,
sakto lang ang pagka-sarsa ng ulam, at higit sa lahat sumasayaw sa dila mo ang iba’t ibang
magkakabagay na lasa. Kalahating oras na akong naghihintay sa pila nang sa wakas ay ako naman
ang hinihingan ng order.

“Anong sayo, beh?”

“Isa pong adobo. Take-out po.”

“Ay, sori po. Hindi kami nag-luto ng adobo ngayong araw eh. Nagbakasyon kasi si Aling
Nena.”

“Ay ganun po ba?”

“Oo eh.”

“Ano lang pong available?”

“Ikaw na lang tumingin”

Wow. Busy si ate gurl. Wala pa akong sinasabi, bigla na lang umalis na para kunin yung order
ng iba. Hindi na ako naghintay. Inisa-isa ko ang mga ulam na natira. Sayang naman kasi, eh:
walang adobo. Wala yung uliran na ulam. Wala nung ulam na talagang maibibigay sayo yung
pangarap na masarap na buhay. Yung maayos talaga ang trato sayo, nang walang problema; yung
hindi ka bibiguin; yung ulam na talagang kahit anong bahid ng mali ay wala. Sayang. Iyon pa
naman hinahanap ko: Yung hindi corrupt, yung hindi nagkaroon ng skandalo, young hindi
mayabang, yun sanang marunong talaga gumawa ng desisyong lahat ay makikinabang nang
walang hirap.

Sayang…walang ganun ngayon. Meron naman nakaka-tupad nung mga katangian, hindi nga
lang kumpleto. Sa May 9, 2022 kaya, may perpektong opsyon na? May adobo na kaya para sa
sikmura kong nagmimithi ng mga ulirang mga lider? Di bale na. Wala akong magagwa. Kung
anong nakahain, iyon na yun. Tignan nga natin. Sa unang kaserola…Dinuguan!

Hmmmm…Gusto ko ba ng dinuguan ngayon? Ayaw ko ng masyadong maraming Iron sa


katawan ko ngayon eh. Hindi rin naman maraming iron o bakal (*cha-ching*) ang binibigay, dun
na ako kakapit. Isa pa, kulang sa vitamins and minerals itong dinuguan. Walang gulay.

Sa sunod naman na kaserola: Paksiw. Pagkaamoy ko, hala! Nasobrahan yata sa Datu Puti.
Hindi ako mahilig sa masyadong maasim eh. Healthy naman, maganda sa katawan, malinis, tapos
balanse ang gulay at isda. Hindi lang ako mahilig sa paksiw, pero kung para sa ikabubuti na rin ng
katawan, edi go. Masayo lang talagang maasim para saakin, baka rin para sa ibang tao. Anong
susunod?

Tocino. Ay sosyal! Nakakapangiti sa tamis. Kaso nga lang, iyon ang problema eh. Masyado
yatang matamis. Nakaka-corrupt ng ipin. Isa pa, iyan na nga yung breakfast ko kanina, iyun
nanaman ngayong lunch? Political Dynasty, ganern? Huwag na lang muna siguro. Move on naman
kapag may time.

Next: pinakbet. Wow. Ang “bet” pero hindi pinaka. Joke lang. Ay wait. Iyon ang tingin ng
ibang tao diba: Joke lang siya. Pinagtatawanan, minamaliit…masustansya naman pero sa lugaw
lang kinukumpara. Walang karne itong pinakbet na ito ngayon, puro gulay galing sa mga
magsasaka. Ok naman! Marami sigurong may gusto dito. Dahil kaya ito talaga ang gusto nilang
piliin o dahil sinasabi ng madla na ito ang dapat?

Check ko naman ‘tong pinaka-huli. Wow, may label. Pqui-poqui raw. Tignan ko nga. Huh?
Wala namang laman. Sinungaling na label. Hindi talaga ito ang pipiliin ko. Ang ganda pa nung
drawing sa label o. Biglang yumanig ulit ang sikmura ko. Hoy! Gutom na gutom na ako. Kailangan
ko na ng sustansya! Pumili ka na kasi! Huwag ka na mag-isip, basta may mapili! sigaw ng tiyan
kung nagdadabog na.

Tama siya, kailangan ko na ngang pumili, pero hindi pwedeng basta-basta. May time pa
naman ako kahit kaunti. Kailangan kong pumili, pero dapat pinag-isipan. Kailangan isipin ko yung
kinabukasan ng bansa. Kaialangan, siya yung sinisigaw ng konsyensya ko; yung pinaniniwalaan
kong magpapabuti sa katawan na tinatawag kong “Pilipinas”; yung hindi man gagamot sa sakit,
ay ang gagawa ng paraan para lumakas ang pundasyon ng bayan…Wala sa mga ulam na meron
ngayon ay perpekto, pero meron naman isa na talagang sapat para sa kailangan ng bansa.

“Ate, order na po ako!”

“Anong sayo? Isa lang palang order, ha. Hindi pwedeng marami”

“OK, sige. Isa nga pong--“

You might also like