Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

BUHOK KO

Masyadong mabilis nahuhulog ang buhok ko

Namumuti muna tapos bibitiw na lang bigla

Sumusuko, Sori na lang kung ako ay makalbo

Hindi na kasi nila talaga kaya

Ito ako nabibigla, nahihirapan, ngunit di sumusuko

O Bumibigay sa hamon na bumitiw na lang rin

Pendong! Sigaw nila sabay sa akin ay sabunot

Buhay sa labas ngunit wasak ang damdamin

Bakit ba nagsilayas na kayo?

Tanong ko sa buhok sabay hawak sa anit

Sige na, diyaan lang kayo

Kasabay ng ngpaghigpit ng aking kapit

Akala ko mananatili ang natitirang buhok

Ngunit sa lalong paghigpit sila pa ay lumalaho

Ang mga kamay ko dumadakip walang hinto

Hanggang sa ako ay tuluyan na ngang nakalbo

You might also like