Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGKILALA SA MAY-AKDA

URI NG PANITIKAN

LAYUNIN NG MAY AKDA

TEMA O PAKSA NG AKDA

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

TAGPUAN/PANAHON BUOD

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA


PANGYAYARI

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY

ESTILO NG PAGKAKASULATNG AKDA


Si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant o mas kilala bilang si Guy de
Maupassant ay isang manunulat na pranses. Nakilala o naging tanyag
siya dahil sa kanyang sinulat na maikling kwento na “Ang Kwintas”.
Ang isa sa nag-udyok  sa kanya na maisulat ang akda na ito ay ang
pagsisikap na maitatag ang Paris bilang larawan ng lipunang Petiburges
sa kinis, kislap, at gawi ng mga gitnang ring namumuhay sa lungsod.
Bilang produkto ng teoryang realismo, ang kaniyang mga kwento ay
nagtatanghal ng pagkaganid sa kayamanan at naglalaman ng madilim na
aspekto sa kalikasan ng tao.

Ang uri ng panitikan na ginamit ay ang Maikling Kwento sapagkat ito


ang sangay ng panitikan na nagsasalaysay. Lahat ng katangiang taglay
ng maikling kwento ay nagawa o nasunod ng may-akda na ilapat sa
kanyang akda. Ito ang ay ang mga: (1) May isang pangunahing tauhang
may suliraning lulutasin. (2) May pagtalakay sa madulang bahagi ng
buhay (3) May mahalagang tagpo at (4) Higit sa lahat may mabilis na
pagtaas ng kawilihan hangang sa kasukdulan na susundan ng wakas.

Ang nakita naming layunin ng akda ay iparating sa atin o maipakita niya


sa atin ang mga nangyayari sa ating mga tao at sa ating lipunang
ginagalawan. At kung ano ba ang magiging resulta kapag ang solusyon
na ginawa natin sa isang maling gawain ay maling pamamaraan din.

Napapanahon at makabuluhan ang paksa at tema ng kwentong "Ang


Kwintas" sapagkat ang tema ng kwentong ito ay maari nating iugnay sa
mga nangyayari sa atin sa realidad o sa tunay na buhay. Ang naging
paksa naman ay naging mapaghangad sa buhay ang tauhan sa akda.
Para sa amin ang mga naging tauhan/ karakter sa "Ang Kwintas" ay mga
taong likha na ng lipunang ginagalawan. O sa madaling salita ay
sumasalamin tayo sa karakter sa akda.

Sa akda na ito ay masasabi namin na ang tagpuan at panahon ay angkop


sa mga sitwasyon na nangyayari at makatotohanan. Lahat ng mga
pangyayaring naganap ay tama lamang at hanggang ngayon, ang mga
ganoong uri ng pangyayari ay nagaganap pa rin sa lipunang ating
ginagalawan.

Masasabi namin na ang akdang ito ay hindi pa ganoong karaniwan dahil


mayroon pa rin naman itong mga taglay na kakaiba nilalaman. Iba pa rin
ito sa ibang kwentong ating ng nabasa sapagkat sa kwentong ito ay
naka-ugat pa rin o ang naging pokus ng akdang ito ay tayo o ang
realidad na nangyayari sa ating mga tao at sa lipunang ating
ginagalawan. Naging maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng
pagkwe-kwento ng akda dahil pag naman ito'y ating ng nabasa ay
madali naman itong intindihin kung ano ba ang gustong iparating sa
ating mambabasa ng may akda. Napaka-importante ng aral na gustong
iparating sa atin ng may akda na huwag tayong maging mapaghangad sa
buhay, dahil hindi lahat ng gusto natin ay maari nating makamtan o
makuha at kung ito'y ating pang ipipilit ay maaring mayroon pang
nasamang kalabasan o mangyari hindi lang sa atin kung pati na rin sa
mga naka paligid sa atin.
Napaka ganda ang naging kaisipan o ideyan nakapaloob o taglay ng
akdang "Ang Kwintas" dahil nga sumasalamin ito sa nangyayari sa
realidad na ang pangunahing tauhan ay tayo, ang mga tao sa lipunan.
Naging malinaw ang kaisipang taglay nito, (1) Dapat na mas inuuna
natin yung mga bagay na ating kailangan kaysa sa mga luho lamang. (2)
Hindi maitutuwid ang isang mali sa isa pang pagkakamali, mayroon
isang parte sa akda na nagpakita ng ganitong sitwasyon, dapat tandaan
natin na ang isang mali ay hindi dapat lulutasin o sosulusyunan gamiy
ang isa pang maling paraan. (3) Ang pinaka importante sa lahat ay yung
dapat makuntento tayo kung ano lang ang mayroon sa atin. Hindi dapat
tayo mag asam ng mga bagay na wala tayo o mag asam na magkaroon
ng ganitong bagay sapagkat pwedeng humantong ito sa pagkakaroon ng
hindi magandang pangyayari sa ating buhay.

Naging epektibo at angkop naman ang mga salitang ginamit sa akda


dahil hindi ito masyadong malalim na salita ang ginamit sa akda, at
naging angkop pa ito sa panitikan na ginamit niya ang "maikling
kwento". Naging sakto lang para sa mga mambabasa na maintindihan
ang akda at kung ano ang gusto niyang iparating gamit yung naging
estilo ng may akda.

Ang maikling kwento ay patungkol sa ginang na nang hiram ng kwintas


sa kanyang kaibigan upang gamitin sa pagtitipon na pupuntahan ng mag-
asawa. Nawala ang kwintas na ginamit niya kaya ang mag-asawa ay
naghirap sa kanilang buhay sa pag-aakalang isang mamahalin na kwintas
ang kanyang ginamit, ngunit pagdating sa huli ay nalaman lang nang
ginang na ang kwintas ay gawa lamang sa pwet ng baso at hindi ito
katulad ng mga totoong ginto.

You might also like