Kayamanan Mula Sa Salita NG Diyos 1corinto 14-16

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Ang Diyos ang Magiging ‘Nag-iisang Tagapamahala ng Lahat’”

(See picture #1)


Guni-gunihin mo na mayroong isang masama at mabagsik na humahabol sayo, tinatakasan mo siya
parang yung nasa larawan. Nakakatakot siya.. Alam mong siya’y walang-awa dahil nakita mo nang
pinatay niya ang ilan sa iyong mga kaibigan. Ayaw mong maabutan ka niya. Kaya ikaw ay patuloy
na tumatakbo. Takbo ka ng takbo ngunit mas mabilis siyang tumakbo sayo kaya unti-unting lumiliit
ang distansya niyo. Takbo ka ng takbo ngunit unti-unti ka nang napapagod. Takbo ka ng takbo
ngunit alam mo na sa bandang huli ay maaabutan ka niya. Gaanuman katindi ang pagsisikap mong
matakasan siya, ay papalapít siya nang papalapít sa iyo. Hindi mo siya matatakasan.. alam mong
mahuhuli ka niya.
Ngayon bakit ko kaya ikinikwento ang senaryong ito mga kapatid..? Alam niyo ba na totoong
nangyayare sa atin lahat ito? Na may napakasama at nakakatakot na humahabol sa atin. At hinding-
hindi natin ito kayang takasan. Isa itong kaaway na kahit anong gawin natin ay maaabutan tayo.
Ngayon sino ang humahabol sa atin? Tayo ay hinahabol ng.. kamatayan. Nakita na ng karamihan sa
atin na inagaw ng kaaway na ito ang buhay ng mga taong minamahal natin. Hindi natin ito kayang
takasan. Ngunit anong magagawa natin.. kaya ba natin itong labanan? Alamin natin iyan maya-
maya.
Mga kapatid kapag naririnig niyo ang salitang "wakas" ano ang naiisip niyo? [Marahil ang ilan sa
inyo ang naiisip ay maaring "kamatayan" kumbaga kawakasan mo na o kamatayan, o pwede rin
namang wakas ng kwento o "ending", o kaya yung iba maaring naiisip ay "pagsuko" kumabaga
wakas na o suko na ko.] Marami no.. Pero para tulungan tayo na malaman kung ano ang wakas na
tinutukoy ng Bibliya ating basahin ang 1Corinto 15:24, 25 basahin natin (24 Kasunod ay ang wakas,
kapag ibinigay niya ang Kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag inalis na niya ang lahat ng
pamahalaan at lahat ng awtoridad at kapangyarihan. 25 Maghahari siya hanggang sa mailagay ng
Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng mga paa niya). Binanggit sa talata24 ang salitang “wakas”.
Ito ay tumutukoy sa katapusan ng Sanlibong Taóng Paghahari ng ating panginoong Jesus. Ano ba
yung Sanlibong Taóng Paghahari ng ating panginoong Jesus? Ito ay yung timeline na kung saan
ang mga nakaligtas na tapat na lingkod ng Diyos na Jehova noong Armageddon kasama na ang
mga binuhay muli ay magkakaroon ng malawakang pagtuturo at pagkatuto. [Sa panahong iyan ay
nasaan kaya si Satanas at ang kaniyang mga demonyo? Sila ay nasa ilalim ng lupa, nakakulong sa
pusikit na kadiliman.] After 1000 years o isang libong taong paghahari ng ating panginoong Jesus,
ito na ang panahon kung saan isasa-uli na ni Jesus yung kaharian kay Jehova. Pero bago muna
mangyare ang lahat ng iyan ay may mangyayare munang isang napakahalagang event. Ano iyon?
Pupuksain muna ng mesyanikong kaharian sa pangunguna ni Jesus kasama ang 144thousand at ng
iba pang mga anghel ang lahat ng kaaway ng Diyos na kinabibilangan ng lahat ng pamahalaan at
ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan na salungat sa Soberanong kalooban ng Diyos na Jehova.
Pansinin natin mga kapatid ang larawan (see picture #2). Sa malaking kapighatian, sa Armageddon,
ang hukbo ng ating panginoong Jesus ay makikipaglaban sa kuwalisyong militar ng mga bansa na
sasalakay sa bayan ng Diyos. Ngayon ang tanong, Dapat ba tayong matakot sa pag-atakeng yan
mga kapatid? Dapat ba tayong matakot? Hinding-hinde! Kung paanong paiikliin ni Jehova ang
digmaang ito para maprotektahan tayo (katulad ng nakikita naten sa larawan), ang bayan ng Diyos
ay nakatayong matatag na pinoprotektahan ni Jehova habang nakikipagdigma si Jesus at ang
kaniyang mga hukbo sa mga kalaban ng Diyos.
Kamusta naman ang kamatayan? Bumalik tayo sa tanong naten kanina. Kaya ba nating kalabanin
ang kamatayan? Para masagot yan ay may ipapakita akong picture. (see picture #3) kilala niyo ba
kung sino yan? Mukhang maraming nakakakilala sa kaniya a! Oo tama kayo! Siya si Michael
Jackson. Alam niyo bang si Michael Jackson ay naghangad na mabuhay ng 150years. Para matalo
ang kamatayan ay marami siyang ginawang paghahanda. Nagtalaga siya ng 12 doctor upang suriin
siya mula ulo hanggang paa. Ang kaniyang pagkain ay pinag-aralan sa laboratoryo bago ihain sa
kaniya. Karagdagang 15 tao ang itinalaga niya upang tumingin sa kaniyang pang araw-araw na
ehersisyo. At ang kaniya mismong higaan ay may teknolohiya na kayang iregulate ang oxygen level
upang pabagalin ang kaniyang pagtanda. Mukhang nagtatagumpay na siya sa kaniyang hangaring
mabuhay ng 150years. Pero noong June 25, 2009 huminto ang kaniyang puso at siya ay namatay
sa edad na 50. Sa kabila ng kaniyang paghahanda siya ay nabigong talunin ang kamatayan. Kaya
anong ipinakikita nito? Na sa ating sariling lakas ay hindi natin matatalo ang kamatayan. Pero hindi
ibig sabihin nito na wala na tayong magagawa. Ating basahin ang 1Corinto 15:26 (At ang huling
kaaway, ang kamatayan, ay mawawala na.) Sa tekstong binasa naten ay sinasabing ang kamatayan
ay mawawala na. Paano kaya yun? Ang sagot ay mababasa natin sa Isaias 25:8 (Lalamunin niya
ang kamatayan magpakailanman, At papahirin ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang mga
luha sa lahat ng mukha.) Aalisin niya ang panghahamak sa kaniyang bayan mula sa buong lupa,
Dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.) Ipinakikita na si Jehova ang tatalo sa kamatayan para sa
atin. Ibig sabihin sa hinaharap ay wala ng magkakasakit kaya wala ng trabaho ang mga doctor o
nurse, wala na din ililibing kaya hindi na natin kailangan ng sementeryo. Pero ang tanong ko mga
kapatid ay wala na ba talagang iiyak sa bagong sanlibutan ng Diyos? Hindi na ba tayo iiyak? Anu sa
palagay niyo? Ang sagot ay iiyak pa rin tayo. Pero hindi dahil sa pagdadalamhati kundi iiyak tayo
dahil sa kagalakan. Kumbaga tears of joy na kung tawagin yan. Naiimagine niyo ba ang sarili niyo
katulad ng mga kapatid na nasa larawan (see picture #4). Na masayang-masaya ka habang
sinasalubong mo ang namatay mong mahal sa buhay. Maaring sinasalubong mo ang namatay
mong magulang, asawa, kapatid, kamag-anak, o iyong kaibigan. Na muli mo silang makaka-usap at
mayayakap. Marahil kapag nangyare iyon ay makita mo pa lang sila ay umiiyak ka na.

Nabanggit kanina na pagkatapos ng sanlibong taon na paghahari ni Jesus ay magaganap ang


pagsasa-uli ng kaharian sa Diyos. Katulad ng nakikita natin sa larawan (see picture #5). Ano ang
mangyayare pagkatapos nito? Ayon sa 1Corinto 15:27,28 na [Basahin naten ang 1Corinto 15:27,28
(27 Dahil “inilagay ng Diyos ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya.” Pero nang sabihing ‘ang
lahat ng bagay ay napasailalim,’ malinaw na hindi kasama rito ang Isa na nagbigay sa kaniya ng
awtoridad sa lahat ng bagay. 28 Kapag napasailalim na niya ang lahat ng bagay, ang Anak ay
magpapasailalim din sa Isa na nagbigay sa kaniya ng awtoridad sa lahat ng bagay, para ang Diyos
ang maging nag-iisang Tagapamahala ng lahat.)] Sa panahong ito, maisasakatuparan na muli ang
orihinal na kalagayan ng lupa bago nawala nila Adan at Eva ang kanilang kasakdalan. Kasabay nito
maibabalik ang soberanya ng Diyos na Jehova bilang nag-iisang tagapamahala. Ang Soberanong
Panginoong Jehova ang tuwirang mamamahala sa lahat ng kaniyang nilalang, anghel man ito o tao.
Napakalaking pribilehiyo ang nag-aabang saten. Dahil katulad nila Adan at Eva noong sakdal pa sila
ay maari nating kauspin si Jehova, patuloy na sambahin at patuloy na pagpapalain. Kaya
napakagandang pribilehiyo na magkaroon ng personal na kaugnayan sa nag-iisang tagapamahala
ng lahat.

Pero ang Diyos na Jehova may kahilingan siya sa atin mga kapatid. Anu yun? Katapatan! Malaking
hamon para sa ating lahat ito. Baka sa paghihintay natin na dumating ang inaasam na kapayapaan
ay matagalan tayo, mapagod, manghina, o sumuko. Hindi kataka-taka na mangyare iyan dahil
nabubuhay tayo sa sistemang ito ng mga bagay na mahirap pakitunguhan. Ang mga tekstong
natalakay naten ay ilan lamang sa mga patotoo na mapanghahawakan natin upang patuloy tayong
lumakad ng may katapatan kasama si Jehova. Makakatulong din kung ipakikipag-usap natin o
isheshare natin sa iba yung mga pag-asang ito. At mahalaga rin na bulay-bulayin ang mangyayari
sa pagtatapos ng Sanlibong Taong Paghahari ni Kristo. May dalawang tanong na ibinangon sa ating
workbook mga kapatid. Yung una. Alin sa darating na mga pagpapala ang pinakagusto mo, at
bakit?. Ikalawa, Bakit ka kumbinsido na magkakatotoo ang mga pangako ng Diyos? Nanaisin natin
na itanong sa ating sarili ang mga tanong na ito, pag-aralan at bulay-bulayin. Dahil tiyak na tutulong
ito para mas lalong maging totoo sa atin ang lahat ng pangako ng Diyos "na patuloy na lumalakad
ng may katapatan sa nag-iisang tagapamahala ng lahat." Ang Diyos na Jehova!

You might also like