Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula

DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR

Molave West District

ESP 4

2ND Quarter Summative Test

Pangalan: Marka:

I. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay hindi.
______1. Humihingi ako ng tawad kapag ako'y nagkakamali.
______2. Magaling ako kaya hindi ko na kailangan ang puna ng ibang tao sa akin.
______3. Nagagalit ako kapag pinagsasabihan ako ng aking guro.
______4. Pinapatawad ko ang aking mga kaklase kung nagkakasala sila sa akin.
______5. Matagal ko ng alam na magaling akong gumuhit kaya hindi ko na pinapansin ang puna ng
aking mga kaibigan.
______6. Naghahanap ako ng sisisihin sa tuwing ako'y nagkakamali.
______7. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa.
______8. Dapat tayong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin.
______9. Ang puna na ibinibigay sa atin ng iba ay makatutulong para tayo ay magpursigi sa ating buhay.
______10. Ang patanggap ng sariling pagkakamali ay isang ugaling dapat taglayin ninuman.
II. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na
sanayang papel.
1. Naabutan mong tinutukso ng iyong kaibigan ang nakababata mong kapatid at sinasabihang mataba.
Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?
a."Sige, tuksuhin mo pa siya."
b. "Huwag mo siyang tuksuhin kaibigan, nakakasakit ka ng damdamin."
c. "Hindi ako nagagalit. Eh, totoo namang mataba siya di ba?"
d. "Lakasan mo pa ang boses mo para mas masaya."
2. Umiiyak ang iyong pinsan dahil sa sobra mong panunukso sa kaniya. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagtatawanan ko na lang siya.
b. Hihingi ako ng tawad sa kaniya at titigilan na ang panunukso.
c. Pababayaan ko siyang umiyak hanggang marinig siya ng kaniyang nanay.
d. Aalis ako sa harap niya na parang walang nangyari.
3. Ano ang iyong gagawin kung nakakasakit ka ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa pagbibiro?
a. Hihingi ako ng tawad. c. Tutuksuhin ko pa siya lalo.
b. Pababayaan ko na lang. d. Aalis ako at tatawa nang malakas.
4. Bilang isang bata, paano ka magbibiro ng hindi nakakasakit ng damdamin ng iyong kapwa?
a. Sasabihin ko ang gusto ko. c. Hindi ako gagamit ng mga masasakit na salita.
b. Tutuksuhin sila sa maraming tao. d. Sisigawan ko sila habang kami ay nag-uusap.
5. Inabutan mong nagbibiruan ang iyong mga pinsan sa bahay ng lolo ninyo. Nang dumating ka, biglang
sumigaw ang isa sa kanila ng Itim, ang itim mo!"habang nakatingin sa iyo. Ano ang magiging reaksiyon
mo?
a. liyak ako dahil ako ang pinariringgan niya.
b. Sisigawan ko rin siya ng "mataba, ang taba mo!"
c. Hindi ko siya papansinin. Uuwi na lang ako at magsusumbong sa nanay.
d. Kakausapin ko siya nang mahinahon na nakakasakit ng damdamin ang kaniyang ginawa.
6. Isang araw pinag-usapan ninyo ang inyong pinsan dahil siya ay pandak kahit nasa ikaanim na baitang
na. Nang mapansin mong parang nasasaktan na siya, ay bigla siyang umalis at hindi na bumalik. Ano ang
maaari mong sabihin sa iba mo pang mga pinsan?
a. Sasabihin kong patuloy lang sa pinag-usapan.
b. Kakausapin ko sila na tigilan na dahil hindi ito maganda.
c. Hahayaan ko na lang siyang umalis at bahala na kung nasaktan siya.
d. Pagtatawanan pa namin siya lalo dahil hindi niya naman kami maririnig.
7. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung nakakakita o nakakarinig ka ng mga biro na
nakakasakit ng damdamin?
a. Hindi ko ito gagayahin dahil mali ito.
b. Gagayahin ko ito at gamitin sa pagbibiro.
c. Kokopyahin ko ito at ipapakita sa aking mga kaklase.
d. Hihikayatin ko ang aking kapatid na sundin namin ito.
8. Narinig mong binibiro ni Ondoy si Ester gamit ang hindi magagandang salita. Ano ang maari mong
gawin bilang kaibigan nila?
a. Kakausapin ko si Ondoy nang mahinahon at sabihin na mali ang kaniyang gawa.
b. Hahayaan ko silang mag-away at hindi na makikialam sa kanilang biruan.
c. Sasali ako sa kanilang biruan hanggang umiyak si Ester.
d. Kakampihan ko si Ester at bibiruin din namin si Ondov at sasabihan ng masasakit na salita.
9. Sa inyong ESP ay pinapagawa kayo ng pangako ng inyong guro tungkol sa pagbibiro. Ano ang iyong
dapat isaalang-alang sa paggawa ng pangako?
a. Gagamit ako ng mga masasakit na salita.
b. Sisiguraduhin kong masasaktan ang aking kapwa.
c. Hindi ako gagamit nga mga masasakit na salita sa pagbibiro.
d. Gagayahin ko ang mga birong aking napanood at narinig na nakakasakit ng damdamin.
10. Ano ang iyong maipapayo sa kaibigan mong gumagamit ng masasakit na salita sa pagbibiro?
a. Ipagpatuloy niya lang ito dahil nakakaaliw naman siya.
b. Kakausapin ko siya na kung maaari ba akong sumali sa pagbibiro niya.
c. Papayuhan ko siya nang mahinahon na itigil niya na ito dahil nakakasakit siya ng damdamin sa
kapwa.
d. Sasabihin ko sa kaniya na maganda itong gawain kaya lakasan niya pa ang pagpapatawa.

Inihanda ni:
Clarita N. Rocamora

You might also like