Professional Documents
Culture Documents
EsP8 Qrt1 Week4
EsP8 Qrt1 Week4
EsP8 Qrt1 Week4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Simulan Natin
Nang pinagtagpo at itadhana ng Diyos ang ating magulang,
upang magsama at bumuo ng pamilya, binigyan niya din ito ng
mahalagang misyon na kailangan nilang gampanan para sa kanilang
mga anak. Ano-ano kaya ang mahahalagang misyong ito? Halina’t
sabay nating tuklasin sa araling ito.
Mga Layunin
1. Naipaliliwanag na ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang
ay magbigay ng edukasyon.
2. Napahahalagahan ang sariling gawi sa pag-aaral, paggawa ng pagpapasya at
pananampalataya bilang tugon sa pagganap ng mga magulang sa kanilang mga
tungkulin.
3. Nakagagawa ng sariling infographics na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagtataguyod ng mga gampanin ng pamilya sa pagbibigay-edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
Kasanayan sa Pagkatuto
1
Alalahanin Natin
Pamilyar ba kayo sa larong 4 PICS 1 Word? Ngayon, subukang suriin ang hinihinging salita
batay sa mga larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. 2. 3.
Unawain Natin
Noong una si nanay at si tatay lamang ang magkasama. Nang lumaon sila ay
nakatanggap ng regalo galing sa Diyos - sina kuya, ate, ikaw, at si bunso. Kalakip ng biyayang
ito ay ang tungkulin nilang kailanman ay hindi maaring talikuran o ipasa sa iba. Ang tungkuling
ito ng magulang ay hindi lamang natatapos sa pagbibigay ng makakain, maiinom, maisusuot
o matitirhan ng anak. Kasama rito ang paghahanda sa kanilang buhay at paggabay sa kanila
sa pagtupad ng kanilang mga hangarin tungo sa kaganapan nila bilang tao. Kabilang dito ang
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya
INAKUP, AREKUP
Jimmy Antiporda, Yoly Ong, Marilyn Villapando
Gawin Natin
A. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung
ang nakasalungguhit na salita o parirala ay tama at isulat naman ang tamang sagot kung ang
nakasalungguhit na salita o parirala ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Suriin Natin
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at isulat ang nararapat mong tugon ukol dito.
1. Dahil sa kinakaharap na pandemya ng bansa ngayon hindi muna pinapasok sa
paaralan ang mga mag-aaral para sa kanilang kaligtasan. Kung kaya nakapagpasiya
ang iyong magulang na huminto ka muna sa pag-aaral ngayong taon. Ngunit labag ito
sa iyong kalooban. Ano ang iyong gagawin?
3
2. Tuwing araw ng Linggo, maaga kayong gumigising kasama ang iyong pamilya upang
dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Dahil sa pagbabago ng sitwasyon dulot ng
pandemya, naapektuhan din ang kinaugalian ng inyong pamilya na
magsimba/magsamba. Bilang tugon sa misyon ng pamilya sa paghubog ng
pananampalataya, paano mo maibabalik ang kinaugalian ng iyong pamilya sa
pananampalataya sa gitna ng pandemya?
3. Ayaw na mag-aral ng iyong kaibigan dahil hindi naman daw siya magagabayan ng
kanyang mga magulang sa pag-aaral dahil hiwalay na ang mga ito. Ayon pa sa kanya
hindi niya kayang mag-aral mag-isa. Bilang isang kaibigan, paano mo siya hihikayating
mag-aral sa gitna ng sitwasyong kaniyang kinakaharap?
Tayain Natin
A. Panuto: Sumulat ng 3 tiyak na hakbang kung paano mo mapapaunlad ang iyong gawi
sa pag-aaral, pagpapasiya, at pananampalataya.
PAG-AARAL PANANAMPALATAYA
PAGPAPASIYA
1. 1.
1.
2. 2.
2.
3. 3.
3.
4
B. Humanap ng anumang larawan sa internet o sa mga lumang magasin na maaring
magsimbolo sa edukasyon, pagpapasiya, at pananampalataya. Isulat ang mga natutuhan sa
aralin na may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng misyon para sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.
Halimbawa :
Buoin Natin
Halimbawa:
5
Paalala: Sa short bond paper lang po gagawin ang infographics.
Rubriks:
Kaangkupan ng mensahe 15
Pagiging malikhain 10
Organisado 10