EsP8 Qrt1 Week3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Unang Markahan
Ikatlong Linggo

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,


Paggabay sa Pagpapasiya at
Paghubog ng Pananampalataya

Simulan Natin
Madalas mo rin bang marinig ang mga
katagang nasa larawan? Paulit-ulit na sinasambit ng
ating magulang kapag mayroon tayong maling
nagawa. Madalas pa tayong naiirita at sinasabing
ayan na naman ang sirang plaka.Ngunit naiisip mo ba
kung bakit paulit-ulit nila itong sinasabi sa iyo?
Halina’t tuklasin natin ang dahilan sa paulit-ulit na
paalalang ito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto


2.1-Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita
ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng
pananampalataya.
2.2- Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

Mga Layunin
1. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.
2. Nabibigyang-halaga ang misyon ng magulang sa kanilang mga anak sa pagbibigay
ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
3. Nakabubuo ng isang liham pasasalamat sa magulang na nagpapahayag ng kanilang
pasasalamat sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog
ng kanilang pananampalataya.

1
Balikan Natin

Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba. Buuin ang pangungusap na


magpapahayag ng nabuo mong konsepto.

Mayaman o mahirap, magkalapit o magkalayo, mapapanatili ang


pamilya bilang institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan, at
pananampalataya sa pamamagitan
ng_____________________________.

Unawain Natin

Natutuhan natin sa unang aralin na ang ating pamilya ay isang pamayanan


ng pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa.. Sa pagpapatuloy ng ating aralin malalaman natin na bilang kasapi
ng ating pamilya ay mayroon pala tayong misyon na dapat gampanan. Sa isang
pamilya, upang maging Mission: Possible ang misyon na ito nangangailangan
lamang na magkaisa at magtulungan ang bawat kasapi nito.

Panuto: Tingnan ang mga nasa larawan. Anu-anong Misyon ng pamilya ang nakikita
ninyo?

1. Batay sa mga larawan ano- ano ang misyon na dapat gampanan ng pamilya?
2. Mahalaga ba ang mga ito sa ating buhay? Bakit?

2
Ilapat Natin

Matapos tukuyin ang misyon ng iyong pamilya, iyong balikan ang iyong mga
sariling karanasan ukol dito.

Panuto: Maglista ng tatlong (3) salita o katagang palaging paalala sa iyo ng iyong
magulang. Matapos ito ay isulat mo ang malalim na aral na nais na maitanim nila sa iyong
puso at isipan.

Halimbawa:

Nais nila na ako ay makatapos


Mag - aral kang mabuti!!
sa pag-aaral at makakuha ng
Yan lang ang
sapat na kaalaman at
maipamamana namin sa
kasanayan na aking magagamit
iyo.
sa hinaharap.

Suriin Natin

Hindi madali ang pagsasakatuparan sa mga tungkulin o misyon na itinalaga ng


Diyos sa ating mga magulang lalo na kung may mga banta o hadlang upang
maisakatuparan ang mga ito. Sa pagkakataong ito tukuyin mo ang mga banta o hadlang sa
mga gampanin ng Pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya. Isulat din ang mga posibleng hakbang
upang malampasan ang mga bantang ito.

Mga banta sa pamilyang Pilipino Paano ito malalampasan?

1. Pagbibigay ng Edukasyon

Halimbawa
Dahil sa kahirapan napilitang magtrabaho Magtulong-tulong ang lahat ng kasapi ng
ng ama at ina sa ibang bansa kung kaya pamilya upang matulungan ang magulang
wala silang panahon sa pagbabantay at na maisakatuparan ang kanilang gampanin
pagtuturo sa kanilang anak sa pag-aaral sa pagtuturo ng kanilang anak.

2. Paggabay sa Pagpapasiya

3. Paghubog ng Pananampalataya

3
Gabay na tanong
1. Anong mga pagbabago sa pamilyang Pilipino ang iyong nasaksihan?
2. Bakit mahalagang malampasan ang mga banta sa pamilyang Pilipino?
3. Ano ang maibubunga ng pagsisikap na malampasan ang mga banta sa
pamilyang Pilipino para sa kabataang Pilipino at para sa lipunan?

Tayain Natin

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang


iyong sariling opinyon sa loob ng 3 o 5 pangungusap.
1. Bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya?
2. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasiya?
3. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng bawat isa?
B. Basahin ang karanasan ng isang mag-aaral ukol sa pagsasakatuparan ng misyon
ng pamilya na nadama nilang magkakapatid mula sa kanilang magulang.

4
Mga gabay na tanong
1. Bakit ipinagmamalaki ng mag-aaral ang kanyang pamilya?
2. Paano inilarawan sa kwento ang pagkakaisa sa kanyang pamilya?
3. Paano niya ipinakita at ng kaniyang pamilya ang pagsasakatuparan ng
misyon ng pamilya sa pagbibigay edukasyon, paggabay sa pagpapasya at
paghubog ng pananampalataya?

Likhain Natin
Gumawa ng isang liham pasasalamat sa iyong magulang sa
pagtupad nila ng kanilang misyon. Banggitin sa sulat ang mga pagpapahalaga o virtue na
natutuhan mo sa kanila. Isulat din ang mga mabubuting impluwensya na nakatulong sa iyo
lalo na sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya na naging daan upang ikaw ay maging isang mabuting tao.

Pamantayan 10 9 8 Puntos

Nilalaman Lubusang Nagpakita ng Simpleng


naipakita ang pasasalamat at pasasalamat at
pasasalamat at pagpapahalaga pagpapahalaga
pagpapahalaga para sa para sa
para sa magulang magulang ang
magulang naipakita

Kaangkupan ng Angkop ang May 1-3 hindi May 4 o higit


mga salitang mga salitang angkop na pang salitang
ginamit sa ginamit sa salitang ginamit hindi angkop na
pagpapahayag pagpapahayag sa ginamit sa
ng pasasalamat ng pasasalamat pagpapahayag pagpapahayag
sa magulang sa magulang ng pasasalamat ng pasasalamat
sa magulang sa magulang

Kalinisan at Wastong-wasto May 1-2 Hindi mabasa at


kaayusan at napakalinis bura/dumi sa may 3 o higit na
ng pagkakasulat pagkakasulat. bura/dumi sa
pagkakasulat.

Kabuoang Puntos

You might also like