Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

COMMISSION ON DIOCESAN SCHOOLS

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


High School Department
Bangar, La Union

FILIPINO 7
Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________
Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: Bb. Jonalyn D. Obina

MODYUL 9
PAKSA: MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG
MAKATOTOHANAN AT MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO (ANG ALAMAT
NG PALENDAG)

PANIMULA!
ALAMIN:

Sa araling ito isang advertising executive na kinisyon ng Kagawaran ng Turismo bumuo ng


isang travel brochure na aakit sa mga turistang bisitahin o pasyalan ang naggagandahang lugar sa
Mindanao.Tara na’t basahin ang kwentong makikita sa inong libro sa pinagyamang pluma pahina 126.

ALAM MO BA?
Ang palendag ay isang uri ng plawtang kawayang ginagamit ng mga Magindanawon. Ito ay itinuturing
na pinakamahirap gamitin sa tatlong uri ng mga plawtang kawayan (ang dalawa pa’y ang tumpong at ang
suling) dahil sa kakaibang paraan ng pagkakahugis ng ihipan nito.

MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG MAKATOTOHANAN AT


MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO
1. Pananaliksik at pagsulat ng Nilalaman ng iyong “Travel Brochure”
 Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga turista upang ang
lugar ay pasyalan.
 Piliin ang pinakamahalagang bagay na gusto mong bigyang-diin tungkol sa lugar na sa tingin mo ay
aakit sa uri ng turistang target na iyong travel brochure.
 Naglalaman lamang ito ng pinakinteresante at pinakamahalagang impormasyon patungkol sa lugar
dahil makabubuti kung mapupuno sa salita ang brochure
2. Pagpili ng mga larawang Isasama sa Travel Brochure
 Pagpili ng larawang pang-angkop sa iyong binubuong travel. Tulad ng pangangabayo, pagzi-zipline,
pagpi-piknik, o simpleng paglalakad sa malapulbos na dalampasigan.
3. Pagbuo ng Borador para sa iyong Travel Brochure
 Sa pagbuo ng borador o draft ay tiyaking nagamit mo ang wasto at angkop na wikang Filipino upang
ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi makapanghikayat din sa target na mambabasa.
4. Pagbuo ng aktuwal na Travel Brochure
 Handa na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure
 Tiyakin na tama ang baybay at bantas sa iyong gagawin at naipapaliwanag din ang mga salitang
ginamit sa paggawa ng proyekto ulad ng wikang Filipino.

Inihanda ni: Iniwasto ni at Binigyang-pansin ni:


Bb. Jonalyn D. Obina Bb. Jennifer B. Galuz
Guro sa Filipino Punong-guro

1
WORKSHEET SA ASIGNATURANG FILIPINO
MODYUL 9

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________


Baitang at Seksyon: ______________________ Iskor:

 Gawain 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay sa binasang alamat
1. Ang dalaga sa alamat ay isang ___________.
a. Mananahi b. tagaburda c. manghahabi d. magsasaka
2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang ________________.
a. Manlalakbay b. datu c. kawal d. mangangalakal
3. Hindi na natupad ng binate ang pangakong pagbabalik kasintahan dahil siya ay _________.
a. Ikinasala sa ibang babae c. Namatay hakbang naglalakbay
b. Natalo sa sinalihang labanan d. Nakatagpo ng magandang kapalaran
4. Ang palendag ay isang instrumenting pangmusikang tinutugtog na parang isang _________.
a. Gitara b. plawta c. tambol d. piyano
5. Ayon sa alamat, ang unang bersiyon ng instrumenting ito ay nalikha sa pamamagitan ng ____________.
a. Pagtusokk dito ng karayom na gamit sa paghahabi
b. Pag-ihip ng malakas sa kapirasong kawayan
c. Paggamit ng makina para mabutas ang kawayan
d. Lagging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan.

 Gawain 2
Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek ang lahat ng mga kaisipan o ideyang tinalakay sa akda. Ekis naman ang
ilalagay kung hindi ito nabanggit sa akda. Pagktapos, sa mga linya sa kabilang pahina ay bigyang reaksyon mo
ang dalawang kaisipan o ideyang nilagyan mo ng tsek.
1. Ipinagbawal ng tradisyong Magindanawon ang pagliligawan ng binate at dalaga
2. Nakuha ng dalaga at ng binata ang basbas ng kanilang magulang para sa kanilang relasyon.
3. Naranasan ng dalaga ang malasakit na kabiguan nang hindi na muling bumalik ang kasintahan.
4. Labis na dinamdam ng dalaga ang kabiguang naranasan kaya’t siyay umiyak o lumuha hanggang sa
mabutas ang kawayang pinapatakan ng kanyang luha.
5. Tinulungan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan ang dalaga upang muling makabangon sa
kabiguang naranasan.
6. Inaliw ng dalaga ang sarili sa pamamagitan ng pagtugtog ng paglendag.
Magbigay ng reaksyion sa dalawa sa mga pahayag na nilagyan mo ng tsek. Isulat sa mga linya ang bilang
ng pahayag at ang reaksiyon mo para sa bawat isa.
1. ____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain 3.
Bumuo ng isang proyektong panturismo. Sundan ang mga hakbang na tinalakay sa mga nagdaang
pahina sa pagsasagawa nito. Pagkatapos mabuo ang travel brochure, bilang isang advertising executive
ay kailangan ilahad mo ang buo sa harap ng iyong mga kliyente, ilahad ang mga hakbang iyong ginawa
mo sa pagkuha ng mga datos. Nasa libro ang gabay na pamantayang ibibigay ng guro na makikita rin
sa pag-scan ng QR code na nasa pahina 136.

Inihanda ni: Iniwasto at binigyang-pansin ni:


Jonalyn D. Obina Bb. Jennifer B. Galuz
Subject Teacher Principal
2

You might also like