Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAALAM KAY LEONOR

(ADIOS A LEONOR)
Ito’y isang tula na sinulat ni Rizal bago ang kanyang pag-alis para sa Europa noong
1882. Ang tula na ito ay alay sa kanyang pinaka-minamahal at pinaka sikat na babae
sa kanyang buhay na si Leonor Rivera, ang kanyang kasintahan.

Dumating na rin nga yaong malinggatong na sandal,


ng malungkot na daratnin ng palad kong sawing-sawi,
sa hulí nga’y dumating din ang sandali ng pighati
na ako ay aalis na’t mawawalay sa minithi.

Paalam na, Leonor ko, ako ngayon ay paalam,


ang puso kong umiibig ay sa iyo ko iiwan;
paalam na, Leonor ko, ditto ako’y mawawalay
oh, malungkot na paglayong ang sákit ko’y walang hanggan.
Kay Selya

(Francisco Balagtas)

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

Di mamakailang mupo ng panimdim


sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.

Liniligawan ko ang iyong larawan


sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,


dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

You might also like