Layunin NG Teksto Activity 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hari ng Tondo

Kahit sa patalim kumapit


Isang tuka, isang kahit ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang Hari ng Tondo, Hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo, oh
Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo

Minsan sa isang lugar sa Maynila


Maraming nangyayari ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat, animo'y kagat-kagat
Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan, umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag, walang tanong ay kitilan ng buhay
Hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay, kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino mang lamang, mga bitukang halang
At kung wala kang alam ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nagpasya na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta
Sabay-sabay nating awitin ang tabing na tolda

Kahit sa patalim kumapit


Isang tuka, isang kahig ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang Hari ng Tondo, Hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo, oh
Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo

Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag


Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong galit
Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit sa hangin na masangsang
Nakakapanghina ang nana at hindi mo matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga, tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga

Layunin :

Ang layunin ng awit ay ang magbigay kaalaman o impormasyon


ukol sa naging buhay ni Asiong Salonga na tinaguriang Hari ng Tondo.
Sya ay siga at halang ang bituka kaya’t lahat ng tao ay may takot at ang
sumalungat ay kinikitilan nya ng buhay. Wala silang pagpipilian kundi ang
magbigay pugay at yumuyuko na lamang. Sa kabila ng lahat, sya ay
umibig at ito ang nagbigay sa kanya ng katinuan upang talikuran ang
kasamaan. Ngunit huli ng ang lahat, nakitil ang kanyang buhay ng isa sa
kanyang mga kaibigan.

You might also like