Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Negros Occidental
NEGROS OCCIDENTAL HIGH SCHOOL
Bacolod City

FILIPINO – 9
UNANG MARKAHAN
T.P. 2022-2023

Lagumang Pagsusulit 1
(Maikling Kuwento at Nobela)
Sagutang Papel (Answer Sheet)

PANGALAN:_______________________________ BAITANG @ PANGKAT:__________________ ISKOR: ______

MAIKLING KUWENTO:

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng salitang may pinakamalapit na
kahulugan ng salitang may salungguhit. Letra lamang ang isulat.

1. Tila tinarakan ng patalim ang dibdib ni Lian-chiao nang marinig ang sinabi ng asawa.
A. Dinaplisan B. Naglagos C. Nilagyan D. Sinaksak
2. Tila tuod na nakatayo si Lan-chiao sa harapan ng kaniyang asawang galit na galit.
A. Nakaakbay B. Nakahilig C. Nakayuko D. Tuwid
3. Ang humpak na pisngi ni Lian-chiao ay kakikitaan ng sagad na kahirapan sa buhay.
A. Hungkag B. Maputla C. Nanlalalim D. Payat
4. Hindi nag-ulap ang kanyang paningin bagkus kumikislap ang poot at pagkamuhi.
A. Pagkagalit B. Pagkagitla C. Pagkasuya D. Pagkatuwa

II. Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. Lagyan ng bilang
1-5 ang mga patlang.

_____5. Lumabas mula sa restawran si Raden Kaslan at galit na galit na sinisigawan ang takot na takot na si Pak Idjo.
Nagpatawag ng Pulis si Raden Kaslan upang mapanagot si Pak Idjo.
_____6. Pumarada ang pulang-pulang at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawran at bumaba ang mag-
asawang kakikitaan ng marangyang pamumuhay.
_____7. Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo na wala siyang pambayad sa nasirang sasakyan. Sa huli’y nagdesisyon si
Raden na hayaan na ito at pumasok na lang muli ng restawran nang galit na galit pa rin.
_____8. Habang umaandar ang kanyang kalesa, isang malaking asong nang hahabol ng pusa ang biglang tumalon na
ikinagulat ng kabayo kaya bigla itong nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi
nito.
_____9. Samanatala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng
restawran sakay ang natutulog na kutsero, si Pak Idjo.

III. Panuto: Basahing mabuti ang talata. Punan ng angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Piliin sa ibaba ang angkop na pangatnig at transitional devices.

Dahil sa Saka Sa wakas Subalit Kaya Sa lahat ng ito


Umiyak nang umiyak ang ama 10. _______________ hindi na nito makikita si Mui Mui. Ang pagluha ng ama
11. _______________ ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito. Hindi na niya gagastusin ang pera sa
alak 12. ________________ naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago. 13. _______________
kinakikitaan din ng pagbabago ang ama pagkatapos ng mga nangyari. 14. _______________, nagsisi ang ama at
handang baguhin ang masamang ugali.

NOBELA:

V. Panuto: Basahin ang mga pahayag, tukuyin at isulat kung ito’y nagpapakita ng pinakamataas na antas ng:
A. Katotohanan B. Kabutihan C. Kagandahan
_____ 15. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring ibabalik sayo.
_____ 16. Malinis na kapaligiran, sariwang hangin, huni ng mga ibong nag-aawitan, ito ang nais kong kapaligiran.
_____ 17. Buong puso akong tutulong sa mga nangangailangan.

VI. Panuto: Suriin ang mga pahayag, tukuyin sa mga ito ang nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____18. A. Sumama si Ana sa kanyang mga kaibigan para mamasyal pagkatapos ng kanilang klase.
B. Dahil sa kawilihan ay hindi napansin ni Ana ang oras.
C. Gabe na ng siya’y umuwi.
D. Nag-iisip si Ana kung magsisinungaling siya at sasabihing gumawa ng proyekto o magsabi ng totoo
na gumala kasama ang mga barkada.

_____19. A. Napadpad sa malayong lugar ang kambal na Ara at Ada sa paghahanap ng trabaho.
B. Nagsumikap si Ada at nagtiis sa maliit na sweldo hanggang sa naipromote ito.
C. Palipat-lipat ng trabaho si Ara dahil naghahanap ng mataas na sweldo subalit lalo siyang nawalan
at nakuhang ibenta ang sarili.
D. Nakatagpo ng mapapangasawa si Ada.

_____ 20. A. Napahinto si Ric sa pag-aaral at umuwi sa probinsiya.


B. Nalulong siya sa barkada maging sa droga at di na pumasok sa eskwela.
C. Inilipat siya sa ibang unibersidad nang sumunod na pasukan.
D. Nagbago na si Ric.
Talahanayang Ispisipikasyon
Filipino 9
Unang Lagumang Pagsusulit

Layunin Blg. Ng Aytem Kinalalagyan Bahagdan


1. F9PT-Ia-b-39 – Nabibigyang-kahulugan ang mahirap na salitang 4 1-4 20%
ginamit sa akda batay sa denotatibong o konotatibong kahulugan
2. F9PU-Ia-b-41 – Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari 5 5-9 25%
3. F9WG-Ia-b-41 - Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat 5 10-14 25%
ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
3. F9PN-Ic-d-40 - Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na 3 15-17 15%
nagpapakita pinakamataas ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela
4. F9PB-Ic-d-40 - Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa 3 18-20 15%
binasang nobela
Kabuuan 30 100%

You might also like