Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 31
Saliksik SS) Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Artikulo NARATIBO: PAGKATHA BILANG PAGTATALA NG MGA LESBIVANANG GUNITA’ Bernadette V. Neri Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Unibersidad ng Pilipinas - Diliman, Quezon City Abstrak Nakatuon ang pag-aaral na ito sa halaga ng konsepto ng “lesbiyanang gunita” sa parehong mga lesbiyana at di-lesbiyanang indibidwal. Sinipat kung paano nakaaapekto ang mga imbak na alaala at napanatiling palagay/ideya hinggil sa mga lesbiyana sa paghubog ng kamalayan patungkol sa lesbiyanang kaakuhan at pag-iral, internal man o panlipunang antas. Kaugnay nito'y kung ano-ano ang mga karaniwang lesbiyanang gunitang umiiral sa kasalukuyan at maging sa nakaraan sa pamamagitan ng muling pagsipat sa Kasaysayang panlipunan at kasaysayang pampanitikan. Nakita sa pag-aaral ang malaking kakulangan sa representasyon ng mga babaeng homoseksuwal sa parehong larangang nabanggit kung kaya naman iminumungkahi ang muling pagtatala ng mga ito nang may kamalayan sa mga usaping pangkasarian, partikular sa lesbiyanang pag-iral at karanasan. Tinatangka ng artikulong ito na makibahagi sa tradisyon ng muling pagtatala ng kasaysayan (partikular sa kasaysayang pampanitikan) gamit ang mga naratibo 0 maikling kuwentong lesbiyana kung saan napakahalagang salik sa pagkatha ng mga naratibong ito ang pagsasakonteksto ng lesbiyanang pag-iral sa iba't ibang espasyo, panahon, at pananaw The quest for memory is the search for one’s history —mula sa “Between Memory and History: Les Lieux de Mémoire” ni Pierre Nora (1989) The dangers of silence are always greater than the dangers of exposure. —mula sa “An Imaginative Collectivity of Writers and Readers” ni Valerie Miner (1990) ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 PANIMULA Apat na taong gulang ako nang makilala’t maging kaibigan ko sina Amunit at Amunat, dalawang duwendeng nananahan sa isang aspiling may luntiang ulo mula sa tusukan ng aking nanay. Hindi ko na matandaan ang mga eksaktong detalye ng una at mga sumunod pang pagkikita—kung saang bahagi ng bahay nagtatagpo, ano ang kanilang mga hitsura, gaano katinis ang kanilang mga boses, ano ang una nilang sinabi, ano ang una kong sinabi, sino ang unang nakakita kanino. Hindi na buo ang alaala ng aming mga napagkuwentuhan at kung paano namin nilaro ang aming mga naging laro—taguan, bahay-bahayan, habulan, at iba pang paligsahan ng mga batang kaedad ko, pati na rin ang ilang panduwendeng larong itinuro naman nila sa akin. Hindi na rin malinaw ang gunita 1g paglakad ko sa pasilyo ng tahanan nilang aspili nang minsang maimbitahan ako dahil kaarawan ng isa sa kanila (Lumiit ba ako para makapasok sa aspili o lumaki ang aspili para papasukin ako?). Mas madaling pagdudahan kaysa paniwalaan lalo't labas ang mga duwende sa anumang katanggap-tanggap na konsepto ng “totoo.” Kaya naman maging ako'y nalilito na sa sinasabi ng mga putol-putol kong alaala tungkol sa kanila. Gayumpaman, hindi ko pa rin magawang pagtaksilan ang aking pagkabata at tuluyang ipagwalang-bahala_ ang mga gunitang iyon lalo't totoo ang galak at kakaibang lad na dulot ng mga alaala nina Amunit at Amunat. Guni-guni. lyan ang sinabi ng aking mga magulang at kaisa-isang kapatid (na limang taon ang tanda sa akin) nang sabihin kong may dalawa akong kaibigang duwendeng nakatira sa aspiling may luntiang ulo. Dahilan nila'y masyado pa akong bata kaya't aktibong-aktibo ang aking imahinasyon. Pero dahil “normal” pa rin naman daw iyon sa aking edad, hinayaan na lang muna nila ako sa aking imahinaryong mundo kasama ang aking mga imahinaryong kaibigan, Ginalusan ng gayong pagtatakda ang konsepto ko ng totoo na noo'y nagsisimula pa lang magkaroon ng hugis. big bang sabihin ay hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga sarili kong karanasan? Kung gayon, kani-kaninong mga danas lamang ang nagsasabi ng totoo? Sa espasyo ng tahanan kung saan edad ang nagtatakda ng pagiging “tunay” ng isang karanasan, madaling napipi ang aking isip sa posibilidad ng katotohanang maaari namang ihain ng mga sarili kong eksperyensiya. Napilitan akong lumingon at umayon sa mga pinagdaanan (na pinaghahanguan ng mga kaalaman) ng mga mas nakatatanda na siya umanong pamantayan ng katotohanan. Hindi naglaon, ipinadron na rin nila ang tunguhin ng mga karanasan ko ayon sa kung ano ang “katanggap-tanggap.” Inihanap ako ng mga makakaibigang bata upang tuluyan kong mapakawalan ang mundong kinatha ng aking isip at makapasok sa “realidad.” Kakatwa lamang dahil sa piling ng mga kaedad kong bata, bagama't iba-iba sila ng turing (e.g. kampon ng kadiliman, maligno, nangangain ng kaluluwa ng tao, at iba pa), totoo sina Amunit at Amunat. Napasusubalian ng paniniwalang iyon ng iba ang pagiging “imahinaryo” ng naturang dalawang duwende. Gayumpaman, dahil sa mga negatibong bansag na malamang sa hindi’y impluwensiya pa rin ng mga nakatatanda, napilitan ang ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 mga batang ilayo ang sarili sa isang bagay na totoo para sa kanila. Gayundin ang naging epekto sa akin, Dahil hindi pinapayagan ang anumang “salungat” at may kaugnayan dito, kinatakutan kong pagbawalan ang mga bago kong kakilala na makipagkaibigan sa akin lalo’t hindi malayong mabansagan akong “isang batang may alagang dalawang maligno.” Noon nagsimulang maging gunita sina Amunit at Amunat. Sa gayong larawan ko maihahambing ang aking mga karanasan bilang isang lesbiyana. Gaya ng pagkakaroon ng mga kaibigang duwende, isang malaking kalokohan para sa mga taong nakapaligid sa akin ang ideya ng pagtatangi sa kapwa babae. Kaya’t tulad ng mga pagtatangkang pagpapakilala kina Amunit at Amunat, matapos ang ilang saglit ng pagkagulat at pagdududa, madalas nauuwi sa malalakas na hagalpakan ang pagtatapat ko bilang isang homoseksuwal sa ilan kong mga kaibigan.’ Noong una, naisip kong baka defense mechanism ko ang pag-uugnay ng paglalantad sa biro, sapagkat ang anumang bagay na inilapat dito’y maaaring bawiin. Kapag binawi, babalik sa dating gawi. Nagiging okey na ulit ang lahat. Pero bakit ko naman babawiin ang isang bagay na nais kong ipagtapat? Nang mapagmuni-munihan, napagtanto kong hindi ako kundi sila ang nagpalagay na katatawanan ang paglalantad. Kung gayon, sila ang gumamit sa biro bilang defense mechanism sa pag-asang babawiin ko ang aking inilalantad. Kaya naman nang muli akong magtapat hinggil sa aking pagiging lesbiyana, at hindi ko na binawi ang ipinagpapalagay nilang isang biro, napadpad sa mahaba at seryosong sermon ang dapat sana'y simpleng pagbubukas lamang ng sarili sa iba. Higit pa rito'y natumbasan ng sandamakmak na puna ang ihinahain kong katotohanan tungkol sa akin. Ayon sa isang kamag-aral, kabaliwan ang homoseksuwalidad, Isa umano_itong nakadidiring sakit at itinuturing na krimen ng batas. Ang pagiging lesbiyana, susog pa ng isang Kristiyanong guro, ay para na ring pakikipagniig sa demonyo. Dapat ko na raw itong iwasan habang nililigawan pa lamang ako ng kampon ng kadiliman, bago pa ako makalaguyo ni Satanas. Mahirap magsalita matapos ang gayong walang-habas na pamamato ng mga negatibong paratang. Wala akong kahandaan para sa gayong paninila, Disoryentasyon ang naging resulta ng aking pagkayanig na kinalauna'y sinibulan ng takot. Delikado ang gayong uri ng takot sapagkat nagkakaroon ng internal na pagkuwestiyon sa “pagkatotoo” ng anumang personal na paniniwalang binabangga ng mga namumuna. Hindi tulad ng umaatake, napupuwersang manahimik ang panig na binabatikos dahil sa kawalan ng masasandigang suporta. Paano ko dedepensahan ang aking “naiibang” karanasan kung ang doktrinang kinamulatan at daan-daang taon nang pinaniniwalaan ng nakararami ang kumakalaban dito? Sa kaso ko, talaga namang nagapi ako ng hilakbot dahil di gaya ng pagkakaroon ng mga imahinaryong kaibigan na ipinaris sa pakikipag-ugnayan sa mga maligno, ang turing sa lesbiyana ay pagiging isang maligno mismo. Ayaw kong maging maligno. Sa huli, hindi man intensiyunal, nanatili akong walang imik habang ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 pinagsisisihan kung bakit sineryoso ko ang pag-amin. Hindi nga ako napagtawanan pero nasermunan at nalipasan naman ako ng pagkakataong gawing biro ang lahat. Tuloy, ang tanging paraang naiwan sa akin upang “makabawi” ay ang pagkalimot sa nararamdaman at tuluyang pag-ayon sa idinidiktang dapat paniwalaan. Ang pag-ayon, muli, ay nangangahulugang pagtanggap na mali at hindi dapat maging totoo ang bagay na aking ipinagtatapat. May namuo sa aking internal na sensura pagkatapos niyon. Naging mapamuna ako hinggil sa pagiging tama o mali ng aking bawat kilos at damdamin, Kinailangan kong piliin at isustena ang sinasabing “wastong” mga gawi at pag-iisip. Kinapootan ko naman ang lahat ng hindi pumapaloob sa kategoryang iyon. Napilitan akong supilin ang mga bahagi kong “di katanggap-tanggap” dahil kung hindi’y kasusuklaman ako ng mga nakapaligid sa akin. Sa prosesong iyon ng pagbabantay sa sarli ay tila nahalinhan kundi man nabura ang pag-unawa at pagpapahalaga ko sa aking “kaakuhan” ng kung paano lamang ako “dapat” maunawaan at pahalagahan ng iba. Nault ang nangyari kina Amunit at Amunat. Napadpad sa uniberso ng mga alaalang dapat kalimutan ang mga karanasan kong nagpapatotoong isa akong lesbiyana Noon ko nalamang hindi lang pala bibig ang nabubusalan kapag sinasalakay ang isang alang namumukod sa karamihan. Maging ang mga alaala ng karanasang pinag- uugatan ng paniniwalang iyon ay napatatahimik, napupunta sa lugar ng mga gunitang maaaring mapagkamalang kathang-isip. At dahil hindi humihinto ang pag-atake hangga’t di namamatay 0 naglalaho ang inaatake, dumarating sa puntong iwinawaglit maging ang mga gunitang may kaugnayan sa kung anumang inaasinta. Nagkakaroon ng “boluntaryong” pagtatatuwa hanggang sa magmistulang ganap ang pagkawala ng tanda at bakas ng mga cksperyensiyang nagsisilbing bukal ng mga di-kumbensiyunal na paniniwala. lyon ang pinakamatinding side effect ng takot na ma-isolate o hindi mapabilang—ang pagkamuhi sa sarili na nagreresulta sa sapilitang pagkalimot. Hindi maihihiwalay ang konsepto ng paggunita sa diskurso ng pagkalimot. Gumugunita tayo dahil may mga bagay tayong nalilimutan o kaya nama'y ayaw kalimutan at kumakalimot tayo dahil may mga bagay naman tayong ayaw nang maalala. Parehong may kaugnayan ang dalawa sa alaala ng mga karanasan partikular sa emosyong dala ng mga ito. Mas masidhing emosyon, mas may impak sa memorya. Mas tumatatak, kumbaga. Kadalasan, ang mga alaalang may bitbit na galak ang nais nating gunitain dahil sa prosesong ito'y tila bumabalik din ang tuwang minsan nating naranasan. Maaari ri itong ibahagi sa iba sapagkat ang isang gunita ay may kakayahang magpaalala ng isa o higit pang karanasang may dala ng kaparis na emosyon o kaya'y kaugnay na pangyayari Tila isa itong proseso ng produksiyon at reproduksiyon. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Nagmimistulang “produksiyon ng gunita” ang mismong akto ng rekoleksiyon sapagkat nag-aanak o nagsisilang ito ng isang bago o kaya'y mga kaugnay na alaala. Nagsisilang ng galak ang mga gunitang may galak at ang akto mismo ng pagsisilang na iyon ay nagiging lunsaran din ng panibagong karanasan ng tuwa na maaaring balikan bilang isa ring alaala sa mga darating pang panahon. Gayundin ang nangyayari kung halimbawang isang mapait na alaala naman ang nagbabalik. Liban sa lungkot na muling ipinadarama ng partikular na gunita, ang akto ng paggunitang iyon ay isa na namang mapanglaw na karanasan. Gayumpaman, hindi eksakto ang “reproduksiyon ng gunita” dahil nakadepende ito sa konteksto at kamalayan ng indibidwal sa sandali ng kanyang pag- alala, Maaari halimbawang magluwal ng positibong emosyon at karanasan (tulad ng pagkatuto) ang paggunita sa isang pagkakamaling dati'y nakapagdulot ng poot at sakit sa sarili at kapwa. Gayundin, posibleng maging negatibo ang maisisilang na emosyon at karanasan ng paggunita sa isang dati’y nakakikilig na halik kung aalalahanin ito sa konteksto ng kataksilan ng mangingibig. Kaya nga siguro may mga gunita tayong sadyang kinalilimutan gaya ng mga alaalang matatalas at nakasusugat. Sapagkat kung ang paggunita ay produksiyon at reproduksiyon ng mga alaala, damdamin, at karanasan, ang pagkalimot naman ay akto ng pambabaog sa mga ito, Sa isang banda, hindi lahat ng paggunita at pagkalimot ay may kinalaman sa emosyon. May mga bagay tayong naaalala o inaalala dahil sa “pangangailangan.” Dahil pangangailangan ito, kadalasa'y dumarating sa puntong nagiging bahagi na ito ng ating mga ritwal (arawan, lingguhan o kung anupaman). Kung magkagayon, hindi na tayo naglalaan pa ng panahon para sa “malay” na pag-alaala sapagkat nagiging kusa ang pagdaloy ng mga karanasan; kumbaga sa pagsayaw o kaya'y pagtugtog ng mga instrumento, memorya ng kalamnan. ‘Tulad na lamang ng pagsesepilyo. Hindi natin ito naaalalang gawin dahil natutuwa tayo sa bawat paghagod ng sepilyo sa ating gilagid at mga ngipin, o kaya'y dahil sa gunita ng malamig na lasa at pakiramdam ng mint toothpaste na ating ginagamit (bonus na lamang ang mga iyon). Natatandaan natin itong gawin dahil kailangang umiwas sa bukbok, pagkabungi, at mabahong hininga sapagkat dagdag-gastos at pagbisita sa dentista ang kahulugan ng mga iyon. Siyempre, hindi magiging matagumpay ang tangkang pag-iwas sa gastos kung taunan lamang ang gagawing pagsesepilyo. Kailangan itong araw-arawin. Kailangang isaritwal. Sa gayong disenyo rin nagiging ritwal ang paggampan sa mga tungkuling nakaatas sa isang partikular na kasarian. Itinuturing ang mga papel na ito bilang pangangailangang panlipunan kaya naman simula kapanganakan ay itinatakda na ang pag-iiba sa babae at lalaki. May mga kulay, halimbawa, na kinikilala lamang bilang pambabae tulad ng pink, dilaw, at kahel, at panlalaki paris ng asul. Mga babaeng sanggol din lang ang binubutasan sa magkabilang tainga upang may makakabitan ng hikaw. May gayunding patakaran sa pagbibigay ng pangalan, Naalala ko tuloy na dapat sana ay isusunod ang ngalan ko sa aking ama, Johner, kung nagkataong lalaki akong lumabas. Pero dahil isa akong babae, ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 pilit na pilit at masagwa ang “Johnera,” nagkasundo ang aking mga magulang na ipangalan na lamang ako sa isang santa.” Kakambal ng ngalan, hikaw, at kulay ng lampin ang pagmumulat sa akin sa mga kasanayang “pambabae” tulad ng pagpapalda o bestida sa pananamit, kahinhinan sa pagkilos, pag-aaral ng iba’t ibang gawaing bahay, at iba pa. Kaya naman ang mga gawing iyon ang namahay sa aking gunita at kinalauna'y aking nakaugalian, naisaritwal. Sa paglahok naman ng usapin ng prayoridad,? hindi lahat ng kailangan ay natatandaan dahil sa konsepto ng “mas” at “pinaka” kailangan. Dugtungan natin ang gunita ng pagsesepilyo. Halimbawang nagising tayo isang umaga kaharap ang isang baso ng tubig at sa hindi malamang dahilan ay sigurado tayong iyon na ang huling baso ng tubig na ating masisilayan. Siyempre, iinom tayo nang kaunti at itatabi ang matitira hinc pagsesepilyo kundi para sa darating na sandali ng muling pagkauhaw. Hindi na natin aalalahanin pang maglinis ng ngipin dahil ang primarya ay matugunan ang natutuyong lalamunan. Gayumpaman, hindi rin naman nangangahulugang ang lahat ng prayoridad ay naaalala Maraming pagkakataong dumarating ang mga gunita at tumatabing sa mga nauna (na maaaring depende sa sidhi ng emosyong kakabit nito, pangangailangang makelimot at/o umalala, at iba pa). Kung kailan mahahawi ang tabing ay isang mahabang usaping hindi ko na papasukin. Sa dakong ito, nais ko lang bigyang-diin na sadyang may limitasyon ang ating memorya sa pagsisilid ng mga gunita kaya naman may mga bagay at karanasan talaga tayong nalilimutan liban pa sa mga ninais nating kaligtaan. Pero iba pa rin ang usapin ng sapilitang pagkalimot. Dito, hindi kinalilimutan ang isang karanasan dahil sa internal na sensura o hanggahan ng memorya, kundi dahil sa pressure o panggigipit na nagmumula sa labas ng sarili. Balik sa sepilyo. Paano kung biglang ipatupad ang isang batas na ang may mababahong hininga at nanggigitatang mga ngipin lang ang puwedeng matanggap sa trabaho? Dahil prayoridad ang mabuhay at kailangan ng pera para mabuhay (kaya't kailangang magtrabaho), hindi malayong sunugin natin ang ating mga sepilyo at ilibing naman sa limot ang mga gunita nito. Kasabay niyon ay magbabago rin ang konsepto natin ng “mabango” at “nakadidiri” pati na ang ilan sa ating mga ritwal. Baka nga ugaliin pa nating ngumuya ng sariwang bawang at sibuyas sa gabi upang sa paggising ay maging “sariwang- sariwa” rin ang ating mga hininga. Halos wala itong ipinagkaiba sa namamayaning kalakaran sa trabaho na umiiral sa kasalukuyan. Halimbawa na ang pagkakapatalsik sa isang baklang librarian sa isang pribadong paaralan matapos matuklasan ng pangasiwaan ang pagpapakasal nito sa kapwa lalaki.’ Kinuwestiyon din ang kakayahan sa pagtuturo ng isang lesbiyanang guro sa isang unibersidad matapos umanong magturo ng isang “tasteless” na tula Mahirap ilugar ang kahulugan ng tasteless sa kontekstong ito sapagkat premyadong tulang bakla ang pinatutungkulan.® Liban na lamang kung ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 nagmumula ito sa pananaw ng isang taong konserbatibo at sarado ang kamalayang pangkasarian. Samantala, hindi naman tinanggap ng Jollibee Foods Corporation (JFC) bilang transcriber si Bunny Cadag, isang transwoman, dahil umano'y “hindi pa ito handa para sa LGBT culture” (Quintos 2017). Ayon kay Bunny, “Hindi pa sila (Jollibee) welcoming sa idea na may transgender sa isa sa mga kuwarto nila at gumagawa ng transkripsyon. ‘Ang JFC raw ay may paniniwalang Katoliko” (Quintos 2017). Sino rin ang makalilimot sa karumal-dumal na pagpaslang ng sundalong Amerikanong si Joseph Scott Pemberton sa Pilipinang si Jennifer Laude? Iniwan niyang nakalublob sa inodoro ang ulo ni Jennifer na ayon sa kanyang depensa'y ikinagulat niyang isang “he-she” ang kanyang kasama. Paano kung gayon magkakaroon ng lakas ng loob ang isang bakla, lesbiyana, at transgender na palayain ang sarili sa pagkakakahon sa mga tungkuling pangkasarian kung ang kapalit nito'y endo o end of contract, pagkatanggal, o kaya'y hindi pagkatanggap sa trabaho, at pagkamatay at kawalang katarungan? Isa lamang ang kabuhayan sa napakaraming dahilan kung bakit maraming gay, lesbian, bisexual, at transgender (LGBT) ang nangingiming lumantad sa iba at/o maging sa kanilang mga sarili. Nakaanib din bilang puwersa ng diskriminasyon ang iba pang panlipunang institusyon tulad ng tahanan at midya. Isang halimbawa nito ang naging karanasan ni Jake Zyrus nang piliin niyang igiit ang kanyang identidad bilang lalaki na taliwas sa dating pagkakakilanlan sa kanya bilang Charice Pempengco. Umani si Jake ng napakaraming pambabatikos at panlalait mula sa pamilya (tulad ng kanyang ina), ilang tagahanga, at maging sa kapwa-personalidad sa industriya ng showbiz. Ganito rin halos ang naging danas ni BB Gandanghari mula nang magladlad siyang bakla sa Pinoy Big Brother (Celebrity Edition) noong 2006, at nang linawin niyang isa siyang transgender sa Tapatan ni Tunying at ihayag na “patay na si Rustom Padilla” noon namang 2014 (ABS- CBN News 2016). Bagama’t inaatake pa rin nang walang humpay na diskriminasyon, nagpapatuloy ang karera nina Jake at BB Gandanghari nang isinasabuhay ang kanilang tunay na pangkasariang pagkakakilanlan o gender identity. Gayunman, kabaliktaran nito ang kinahinatnan ng iba tulad ng kaso ni Julia Louise Buencamino. Dahil sa depresyon, nagpakamatay noong Hulyo 2015 ang 15 taong gulang na aktres na kumikilala sa sarili bilang “trans” na “panromantic demisexual” (Svpee 2015). Ayon sa huling ipinaskil na tala ni Julia sa kanyang Tumblr account, “[Ylall can bury me as a girl because [1] know how queerphobic this country is but know that [1] was never comfortable with being seen as one” (Svpee 2015). ‘Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga halimbawa ng iba't ibang anyo ng diskriminasyong nararanasan ng mga LGBT dahil sa pressure o panggigipit na nagmumula sa kanilang paligid lalong-lalo na mula sa iba’t ibang institusyong panlipunang tulad ng tahanan, paaralan, relihiyon, midya, trabaho, at pamahalaan. Mayroong nakapaggigiit ng kanilang gunita at pag-iral, subalit mayroon ding mga ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 tuluyang nagagapi ng sensura at napipilitang magpaubaya sa pagpapakalimot ng lipunan na humahantog sa tuluyang pagkabaog ng pag-iral. ‘Ang katangiang iyon ng gunita, ang pagsandig nito sa kakayahan nating umalala at kumalimot, ang pangunahing nag-udyok sa akin upang kumatha. Mabubuo at magiging malinaw lamang ang lesbiyanang imaheng nais kong makilala kung magugunita ko hindi lamang ang mga alaalang kaugnay nito na mayroon ako sa kasalukuyan kundi maging iyong ilan sa mga nalimutan. Kabilang na rito ang mga personal kong karanasang pilit kinaligtaan dahil na rin sa udyok ng represibong kamalayang pangkasariang nakapaligid sa akin. Gayundin ang mga ipinakalimot o hindi ipinakilala sa akin dahil sa malay na disgusto sa naturang pag-iral. Palaging nakaaligid ang panganib ng pagkaligta. Ang pagtatala sa pamamagitan ng pagkatha ang aking naging sandata upang makaiwas sa tuluyang pagkabaog ng aking mga lesbiyanang gunita. Mangyaring makalimot man ay may mababalikan akong mga dokumentong makapagpapaalala._ Sa ganitong lapit din ay nais kong makapagpakilala sa iba ng mga gunita ng positibong larawan ng mga tulad kong lesbiyana. GUNITA NG GABI May sariling naratibo ang mga gunita. Nagbabago ang daloy nito depende sa umaalala o sa lalim ng pagkakakilala ng gumugunita sa imaheng itinatampok. Ang produktong salaysay ng bawat pag-alaala ay nananatiling “parang” sa halip na “mismo” sapagkat walang isang bersyon ang naratibo ng gunita. Hindi angkop sa usaping gaya nito ang mga katagang “kopya” at “orihinal.” Sapagkat ang anumang naratibo, mula man o hindi sa direktang nakaranas 0 dumaranas, ay pawang mga retelling o rekonstruksiyon ng tagapagsalaysay. Dumaraan ang proseso ng paggunita sa panibago na namang yugto ng pagpoproseso kung saan nagaganap ang pagkakaltas at pagdaragdag, at pagpapaigting at pagpapalabnaw ng mga detalye, depende sa layunin ng umaalala o kumakatha. Sa konteksto ng mga gunitang nakatuon sa mga babaeng nagtatangi o umiibig sa kapwa babae, lagi’t lagi nang napalalabnaw ang kabuluhan ng pag-iral nito kasabay ng pagpapaigting sa mga negatibong impresyon o pagsapantaha. Namamayagpag ang pag- jimahen sa mga lesbiyana bilang imoral, oportunista, tagawasak ng pamilya, at iba pang mga bansag na mapaminsala. (Palibhasa'y kadalasang monopolyo ng heteroseksuwalidad ang produksyon ng mga naratibo.) Isang kaibigan ang nagbigay sa akin ng sipi mula kay Jorge Luis Borges tungkol sa alaala. Sabi ni Borges (1946, 196), “I cannot walk through the suburbs in the solitude of the night without thinking that the night pleases us because it suppresses idle details, just as our BD ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Guni Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 memory does.” Matapos marinig ang talinghaga ay rumagasa ang gunita ng mga pagkakataong ginabi ako ng uwi sa aming probinsiya. Bigla kong naalala kung gaano katahimik maglakad sa lansangang tumutumbok sa munti naming tahanan. Kung gaano kadilim kaya naman kinailangan kong aninagin ang mabatong daan at mag-ingat sa bawat hakbang upang huwag matalisod sa mga nakausling bato o kaya'y nakabuyangyang na dumi ng kalabaw. Kung paanong umakyat ang aking paningin sa mga anino ng kubo, puno, haligi, at mangilan-ngilang kawad ng kuryente, at maalalang hindi nga pala uso ang ilaw sa mga poste. Nagbalik ang gunita ng kung paano ako napatingala upang matukoy ang pinagmumulan ng liwanag, hanggang sa mapagtanto kong doon lang sa aming probinsiya mamamasdan ang pinakamabituing langit sa lahat. Gayon maniil ang gabi. Upang mapatingkad ang rikit ng kanyang langit, ikinukubli ng kanyang dilim ang mga detalyeng walang kinalaman sa ipinagyayabang nitong ganda. Kaparis ng gunita. Tanging ang mga alaalang may kaugnayan lang sa bagay na inaalala ang mababasbasan ng pagkakataong lumutang at muling matandaan, habang ang iba'y nananatiling nakatago sa dilim. Sapagkat tulad ng limitasyon ng paningin sa gabi ang hanggahan ng ating memorya tuwing may ginugunita. Kung may tangan tayong ilaw, ang mga bagay na tinatamaan lang ng liwanag ang ating masisilayan. Nakadepende rin ang linaw ng mga imahen sa lapit ng mga ito sa ilaw. Upang maaninaw naman ang iba pang mga bagay, kailangan nating baguhin ang tuon o kaya'y ianggulo ang direksiyon ng liwanag hanggang sa makita natin ang nais nating makita. Hanggang sa maalala natin ang nais nating maalala Nagbabago ang senaryo kung iba ang may hawak sa liwanag. Sa mga pangyayaring ganito, nawawalan tayo ng layang sulyapan, kundi man tuluyang masdan, ang iba pang mga bagay na ikinukubli ng dilim. Dahil nakasalalay sa sinumang may kontrol sa ilaw ang ating nasisilayan, nalilimitahan ang ating paningin sa natatanging anggulong pagtutuunan ng liwanag. Ang tendensiya'y pagmasdan ang kung anumang iniilawan sa halip na galugarin ang ibang posibilidad na natatabingan ng dilim. Sa gayon ko ihinahambing ang konsepto ng sapilitang pagkalimot. Tila paglalakbay ito sa gabi nang hindi ikaw ang may tangan ng ilaw. Dahil hindi ka nasanay kaya’t ayaw mong maiwan sa dilim, wala kang ibang magagawa kundi ang sumunod sa direksiyon ng may kontrol sa liwanag. May mga bagay na sinisiil ang gabi subalit sa kabilang banda ay maaari rin namang tingnan ang dilim bilang tagapagbukas ng posibilidad para sa_mas_holistikong pagkakakilanlan. Sapagkat habang lumalabo ang kakayahan nating makakita, pinatatalas naman ng karimlan ang iba pa nating pandama. Nang pagtuunan ko ng pansin ang katangiang iyon ng dilim, napagtanto kong hindi lamang ilaw ang kailangan sa pagkilala ng iba pang bagay na kinakandili ng gabi. Liban sa hitsura, maaaring tiyakin ang kanilang pag-iral sa pamamagitan ng tunog, amoy, lasa, at pakiramdam. Sa gayong paraan ay ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 nakalilikha ng isang panibagong “liwanag” o kamulatan na mas bubuo sa pagkakakilanlan ng mga bagay na niyayakap ng gabi. Paulit-ulit kong binaybay ang aking gunita bitbit ang pag-asang makatagpo ng positibong imahen ng mga babaeng nagtatangi ng kapwa babae. Nabigo ako sa simula. Wala akong ibang nakita liban sa mga dati ko nang “alam.” Lumutang muli ang alaalang itinuro sa akin ng paaralan na sinusugan pa ng telebisyon at mga pelikula: ang lesbiyana raw ay babaeng hindi matanggap ang likas niyang kayarian kaya’t pilit binabago ang kanyang panlabas na kaanyuan, namumuwersa ng isa pang babae upang pumatol sa kanya, at/o babaeng may malubhang “sakit” na tanging lalaki lamang ang makapagbibigay ng lunas. Nakipagsalimbayan ang mga ito sa larawang ikinintal naman ng simbahan na mul’y pinagtitibay ng midya: isang babaeng naghuhumiyaw sa hapdi ng dahan-dahang pagkalapnos ng sinusunog niyang balat sa impiyerno. Hindi ako mapalagay sa gayong mga imahen kaya't nilakbay ko nang makailang beses pa ang aking gunita. Sigurado akong may mali. Sigurado akong hindi ganoon ang mga lesbiyana. Sigurado akong may mga detalyeng hindi inilalantad ang aking memorya. Ang nakakainis lang sa lahat ng kasiguraduhan kong iyon ay hindi ko matandaan ang mga gunitang pinagbabatayan ko. Wala rin namang makapagpaalala sa akin (sa panahong iyon) dahil wala akong natagpuang mga sulating magpapatunay sa aking hinala. Naintindihan ko lamang ang lahat nang balikan ko ang talinghaga ng gabi. Noon ko nakita ang posibilidad na ang tinututukan lang ng liwanag (0 ng iba’t ibang institusyong panlipunan) ay yaong mga detalyeng ipinagpapalagay na “masakit sa mata,” kaya naman gayong mga larawan din lang ang nadatnan kong nananahan sa aking gunita. lyon ang humimok sa akin upang maglakbay sa labas ng nakagisnan kong liwanag at baybayin ang dating di-inaalintanang dilim. Naghanap ako ng mga kapwa babae na handang magbahagi ng kanilang mga karanasan at gunita. Ang natagpuan ko'y mga lesbiyanang ina/magulang, anak, kaibigan, kasintahan, guro, magsasaka, manggagawa, at iba pa, Sa proseso ng pakikisalamuha at pagbababad sa kanilang mga alaala ay unti-unti ring nagbalik maging ang mga gunita ng personal kong mga lesbiyanang karanasan na minsa'y inakala kong mga kathang-isip lamang. Mahalaga ang mga gunitang aking nahagilap sa kapwa LGBT sapagkat ito ang aking naging internal na liwanag na nagsisilbing gabay sa pagtatangkang galugarin at kathain ang iba pang lesbiyanang gunitang hindi pinahihintulutang muling masulyapan. Sa pamamagitan ng pagkatha, naitatala ang mga gunitang kinakailangang maisalba mula sa panganib ng sapilitang pagkaligta. Hindi pa ito upang tapatan o pasubalian ang mga negatibong larawan ng babaeng homoseksuwal sapagkat ang mga gunitang iyon ay bahagi pa rin ng lesbiyanang kasaysayan at identidad. Sa halip, ang pagkathang ito ay maituturing na isang porma ng pagtugon sa pangangailangang mapalutang maging ang mga positibong lesbiyanang imahen. Ito ay upang mapalawak pa ang lesbiyanang BD ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Guni Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 representasyon sa layong makaambag sa tunguhing mas maging balanse at buo ang pagkakakilala sa lesbiyanang kaakuhan. GUNITA AT KASAYSAYAN Malay ang aking pamilya na isa akong lesbiyana. Batid kong hindi naging madali ang proseso para sa kanila. Sa simula’y naroon pa rin ang pagtutol at muling pagpapangaral, subalit kinalauna'y unti-unti na rin nilang sinimulan ang pagtanggap. Malaki ang naging bahagi ng aking ina roon. Siya ang kumausap sa aking ama at nakatatandang kapatid hinggil sa aking seksuwalidad. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa o kung ano- ano ang mga naging linya niya sa kanila sapagkat hindi na namin ito tuwiran pang pinag- uuusapan. Gayumpaman, bago tuluyang isinara ang diskusyon hinggil dito, naging malinaw naman ang pagkakaroon ng myutwal na respeto sa pasya at damdamin ng bawat isa. Iginagalang nila ang aking seksuwalidad paris ng paggalang ko sa kakayahan nilang umunawa. Mahalaga para sa akin ang pangyayaring iyon sapagkat pinatutunayan nitong hindi absoluto © ganap ang pagiging sarado ng sinuman sa pagtanggap sa mga lesbiyana Kaya naman sa tuwing nakaririnig ako ng mga insulto at panlalait hinggil sa aking seksuwalidad,” ang gunitang iyon ang nagsisilbi kong sandata’t pananggalang. Alam ko kasing maaari ring magbago ang iba tulad ng ginawa ng aking pamilya. Isa pa'y hindi naman minamadali ang pagtanggap. Ayon sa mga pag-aaral sa sikolohiya, natural sa mga taong pagbukod-bukurin ang isa't isa base sa kasarian, lahi, edad, at iba pang katangian (Kassin 2006). ‘Tinatawag itong “panlipunang kategorisasyon” na nagtutulak sa mga taong tingnan ang kapwa bilang “katulad” © kaya'y “kaiba’ sa kanila, Dalawa umano ang nagiging resulta ng ganitong gawi: estereotipo at iminasyon. Ayon sa pananaliksik (Kassin 2006), matapos mapagbukod ang “tayo” sa “sila,” nagsisimula ang pagpapalagay na ang lahat ng “sila” ay magkakatulad. Isinasalansan ang mga katangiang iba sa “tayo” na humahantong sa pagbuo ng mga estereotipong tutukoy sa “sila.” Ang mga taong nangangailangang mapatatag ang kanilang “self-esteem” o pagpapahalaga sa sarili ay nagkakaroon naman ng tendensiyang maliitin ang mga katangiang kumakatawan sa “sila” upang mapalakas ang konsepto ng “tayo.” Dito pumapasok ang usapin ng diskriminasyon 0 negatibong pagpapalagay sa “iba” dahil lamang sa hindi nagtutugma ang pinaniniwalaan ng “iba” mula sa pananaw ng tumitingin. Palasak ang penomenon ng pag-eestereotipo at diskriminasyon sa kaso ng mga LGBT dahil hindi ito kabilang sa mga katanggap-tanggap na kategorisasyon sa ating lipunan Bunga iyon ng kasaysayang ilang daang taong hinubog ng kolonyal na kaisipang nakakiling sa oryentasyong makalalaki o patriyarkal, kung saan ang “ibang” kasarian (ang babae) ay tinitingnan bilang imperyor o mas mababa o iyong tinatawag ni Simone de ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Beauvoir (1949) na “the Other.” Ang anumang labas sa itinakdang estereotipo ng “pagkababae” at “pagkalalaki” ay ipinagpapalagay na tiwalag o lumilihis. Napanatili ang ganitong pananaw dahil sa mga tradisyon at paniniwalang ipinamana ng mga mananakop. Isa na rito ang uri ng lipunang nakasandig sa relihiyon. Sa pagsasanib ng batas at paniniwala, nagiging maimpluwensiya ang ganitong uri ng lipunan sa usapin ng katakdaan o “set of rules” hinggil sa kasarian. Maaaring ibuod ang mga tuntuning pangkasariang iyon sa palasak na katagang karaniwang ipinangsesermon sa mga homoseksuwal na “ginawa ang babae para sa lalaki."* Gampaning sosyal ng mga bayolohikal na kayarian ang tinutukoy ng katagang iyon. Napakahalaga ng salitang “ginawa” dahil iminumungkahi nitong mayroong. isang makapangyarihang entidad na lumikha ng mga nilalang. Kung gayo’y may awtoridad ang “Iumikha” sa “nilalang” kaya’t walang opsiyon ang huli kundi ang sumunod sa tungkuling idinisenyo sa kanya. Esensiyal din ang pagkakapuwesto ng “para sa” dahil ipinagpapalagay nitong ang pag-iral ng babae ay nakadepende lamang sa lalaki. Sa gayong paglalarawan, nagkakaroon ng hirarkiya sa pagitan ng mga “nilikha.” Nailalagay sa pedestal ang lalaki samantalang nagkakaroon naman ng tungkulin ang babaeng pagsilbihan ang nauna, na siya umanong “pinagkakautangan” niya ng pag-iral. lyon lang, ayon sa lipunan, ang dapat ituring na “natural.” Anumang labas dito ay Kinikilala na bilang labag sa kalikasan ng tao at isang mortal na kasalanan sa diyos. Idinidikta, kung gayon, ang naturalisasiyon ng heteroseksuwalidad 0 ang pagtatakda rito_ bilang natatanging seksuwalidad ng sangkatauhan. Binansagan_ng lesbiyanang makata at teoristang si Adrienne Rich (1980) ang gayong kasanayan bilang compulsory heterosexuality? sapilitang heteroseksuwalidad sapagkat anumang _ugnayang nagpapasubali sa relasyong nararapat umanong kapalooban ng mga kasarian (e.g. lalaki- sa-lalaki, babae-sa-babae, at desisyong mamuhay nang mag-isa) ay kinukondena at pinapatawan ng parusang nagmumula sa lipunan. Kung susuriin ang mismong mga kasulatang pinagbabasehan ng gayong paniniwala, makikitang wala naman talagang direktang mga bersong nagbabawal sa _mga pagtatanging namamagitan sa parehong kasarian. Ang pagpapalagay na iyon ay bunga lamang ng mga interpretasyong nagpasalin-salin na kinalauna'y nakasanayan ng karamihan. Gayumpaman, dahil sa mga nakatalang kasaysayan ng lipunang hindi kumikilala sa mga LGBT na pinagtitibay ng mga nabuo nitong tradisyon (tulad ng kasal, pamilya, panliligaw, at iba pa), nagkakaroon ng nosyong iyon ang “katotohanan.” Dahil bibihira ang iba pang nasusulat na tumutuligsa sa gayong paniniwala (sapagkat naparurusahan ang mga tumutuligsa), naipagpapalagay na iyon lamang ang “nag-iisang” katotohanang dapat sundin. Kung gayon, nagiging awtoridad ang lipunan sa pagtatakda ng mga tama at mali, kaya’t nagmimistulang “matuwid” din ang mga parusang ipinapataw nito sa matitigas na ulong sumusuway o kaya’y nagbabalak sumuway. At dahil wala namang may nais na maparusahan ng pagkatiwalag sa lipunan (at ng eternal na ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 pagkasunog naman sa kabilang buhay), ang kadalasang tugon sa awtoridad ay pagsunod sa anumang idinidikta nito, Pinag-aralan ng sikolohistang si Stanley Milgram (1965) ang lawak ng kapangyarihan ng isang itinuturing na awtoridad sa kanyang sabjek. Sa kanyang “Some Conditions of Obedience and Disobedience to Authority,” inalam ni Milgram kung tutugunan ba ng isang indibidwal ang iniuutos ng awtoridad kahit pa kinukuwestiyon ng kalikasan ng utos ang kanyang sariling paniniwala. Bagaman nagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng konsiyensiya at akto ng pagsunod, isinagawa pa rin ng mayorya ng mga naging sabjek ng naturang eksperimentasyon ang idinidikta ng awtoridad."” Sabi ni Milgram: The results, as seen and felt in the laboratory, are to this author disturbing. They raise the possibility that human nature... cannot be counted on to insulate its citizens from brutality and inhumane treatment at the direction of malevolent authority. A susbstantial proportion of people do what they are told to do, irrespective of the content of the act and without limitations of conscience, so long as they perceive that the command comes from a legitimate authority. If in this study, an anonymous experimenter could successfully command adults to subdue a fifty-year-old man and force on him painful electric shocks against his protests, one can only wonder what government, with its vastly greater authority and prestige, can command of its subjects (Milgram 1965, 75) (akin ang diin). Ang paglalapat ng gayong kapangyarihan ng awtoridad sa mas malawak na larangan, tulad ng lipunan, ay tinatawag na conspiracy of silence © sabwatan sa pagitan ng iilang makapangyarihang grupo o tao na manatiling tahimik sa isa o mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng publiko, upang maprotektahan o maisulong ang mga pansarili nilang interes (Kassin 2006), Nangyayari lamang ito, ayon sa edukador at teoristang Braziliano na si Paulo Freire, sa pamamagitan ng paglikha ng isang uri ng klima kung saan ang mga tao ay namumuhay sa takot at banta ng parusa kung kaya't sumusunod na lamang sila sa kung anumang idinidikta (Curran 2000). Dahil nakadepende ang bawat ikikilos sa anumang itinakda/itatakda ng awtoridad, ang pananatiling tahimik ng may-kapangyarihan sa isang usapin ay nangangahulugan din ng pananahimik sa bahagi ng mga sumusunod, Sabi pa ni Freire, ang pagpapatahimik sa isang relasyon (sa pagitan ng may kapangyarihan at wala) ay tuwinang pagkakait pagnanakaw ng pagkatao (Curran 2000), sapagkat kundi agad masusupil, ang gayong kaayusan sa paglipas ng panahon ay magiging bahagi ng kultura lalo na ng panig na napangingibabawan. lyon naman ang tinatawag niyang culture of silence o kultura ng pananahimik na nagreresulta umano hindi lamang sa pagkaparalisa ng kakayahan ng isa © grupo ng mga tao na tumutol at ipangtanggol ang sarili kundi maging sa pagkagapi ng ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 abilidad niya o nilang mag-isip at magdesisyong isulong naman ang kanya o kanilang kapakanan. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng kasaysayan sa nosyon ng awtoridad. Nagsisilbi itong materyal na baschan sa pagiging totoo ng pag-iral sapagkat dito’y nakatala ang mga pangyayaring naging makabuluhan sa pag-unlad at/o pagbagsak ng isang entidad (e.g. tao, lipunan, kosepto, institusyon, at iba pa). Mababatid mula sa mga salaysay na ito kung paano, halimbawa, napagtagumpayan ang bawat pagsubok na kinaharap. Ang mga tagumpay na iyon ang nagiging pamantayan ng kahusayan na siya namang esensiyal sa pagtatalaga ng kapangyarihan. Mas maraming karanasan ng tagumpay, mas mataas na posibilidad ng impluwensiya at awtoridad, Gayumpaman, ang kasaysayan ay isang anyo ng gunita. Bagama’t mayroon itong mga detalyeng inilalahad, hindi naman maitatangging may mga bahagi rin itong ikinukubli sapagkat may nagtatakda ng kung ano lamang ang mga itatala. Sa lipunang halimbawang pinamamayanihan ng heteroseksuwalidad, nananatiling paos kundi man walang boses ang mga LGBT sa larangan ng pag-akda ng kasaysayan at ang anumang kakarampot na nasusulat patungkol sa kanila ay mali, baluktot, at/o putol-putol sapagkat nagmula ito sa perspektibo ng awtoridad na kumikilala sa kanila bilang lihis. Isang halimbawa nito ang sanaysay ng propagandistang si Dominador Gomez na “Women’s Virtue: To Mothers and Daughters” na lumabas sa mga isyu ng La Solidaridad noong Mayo 15 at 31, 1891." Sinubukang ipaliwanag ni Gomez sa artikulong ito ang mga nararapat umanong maging katangian ng mga babae (e.g. dalisay, mayumi, marangal, at matapat) (Reyes 2001, 222) mula sa pananaw ng isang tulad niyang awtoridad na nagpakadalubhasa sa agham ng medisina. Pinaratangan niyang kahiya-hiya ang mga babaeng nakikipagtalik sa kapwa babae, sa halip na sa lalaki, upang tugunan ang karnal o imoral na pagnanasa ng katawan (Reyes 2001, 224). Ang lesbiyanang ugnayan o pakikipagniig sa mga amor lesbio, dagdag pa ni Gomez, ang pinakamasahol na uri ng sakit (sexual disorder), bisyo, at perbersiyon na siyang bumubulok sa katawan at pumapatay sa kaluluwa ng mga babae (Reyes 2001, 224-226) Maipagpapalagay kung gayon na nagiging ahente ng pagpapatahimik ang kasaysayan"” sapagkat sa itinuturing na talaan ng mga pangyayaring humuhubog umano sa kasalukuyang kinabibilangan ng “lahat,” ang nakalipas lamang ng iilan ang nakatala’t may kinatawan. Kaya naman, gaya ng binabanggit ng Pranses na mananalaysay na si Pierre Nora (1989, 8), ang produktong kasaysayan ay ang mangilan-ngilang “representasyon lamang ng nakaraan.” Kung gayon, kailangan itong pamulit muling isulat upang mabigyan ng puwang ang mga naikubli o ikinubling gunita para sa muling proseso ng pag-alala.” ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Sa gayong prinsipyo nakaugat ang tradisyon ng pagbuo at pagtatala ng naisantabing kasaysayan ng mga homoseksuwal. Sa The Roots of Lesbian and Gay Oppression: A Marxist View, halimbawa, inilahad ng teoristang si Bob McCubbin (1976) ang kasaysayan mula sa perspektibo ng kaapihan ng mga lesbiyana at bakla. Gamit ang mga historikal at antropolohikal na datos, natukoy at nahagilap niya hindi lamang ang mga positibong imahen ng mga homoseksuwal (na hindi nakatala sa mga kinikilalang kasaysayan), kundi maging ang pinagmulan ng opresyong dinanas at patuloy na dinaranas ng mga ito sa kasalukuyan. Ayon kay McCubbin (1976, 1012), karaniwan at laganap na anyo ng seksuwal na pagpapahayag o sexual expression ang homoseksuwalidad sa iba't ibang primitibong lipunan, Bahagi rin ang mga lesbiyana at bakla sa iba't ibang gampaning pangkomunidad (eg. manggagamot, tagapamagitan, mandirigma, mangangaso, at iba pa). Nagbago lamang daw ang ganitong turing simula nang umusbong ang konsepto ng pribadong pagmamay-ari." Dahil naging pangunahing interes ng mga angkan na paramihin at protektahan ang kanilang mga ari-arian, sumibol ang pangangailangang tiyakin ang usapin ng pamilya sapagkat kailangang matukoy kung sino-sino ang mga miyembrong magmamay-ari (pamamanahan) at mangangalaga sa mga ito. Nawalan ng kalayaan ang kababaihan na pumili ng makakarelasyon (mapababae man o lalaki) dahil sa pagtatakda ng (wifely) monogamy sa kanila. Ipinagbawal din ang homoseksuwalidad sapagkat hindi nito matitiyak ang pagkakaroon ng anak na pagpapasahan ng yaman. Dito rin nagsimula ang pagtatakda ng mga estereotipo hinggil sa mga hindi at dapat maging gawi at kaasalan ng mga kasarian (McCubbin 1976, 10-12) Tinalakay ni McCubbin (1976, 3-8) ang maraming praktika ng homoseksuwalidad mula sa pag-iral hanggang sa mga di-nagtagumpay na tangkang pagpaslang sa mga gunita nito. Ginamit niya ang mga pananaliksik na iniluwal ng iba’t ibang panahon sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaano man kataas ang disgusto ng mga iyon sa homoseksuwalidad tulad ng pag-aaral nina Claude LevieStrauss (Tristes and Tropiques), Bronislaw Malinowski, Tobias Schneebaum, at marami pang iba. Ayon pa kay McCubbin (1976, 3), gaano man ka-biased ang mga paglalahad, pinatutunayan lamang ng mga pag-aaral na iyon na ang homoseksuwalidad ay bahagi ng seksuwalidad ng sangkatauhan mula pa sa primitibong anyong panlipunang iniralan nito. Mahalaga ang muling pagtatala ng gayong mga bahagi ng nakaraan, partikular sa usaping pangkasarian, sapagkat napatutunayan nitong may kasaysayang pinagmulan ang mga LGBT. Hindi lamang nito napatatatag ang mga lesbiyana at baklang pag-iral kundi'y napatototohanan din ang pagiging matuwid ng paggigiit para sa espasyong pa ring ipinagkakait sa kasalukuyan. BD ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Guni Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Tinungo rin ni Judy Grahn (1984) ang direksiyong tinahak ni McCubbin. Kung ang pinagmulan ng opresyong homoseksuwal ang inugat ni McCubbin sa kanyang saliksik, ang mga hanggahan at katangian ng kulturang homoseksuwal naman ang pinagtuunan ng pagtatala ni Grahn sa kanyang Another Mother Tongue: Gay Words, Gay Worlds. Sapagkat sabi niya: What Gay people as a group have in common is not simply same-gender bonding and sexual proclivities coupled with shared oppression from anti-Gay {forces in the larger society. Being a Lesbian is more than a “political choice” ‘made by consciously feminist women of the seventies who were bonding with women while at the same time vaulting over or combating the sexism they perceived in the institution of heterosexual marriage, Gay people have a history because Gay culture has histories that give us a community with the past and that gives us connections with Gay people in other cultures and countries, places and times. We're inheritors of a distinct cultural background with very long roots, long buried to be sure (Grahn 1984, 17-18) (akin ang diin) Ebolusyon ng mga salita (linggwistika) at katagang pumapatungkol sa mga lesbiyana at bakla, lalo na iyong mga ipinagpapalagay na mapanira sa kasalukuyan, ang ginamit na lagusan ni Grahn upang makapasok sa kasaysayan ng tinutukoy niyang kultura ng homoseksuwal na pag-iral. Ginunita niya ang kuwento ng pag-usbong ng mga salitang kakambal ng homoseksuwalidad bago pa man mamayagpag ang mga pusikit na konotasyong ipinataw sa mga ito. Sa paghahanap ni Grahn, halimbawa, sa pinanggalingan at mga sinaunang pakahulugan sa salitang “gay,” natuklasan niyang hinango ito sa ngalan ng Greek Earth Goddess na si Gaia, “the lady whose temple was guarded with a python and who reigned long before the patriarchal invasions overthrew and replaced her” (Grahn 1984, 105). Mga anak ni Gaia ang literal na kahulugan ng gay. Ibig sabihin nito’y mga taong sumasamba o naniniwala sa diyos ng kalikasan. Sa puntong ito'y mahalagang balikan na mga babae ang naging pangunahing tagapamagitan sa mga sinaunang relihiyon. Bahagi ng kanilang mga ritwal ng pakikipag-ugnayan sa mga espiritu ang pagsasadula ng akto ng pakikipagniig sa mga ito, mapababae man o lalaki ang espiritung kinakausap. Kaya naman itinuturing na karaniwan ang homoseksuwalidad sa mga sinaunang lipunan partikular sa kultura ng mga gay. Ngunit sa paglaganap ng patriyarkiya at ng isinusulong nitong relihiyong may “nageiisang diyos na lalaki,” sinupil ang lahat ng praktikang may kaugnayan sa pagsamba sa iba pang mga diyos. Hinuli at pinarusahan (nilatigo o kaya'y sinunog) sa harap ng publiko ang mga tagapanguna ng umano'y tiwalag na paniniwala (Grahn 1984, 218) Nanatili pa rin ang salitang gay pagkatapos niyon subalit hindi na bilang mga ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 “mananampalataya ni Gaia” kundi bilang kolektibong termino para sa mga homoseksuwal na kinikilalang tagapanguna ng maling paniniwala at praktika. Tuluyan nang nabahiran ng takot at pagkamuhi ang dating progresibong kahulugan nito. Bukod sa salitang “gay,” mahalagang alamin ang mga “bago” at positibong anggulo ng pagpapakahulugang ihinain ni Grahn sa iba pang terminolohiyang tumutukoy sa mga homoseksuwal, partikular sa mga babae, tulad ng tomboy, dyke, lesbian, bulldyke, at iba pa sapagkat laganap din ang paggamit ng mga ito sa Pilipinas. Sa katunayan, nakatala ang mga terminong ito sa iba’t ibang diksyunaryong Filipino bilang mga salitang tumutukoy sa mga babaeng homoseksuwal. Sa B.A. tesis ni Pauline Mari Hernando (2008, 3-5) na “Sa Pag-iral ng Ningas: Lesbiana-Feministang Suri sa mga Piling Tula mula at ‘Lunduyan’,” itinala niya kung kailan nagsimulang lumabas sa mga diksyunaryo ang mga salitang ito. Sa pag-aaral ni Hernando, taong 1915 nang unang lumabas ang salitang “tomboy” sa diksyunaryong Diccionario Ingles-Espafol-Tagalog (Con Partes de la Oracion y Pronuneiacion Figurada) ni Safronio Calderon (1915, 607), at nangangahulugang “hamak” at “babaing magaslaw.” Gayon man, sa aking pananaliksik, natagpuan kong mas maagang naitala ang salitang tomboy sa A Tagalog English and English Tagalog Dictionary na ipon at inilathala ni Charles Nigg noong 1904 (399), at nangangahulugan itong “babayi na may ugaling lalaki.” Nakalahok din ito sa English-Tagalog-locano Pocket Dictionary nina Juan Afenir, Reynaldo De Dios, at Felix Manalili (1967, 339) ngunit may ibig sabihin nang binalaki o lakiyen (Ilocano). Matatagpuan naman ang terminong “lesbya” sa The New Illustrated Tagalog-English Dictionary ng Encleare Foundation Inc. (2007, 322) na may kahulugang “babaing homosekswal.” Lumabas itong muli noong 2010 kasama ng terminong “tomboy,” “dyke,” “t-bird,” at “tibd” sa UP Diksiyonaryong Filipino (tkalawang Edisyon) bilang “babae na homosexual” (Almario 2010, 690). Ang mga pagpapakahulugang ito ay ilang patunay na pasan din natin ang pangangailangang mapalaya ang mga salitang ito mula sa mga mapaminsalang konotasyong pilit na ipinanggagapos dito ng lipunang makiling lamang sa mga heteroseksuwal Samantala, hindi rin naman pahuhuli ang ating bansa sa tradisyon ng pag-uugat, paghagilap, at paggigiit ng espasyo ng mga LBGT sa lipunan at kasaysayan. Umusbong na at patuloy pang umuunlad ang usapin ng kasarian at seksuwalidad sa iba't ibang larangan ng ating kultura (e.g. akademya, pelikula, panitikan, at iba pa). At kung tututukan, halimbawa, ang produksiyon ng panitikang lesbiyana, makikita ang pagyabong nito dahil na rin sa patuloy na paglalathala ng mga antolohiya at koleksiyon ng mga akdang tumatalakay sa lesbiyanang karanasan at pag-iral at gayundin ng mga kritisismong pampanitikang nakatuon sa mga ito. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Sa kanyang B.A. tesis na “Pagsulat sa Sarili Bilang Progresibong Paglalantad: Preliminaryong Pagsusuri sa Panitikang Lesbiyana ng Pilipinas” noong 1998," sini taluntunin ng kritikong si Sharon Anne Pangilinan ang kasaysayan ng panitikang lesbiyana ng bansa kaugnay ng lesbiyanang aktibismo. Gamit ang lesbiyana-feministang lapit ay sinuri niya kung paano bumabalikwas sa impluwensiya ng heteropatriyarka’® ang mga lesbiyanang teksto sa iba’t ibang anyong pampanitikan (e.g. awit, tula at maikling kuwento), at kung paano rin ipinagdiriwang ng mga sulating ito ang pagnanasa, karanasan, at pagkamalikhain ng mga lesbiyanang Pilipino (Pangilinan 2003). Paghahanap sa nawawalang lesbiyana sa panitikang Pilipino gamit ang konsepto ng protolesbiyanismo ang naging tuon ng “Si Nena, Si Neneng, at Erlinda: Ang Seks Variant sa Panitikang Pilipino”’ na B.A. tesis naman ni Minerva Lopez (1999). Ayon sa salik mayroon nang lesbiyanang pag-iral bago pa man maipakilala sa bansa ang mismong konsepto ng lesbiyanismo na sinasabing dumaong lamang sa kamalayan ng mga noong dekada 1970 sa kasagsagan ng kilusang feminista sa Kanluran. Ginamit niyang lunsaran ng naturang diskurso ang mga ipinamalas na katangian at imaheng may “tendensiyang mala-lesbiyana” sa mga tekstong Ang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng (1903) at Erlinda ng Bataan (1970). Sa kanyang pag-aaral, napatutunayang hindi dayuhan ang praktika ng lesbiyanismo sa Pilipinas sapagkat bahagi ito ng ating nakaraan at kasaysayan gaya na rin ng nakatala sa dalawang klasikong nobelang nabanggit (Lopez 2003). Binubuksan ng mga pag-aaral na ito ang posibilidad na may iba pang katibayan ng lesbiyanang pag-iral at karanasan na nananahan sa mga tekstong pangkasaysayan at pampanitikan. Kailangan lamang halughugin at muling basahin ang mga dokumentong ito gamit ang lenteng may kamalayan sa iba't ibang isyung pangkasarian. Pag-iimahen naman sa mga lesbiyana sa loob ng pelikula ang sinuri at itinala ni Libay Linsangan Cantor (2003) sa “Lesbiana, Lesbiana, Paano Ka Isinasapelikula? lang Pagmumuni-muni sa Pagsasadula ng mga Lesbiana sa Pelikulang Filipino.” Pitong pelikulang kinatanghalan ng mga lesbiyanang karakter ang naging sentro ng pag-aaral ni Cantor: ang T-Bird at Ako (1982), Si Malakas, si Mahinhin, at si Maganda (1980); Manila by Night (1980); Jack en Jill (1987); Nang Mamulat si Eba Part 2 (1997); Tatlo Magkasalo (1998); at Baliktaran: Si Ace at si Daisy (2001)."* Ayon sa kanyang pagsusuri, tila isang arketipo na sa pinilakang tabing ang paglalarawan sa mga lesbiyana bilang mga “stone butch” o iyong mga babaeng homoseksuwal na lalaki kung umasta (e.g. Nora Aunor sa T- Bird at Ako; Elizabeth Oropesa sa Si Malakas, si Mahinhin, at si Maganda; Sharon Cuneta sa Jack en jill; Rufa Mae Quinto sa Baliktaran; at Gina Alajar sa Tatlo Magkasalo), mga babaeng naliligaw ng landas na maitutuwid lang sa pamamagitan ng heteroseksuwal na pakikipagniig (e.g. Alma Moreno sa Si Malakas, si Mahinhin, at si Maganda at Rosanna Roces sa Nang Mamulat si Eba Part 2), mga lesbiyanang minamalas sa buhay 0 kaya'y ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 nasasawi dahil sa malubhang sakit (e.g. Cherie Gil sa Manila by Night at Rita Avila sa Tatlo Magkasalo), 0 kaya’y mga lesbiyanang bumabalik sa pagkababae matapos mabuntis at manganak (Ara Mina sa Tatlo Magkasalo) (Cantor 2003). Pinatutunayan lamang ng talakay ni Cantor sa mga pelikula ang pag-iral ng mga baluktot na panlipunang estereotipo hinggil sa mga lesbiyana. Sa katunayan, maging ang pelikulang Romeo and Juliet na idinerehe ni Connie Macatuno noong 2006 ay hindi pa rin nakaligtas sa ilang arketipong binabanggit ni Cantor. Bagama’t sa halip na butch ay “femme” [lesbiyanang “abae” kung umasta (Laureta 2004, 1)] ang itinanghal na mga karakter, minalas pa rin sa buhay ang mga lesbiyanang tauhan matapos silang magkaroon ng romantikong ugnayan Maaaring sabihing nangyayari talaga ang pagtatakwil sa pamilya at diskriminasyon sa trabaho sa mga lesbiyana (na makikita sa ginampanang papel ni Andrea del Rosario) ngunit tila naman kalabisan ang biglaang pagsasara ng “maunlad” na flower shop business ng isa pang lesbiyanang karakter (Mylene Dizon). Hindi tuloy maiwasang itanong kung “wala na bang ibang mukha ang mga lesbiyana sa pelikula kundi kasawian?” Samantala, ipinagpatuloy ni Pangilinan (2008) ang pananaliksik hinggil sa lesbiyanang kasaysayang pampanitikan sa kanyang MA tesis na “Mga Akda ng Pagbalikwas: Ang Pagsipat sa Lesbiyanang Persona sa mga Piling Kuwentong Lesbiyana ng Pilipinas.” Tinalakay naman niya sa pagkakataong ito ang halaga ng panitikan upang mas mabisang makilala ang katauhang lesbiyana. Aniya, “[s]a pamamagitan ng mga tekstong lesbiyana, hindi na lamang natatala ang pag-iral ng mga Pilipinang lesbiyana kundi’y napalalawak din ang kahulugan ng lesbiyanang karanasan at identidad” (Pangilinan 2008, 142). Kaya naman gamit ang mga persona sa mga maikling kuwentong lesbiyana, tinukoy niya ang 1g ebolusyon ng karakterisasyon ng mga babaeng homoseksuwal hindi lamang sa panitikan kundi maging sa lipunang iniralan nito. Mahalaga ang gayong pagkilala sa iba’t ibang katangian ng mga babaeng homoseksuwal sapagkat “higit na napalalalim hindi ang kamalayang mapag-aglahi at reaksiyunaryo sa mga lesbiyana, kundi ang kamalayang may pagrespeto at pagtanggap sa lesbiyanang pag- iral” (Pangilinan 2008, 6). Sa dakong ito, binigyang-diin din ni Pangilinan ang magkasalikop ng tungkulin ng mga kritiko at manunulat sa paghawan ng espasyo para sa diskursong lesbiyana sa loob at labas man ng panitikan. Sabi niya: ‘Ang pagsisiyasat_ sa ebolusyon ng representasyon ng mga lesbiyana/lesbiyanang karanasan at mga usaping pangkasarian sa panitikan ay magbibigay-daan upang makabuo ng “lesbiyanang kamalayan” sa hanay ng mas marami pang bilang ng mga lesbiyana at di lesbiyanang mamamayan. Gayon din, makatutulong ito upang bakahin ang mga namamayani pang negatibong pagtingin o pag-eestereotipo sa lesbiyana. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 (Tlungkulin ng parehong manunulat at kritiko ang patuloy na pagpapadaloy ng imahinasyon at/sa pagtuklas (ng mga tekstong lesbiyana) sapagkat naririyan pa rin ang mahigpit na pangangailangan ng mga lesbiyanang makapagtatag ng komunidad na mapaghuhugutan ng suporta (Pangilinan 2008, 148-149). Kung muling babalikan ang mga akdang nalathala at sinuri na ng mga kritiko gaya ng Throw It to the River ni Nice Rodriguez (1993); Woman-to- Woman: Poetry, Essay, Fiction nina Aida Santos at Ginny Villar (1994); Tibok: Heartbeat of the Filipino Lesbian na pinamatnugutan ni Anna Leah Sarabia (1998); at What These Hands Can Do: A Lesbian Literary and Art Folio ng lesbiyanang organisasyong Lunduyan ng Sining, Inc. (2008); at iba pang mangilan-ngilang lesbiyanang akdang nabigyan ng pagkakataong mapasali sa mga di-lesbiyanang kalipunan, maikling kuwento ang isa sa mga anyong pampanitikang bumubuo sa ng mga ito. At gaya na rin ng dinidiskurso ni Pangilinan (2008, 6) sa kanyang pinakahuling pag-aaral, masisilip sa mga naratibong ito ang pag-iral ng lesbiyanismo sa iba’t ibang espasyo at panahon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga iniluwal na lesbiyanang karakter, kung kaya naman mas napalalawak ang konsepto ng lesbiyanang identidad na siyang humuhubog sa tinatawag niyang lesbiyanang kamalayan. Sa ilang kuwento halimbawa ni Rodriguez (1993) sa koleksiyon niyang Throw It to the River, higit na naipakilala ang katauhan ng isang butch o iyong lesbiyanang “mas dominante sa relasyon at pakikipagtalik” (Laureta 2004, 1).”° Kaiba sa karaniwan nang persepsiyon sa mga babaeng homoseksuwal, ipinakilala ni Rodriguez ang kanyang mga karakter hindi bilang mga babaeng nagnanais maging lalaki o kaya'y mga lalaking nakakulong sa katawan ng babae. Gamit ang ekonomikong kondisyon ng kanyang mga tauhan bilang lunsaran, mahusay na naipakita ng manunulat kung bakit, halimbawa, kailangang “lakihan ang boses” at “umastang siga” ng isang lesbiyanang konduktor sa loob ng bus na kanyang pinagtatrabahuhan. Kung ipagpapalagay na ang “bus” ang siyang sumasalamin sa mismong buhay ng lesbiyana sa isang lipunang patriyarkal, kailangan nga naman niyang magpakita ng tatag (umastang siga) at igiit ang kanyang tinig (pagpapalaki ng boses) upang huwag tuluyang magupo ng mga pag-cestereotipong ipinapataw sa kanya ng lipunan. Ipinakikita kung gayon hindi ang isang lesbiyanang di-makatanggap ng kanyang bayolohikal na kayarian, kundi ang isa pang mukha ng pagiging babae, ang malakas na imahen ng babae sa isang lipunang tulad ng Pilipinas. Panunupil naman ang temang inikutan ng kuwentong “Tale of Two Witches” ni Mila Aguilar (987), kung saan pinaratangang mga mangkukulam ang dalawang babaeng kakikitaan ng lesbiyanang ugnayan. Mababasa rito kung paano itinatakwil at sinusupil ng konserbatismo sa mga atrasadong lunan ang mga praktikang di nakasanayan (e.g. babaeng nakapag-aral at may sariling pagpapasya, di nag-aasawa, at nagtatangi ng kapwa kasarian). Matutunghayan sa kuwento kung paano napilitang lumikas ang mga ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 “mangkukulam” (lesbiyana) upang matakasan ang banta ng mga mamamayang handang pumatay/manunog nang buhay maibsan lamang ang takot na mabasag o may magpasubali sa nakagisnan nilang paniniwala. Sa ganitong naratibo makikita hindi Jamang ang larawan ng mga lesbiyanang noon pa ma’y pinagkakaitan ng espasyo para sa malayang pag-iral, kundi maging ng mga babaeng nakatatagpo ng lakas sa kapwa nila babaeng nagnanais ding umigpaw sa mga gawi at tungkuling ipinapataw ng lipunan. Bukod sa ang pagpapakilala sa iba’t ibang mukha ng lesbiyana ay karaniwang tema rin ng mga naratibo ang proseso ng coming out o paglalantad/paglaladlad [“Out With It! (My Coming Out Story)” ni Natty Manauat (1998)], suliranin ng isolation at pagpapatanggap sa pamilya, lipunan, at iba pa [*Horoscope” ni Eli Guieb III (1999)], iba’t ibang porma ng diskriminasyon at homophobia” [‘Tale of Two Witches” ni Aguilar (1987) at “Relasyon” Tony Perez (1994, 200-246)], pagbubuo ng mga romantikong ugnayan [“Comadrona” ni Johanna Lyn Cruz (2000)], erotisismo [“The Art of Fleshing Out Rumors, in Ten Parts” ni Angeli Kate Valmoria Pedroso (2008)], at paghahanap ng komunidad [“The Smell of Sleep” ni Lani Montreal (1998) at “Peeking Into Manila's Dyke Nights” ni Reggie Reginaldo (1998)] Sa puntong ito, importanteng banggiting sa lawas ng mga tekstong bumubuo sa panitikang lesbiyana sa kasalukuyan, partikular sa mga maikling kuwento, bibihira ang tumatalakay sa karanasan at pag-iral naman ng mga lesbiyanang namumuhay sa labas ng siyudad. Karamihan sa mga ito ay nasa pananaw rin ng mga lesbiyanang mula sa panggitna at mas nakatataas pang uri sa lipunan. Wala pa ring mga tekstong tumatalakay naman sa pakiramdam at kaisipan ng mga taong nakapaligid sa personang lesbiyana. At wala pa ring mga kathang nakatuon naman sa lesbiyanang pag-iral sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan 0 nakaraan, Mahalagang punuan ang mga puwang na iyon dahil bukod pa sa mga nabanggit nang larawan ng mga babaeng homoseksuwal, marami pang mukha ang karanasang lesbiyana. Nagbabago ito depende sa espasyo at panahong iniiralan at punto de bistang tumitingin. PAGGUNITA, PAGTATALA, AT PAGKATHA, Pagkaalpas sa yugto ng identity crisis, naging bahagi ng coping mechanism ko bilang homoseksuwal ang paghagilap, pagbabasa, at kinalauna'y pagkatha ng mga lesbiyanang karanasan—mula sa sarili patungong mga ipinagpapalagay kong karanasan din ng iba pang kapwa lesbiyana, Sa gayong paraan ko natutunang kaharapin ang aking bawat pag- aalinlangan, takot, tanong, at pangarap, sapagkat ang mga karakter na itinatampok sa aking pagtatala ang siya ring bumuo ng aking personal na lesbiyanang komunidad. Sa pagbabasa at pagsusulat ng kanilang mga karanasan ay natuklasan kong kaisa ako sa kanilang mga hinaing at pakikibaka. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Nakaengkuwentro ako ng mga makabuluhan at positibong teksto matapos kong makipag-ugnayan sa iba pang mga lesbiyana, partikular sa mga masisigasig na organisador ng Lesbians for National Democracy (LESBOND).” Bukod pa sa kamalayan hinggil sa kalagayan ng mga Pilipinang homoseksuwal na kanilang inoorganisa, ipinakilala rin sa akin ng LESBOND ang mga materyal na tumatalakay sa pagtatala at pagbuo ng naisantabing kasaysayan ng mga lesbiyana at bakla tulad na nga ng sulatin nina Bob McCubin (1976) at Judy Grahn (1984). Noo'y nalaman ko ring nasimulan na ang pag-aaral hinggil sa homoseksuwalidad (bagama't mas marami ang sa mga bakla) dito sa ating bansa at may mga pagtatala na rin hinggil sa mga usaping lesbiyana gaya ng akda nina Jennifer Josef (1999), Lopez (2003), Pangilinan (2003, 2008), at Roselle Pineda (2001). Tinutukan ng ilan sa mga saliksik na iyon ang produksiyong pampanitikan at inaral ang mga akdang nagtatanghal ng iba't ibang lesbiyanang karanasan. Sa pagbabasa ng mga lesbiyanang pag-aaral at malikhaing katha, higit pang lumawak ang kinikilala kong komunidad (na hatid ng mga lesbiyanang persona na nakasasalamuha ko sa panitikan), na lalo pang nagpelalim sa pakahulugan ko ng pag-iral ng mga babaeng homoseksuwal. At dahil hindi maitatangging may kasalatan pa sa mga representasyon ng lesbiyana, naengganyo akong palaguin ang mga kinakatha kong lesbiyanang gunita sapagkat hindi lang naman iisa ang lesbiyanang karanasan at hindi lang din iisa ang mukha ng mga lesbiyanang umiiral Bilang isang akto ng paggigiit sa karapatan ng mga lesbiyanang ipakilala at muling pangalanan ang Kanilang sarili sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang mga karanasan, binabansagan kong “naratibs” ang mga maikling kuwentong lesbiyana. Hinalaw ko ito sa salitang naratibo, para tukuyin ang anyong pampanitikan (maikling kuwento) na naging at magiging daluyan ng aking pagtatala at nilangkapan ko ng lokal na lesbiyanang terminong tib6 na tumutukoy naman sa personang itinatampok sa mga teksto (lesbiyana). Sinadya kong pilin ang salitang “tib” (halaw sa “tomboy” at “t-bird”) sapagkat ito ang “terminong lokal na kadalasang ikinakabit sa mga lesbiyana” (Hernando 2008, 3). Negatibo at mapaniza ang mga pagpapalagay na kakambal ng tibo. Dahil hindi natanggap o may istigma ang lipunan sa anumang lesbiyanang pag-iral at ugnayan, itinuturing na kahihiyan ang mabansagan o kaya'y mapaugnay sa salitang tibo. Maihahalintulad ito sa derogatoryo 0 mapanghamak na pakahulugan sa terminong “Moro” noong panahon ng pananakop ng mga Espafiol. Ayon sa rebyung ginawa ni Judith Nagata (1999) sa aklat na Muslim Rules and Rebels: Everyday Politics and Armed Separatism in the Southern Philippines ni Thomas McKenna (1998), mapang-insulto ang dating kahulugan ng salitang “Moro” bunga ng negatibong konotasyong inilapat ng mga mananakop na Espafiol na kumikilala sa mga Muslim bilang kaaway. Nagkaroon lamang ito ng bago at positibong kahulugan nang ilunsad ang panawagang palakasin at bigyan ng ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 bagong imahen ang iba't ibang etnolinggwistikong grupo sa Mindanao (na sinuportahan naman ng global na komunidad ng mga Muslim) noong nagsisimula pa lamang ang dantaon 20. Unti-unti nang naging positibo ang kahulugan ng Moro at sa kasalukuyan ay nilalangkapan na ito ng salitang “bangsa” (Bangsamoro) upang ipahiwatig ang ugnayan sa dugo © pagkakaroon ng isang pinagmulan kahit pa sila ay nanggaling sa iba’t ibang pamilya 0 angkan (Nagata 1999). Sa konteksto naman ng daigdig, paris ang tibé ng salitang “lesbian” na noong dekada 1960 at 1970 ay kilala sa Kanluran bilang panakot o “scare word” (Katz 1996, 143). Ayon sa baklang kritiko at teoristang si Jonathan Ned Katz (1996, 140-145), mga ahensiyang galit sa homoseksuwalidad, at may takot sa pagkakaroon ng kompetensya sa kapangyarihan (e.g. heteroseksuwalidad, patriyarkiya) ang may udyok sa negatibong pakahulugang,iyon. Aniya, dahil patuloy na lumalakas ang kilusang feminista na nagbabanta sa pananatili ng makalalaking interes, pinaratangang lesbiyana ng mga ahensiyang ito ang sinumang babaeng nagtatangkang hamunin ang pribilehiyong nakalaan lamang umano sa mga Ialaki, Dahil sa pusikit na pagpapakahulugan sa konsepto ng lesbiyanismo (e.g. imoral, sakit, krimen), lumikha ang naturang akto ng labis-labis na istigma o pagkamuhi sa kamalayang panlipunan, na nagresulta sa pagkakahati-hati sa mismong hanay ng mga feministang dapat sana'y nagkakaisang tumutuligsa sa_heteropatriyarkal na kaayusan (Katz. 1996, 140-145). Sa kasalukuyan, may mga tangka nang gamitin ang terminong lesbiyana sa positibong paraan partikular sa larangan ng akademya. Hindi na ito tinatalakay bilang sakit, kasalanan, at panakot kundi bilang isang sektor ng lipunang mayroong isinantabing kasaysayan. Dumaong na rin sa Pilipinas ang ganitong kasanayan. Gayumpaman, sa konteksto ng lipunang Pilipino, nananatiling hindi ganap ang pagpapanibagong-hubog sa terminong lesbiyana sapagkat hanggang ngayon ay natatali pa rin ang paggamit nito sa espasyo ng akademya. Labas sa mga unibersidad ay bihira na ang nakakikilala o gumagamit sa salitang lesbiyana bilang pantukoy sa mga babaeng nagtatangi o umiibig ng kapwa babae. Sa halip, tomboy at tibo pa rin ang mga namamayaning termino para sa mga babaeng homoseksuwal. Napakahalaga, kung gayon, na bigyan ng bago at progresibong pakahulugan ang mga salitang ito, lalo na sa kaso ng tibd na isang terminong lokal, pamilyar, at palaging ginagamit sa bansa. Kaya naman nararapat ding ilahok ang salitang tibd sa mga diskursong pang-akademya na umiinog sa iba't ibang usaping pangkasarian lalo na iyong mga tumutukoy sa lesbiyanang karanasan at pag-iral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, masisimulan ang pagpapakilala at paggamit sa salitang tibd hindi bilang terminong mapanghamak bagkus ay mapagpalaya. Sa pagkakataong ito, gagamitin ang tibé bilang pangkalahatang pantukoy sa mga babaeng homoseksuwal at hindi na lamang sa mga lesbiyanang ipinagpapalagay na “nakaastang lalaki” o butch. Sa pamamagitan naman ng naratibd 0 mga kathang nakaugat sa mga gunitang tibé sa konteksto ng kalinangang Pilipino, makikilala ang iba pang mukha ng ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 tibong kaakuhan na isinasantabi ng makalalaking lipunan. Kinikilala ko ito bilang isang akto ng pag-igpaw sa mga negatibong konotasyong ikinakabit sa salitang “tib6,” gayundi’y redepinisyon sa naratibé bilang salita at isang anyong pampanitikang malay na yumayakap sa mga mapagpalayang lesbiyanang identidad. PANGWAKAS Mahalaga ang pagkatha ng mga kuwentong lesbiyana sapagkat napatototohanan nito ang mga gunita at realidad na sa kasalukuyan ay madalas pa ring itinatakwil 0 hindi kinikilala ng iba. Nagsisilbi itong komunidad para sa mga lesbiyanang mambabasa na naghahanap ng karamay at kakampi sa kanilang sinisiil na pag-iral, habang naghahain naman ito ng lesbiyanang kamalayan sa mga di-lesbiyanang mambabasa sapagkat nagkakaroon sila ng pagkakataong makilala, unawain, at buksan ang sarili sa mga karanasang labas sa kanilang nakasanayan. Napagtitibay kung gayon sa espasyo ng papel ang lesbiyanang pag- iral at nabibigyan ng posibilidad na maikintal sa gunita ng parehong mga lesbiyana at di- lesbiyanang mambabasa. Sa gayong proseso, unti-unting napalalaya ang kolektibong kamalayan sa mga mapag-aglahing lesbiyanang estereotipong idinidikdik sa atin. Sapagkat liban sa mga prehuwisyong ikinakabit ng isang heteropatriyarkal na lipunan, wala naman talagang kaibahan ang lesbiyanang gunita sa alaala ng mga di-lesbiyana. Patunay ang mga nailunsad nang kritikal na pag-aaral hinggil sa lesbiyanismo na nabibigyang-daan na sa akademya ang mga usaping lesbiyana lalo na sa larangan ng panitikan. Kung gayo'y unti-unti na itong nailulugar sa kanon ng panitikang kababaihan. Kaya naman mas dapat pang paigtingin ang pagtugon sa panawagang kumatha ng mga naratibé lalo pa’t nag-uumapaw pa rin ang mga karanasang lesbiyanang kinakailangang tuklasin at itanghal. Gayundin, dapat pang ang _mapagpalayang_ lesbiyanang kamalayan sa konteksto ng lipunan at ilugar sa kasaysayan ang iba't ibang mukha ng lesbiyanang pag-iral. Sa pag-akda ng mga lesbiyanang karanasan, dapat isaalang-alang ang wika gaya ng panawagan ng mga nauna nang kritisismo. Nararapat payabungin ang pagsusulat sa wikang Filipino” dahil liban pa sa napagyayaman at nailalapit nito sa mambabasa ang kalinangang likas sa atin, mas malawak din ang naaabot ng mga tekstong nasusulat sa wikang nauunawaan ng nakararami, na siyang tunguhin ng pagkatha ng naratibo—ang makapagtala ng mga mapagpalayang lesbiyanang gunita sa kamalayan ng lesbiyana at di-lesbiyanang mambabasa. Bukod sa layong makaambag sa pagpapalawak ng ispektrum ng panitikang kababaihan ng bansa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga gunita at karanasan ng kababaihang labas sa kontekstong heteroseksuwal, ang esensiya ng naratibé ay para rin sa lalo pang paggigiit ng lesbiyanang tinig, Sapagkat ayon nga sa mga lesbiyanang kritiko na sina Joanne Glasgow at Karla Jay (1990, 2), “hangga't hindi tayo (lesbiyana) sumisipat nang may ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 bagong paningin, hangga’t wala tayong sariling wika, at hangga't di natin itinatala ang ating mga karanasan, muli tayong patatahimikin at buburahin. Hihinto ang ating pag-iral kundi tayo magsasalita” (akin ang malayang salin).. Talahuli * a dalawang matatalik na kaibigan ko unang ipinagtapat na crush o hinahangaan ko ang bagong lipat na estudyante (na isa ring babac) sa kabilang scksiyon. Napili kong magtapat sa kanila dahil bukod sa rmagkakaedad kami at walang puwedeng magmagaling, ay may kutob akong bakla ang isa at ang isa paly tulad ko ring may tendensiyang maging lesbiyana. Nasa ikatlong taon na kami noon sa isang pribadong mmataas na paaralan, May oryentasyong protestante ang aming eskuwelahan kaya't malay kami na ang nararamdaman ko ay palatandaan o manipestasyon ng homoseksuwalidad. Kilala namin ite bilang isang mortal na kasalanan, ayon na rin sa mga asignaturang Values Education at Religion, at maging sa mga sermon ng pastor tuwing “Wednesday Service” na kinailangan naming daluhan linggo-linggo. Pangunahing target ng mga mangangaral ng ebanghelyo ang mga binansagang “naglalakad na kasalanat,” at kabilang na niga tito ang mga homoscksuvval kahanay ng mga adik at kriminal. Katulad ng mga pangaral na hindi sila dlapat tularan, pangkaraniwan ang makarinig ng mga birong may kaugnayan sa mga lesbiyana at bakla Kaya naman nang maisingit kong may crush akong babae ay agad ipinagpalagay ng mga nakavinig na nakikipagbiruan lang ako, ? Ayon sa kuwento ng aking ina, ipinangalan ako kay St. Bernadette Soubirous ng Lourdes, France sapagkat isang komiks tungkol sa buhay nto ang huli niyang binasa bago ako iniluval, Si St. Bernadette ang dalagitang pinagpakitaan umano ng Bitheng Maria sa Lourdes, Inilaan niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga salitang ipinangusap umano sa kanya ng Birhen. At bagama’t namatay sa isang malubhang sakit si St. Bernadette noong 1879, hanggang, ngayon rnama'y hindi pa rin umano nasagnas ang kanyang katawan. > yon sa sikolohistang si Abraham Maslow, ang motibasyon mga rasong nag-udlyok sa isang ta0 upang kumilos ay tumutugon sa tinatawang niyang “hirarkiya ng pangangailangan” (Kassin 2006). Maihahambing tumano ito sa isang piramide na binubuo ang ilalim (primarya) ng mga pangangailangang nakatuon sa pagpapanatiling buhay ng pisikal na katawan tulad ng pagkain, tubig, at pahinga. Sinusundan ito ng pangangailangang maging ligtas sa anumang (pisikal na) panganib, Naglalaman naman ang mga nasa itaas nna bahagi (sekondarya) ng piramide ng pangangailangang sosyal tulad ng mga nasang makaramdam ng pagmamahal, pagiging kasapi (belongingness), pagpapahalaga ng iba, at apirmasyon sa pag-iral ng sar Sabi pa ni Maslow, nagiging importante lamang para sa isang indibidwal ang mga nasa itaas ng piramide kung natugunan na ang mga primarya niyang pangangailangan, + Taong 2005 nang hindi irenyu ang Kontrata ni Marlon Lacsamana bilang Head Librarian sa Miriam College matapos siyang magpakasal sa kapwa lalaki. Hanggang ngayo'y nakabinbin pa rin sa korte ang keasong ihinain ni Lacsamana, > Personal itong karanasan ng kritikong si Sharon Anne Pangilinan sa mga unang taon ng kanyang pagtuturo sa isang unibersidad. Makikita ito sa unang pahina ng kanyang M.A. tesis na “Mga Akda ng Pagbalikwas: Ang Pagsipat sa Lesbiyanang Persona sa mga Piling Kuwentong Lesbiyana ng Pilipinas (1987- 2008) (Pangilinan 2008). Ang tulang “Maselang Bagay ang Sumuso ng Burat” ng makatang si Nicholas Pichay ang pinatutunglulang “rasteless.”_Bahagi ito ng koleksyong “Ang Lunes na Mahirap Bunuin” na nagwagi ng alawang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1993 7 Minsan na akong nasabihan ng isa sa aking mga naging guro sa elementarya na Iubos siyang nanghihinayang sa akin dahil isa pala akong “Aiza Seguerra” (siguro'y di niya mabanggit ang salitang BD ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gunita Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 lesbiyana, tomboy 0 kaya’y tibd). Pagkatapos niyo'y may galit pang sinabi ng pa-macho kong maestro na, “Kung wala lang asawa ang anak ko, ipapa-rape kita sa kanya.” Hinalaw ang katagang ito sa mitong nakasaad sa Bibliya hinggil sa pinagmulan ng tae. Mababasa sa Genesis na ang babae ay “hinugot sa tadyang ng lalaki” upang may makatuwang ang hull sa pangangasiwa Uumano sa sanlibutan % Ayon kay Adrienne Rich (1980, 632, 653, 659-660), ang compulsory heterosexuality 0 sapilitang heteroseksuwalidad ay kasanayan at kaisipang nagsasabing natural ]amang na ang babae ay nasa ilalim ng mga lalaki (sa. anumang aspekto) at ang layunin ng kanilang (babae) pagkakalalang ay upang paligayahin at sundin ang kagustuhan ng kabilang kasarian. Iminumungkahi ni Rich na dapat itong kilalanin bilang isang institusyong dapat buwagin sapagkat ito ang nagdudulot ng iba't ibang lebel ng kaapihan sa lahat ng kababaihan mula sa konseptwal na lebel tungong praktikal “© Bahagi ito ng pag-aaral ni Stanley Milgram (1965) sa ibinigay na katwiran ng mga akusado sa salang ‘genocide noong World War II sa Nuremberg Trial. Sabi kasi ng mga nasasakdal, nagawa lamang nila ang gayong karumal-dumal na akto sapagkat iyon ang iniutos ng mga nakatataas sa kanila (Milgram 1965). "Hango sa ginawang pag-aaral ni Racquel Reyes (2001, 222) hinggil sa kontribusyon ng kilusang propaganda sa pagbubura at pagpapatahimik sa mga Filipina = May mga debate hinggil sa pagkakaiba ng historya at kasaysayan. Ayon kay Zeus Salazar (1989), ‘magkaiba ang naturang mga salita sapagkat higit na mas malalim ang kahulugan ng kasaysayan sa historya. Ang kasaysayan, aniya, ay hindi lamang basta paglalalahad ng mga pangyayari bagkus ay salaysay hinggil sa nakaraan o saan pa mang paksa na nakatuon sa mga kaganapang lipos ng kahulugan, katuturan, at kabuluban pata sa isang grupo ng t20 0 kayaly lipunan. Lalabas lamang umano ang “saysay" na iyon ng kasaysayan kung isasalaysay ito mula at para sa mga taong bahagi mismo ng tinutukoy na nakaraan, Minarapat kong gamitin ang terminong kasaysayan para sa pag-aaral na ito dahil sa mas progresibo nitong Kahulugan kumpara sa historya. Gayumpaman, makikitang may bias at hindi pa tin ganap ang mga pagtatala ng kasaysayan. Sa konteksto, halimbawa, ng kasaysayang panlipunan at kasaysayang pampanitikan, nananatili pa ring walang boses at espasyo ang makabuluhang nakaraan ng mga lesbiyana, Kung gayon, nauuwi rin sa pagiging ahente ng pagpapatahimik (gaya ng ipinagpapalagay sa historya) ang Kasoysayon dahil sa gayong pagsasantabi. Mula rito'y kailangang igiit na hindi magiging ganap ang “ka(saysay)an" ng kasaysayan hangga't di nito kinukupkop ang perspektibong may kamalayan sa mga uusaping pangkasarian, 3 Hinalaw ito sa konsepto ni Bienvenido Lumbera (1984) ng “muling pagtatala ng kasaysayan” sa konteksto rng rehiyunal at pambansang panitikan. Ginamit din ng keitikong si Pangilinan (2008) ang ideyang ito sa konteksto naman ng pagbuo ng mas malay sa kasariang panitikan ng kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala at pagsaklaw sa naisantabing lesbiyanang panitikan. 4 Ginamit na tuntungan ni Bob MeCubbin (1976) ang pag-aaal ng teoristang si Friedrich Engles (884) na The Origin of the Family, Private Property and State. Ayon kay Engels (1884), nagsimula ang lahat ng porma rng kaapihan nang magbago ang oryentasyong panlipunan mula matriyarkiya tungong patriyarkiya matapos ‘magkaroon ng konsepto ng pribadong pagmamay-ari ang mga sinaunang ta. °5. Makalipas ang limang taon, nalathala ang tesis na ito sa Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Mga Kritikal na Tala ng mga Lesbiyana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika na pinamatnugutan nina Eugene Evasco, Roselle Pineda, at Rommel Rodriguez (2003) ‘© “Heteropatriyarka ang “kamalayang pangkapangyarihan” na nagsusulong ng naturalisasyon ng heteroseksuwalidad at patriyarkal na kaayusang panlipunan. Hango ito sa pagpapakahulugang ginawa ni Pangilinan (2008, 37). "7 Nalathala ang tesis na ito sa Tabi-tobi sa Pagsasantabi: Mga Kritikal no Tala ng mga Lesbiyana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika na pinamatnugutan nina Evasco, Pineda, at Rodriguez. (2003) DB ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gunita Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 'S May ilang inkonsistensi hinggil sa taon ng paglabas ng mga nabanggit na pelikula sa artikulo ni Libay Lansangan Cantor (2003). Ang pagkakatala ko ngayon ay isinaayos base mga resultang lumabas sa IMDb (The Internet Movie Database), AOL Television, Moviezen.com, at Kabayancentral.com. ° Mababasa ang detalyadong pagtatala ng mga naglabasang, tekstong leshiyana ng Pilipinas mula 1987 hanggang 2008 sa tesis ni Pangilinan (2008, 65-77, 156-159). 2° Tumutukoy ang terminong butch sa mga lesbiyanang mas dominante pagdating sa mga relasyon lalo na sa pokikipagtalik. Maaari itong uriin pa sa dalawa—ang stone butch o iyong “mukhang lalaki” sa anyong panlabas tulad ng pananamit, pagkilos, paggupit nang maikli sa buhok, pagbebenda nang mahigpit sa dibdib upang magmukhang patag, at paglalagay ng pampaumbok sa tapat ng ari; at soft butch 0 iyong “babae” pa rin kung umasta at hindi nagpapakita ng matigas na personalidad (Laureta 2004, 0). * ‘Nalsthala rin ang akda ni Mila Aguilar (1987) sa publikasyong internasyunal na Conditions: Fourteen International Focus II (di binanggit ni Lilia Quindoza-Santiago) noong 1987 at sa SARILAYA: Women in Arts and Media nina Se. Mary John Mananzan at Ma. Asuncion Azcuna noong 1980. * “Homophobia” ang terminong tumutukoy sa hindi makatwirang galit © pagkamuhi sa_mga homoseksuval. % Pinangungunahan ng Lesbians for National Democracy (LESBOND) ang masikhay na pag-oorganisa ng ‘mga lesbiyana sa Baguio—hindi lamang iyong mga babaeng homoseksuwal na nabibilang sa peti-burgesya 0 panggitnang uri (eg. estudyante at propesyunal) kundi maging iyong mga nakapaloob sa tinatawag na “masa” tulad ng mga manggagawa, mala-manggagawa, at magsasaka. Para sa LESBOND, hindi maihihiwalay at parating bahagi ang usaping pangkasarian ng mas masaklaw na kilusang masa na naglalayong mapalaya ang lipunan sa oryentasyong mala-kolonyal at mala-pyudal. > Mababasa ang detalyadong pagtatala ng mga naglabasang tekstong lesbiyana ng Pilipinas mula 1987 hhanggang 2008 sa parehong tesis ni Pangilinan (2008, 65-77, 156-159) ® Gayundi'y nararapat lumikha ng mga akdang lesbiyanang nasusulat sa iba’t ibang wikang bernakular. Sanggunian ABS-CBN News. 2016. It's Official: BB Gandanghari is Legally a Woman. Websayt ng ABS-CBN News.com, pinost noong Nobyembre 17, https://goo.gl/ku8VUd (nakuha noong Nobyembre 17, 2017). Afenir, Juan, Reynaldo De Dios, at Felix Manalili. 1967. English-Tagalog-Ilocano Pocket Dictionary. Quezon City: Pressman Printers & Publishers, Inc. Aguilar, Mila. 1987. Tale of Two Witches. Nasa Sexuality and the Filipina, pat. Lilia Quindoza-Santiago, 161-180. Quezon City: University of the Philippines Press, 2007. Almario, Virgilio, pat. 2001. UP Diksiyonaryong Filipino. Quezon City: University of the ippines Sentro ng Wikang Filipino at Anvil Publishing Inc. Bp ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gunita Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Borges, Jorge Luis. 1946. A New Refutation of Time. Nasa Labyrinths: Selected Stories and Other Writings, mga pat. Donald Yates at James Irby, 217-234. New York: New Directions Publishing, 1964. Calderon, Safronio. 1915. Diccionario Ingles-Espaniol-Tagalog (Con Partes de la Oracion y Pronunciacion Figurada); Primera Edicion. Manila: Libreria y Papeleria de J. Martinez. Cantor, Libay Linsangan. 2003. Lesbiana, Lesbiana, Paano Ka Isinasapelikula? Tang Pagmumuni-muni sa Pagsasadula ng mga Lesbiana sa Pelikulang Filipino. Nasa Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Mga Kritikal na Tala ng mga Lesbiyana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika, mga pat. Eugene Evasco, Roselle Pineda, at Rommel Rodriguez, 362-375. Quezon City: University of the Philippines Press. Curran, Jeanne. 2000. Codes of Silence. Websayt ng Dear Habermas, pinost noong Hulyo 1, https://goo.gl/v¥4cCY (nakuha noong Disyembre 12, 2008). Cruz, Joanna. 2000. Comadrona. Websayt ng Likhaan Online: Tales of Love and Desire, A Different Valentine, pinost noong Pebrero, https://g00.g!/LL63do (nakuha noong Setyembre 22, 2008). De Beauvoir, Simone. 1949. The Second Sex. Nasa The Feminist Papers: From Adams to de Beauvoir, pat. Alice Rossi, 674-706. Boston: Northeast University Press, 1973. Encleare Foundation, Inc. 2007. The New Illustrated Tagalog-English Dictionary. Manila Golden Books International Trading Inc. Engles, Friedrich. 1884. The Origin of the Family, Private Property, and State, Tsln. Ernest Untermann. Chicago: Charles H. Kerr & Company, 1902. Evasco, Eugene, Roselle Pineda, at Rommel Rodriguez, mga pat. 2003. Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Kritikal na Tala ng mga Lesbiana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika. Quezon City: University of the Philippines Press. Grahn, Judy. 1984. Another Mother Tongue: Gay Words, Gay Worlds. Boston: Beacon Press. Guieb, Eli III. 1999. Horoscope. Lagda 2: 48-60. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Hernando, Pauline Mari. 2008. Sa Pag-iral ng Ngingas: Lesbiana-Feministang Suri sa mga Piling Tula mula sa “Bliss” at “Lunduyan.” B.A. tesis sa Wika, University of the Philippines - Diliman, Quezon City. Jay, Karla at Joanne Glasgow, mga pat. 1990. New York: New York University Press. Kassin, Saul. 2006. Psychology. Nasa Microsoft Encarta 2007 [DVD], pat. Microsoft Corporation, w.pah. Redmond, WA: Microsoft Corporation. Katz, Jonathan Ned. 1996. The Invention of Heterosexuality. New York: First Plume Printing, 1996. Laureta, Cristina. 2004. Wanted Magic: What Women Want to Know about Lesbian Sexual Health, Safe Sex, and Other Matters. Manila: Lesbian Advocates Philippines (LeAP!) Inc. Lopez, Minerva. 2003. Si Nena, Neneng, at Erlinda: Ang Sex Variant sa Panitikang Pilipino. Nasa Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Mga Kritikal na Tala ng mga Lesbiyana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika, mga pat. Eugene Evasco, Roselle Pineda, at Rommel Rodriguez, 131-158. Quezon City: University of the Philippines Press. Lumbera, Bienvenido. 1984. Revaluation: Essays on Philippine Literature, Cinema, and Popular Culture. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 1997. Lunduyan ng Sining, Inc., pat. 2008. What These Hands Can Do: A Lesbian Literary and Art Folio. Quezon City: Lunduyan ng Sining, Inc. Manauat, Natty. 1998. Out With It! (My Coming Out Story). Nasa Tibok: Heartbeat of the Filipino Lesbian, pat. Anna Leah Sarabia, 79-86. Pasig: Anvil Publishing, Inc. at Women’s Media Circle Foundation, Inc. McCubbin, Bob. 1976. The Roots of Lesbian and Gay Oppression: A Marxist View. New York: World View Publishers. Milgram, Stanley. 1965. Some Conditions of Obedience and Disobedience to Authority. Nasa SAGE Social Sciences Collections, pat. Sage Publications, 57-76. New York: Sage Publications. Miner, Valerie. 1990. An Imaginative Collectivity of Writers and Readers. Nasa Lesbian Texts and Contexts, mga pat. Karla Jay at Joanne Glasgow, 13-27. New Yory: New York University Press. ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Montreal, Lani. 1998. The Smell of Sleep. Nasa Tibok: Heartbeat of the Filipino Lesbian, pat. Anna Leah Sarabia, 20-26. Pasig: Anvil Publishing, Inc. at Women’s Media Circle Foundation, Inc. Nagata, Judith. 1999. Muslim Rulers and Rebels: Everyday Politics and Armed Separatism in the Southern Philippines. The Canadian Review of Sociology and Anthropology. Websayt ng HighBeam Research, pinost noong Mayo 1, https://goo.gl/3sxSHf (nakuha noong Setyembre 2, 2008). 1g, Charles. 1904. A Tagalog English and English Tagalog Dictionary. Carriedo, Manila Imp. de Fajardo y Comp. Nora, Pierre. 1989. Between Memory and History: Les Liewx de Mémoire. Representations 26, Special Issue (Spring): 7-24. Quintos, Patrick. 2017. LGBT Member Accepted in Fastfood Company But Barred from Office Work. Websayt ng ABS-CBN News.com, pinost noong Agosto u, https://g00.gl/yTBwLC (nakuha noong Agosto 11, 2017). Pangilinan, Sharon Anne. 2003. Ang Pagsulat ng Sarili Bilang Progresibong Paglalantad. Nasa Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Mga Kritikal na Tala ng mga Lesbiyana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika, mga pat. Eugene Evasco, Roselle Pineda, at Rommel Rodriguez, 3-50. Quezon City: University of the Philippines Press. Pangilinan, Sharon Anne. 2008. Mga Akda ng Pagbalikwas: Ang Pagsipat sa Lesbiyanang, Persona sa mga Piling Kuwentong Lesbiyana ng Pilipinas (1987-2008). M.A. tesis sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon City. Pedroso, Angeli Kate Vilmoria. 2008. The Art of Fleshing Out Rumors, in Ten Parts. Nasa What These Hands Can Do: A Lesbian Literary and Art Folio, pat. Lunduyan ng Sining, Inc., 24-32. Quezon City: Lunduyan ng Sining, Inc. Perez, Tony. 1994. Cubao Midnight Express: Mga Pusong Nadiskaril sa Mahabang Riles ng Pag-ibig. Mandaluyong: Cacho Publishing House, Inc. Reginaldo, Reggie. 1998. Peeking Into Manila's Dyke Nights. Nasa Tibok: Heartbeat of Filipino Lesbian, pat. Anna Leah Sarabia, 60-64. Pasig: Anvil Publishing, Inc. and Women's Media Circle Foundation, Inc. ‘ERI: Pagkatha Bilang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur Sal [E-Jour| Tomo 6, Bilang 2 | Nobyembre 2017 Reyes Racquel. 2001. Love, Passion, and Patriotism: Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1982. Singapore: National University of Singapore Press. Rich, Adrienne. 1980. Compulsory Heterosexuality and Lesbian Existence. Signs: Journal of Women in Culture and Society 5, blg. 4 (Summer): 631-660, Rodriguez, Nice. 1993. Throw It to the River. Toronto: Women's Press. Salazar, Zeus. 1989. Ang Pantayong Pananaw sa Agham Panlipunan: Historiograpiya. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodrigueez, at Vicente Villan, 67- 78. Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997. la at Ginny Villar. 1994. Woman-to-Woman: Poetry, Essay, Fiction. Quezon Pintados. Santos, Cit Sarabia, Anna Leah, pat. 1998. Tibok: Heartbeat of Filipino Lesbian. Pasig: Anvil Publishing, Inc. and Women’s Media Circle Foundation, Inc Svpee. 2015, Alleged Suicide Note of Julia Buencamino Found. Websayt ng iWeb.PH, pinost noong Hulyo 12, https://goo.gl/gUidfa (nakuha noong Hulyo 14, 2017) ERI: Pagkatha lang Pagtatala ng mga Lesbiyanang Gur

You might also like