Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

FILIPINO

Sa Piling Larangan

ARALIN 1.4 - Pagsulat ng


Abstrak, Rebyu at Talumpati

Larawan buhat sa clip art

0
ARALIN 1.4 - Pagsulat ng Abstrak, Rebyu at Talumpati

I. Pagsulat ng Abstrak
Nakasulat ka na ba ng buod? Nakabasa ka na ba ng isang pananaliksik o tesis na may
abstrak?

Sa aralin 1.3 ay itinuro sa iyo ang pagsulat ng buod. Ito ay upang maging madali
sa iyo ang pag-unawa tungkol sa abstrak. Ano nga ba ang abstrak?

Ang mga artikulong sinaliksik, nirebyu at tesis na ginawan ng maikling buod ay


tinatawag na Abstrak. At ito ay karaniwan nating makikita sa unahan ng mga
nabanggit na artikulo upang magsilbing panimulang bahagi. Naglalaman ito ng
pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

Sinasabi rin na ito ay isang uri ng ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat


ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at
mga report.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

mula sa https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089

Mga Uri at Nilalaman ng Abstrak

1. Impormatibo- ito yung pinakakaraniwang uri ng abstrak. Naglalaman ito ng lahat ng


mahahalagang impormsyon matatagpuan sa pananaliksik. Ito ay naglalaman ng 200
na salita.
2. Kritikal- ito yung uri ng abstrak na mahaba sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang
rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang Impormatibong abstrak, binibigyang-
ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.
3. Deskriptibong abstrak- ito yung uri ng abstrak na maikli. Naglalaman lamang ito ng
suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw
ngpananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga naging
rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo ang impormasyon ibinibigay
tungkol kailangang basahin ang buong pananaliksik. Binubuo lamang ito ng 100
salita.

1
Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng
ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit
kailangan ding gustuhin niya na mapalalim pa ang nauunawaan sa
pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik.

Nilalaman ng Impormatibong Abstrak

1. Motibasyon-sumasagot sa katanungang bakit pinag-aralan ng mananalisik ang ang


paksa. Sa bahaging ito dapat na maipakita sa maikli at mabilis na paraan ang
kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.
2. Suliranin- Kailanagang masagot ang mahalagang katanungan sa pananalisik.
3. Pagdulog at Pamamaraan- Dito makikita kung paano at saan kinalap ng mananaliksik
ang mga datos at impormasyon. Ito ng may maikling paliwanag sa metodolohiya ng
pag aaral.
4. Resulta- Sa bahaging ito makikita kung ano ang kinalabasan/natuklasan sa ginawang
pananaliksik.
5. Kongklusyon- Dito makikita ang kasagutan sa kung ano ang mga implikasyon ng
pananliksik batay sa natuklasan.

Mula sa https://www.coursehero.com/file/p3ihkj5l/May-tatlong-uri-ng-abstrak-
Impormatbio-Deskriptibo-at-Kritikal-Ibinabatay-sa/

Basahin ang halimbawa ng Abstrak

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mabatid kung ano- ano ang dulot ng
pangkatang gawain sa pag-unawa sa asignaturang Filipino. Ang pananaliksik ay sumailalin
deskriptibong metodolohiya at ginamitan ng non random convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mananaliksik batay sa kung kailan sila maaring tumugon
sa mga katanungan at gawain. Ang bilang ng mga respondente ay limampung (50) mag-
aaral na grade 10 buhat sa iba’t ibang pangkat. Sila ay mga mag-aaral sa Bagong Silangan
High School. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng mga salik
kapag pinangkat ang mga mag-aral ayon sa kanilang edad, pangkat at bilang.

Sagutin Mo

1. Ano ang paksa ng pananaliksik?

2
2. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa?

3. Sino ang naging respondente ng mananaliksik?

4. Paano nangalap ng datos ang mananaliksik?

5. Ano ang naging resulta?

Gawain

Panuto: Humananap ng mga halimbawa ng Abstrak na (1) Impormatibo

(2) Kritikal at (3) Deskriptib. Idikit ang mga kopya sa nakalaang kahon sa ibaba.

IMPORMATIBO:

3
KRITIKAL:

DESKRIPTIB:

4
II. Pagsulat Rebyu

Lahat halos ng mga Pilipino ay nalilibang sa panonood ng pelikula. Marami rin


sa atin ang mahusay sumuri ng mga panoorin na kanilang nasasaksihan kung
kaya mahalaga ang pagsasagawa ng rebyu sa isang pelikula.

Napanoob mo na ba ng pelikulang Magnifico nina Albert Martinez at Lorna


Tolentino? Kung hindi pa panoorin at suriin mo ito. At punan ang table sa ibaba.

1. Mga tauha:

2. Ano ang paksa ng pelikula?

3. Ano ang malaking suliranin ng


pangunahing tauhan?

4. Kahinaan at Kalakasan ng
pelikula na iyong nakita.

5. Anong aral/mensahe ang


iyong nakuha mula sa
pinanood na palabas.

Rebyu- Ito ay Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng mga gawang sining o mga gawang
malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika, sayaw) at ng mga gawang akademiko tulad
ng aklat o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik. Ang isang rebyu ng gawang
malikhain ay naglalaman ng mga sumusunod una, batayang impormasyon tungkol sa gawa,
pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa sinusuri.

Mula sa https://prezi.com/p/bpiijkb3rkrd/pagsuri-ng-gawang-malikhain-pagsulat-ng-rebyu-1/

5
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Kritiko

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko tulad ng pagiging manunulat ng
alinmang akdang pampanitikan.

1. Matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang


isang sining.
2. Kinikilala ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4. Iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraanng
pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan.

https://www.academia.edu/9398073/Mga_Katangian_ng_Isang_Mahusay_na_Kritiko_sa_Pa
nitikan

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Rebyu

1. Masaklaw - Sinusuri ang lahat ng sangkap o elemento ng genre na


kinabibilangan ng akdang sinusuri.
2. Kritikal - Kailangan masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kritiko
hindi sa pananaw ng isang karaniwang mambabasa o
tagapanood.
3. Napapanahon - Pumapaksa sa isang akdang nagaganap sa kasalukuyan
liban sa mga klasikong akda.

4. Walang Pagkiling - Obhetibo ang isang mahusay na kritiko. Ibig sabihin


patas o walang kinikilingan.
5. Mapananaligan - Ang mahusay na rebyu ay kapanipaniwala dahil may
Batayan.
6. Orihinal – Kailangan ang kritiko ay may sarili niyang pag-unawa at input.

7. Makatwiran - Ang isang mahusay na kritiko ay makatwiran sa manunulat

ng akdang sinusuri.

8. Nagtatangi – mahusay o angat sa iba ang kanyang pamamaraan sa


pagsusuri.

6
Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Panunuri

1. Liwanaging mabuti kung anong uri katha ang sinusuri.

2. Basahin o panoorin ito nang masusi at igawa iyon ng lagom.

3. Bigyang halaga ang estilo ng pagkakasulat ng akda.

4. Mag ukol ng karampatang pag papakahulugan.

5. Lakipan ng siping (quotations) makapag bibigay-kabuluhan sa ginagawang panunuri.

6. Iwasan ang pagbibigay ng kapasyahan ng walang lakip na batayan o patunay.

7. Kailangan nababatay din ang ano mang pagpapasya sa mga takdang pamantayan.

8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa.

9. Iwasang makulayan ang rebyu ng palagay at kuro ng mga propesyonal na mamumuna.

10. Pag-ukulan ng pansin ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman.

Mula sa https://quizlet.com/348227892/filipino-12-flash-cards/

Gawain

Basahin ang sumusunod na Rebyu sa pelikulang “Second Chance.”

https://emilioaguinaldo2016.wordpress.com/2016/09/29/rebyu-ng-pelikulang-a-second-
chance/

III. NAUNAWAAN MO BA?

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sino-sino ang pangunahing tauhan?

2. Ano ang kanilang hanapbuhay?

3. Ano ang tema o paksa ng pelikula?

4. Ano ang masasabi mo sa kanilang iskrip? Ipaliwanag

7
5. Angkop ba ang musikang ginamit? Bakit?

B. Magsuri ka
1. Suriin ang pelikulang “Mulan” ayon sa mga sumusunod:
a) Kuwento o Banghay (Buod ng pelikula)

b) Tema

c) Karakter at Pagganap

d) Iskrip

e) Sinematograpiya

8
f) Musika

g) Editing

h) Kabuuang Direksyon at produkto

i) Aral o mensahe

j) Rekomendasyon

2. Suriin ang maikling kuwento na pinamagatang “Bankang Papel” ni


Genoveva Edrosa-Matute batay sa mga sumusunod.
(http://nielbertmalimit.blogspot.com/2014/03/bangkang-papel-ni-genoveva-
edroza-matute.html)
a) Uri ng akda

9
b) Pamagat

c) Pinagmulan ng Akda

d) Buod

e) Manunulat

f) Tauhan

g) Tagpuan

h) Istilo ng Paglalahad

i) Teorya

j) Simbolismo

k) Bisa sa isip

_
l) Bisa sa damdamin

10
m) Bisa sa kaasalan

III. Talumpati

Larawan mula sa clip art

Narinig na ba ninyong nagtalumpati ang ating pangulo?

1. Kailan at saan mo narinig na nagtalumpati ang ating pangulo?

2. Ano ang mga impormasyon nalaman mo mula sa kanyang talumpati?

3. Malinaw ba niyang naihatid ang mensahe sa iyo? Ipaliwanag.

11
Tuwing eleksyon tayo ay nakaririnig ng mga talumpati mula sa mga tumatakbong
kandidato. At doon natin naririnig ang kanilang mga plataporma na nais gawin kung sila ay
magwawagi. Ang pamamaraan ng pagsasalita sa harap ng mga tao o publiko ay masasabing
isang pagtatalumpati. Ang Talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga
tagapakinig. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng maraming tao na naglalayong
maghatid ng impormasyon o manghikayat.

Talumpating ayon sa Pamamaraan

1. Isinaulong Talumpati- Karaniwang binibigkas sa mga timpalak sa pananalumpati. Ang


nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita.

2. Binasang Talumpati- Ang talumpating binabasa ay maaring gawa o di-gawa ng nagsasalita.


Habang binabasa ito sa harap ng madla, kinailangan ipadama sa madla ang katotohanang
nilalaman niyon sa paraang maliwanag at natural.

3. Talumpating Extemporaneous- Ito ay talumpating hindi pinaghandaan sapagkat hindi


isinulat ng nagtatalumpati bago bigkasin sa madla. Sa isipan lamang binubuo ng nagsasalita
ang kabuuan ng talumpati upang maayos niyang maihanay ang kaisipang nais niyang
paratingin sa nakikinig.

4. Talumpating Impromptu- Ito ay halos katulad ng extemporaneous na talumpati sapagkat


walang paghahanda. Ni sa isipan ay hindi siya nakabubuo ng balangkas sapagkat ang
ganitong talumpati kinakailangang tunay na malawak ang kaalaman o karanasan ng
nagsasalita upang hindi siya mag-apuhap o mangapa sa sasabihin ng madla.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Talumpati

1. Pagpili ng Paksa

2.Pagtiyak ng layunin

3.Paghahanda ng Talumpati

4.Paggawa ng Balangkas

Uri ng Talumpati ayon sa nilalaman:

1. Talumpating Panlibang- Ito ay kadalasang binibigkas ng sama-sama. Ang


nagtatalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng pagkukuwento.
2. Talumpating Magpapakilala- Ito ay ang talumpati na ginagamit sa

12
pagpapakilala lalo na ng mga taong kilala na sa ating lipunan.
3. Talumpating Pangkabatiran- ginagamit sa kumbensyon, panayam, pagtitipon
pansiyentipiko, diplomatiko at iba pa.
4. Talumpating nagbibigay galang- Ito ay ginagamit sa tuwing may pasinaya o
programa at may mga panauhing dumating, upang maipakita ang
lubos na pagtanggap.
5. Talumpating nagpaparangal- Pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao na
may ginawang kabutihan o kabayanihan.

Layunin ng Talumpati

A. Magturo -ibigay ang wasto at nararapat na konseptong kaisipan ukol sa isang paksa.

B. Magbigay -kabatiran-ibigay ang kaalaman o impormasyon.

C. Manghikayat -mapaghimasok tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa hangarin.

D. Manlibang -makapagbigay aliw

E. Magbigay papuri

F. Magbigay puna-magbigay impormasyon sa maling kaganapan sa lipunang ginagalawan.

Mga Bahagi ng Talumpati

A. Introduksyon-paghahanda o pagkukundisyon sa taga-pakinig.

B. Paglalahad-ipinapaliwanag ng mananalumpati ang kanyang paksa

C. Ipinapaliwanag ng mananalumpati ang kanyang paksang tagapagsalita.

D. Pamimitawan-pagwawakas o pagpapaalam ng tagapagsalita.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA MANANALUMPATI:

A. Sapat na kaalaman sa paksa

B. Kasanayan sa pagsasalita

C. Malawakang bokabularyo

D. Tiwala sa sarili

Mula sa ttps://www.facebook.com/1140277136003388/posts/subjectpananaliksik-sa-piling-
larang-kahulugan-ng-pananaliksikmasusipagsisiyasat/2554675287896892/

13
Pagsulat

Matapos mong mabatid ang mahahalagang impormasyon tungkol sa talumpati ikaw ay


susulat na ng sarili mong talumpati pero bago yun basahin mo muna ang talumpati ni Delma
Rousseffe. Gamitin ang link sa ibaba.

https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/sipi-mula-sa-talumpati-ni-
dilma.html

Narito ang pamantayan na dapat mong sundin sa susulatin mong talumpati tungkol sa napili
mong Strand (Bakit ito ang strand na gusto ko) sa Senior High School.

Pamantayan at Rubriks sa pagmamarka:

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Talumpati Natamong Mga Puntos


puntos

1. May mahusay na introduksyon


10
2. Naipaliwanag ng ang paksa gamit ang mga patunay.
10
3. Naipakita ang paninindigan tungkol sa paksa
10
4. Gumamit ng mapanghikayat na pananalita.
10
5. May maayos na pangwakas o pamamaalam na 10
salita.
Kabuoan ng puntos ng Gawain 50 na puntos

14
Pangalan ng mag-aaral:

Strand: Petsa:

Pangalan at lagda ng magulang/tagapangalaga

Puna ng magulang /tagapangalaga:

15

You might also like