Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SLIDE#3

-Kung aalalahanin natin ang naging pag-unlad ng sibilisasyong pansangkatauhan, mababatid natin na
nagsimula ang konotasyon sa pagtatala ng kasaysayan ng mga ninuno sa iba’t ibang dako ng daigdig.

-Sa pamamagitan ng paglilimbag o pagguhit ng mga simbolong kakatawan sa kung paano nila nasaksihan ang
isang pangyayari, iginuguhit nila ito sa yungib kuweba, bato o tablets sa balat ng hayop, punong  kahoy at
dahon, ang tatsulok ay representasyon ng bundok, maaaring katawanin ng bituin at buwan ang gabi ang mga
simbulong ito ay tinatawag na symetrical symbol. 

-Samantala ang lundo-undong guhit ay maaaring kumatawan sa ahas, ang dalawang linyang humuhugis bilog
ay maaring mailarawan sa ibon, ang tawag dito  kapag ang mga nilalang na may buhay ang  paksa sa kanilang
iginuguhit ay tinatawag itong anthropomorphic symbol .

SLIDE#4
-“Lohika ang tunguhin ng pagsulat” ayon kay David R. Olson. Sa kadahilanang ang paglikha sa isang
komposisyon ay dumadaan sa sistematiko at organisadong pamamaraan. Mula sa pagpili ng salita, at kung
paano ito pagsasama-samahin hanggang sa pagkuha ng konsepto sa bawat talata ay nagaganap.

-Ilan sa depinisyon ng pagsulat ayon kina Austero, Mangonon, et al (2002)


Pagbibigay ng sustansya sa kahulugan sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
Isang proseso ng intelektwal inquiry
Isang malikhaing gawaing dini-develop sa papel
Isang pansariling pagtuklas.

-Sa pangkalahatang pag-aanalisa ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na dapat bigyang pansin ng mga
mag-aaral sa lahat ng antas.
SLIDE#5
-Pansariling Sulatin – Ang uring ito ay sulating pumapaksa at may kinalaman sa personal na buhay ng may
gawa nito.Pinakagamiting uri ng sulatin  Ang halimbawa ng personal na sulatin ay liham, talaarawan,
awtobayograpi, dyornal at iba pa.

-Malikhaing Sulatin – Saklaw ng uring ito ang mga akdang pampanitikan gaya ng tula, sanaysay, nobela, balita,
anekdota, epiko, maikling kuwento, bugtong, salawikain, kawikaan, pabula,parabula, alamat,  korido, awit,
soneto, mito, dula, balagtasan na tumatalakay sa lipunan, at sa iba pang maaaring maging paksa.

-Transaksyunal na Sulatin – Binigbigyan pansin ang mensaheng ipinahahatid. Pormal at maayos ang
pagkakabuo. Ang mga halimbawa ay liham pangangalakal, Memo, Proposal, Adbertisment.

-Sulating pananaliksik – Ang uring ito ay nagpapakita ng kalutasan sa isang suliranin na naging pokus ng
pag-aaral.  Dumaan ito sa sanyantipikal na pamamaraan at ebalwasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay
panahunang papel (term paper), thesis, action research, disertasyon, clinical report, case study.

SLIDE#6
-Sa pagkakaroon ng magandang katangian ng sulatin napapanatiling itong buhay sa sirkulasyon, ang mga
sumusunod na katangian, ang dahilan kung bakit patuloy parin tatangkilikin ng mga mambabasa ang isang
sulatin magpabagu-bago man ang panahon.

-Kaisahan – Dapat makita sa sulatin ang kaisipang nais ipahatid.

-Koherens – Sa isang sulatin mahalaga na may kaugnayan o koneksyon ang bawat pangungusap, ang mga
transisyonal na salita ay magagamit ng wasto upang maipakita ang lohikal ng pagkakasunud-sunod ng ideyang
ibinabahagi sa mga tagapagtangkilik. Dapat maayos na maihanay ang magkakasunod na ideya.

-Kalinawan – Malinaw at hindi maligoy ang mga pangungusap. May katiyakan sa pagpili ng mga salitang
gagamitin.

-Kasapatan – Hindi bitin ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat puntong binubuksan. Kalakip nito na
makapagpakita sa mga mambabasa ng detalye, ebidensya o patunay sa sinasabi. Nakatutugon sa mga
katanungang hinahanapan ng sagot ng mambabasa.
-Empasis o diin – Sumisentro ang kabuuan ng sulatin, sa pinag-uusapang paksa.

-Kariktan– Pumasok dito ang ideya sa pagpili ng mga salita, kasiningan sa paglalahad ng mga detalye, walang
kamalian sa ispeling, bantas, sa sintaks at organisado.

SLIDE#7
-Ang pagsulat ay isang gawaing nangangailangan ng mahabang panahon, pagsisikap at tiyaga.Puhunan ng isang
 mahusay na manunulat ang  pagkakaroon niya ng malawak na kaisipan at mayamang karanasan, ang mga
naipong kaalamang ito ay bunga ng kanya pagmamatiyag sa kanyang paligid, pag-aanalisa ng mga pangyayari,
pagkilala sa katotohanan, bunga ng kritikal na pag-unawa nya sa buhay.

-Ang pangangalap ng datos ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-iinterbyu, at


pananaliksik gamit ang internet, dito ay maaaring makakuha ng maraming datos para sa paksang sinasaliksik,
kaya makatutulong din ang mga “databases” na nakatala roon.

-Upang limiin o pakitirin ang iyong paksa, halimbawa ang paksang “Polusyon” ay maaaring pakitirin at gawing “
Polusyon sa hangin” na maaari pa ring pakitirin sa “ Polusyong buhat sa mga Sasakyan”.

-Subalit hindi sapat na makakuha lamang ng datos na kinakailangan, dapat makasiguro na ito ay mula sa
mapagkukunang hanguan at pawang umaayon sa katotohanan.

SLIDE#8

You might also like