Filipino Thesis Fake News

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Kabanata 1

Ang Suliranin – Sanligan Nito

1. Panimula

Maaaring makakuha ng samot-saring kaalaman sa alinmang banda ng Internet.

Marahil ay dumarami ang nagbabahagi ng kanilang kaalaman dulot ng demokratisasyong

kinalabasan ng paglaki ng populasyong gumagamit ng makabagong teknolohiya. Isa rito

ang social media: sinasabing nangunguna ang Pilipinas sa mga gumagamit ng Facebook

sa buong mundo (Camus, 2018). Bukod dito, mapapansin ang pagdami ng mga

lumalahok na Pilipino sa diskursong pulitikal. Patunay rito ang pagtagumpay ng lipon ni

Pangulong Duterte sa paggamit ng social media upang mangumpanya (Mendoza, 2018).

At sa pagtaas ng mga gumagamit at nagbabahagi, bumababa naman ang kalidad

ng impormasyong makukuha sa Internet. Hindi na makita ng lahat kung ano man ang

totoo sa hindi, at nagagamit ng iba ang ganitong panlilinlang para sa sariling pakinabang.

Nakalulungkot ring isipin na maraming Pilipino ang nalinlang na sa mga ganitong bagay

na kung tawagin ay Fake News, kung kaya mahalagang maintindihan ang pinagmulan

nito, at kung ano at gaano kalawak ang epekto nito sa larangan pulitikal ng bansa.

Malaki ang kahalagahan ng balita sa bawat mamamayan ng lipunan. Matatandaan

ang kasabihang “Ang Karunungan ay Kayamanan” o Knowledge is Power. Upang ang

lahat ng bahagi ng isang estado ay makakasapi nang maayos, nararapat na ang bawat

kaanib nito’y nakakaalam ukol sa kasalukuyan, sa loob man o sa labas ng kinaroonan

nito. Nakadidismaya naman na mayroong kaalamang umiikot sa Social Media na hindi

1
makatotohanan. Ang tinatawag na Fake News ay lumalaganap kahit habang sa

pagsusulat ng papel na ito. Kung lumalaki ang dami ng nakakabasa at nagiging biktima

ng Fake News, marahil ay marami rin ang hindi nakaaalam na malaki ang impluwensiya

nito sa lipunan. Mahalagang matukoy ang dulot na epekto ng ganito, at ng mga

pangyayaring kamakailan lamang ay naging laman ng Social Media, kasama na si Mocha

Uson at ang mga taga-suporta ng mga kandidato, mapa-Duterte man o hindi. At sa pag-

alam ng sanhi nito, malalaman rin ang kalalabasan kapag nagpatuloy ang ganitong mga

pangyayari sa mga susunod na taon.

2. Layunin

Nilalayon ng pananaliksik ang panunuri at pag-unawa ng paglaganap ng Fake

News sa Social Media. Hangad ng mga papel na itong maiugnay ang paglaganap ng

Fake News sa kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa bansang Pilipinas. Nais ring tuparin

ng papel na ito ang mga sumusunod; na:

1. Matukoy ang sanhi ng paglaganap ng Fake News sa social media;

2. Maipakita ang mga naidulot ng paglaganap nito; at na

3. Malaman ang lawak ng epekto nito sa larangang pulitikal.

2
3. Batayang Konseptual

Ang batayang konseptual ng pag-aaral na ito’y ginagamitan ng modelong Input-

Process-Output. Inilalahad sa bahaging Input ang paglalarawan ng mga tagatugon, tulad

ng edad, kasarian, kurso, at baitang. Ang bahaging naman Process ang nagtutukoy sa

mga gagawing hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng datos mula sa mga

tagatugon, tulad ng talatanungan at panayam. Sa bahaging Output naman isinasaklaw

ang mga implikasyon ng mga nalagap na datos, na marahil ay pupuna sa kung ano man

kurso, lebel

ang epekto ng paglaganap ng Fake News sa Social Media sa larangang pulitika.

3
4. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

• Sa mga pulitiko, mambabatas o ibang kilalang indibidwal. Ang pag-aaral ay

makatutulong upang magkaroon ng pundasyon ang tiwala ng mga mamamayan at

kalaunan ay ang pagpapatibay nito. Sa pamamagitan nito’y mas mapapahalagan ang

kanilang reputasyon sa lipunan, kasama ng kanilang abilidad, pagkatao at ang mga

proyektong kanilang inilulunsad sa pagtulong sa bansa.

• Sa mga mamamayan, botante man o hindi. Ang kahalagahan nito ay ang pagtutuwid

ng pag-iisip ng mga bahagi ng lipunang kasama sa pagdedesisyon ng pulitikal na

estado ng Pilipino, tulad ng pagboboto at pagsusuporta sa mga kandidatong tumatakbo

para sa mga posisyon sa pamahalaan.

• Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga mag-aaral

upang sila’y maging mapanuri sa pinagmumulan ng mga lathalang kanilang nababasa

upang maiwasan ang mga lathalang mapanira at may pakay na mang-impluwensiya.

Magdudulot ito ng mga matatalinong mag-aaral na may tamang pinanggagalingan ng

opinyon.

• Sa mga guro. Bilang mga edukador at akademikong inatasang maging paraan upang

maturuan ang mga kabataan, dapat ring maging mapanuri nang mabuti ang mga guro,

mas lalo sa ganitong sitwasyon na nagkalat sa Social Media ang impormasyong hindi

makatotohanan.

• Sa mga susunod na henerasyon. Ang magiging bung ang pag-aaral na ito ay para sa

mga bahagi ng lipunang hindi pa lubos na nakikisalamuha sa ganitong mga pangyayari

4
ngunit, para sa kanilang kabutihan, ay dapat maintindihan ang pinanggalingan ng

lipunang kanilang masasalubong.

5. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagbibigay ng impormasyon, istatistika at

konkretong datos ukol sa paglaganap ng Fake News sa Social Media at ang epekto nito

sa larangang pulitika. Binibigyan nito ng higit na pansin ang mga taong tahas na

naapektuhan ng nasabing usapin.

Nakabatay rin ang mga kaalaman sa mga pag-aaral na ginawa sa loob at labas

ng bansa. Naniniwala ang mga mananaliksik na napapanahon ang pag-aaral na ito dahil

sa mga pangyayaring kamakailan lamang, upang ang mga mamamayan ng Pilipinas ay

maging mapanuri rin at nakikisangkot sa isyu ng lipunang Pilipino.

6. Depinisyon ng mga Katawagan

1. Destabilisasyon – Ang proseso ng paghina ng katatagan ng isang rehiyon o Sistema,

lalong-lalo na sa pamahalaan.

2. Epekto – Ang magiging resulta ng paggawa ng isang pangyayari o bagay.

3. Fake News – Mga balitang gawa-gawa lamang at walang maayon at katiwa-tiwalang

basehan, ngunit ipinahahayag upang maging kapani-paniwala.

4. Paglaganap – Ang pagkalat o ang sirkulasyon ng isang bahay o ng impormasyon

upang malaman ng nakararami.

5
5. Propaganda – Ang impormasyong maaaring maging basehan ng pagkampi o

pagkawala ng tao sa isang konsepto, na naglalayong manghikayat.

6. Pulitika – Ang kasanayan at teorya na mang-impluwensya ng mga tao.

7. Social Media – Mga bahagi ng Internet na ginagamit ng mga tao bilang plataporma

upang magbahagi ng kaalaman o upang makipag-usap sa ibang tao.

6
Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang paglaganap ng Fake News ay isang makabagong pangyayari. Nagsimula noong

pagdako ng bagong dekada, walang makapagsasabi kung ano ang tunay na pinagmulan

ng ganitong pangyayari, ngunit, ayon sa mga eksperto, ang ganitong pangyayari ay

lubusang ginamit ng mga pulitiko para sa pansariling kapakanan, upang makaangat, o

upang maiba ang opinyon ng tao sa kanila. Nasasaad rito ang mga dayuhan at lokal na

literaturang kaugnay ng pagsasaliksik.

Lokal

Ayon sa Social Weather Survey na iginayod noong Marso ng kasalukuyang taon,

maraming Pilipino ang nakakakita ng isyung may malaking kakahalagan sa paglaganap

ng Fake News. Apat sa sampung nakatatandang Pilipino ang gumagamit ng Internet at

nakararami rito ang nakakakita na nag Fake News ay isang malalang sitwasyon. Marami

rin ang nagsabi na sa midya, problema ang Fake News. Animnapung bahagdan o 60%

ang nagsasabi nio (Barreiro, 2018).

Makabago man ang konsepto ng Fake News, matagal nang konsepto ang midya

at paglathala sa Pilipinas. Noong panahon pa ng Espanyol, ayon kay Pura Santillan-

Castrence, nagsimula ang impluwensiyang hatid ng pamamahayag sa pamahalaan. Ang

kalayaan ng pamamahayag ay naitatag sa bansa noong 1787 pa (Santillan-Castrence,

2001).

7
Malaki ang epekto ng midya sa tahanan ng mga Pilipino. Ayon kay David Wurfel,

nakikita na ang pagtangkilik sa tinatawag na mass midday ay isang marka ng elitismo sa

bansa, kung kaya naman nagdarami ang mga manonood ng pelikula, nakikinig ng radyo,

nagbabasa ng dyaryo at sumusubaybay sa teleserye. Nakikita rin na ang mensaheng

pinapalaganap ng mga ito, kaya masasabing elitista ito, ay makabago at may malaking

impluwensya galing sa mga dayuhan (Wurfel, 1988).

Sa pahayag ni Gng. Melinda de Jesus, direktor ng Center for Media Freedom and

Responsibility, na, sa pagiging bahagi nito ng publiko at ng malaking kagustuhan ng

lipunan na maibahagi ang ganitong komunikasyon, ang sistemang dyurnalismo ng isang

bansa ay may malaking ambag sa pag-unlad ng lipunan. Bilang isang uri ng

pampublikong diyalogo, ang pamamahayag ay nakasamang totoo sa pangangailangang

intelektwal at pang-edukasyon nito. Masasabing sa paghahatid ng imahe, simbulo, at

mensahe, bahagi ang pamamahayag ng sinasabing kapital na pantao ng lipunan (De

Jesus, 2001).

Sinabi naman ni Hernando J. Abaya na ang pinakamahalagang katangian ng

pamamahayag ay ang integridad. Kung wala ito, hindi maisasakatuparan ang pangarap

na mas maayos na pamamalakad ng sistemang midya sa Pilipinas. Sa lahat ng

mamahayag, ang integridad ang mahalagang bahagi ng kanyang serbisyo-publiko. Ayon

kay G. Abaya, ang ganitong katangian ay nawawala na. Sa ganitong sitwasyon, maaaring

maging nakasisira ang epekto ng isang mamahayag, lalung-lalo na kapag ginamit ang

pamamahayag para sa korupsyon at tuluyang pagsira ng lipunan (Abaya, 2001).

8
Banyaga

Makabago ang pag-aaral ng Fake News. Sa isang pag-aaral na inilunsad nina G.

Ong at Cabañes ng Pamantasan ng Leeds na tinatawag na Architects of Networked

Disinformation: Behind the Scenes of Troll Accounts and Fake News Production in the

Philippines, isang mahalagang bahagi sa kanilang pag-aaral ay ang pagkalat na

paggamit ng Fake News sa pulitika ng bansa, anumang lupon sila galing. Maraming

nangunang papel ang nagsasaad ng pagkuha ng mga grupong ito ng operator na siyang

mang-aakit ng mga mambabasa’t magsisimula ng diskursong pulitikal upang making

makatulong sa grupo, sa Facebook man o sa Twitter (Ong, Cabañes, 2018).

Sa pag-aaral naman nina Vosoughi, Roy at aral na The Spread of True and False

News Online, na inilathala ng Massachusetts Institute of Technology at Science Journal,

pitompu na bahagdan o sa 70% na pagkakataon, maaaring Fake News ang nababasa

sa Internet dahil sa paglaganap ng ganitong impormasyon gamit ang retweet sa Twitter.

30% o trenta porsyento lamang ang paglaganap ng tunay na impormasyon. Mahalaga rin

raw, ayon kina Vosoughi, na ang pagiging makabago ng sasabihin ng Fake News. Kapag

ganito ang nangyari, mas malaki ang pagkakataong maibahagi ito ng bang tao, dahil bago

ang balitang ito sa paningin ng tao (Vosoughi, Roy, Aral, 2018).

Sa isang lathalang isinulat ni Philip Ball sa Prospect Magazine na pinamagatang

The Science of Fake News, sinasabi na ang pagpapalaganap ng Fake News ay

nakadepende sa iba’t ibang paagusan sa Internet. Naiiba ito sa totoong balita na

nanggagaling lamang sa iisa at namamayaning pagkukunan. Ito ang pangunahing

paraan upang malaman na tunay ang balitang nababasa (Ball, 2018).

9
Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang upang maisakatuparan ang pagsusuri sa epekto ng fake

news sa larangan ng pulitika. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik,

respondente, instrumentong pananaliksik, at tritment ng datos.

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uring deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik

na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan

(survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik

na angkop ang disenyong ito para sa paksang sinusuri sapagkat mapapadali nito ang

pangangalap ng datos mula sa mga respondent. Limitado lamang ang bilang ng mga

tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang

nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na

nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring

magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga

datos at impormasyon. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng

mananaliksik na magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

10
2. Ang Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Paglaganap ng Fake News sa Social Media. Epekto nito sa Larangang Pulitikal” ginamit

ang systematic sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay mangyayari lamang

sa kinabibilangang grupo. Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-

aaral na kasalukuyang nag-aaral at mga nakatapos na ng kursong BS Legal Management

sa Pamantasan ng San Beda. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon

sa mga mag-aaral upang masiguro na nauunawaan ng mga sasagot sa talatanungan ang

bawat tanong, maging ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag

ang kanilang nararapat at kailangang mga impormasyon.

3. Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aara. Ang

talatanungan may isang bahagi lamang. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang

persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan nakaaapekto ang fake news

sa kanilang saloobin ukol sa epekto nito sa larangan ng pulitika.

Ang isa pang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pakikipanayam makakuha ng

impormasyon na kinakailangan sa ibinigay na pag-aaral. Ito ay para madagdagan ang

pangunahing pinagmumulan ng datos na ang talatanungan, na maaaring malinaw na

pag-papaliwanag. Ito ay maaari ring gamitin upang talakayin ang mga may-katuturang

mga isyu na tumutukoy sa paksa ng pag-aaral na marahil hindi ay sakop ng talatanungan.

11
Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos

na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang

kalidad ng ipipresentang datos.

4. Tritment ng Datos/Pormula

Sa pagsusuri ng pahayag ng problema, mapaglarawang buod istatistika tulad ng

dalas at porsyento ay ginamit. Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga data na

nakalap mula sa survey questionnaires, ang mga mananaliksik ay ginagamit ang mga

sumusunod na tool ng istatistika:

𝑓
%= 𝑥100
𝑛

Leyenda:

% = porsyento

f = prikwensiya

n = kabuuang bilang ng mga respondent

100 = isang constant value

Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondent ayon

sa kanilang edad at kasarian.

12
Kabanata 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Nakatuon ang kabanatang ito sa pagsasaad ng datos na nakalap mula sa mga

mag-aaral ng College of Arts and Sciences ng San Beda University - Manila, ayon sa

mga layunin ng pananaliksik. Pag-uusapan ng kabanatang ito ang bunga ng

pamumudmod ng talatanungang sinagutan ng 32 na respondente. Ipinahayag sa mga

respondente ang kahalagahan at kadahmilanan ng pananaliksik bago sumagot. Naibigay

rin sa mga sumagot ang paniguradong lahat ng datos ay gagamitin lamang sa

pananaliksik, at ang mga identidad ng mga mananaliksik ay hindi ilalahad, kung kanilang

gusto ito. Lahat ng respondente ay mga mag-aaral ng Pamamahalang Makabatas sa ika-

4 na taon.

Table 1. Pagtingin sa Sanggunian ng Balita

Tanong: Tinitignan mo ba ang pinanggalingan/sanggunian ng balita?

Sagot Dalas %

Madalas 23 71.9%

Minsan 8 25%

Madalang 1 3.1%

Hindi 0 0%

Kabuuan 32 100%

13
Nakasaad sa mga datos sa ibabaw ang mga kadalasan ng mga respondente na

tuingin sa pinanggalingan ng balitang kanilang nakakalap. Ang pinakamataas na sinagot

ay ang Madalas, na nakatamo ng 23 na sagot o 71.9 na porsyento ng kabuuan. Sumunod

ang Minsan, na 8 o 25%. Ang pinakakaunti na sinagot ay ang. Madalang, na 1 o 3.1%

ang sumagot. Walang sumagot ng Hindi.

Dahil ang mga nakapanayam ay mga taga-kolehiyo at hindi ang masang Pilipino,

maaaring mas malaki nga ang pagkakataong sila ay nakakahanap ng sanggunian sa mga

binabasa dahil turo ito sa eskwelahan. Malaki rin ang posibilidad na mataas ang antas ng

kanilang pag-aaral para magawa ito nang madalas. Sa minsan naman, na mayroong

bahagdang di-makakaila, maaaring mataas rin ang antas ng pag-aaral ngunit hindi

lamang sapat ang panahon upang maghanap, o nagbabasa lamang ng balita para sa

kaligayahan at hindi sa pagkilatis rito. Mas malaki ang pagkakataong ganoon sa

madalang maghanap.

14
Table 2. Kaalaman ng Pagkakakiba ng Totoong Balita sa Hindi

Tanong: Alam mo ba ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi?

Sagot Dalas %

Oo 30 93.8%

Hindi 2 6.3%

Hindi alam 0 0%

Walang pakialam 0 0%

Kabuuan 32 100%

Makikita sa datos na ang pinakamadalas na sinagot ay ang Oo, na alam ng madla

ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi. Nakatamo ito ng 30 na sagot, o bumubuo sa

93.8%. Ikumpara ito sa sumagot ng Hindi, na dalawa lamang at nakatamo sa kabuuan

ng 6.3%. Walang sumagot sa Hindi alam at Walang pakialam.

Kapag pinagusapan naman ang kaibahan ng totoong balita sa hindi, maaaring

dahil sanay na ang mga respondenteng makakita ng Fake News sa kanilang binabasa

kung kaya karamihan ang sumagot ng Oo. Maaari rin na dahil marami sa kanila ang

naghahanap ng sangguni, marami rin ang nakakakilatis kung totoo o di-totoo ang balita.

Sa Hindi, maaaring kasama ito sa datos na nagsasabing madalang maghanap ang iba

ng sangguni ng balita.

15
Table 3. Paggamit ng Social Media sa Pangangalap ng Balita

Tanong: Ginagamit mo ba ang social media upang mangalap ng balita?

Sagot Dalas %

Minsan 17 53.1%

Madalas 13 40.6%

Madalang 2 6.3%

Hindi 0 0%

Kabuuan 32 100%

Sa tanong na ito, makikita na ang pinakamadalas na sinagot ay ang Minsan, na

nakatamo ng 17 na respondente, o 53.1% ng kabuuan. Sumunod naman rito ang

Madalas, na nakatamo ng 13 na respondente o 40.6%. Huli naman o ang pinakakaunti

ang sumagot ng Madalang, na 2 lamang ang sumagot, na bumubuo sa 6.3%. Wala

namang sumagot ng Hindi.

Ang paggamit ng Social Media ay hindi maikakaila dahil malaki na ang ambag into

sa buhay ng sinuman. Nakakapagtaka naman na ang sagot na namayani ay ang Minsan.

Maaari na ginagamit pa rin ng mga respondenteng sumagot ng ganoon ang panonood

ng TV, o pakikinig ng radyo, o pagbabasa ng pahayagan upang mangalap ng

impormasyon. Siguro na rin na may angking kredibilidad ang mga gayong sanggunian

kung kaya doon pa rin nakapokus ang mga respondente kung pag-uusapan ang

pangangalap ng balita.

16
Table 4. Website o App na ginagamit para sa Pangangalap ng Balita

Tanong: Aling plataporma ang ginagamit mo para rito?

Sagot Dalas %

Facebook 29 90.6%

Twitter 22 68.8%

Messenger 5 15.6%

Instagram 1 3.1%

Pagdating naman sa platapormang ginagamit sa pangangalap ng balita,

makikitang walang kabuuan na inilagay dahil pinayagang sumagot ang mga respondente

ng mahigit isa sa mga pagpipilian. Pinakamarami ang sumagot ng Facebook; binubuo ito

ng 29 na respondente o 90.6%. Sumunod naman ang Twitter na 22 ang sumagot, o

68.8% ng kabuuan. Nahuhuli ang Messenger (5 o 15.6%) at ang Instagram (1 o 3.1%).

Ayon rin sa mga pananaliksik na isinagawa’t isinaad sa nakaraang kabanata, sa

Facebook nagkandarapa ang mga karamihan ng mga gumagamit ng social media. Sa

Facebook makikita ang pagpost ng marami, pag-comment sa mga post ng iba, at ang

pag-like o pag-react sa mga post na sinabi. Maraming makikita rito, kung kaya naman

maaaring ang Facebook ang pinakamadaling paraan upang mangalap ng balita, sa pag-

scroll sa news feed. Sumunod na lamang rito ang iba pang mga pinagpilian dahil mas

marami ang gumagamit ng Facebook sa kasalukuyan.

17
Table 5. Pagkakataong Makabasa ng Fake News sa Social Media

Tanong: Ang Fake News ay ang sadyang paglaganap ng di-makatotohanang balita sa social media. Nakakita o

nakabasa ka na ba ng ganito?

Sagot Dalas %

Oo 32 100%

Hindi 0 0%

Hindi alam 0 0%

Walang pakialam 0 0%

Kabuuan 32 100%

Ang tanging nakatamo ng sagot sa tanong na ito ay ang Oo, na lahat ng mga

respondente, 32 sa lahat-lahat, o 100 na bahagdan, ang sumagot. Walang sagot na

natamo sa ibang mga pinagpilian.

Hindi maikakaila na ang Fake News ay malaking pangyayari sa kasalukuyan. Kaya

hindi nakapagtataka na lahat ng respondente ay sumang-ayon rito. Ngunit mahalagang

isipin na mayroong nagsagot na hindi nila alam ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi,

na maaaring makaapekto kung ang kanilang nabasa ay Fake News o hindi. Maaaring

kahit hindi alam ng nagsagot na iyon ang katotohanan ng isang balita sa kabuuan,

napapansin pa rin ng mga mambabasang ito na Fake News ang kanilang nakikitang

binabahagi sa Facebook o Twitter.

18
Table 6. Pagkakataong Nakaapekto ang Fake News sa Pananaw-Pulitika

Tanong: Nakaapekto ba ito sa iyong pananaw ukol sa pulitika?

Sagot Dalas %

Oo 23 71.9%

Hindi 9 28.1%

Hindi alam 0 0%

Walang pakialam 0 0%

Kabuuan 32 100%

Ang pinakamaraming sumagot sa tanong na kung nakaapekto ang Fake News sa

kanilang pananaw sa pulitika ay ang Oo, na 23 sa mga respondente ang sumagot, o

71.9%. Nahuhuli naman ang Hindi, na 9 lamang, o 28.1% ang sumagot. Walang pumili

sa Hindi alam at Walang pakialam.

Dahil ang Fake News ay, unang-una, ginawa para sa makinaryong pulitikal, hindi

na rin makakaila ang kapangyarihan nitong makapagbigay-epekto sa pulitikal na

pananaw ng tao kung nakabasa ang isa ng ganito. Hindi na rin nakapagtataka na

maraming sumagot ng Oo dahil ang Fake News ang isa sa mga maiinit na isyung

tinatalakay sa pamahalaan, at ang kadahilanan ng pag-usbong nito.

19
Table 7. Epekto ng Fake News sa Pananaw-Pulitika

Tanong: Kung oo, paano ito nakaapekto?

Sagot Dalas %

Sa pagkawala ng tiwala sa pamahalaan 16 50%

Sa partidong-pulitikal (political party) 15 46.9%

Sa mga binoto noong eleksyon 1 3.1%

Sa pagiging manhid sa mga nangyayari sa


0 0%
pamahalaan

Kabuuan 32 100%

Pinakamadalas na sinagot sa tanong ang pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, na

16 ang sumagot o 50% ng kabuuan. Pinakakaunti naman ang sumagot sa mga binoto

noong eleksyon, na 1 lamang o 3.1%. Napapagitnaan ito ng sa partidong-pulitikal, na 15

o 46.9% ang sumagot. Walang sumagot sa pagiging manhid sa mga pangyayari sa

pamahalaan.

Maaaring ang pagkawala ng tiwala sa pamahalaan dahil ang Fake News sa bansa

ay palaging nakatuon sa kagandahang-loob ng kasalukuyang administrasyon. Hindi rin

makakaila na ang mga tauhan ng pangulo ay sangkot sa pamumudmod ng Fake News

sa Pilipinas, kung kaya malaki ang kawalan ng tiwala sa mga naapektuhan ng Fake

News.

20
Table 8. Pagiging Positibo o Negatibo ng Epekto ng Fake News

Tanong: Positibo ba o negatibo ang epekto nito?

Sagot Dalas %

Negatibo 30 93.8%

Positibo 1 3.1%

Hindi alam 1 3.1%

Walang pakialam 0 0%

Kabuuan 32 100%

Negatibo ang pinakamarami sa mga sinagot ng respondente, na binuo ng 30 o

93.8% sa kanila. Pumantay sa dulo ang Positibo at Hindi alam, na parehong 1 lamang o

3.1% ang sumagot. Wala namang sumagot sa Walang Pakialam.

Dahilan rin sa pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, ang Fake News sa bansa

malaking sitwasyong dapat pagtuunan ng pansin dahil ang epekto nito sa kaalaman ng

tao ay maaaring nakasisira. Dahil sa hindi makatotohanan ang mga ito, maaaring masira

ang kredibilidad ng pamahalaan dahil rito, at sa gayon ay maramdaman ng mamamayan

ang epekto ng Fake News kahit na napalitan na ang mga nasa administrasyon ngayon.

21
Table 9. Sanhi ng Fake News

Tanong: Ano sa tingin mo ang sanhi ng Fake News?

Sagot Dalas %

Kakulangan ng kaalaman 22 68.8%

Pulitika ng bansa 5 15.6%

Demokratisasyon ng Internet 4 12.5%

Kawala ng tiwala sa pamahalaan 1 3.1%

Kabuuan 32 100%

Sanhi ng Fake News, ayon sa nakararami, ang Kakulangan ng Kaalaman rito. 22

ang sumagot nito, na bumubuo sa 68.8% ng mga respondente. Ang pinakakaunti naman

ay ang Kawalan ng tiwala sa pamahalaan, na 1 lamang 0 3.1% ang sumagot. Nasa gitna

ang mga sagot na Pulitika ng bansa, na 5 o 15.6% ang sumagot, at ang Demokratisasyon

ng Internet, na 4 o 12.5% ang sumagot.

Sa kakulangan ng kaalaman maaaring nakaugat ang paglaganap ng Fake News.

Dahil hindi masyadong bihasa ang payak na mambabasa sa paghahanap ng kaaya-

ayang sanggunian, o dahil na rin pinipili ng payak na mambabasa ang kanyang binabasa,

nawawalan ng pagkakataong malaman ng mambabasa ang panig ng iba ukol sa isyung

binabasa. Sa kalaunan, maaaring masira ang sistema ng pamamahayag sa Pilipinas

kung ganito ang mangyayari buhat na hindi na magiging makabuluhan ang pagbalita ng

makatotohanan at walang-panig na batas.

22
Table 10. Ang Mananagot para sa Fake News

Tanong: Sino ang dapat managot para rito?

Sagot Dalas %

Awtor ng Fake News 26 81.3%

May-ari ng social media account 5 15.6%

Gobyerno 1 3.1%

Walang alam 0 0%

Kabuuan 32 100%

Ayon sa mga respondente, ang Awtor ng Fake News ang dapat managot para sa

Fake News. Ang pinakamarami o 26 sa kanila (na bumubuo sa 81.3%) ang nagsasabi

nito. Sumunod rito ang may-ari ng mga social media account, na 5 ang sumagot o 15.6%.

Nahuhuli ang Gobyerno, na pawang 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Walang sumagot ng

Walang Alam.

Maaaring ang may-akda ng Fake News ang may pinakamalaking makukuha sa

pagkalat ng kanyang sinulat. Dahilan sa bayaran siya (ayon sa pag-aaral na nakalap), at

dahil na rin sa may panig siyang sinusuportahan sa pamahalaan, malaki ang kanyang

pabuya sa pagkalat niya ng Fake News. Dahil dito, malaki ang pagkakataong siya dapat

ang managot sa mga epekto ng Fake News.

23
Kabanata 5

Buod, Kongklusyon, Rekomendasyon

Sa kabanatang ito ibinubuod at ibinibigay ang mga natuklasan ukol sa layunin ng

pananaliksik. Nakasama na rito ang pagbibigay-konklusyon sa pananaliksik, at mga

rekomendasyon para sa mga susunod na magsasagawa ng ganitong pananaliksik.

Buod ng mga Natuklasan

Ang mga sumusunod ay ang mga natuklasan ayon sa mga sagot ng mga

respondente at mga datos na nakalap patungkol sa mga layunin ng pag-aaral:

Sa unang bilang sa survey questionnaire na nagtatanong kung tinitignan ba ng mga

respondente ang pinanggalingan/sanggunian ng balita, ang pinakamataas na sinagot ay

ang Madalas, na nakatamo ng 23 na sagot o 71.9 na porsyento ng kabuuan. Sumunod

ang Minsan, na 8 o 25%. Ang pinakakaunti na sinagot ay ang. Madalang, na 1 o 3.1%

ang sumagot. Walang sumagot ng Hindi.

Sa ikalawang bilang na nagtatanong kung alam ba ng mga respondente ang

pagkakaiba ng totoong balita sa hindi, makikita sa datos na ang pinakamadalas na

sinagot ay ang Oo, na alam ng madla ang pagkakaiba ng totoong balita sa hindi.

Nakatamo ito ng 30 na sagot, o bumubuo sa 93.8%. Ikumpara ito sa sumagot ng Hindi,

na dalawa lamang at nakatamo sa kabuuan ng 6.3%. Walang sumagot sa Hindi alam at

Walang pakialam.

24
Sa ikatlong bilang na nagtatanong kung ginagamit ba ng mga respondente ang

social media upang mangalap ng balita, makikita na ang pinakamadalas na sinagot ay

ang Minsan, na nakatamo ng 17 na respondente, o 53.1% ng kabuuan. Sumunod naman

rito ang Madalas, na nakatamo ng 13 na respondente o 40.6%. Huli naman o ang

pinakakaunti ang sumagot ng Madalang, na 2 lamang ang sumagot, na bumubuo sa

6.3%. Wala namang sumagot ng Hindi.

Sa ikaapat na bilang naman na nagtatanong kung aling plataporma sa social media

ang ginagamit ng mga respondente para sa pangangalap ng mga balita, pinakamarami

ang sumagot ng Facebook; binubuo ito ng 29 na respondente o 90.6%. Sumunod naman

ang Twitter na 22 ang sumagot, o 68.8% ng kabuuan. Nahuhuli ang Messenger (5 o

15.6%) at ang Instagram (1 o 3.1%).

Sa ikalimang bilang na nagtatanong kung nakakita o nakabasa na ba ang mga

respondente ng Fake News, ayon sa mga respondente, ang sagot sa katanungang ito ay

oo, na lahat ng mga respondente, 32 sa lahat-lahat, o 100 na bahagdan, ang sumagot.

Walang sagot na natamo sa ibang mga pinagpilian.

Sa ikaanim namang katanungan kung Nakaapekto ba ito sa pananaw ng mga

respondente sa pulitika, ang pinakamarami ay sumagot ng Oo, na 23 sa mga

respondente, o 71.9%. Nahuhuli naman ang Hindi, na 9 lamang, o 28.1% ang sumagot.

Walang pumili sa Hindi alam at Walang pakialam.

Sa ikapitong katanungan ukol sa kung paano ito nakaapekto sa mga pananaw-

pulitika ng mga respondente, ang inakamadalas na sinagot ang pagkawala ng tiwala sa

pamahalaan, na 16 ang sumagot o 50% ng kabuuan. Pinakakaunti naman ang sumagot

25
sa mga binoto noong eleksyon, na 1 lamang o 3.1%. Napapagitnaan ito ng sa partidong-

pulitikal, na 15 o 46.9% ang sumagot. Walang sumagot sa pagiging manhid sa mga

pangyayari sa pamahalaan.

Sa ikawalong katanungan kung positibo ba o negatibo ang epekto nito ng fake news,

negatibo ang pinakamarami sa mga sinagot ng respondente, na binubuo ng 30 na

respondente o 93.8% sa kanila. Pumantay sa dulo ang Positibo at Hindi alam, na

parehong 1 lamang o 3.1% ang sumagot. Wala namang sumagot sa Walang Pakialam.

Sa ikasiyam na katanungan kung ano sa tingin ng mga respondente ang sanhi ng

Fake News, ayon sa nakararami, ang Kakulangan ng Kaalaman rito. 22 ang sumagot

nito, na bumubuo sa 68.8% ng mga respondente. Ang pinakakaunti naman ay ang

Kawalan ng tiwala sa pamahalaan, na 1 lamang 0 3.1% ang sumagot. Nasa gitna ang

mga sagot na Pulitika ng bansa, na 5 o 15.6% ang sumagot, at ang Demokratisasyon ng

Internet, na 4 o 12.5% ang sumagot.

At sa huli at ikasampung katanungan kung sino dapat ang managot para sa

pagpapalaganap ng fake news, ayon sa mga respondente, ang Awtor ng Fake News ang

dapat managot para sa Fake News. Ang pinakamarami o 26 sa kanila (na bumubuo sa

81.3%) ang nagsasabi nito. Sumunod rito ang may-ari ng mga social media account, na

5 ang sumagot o 15.6%. Nahuhuli ang Gobyerno, na pawang 1 lamang o 3.1% ang

sumagot. Walang sumagot ng Walang Alam.

26
Mga Kongklusyon

Ayon sa buod ng mga kaalaman, ang mga sumusunod ay ang mga kongklusyong

nais ipabatid ng mga mananaliksik:

1. Ang sanhi ng paglaganap ng Fake News sa social media, ayon sa nakararami, ang

Kakulangan ng Kaalaman rito. Pumapapangalawa ang Pulitika ng bansa at pang-apat

naman ang Demokratisasyon ng Internet. Ang pinakahuli naman ay ang Kawalan ng

tiwala sa pamahalaan.

2. Ayon sa mga respondente, Negatibo ang naidulot ng paglaganap nito.

3. Ayon sa mga respondente, ang paglaganap ng Fake News ay nagdudulot ng, unang-

una, pagkawala ng tiwala sa pamahalaan. Sumunod rito ang epekto nito sa partidong-

pulitikal ng respondente. Huling epekto nito ay sa mga binoto ng respondente noong

eleksyon.

Mga Rekomendasyon

Ayon sa mga kongklusyon, ang mga sumusunod ay ang mga rekomendasyong

nais ibigay ng mga mananaliksik:

1. Sa mga susunod na mananalisik na mayroon ding ganitong pag-aaral:

1. Magandang pagtuunan ng pansin ang lupon-pulitikal ng mga respondente

upang magkaroon ng pagkakaiba ng estratehiya sa pananaliksik;

2. Maghanap ng iba pang pag-aaral, lalung-lalo na kung ito ay makabago, ukol sa

paglaganap ng Fake News sa panahong gagawin ang pananaliksik; at

27
2. Sa mga guro:

1. Tukuyin at panatilihin ang mga batayan ng pagkakaroon ng maayos na

sanggunian para hindi madala sa Fake News; at

2. Isama sa mga turo ang pagiging mabuting mamamayan, na kalakip ang

kredibilidad at pagkakaroon ng kaayusan sa pagbabahagi ng bagay sa Internet.

3. Sa mga mag-aaral ng San Beda:

1. Sumali sa mga diskusyong pulitikal na hindi nalilimita sa kulay ng kanyang

lupon, upang maintindihan ang buong proseso ng pulitika sa bansa; at

2. Pag-isipang gumawa ng mas malalim na pananaliksik ukol sa Fake News.

28

You might also like