Aralin-30 Ispiritwalidad Nagpapaunlad NG Pagkatao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 30: Ispiritwalidad: Nagpapaunlad ng Pagkatao

Bilang ng araw ng Pagtuturo: 5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkaunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling kapayapaan (inner peace)
para sa pakikitungo sa iba.

Pamantayan sa Pagganap:

Nisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay sa pag-unlad ng
ispiritwalidad.

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
a. Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Code: EsP6PDIV-a-i-16
II. PAKSA: Pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman ang
paniniwala.
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 89
b. Kagamitan:powerpointpresentation, videoclips, Iba’t-ibang Paraan sa Pagsamba sa Diyos, Knowledge
Channel,mga larawan, metacards, manila paper, permanent marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Pagiging mabuting tao/Pagmamahal sa Diyos

III. PAMAMARAAN
Unang Araw March 14, 2019
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagtatala kung sinong liban sa klase.
3. Ilahad ang mga larawan.

a. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?


b. Ibigay ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga ito?
c. Paano nakakaapekto ang relihiyon sa pananaw o buhay ng tao?

B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin
Ipapanuod sa klase ang video. Iba’t-ibang Paraan sa Pagsamba sa Diyos, Knowledge Channel.

Ipasabi sa mga bata ang pamantayan sa panonood ng video.


Magkaroon ng talakayan pagkatapos mapanood ito.

Itanong:
1
a. Tungkol saan ang nakita ninyong video?
b. Isa-isahin ang mga katangian ng mga iba’tibang relihiyon.
c. Paano natin ipapakita ang respeto sa ating pagkakaiba-iba?
d. Sa inyong palagay maipapakita mo ba ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng ating
kapwa, kahit iba-iba ang ating relihiyon?Sa paanong paraan?

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikalawang Araw March 15, 2019


2. Isagawa Natin
a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
c. Ipaayos ang mga pinaghalo-halong letra, bumuo ng mga salitang may kaugnayan sa aralin.
(Pagiging Matapat, Pagmamahal, Paggalang, Pagrespeto, Pagtulong.)
d. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral
e. Ibigayang rubrics para sa gawain.

f. Pangkatin ang mag-aaral sa lima at ipakita sa masining na pamamaraan ang mga mabubuting
ugali bunga ng matibay na pananampalataya sa Diyos.
g. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang dalawang minuto sa
presentasyon.

Pangkat Gawain
Unang pangkat Dula-dulaan
Ikalawang pangkat Rap
Ikatlong pangkat Tula
Ikaapat na pangkat Islogan
Ikalimang pangkat Anunsyo

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikatlong Araw March 18, 2019


3. Isapuso Natin
2
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
b. Sumulat ng liham Pasasalamat sa Diyos, dahil ginawa niya tayong isang mabuting tao.
c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang naisulat na liham pasasalamat sa Diyos. Magkaroon ng
malayang talakayan.

Tandaan Natin:
Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat na Araw March 19, 2019


4. Isabuhay Natin

a. Sumulat ng isang ugali na nais mong baguhin sa iyong sarili. Ihulog ito sa palayok at
hayaang unti-unti itong masunog. Ipaliwanag sa dalawang pangungusap kung bakit ito ang
gusto mong baguhin sa iyong sarili. (Gawin sa labas ng silid-aralan)
b. Pagpoproseso ng mga kasagutan ng mga mag-aaral

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikalimang ArawMarch 20, 2019


IV. Pagtataya
5. SubukinNatin
Sumulat ng isang maikling sanaysay.
Paano mo napauunlad ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng iyong pananampalataya sa
Diyos?

V. Takdang -aralin
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.

Repleksiyon:
(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos ng aralin.
Halimbawa ng closure:

Pagbati! Natapos mong muli ang isangaralin. Naniniwala akong kaya mong mapaunlad ang iyong pagkatao
sa pamamagitan ng iyong pananampalataya sa Diyos.
Ipagpatuloy mo ang mabuting gawainito. Pagpalain ka ng Diyos!

You might also like