Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

“DAPAT BANG BIGYAN NG AMNESTIYA ANG

MGA FILIPINO NA NAKIISA SA MGA


HAPONES?”
(DI SANG AYON)

BAMBA, Red Francesca


BALUIS, Tricia Mae G.
BARTE. Jenyrose
BISCOCHO, Denise

BSA SBAC-1B
(GROUP 3)
I. PANIMULA

II. POSISYON/ARGUMENTO

 Mga Pangunahing Argumento

 Argumento 1

 Di patas o hindi makatarungan na pagbibigay ng amnestiya sa mga

Pilipino na nakiisa sa mga Hapones.

 Argumento 2

 Pakikiisa ng mga Pilipino sa mga Hapones.

 Argumento 3

 Hindi nagkamit ng katarungan at hustisya ang mga Pilipinong

nagsakripisyo at naabuso noong panahon ng mga Hapon.

 Mga Pagpapaliwanag

 Argumento 1

Hindi kailanman magiging patas at makatarungan ang pagbibigay ng

amnestiya sa mga Pilipinong nakiisa sa mga Hapones noong ikalawang digmaang

pandaigdig dahil kahit ano mang rason ang mayroon sila, lahat sila ay nagtraydor sa

kanilang bayang kinabibilangan. Si Jose Abad Santos ay isang halimbawa ng

matapang at may paninindigang Pilipino sapagkat handa niyang isugal kahit ang

kaniyang buhay huwag lang talikuran ang bansang kaniyang kinabibilangan. Sabi nga

ng matatanda, ang pagiging duwag ay ang nagiging dahilan ng ating pagdurusa. Ayon

nga sa kawikaan, “Ang bayani ay namamatay ng isang beses at ang duwag ay isang

beses lamang.” iyon ang nangyari kay Jose Abad Santos nang siya ay nahatulan ng
kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay sa kaniya ng mga Hapones dahil lamang siya

ay tumanggi na makipagtulungan sa bansang sumasakop sa atin. Maituturing natin

siyang bayani dahil hindi siya nagdalawang isip na piliin ang inang bayan bago ang

kaniyang sarili sapagkat nang mga panahong ito, maraming kapwa natin Pilipino ang

umaanib sa mga Hapones dahil sa kanilang pansariling interes. Ang mga kapwa natin

Pilipino na umaanib sa mga Hapones upang maging espiya at impormante ay ang mga

nagtraydor sa ating bayang sinilangan.

Bukod pa rito, noong Nobyembre 22 ng taong 1947 naman ay napatunayang

nagkasala ang traydor na si Domingo Capacete dahil sa pagtuturo sa ating kababayan

sa mga Hapon na naging dahilan ng pagkamatay nito kaya’t si Domingi ay nahatulan

ng korte suprema ng pagpatay. Ang ginawa ni Domingo Capacete na pagtataksil ay

isang krimen dahil bilang isang Pilipino, tayo ay may utang na katapatan sa bansang

Pilipinas at hindi rito kasama ang pakikiisa sa mga dahuyan upang labanan ang

sariling bayan. Kahit ang korte suprema ay tutol sa pagbibigay ng amnestiya para sa

mga Pilipinong nagtraydor sa ating bansa. Tama nga ang sinabi ni Heneral Luna, ang

mas malaking kalaban natin ay hindi ang mga bansang sumasakop sa atin kundi ito ay

ang ating sarili. Ang mga rasong ito ay higit pa sa sapat na dahilan upang hindi dapat

mabigyan ng amnestiya ang mga kapwa nating Pilipino na tumulong sa bansang

sumakop sa atin.

 Argumento 2

Sa pakikiisa ng mga Pilipinong ito ay siya na ring nagpapakita na sila ay

nagtaksil sa kanilang sariling bayan. Sila ay naglingkod sa mga Hapones upang

kontrolin tayong mga Pilipino. Mayroon isang grupo na nabuo noong panahon ng

mga Hapon na tinatawag na “MAKAPILI” o Makabayang Katipunan ng mga Pilipino

(Patriotic Association of Filipinos) sa Ingles, noong Disyembre 8, 1944. Sila ang isa

mga ebidensya ng pagtataksil ng mga Pilipino sa kanilang sariling bayan. Sila ang

mga traydor na naglingkod para sa mga Hapones, sila ay nagsilbing espiya ng mga

Hapon at taga sabotahe sa mga planong nailunsad ng mga Pilipino laban sa mga

Hapones. Ito rin ay nagsilbing gwardiya ng mga Hapones noong panahon ng kanilang

pananakop. Ayon sa aming nakalap na datos ang “MAKAPILI” ay binubuo ng

mahigit 6,000 na miyembro, ang kanilang mga mukha ay natatakpan ng bayong at

may mga armas na bayoneta at sibat na gamit sa pakikipaglaban. Kung kaya ang

samahang ito ay higit na kinatatakutan noon ng mga Pilipino, hindi dahil sa sila ay

mapanakit o dahil sa kanilang mga armas ngunit dahil sa kanilang mga kilos na

isinasagawa. Sila ay kinatatakutan dahil sila mismo ang mga ispiya na maaaring

magsisiwalat sa mga miyembro na tumutuligsa sa mga Hapones.


Samantalang, ang Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o “Association for Service

to the New Philippines” sa Ingles o mas kilalang “KALIBAPI”, ay ang nagiisang

partido na umiral sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Ito ay

naitatag noong ika-8 ng Disyembre 1942. Nilalayon ng partidong ito na maging

bersiyong Pilipino ng partidong Taisei Yokusankai. Ang partidong ito ang nagsilbing

makinarya sa pagpapatakbo ng propaganda ng mga Hapones upang makuha ang ating

mga simpatya. Ito man ay pinalalakad ng mga Pilipino ngunit tayo ay kontrolado pa

rin ng mga Hapon. Tunay ngang hindi katanggap-tanggap ang ginawa nilang

pagtataksil sa kanilang mismong bayang sinilangan.

Image Source: Rainman_red on Flickr


Image source: Philippinehistoryatdawn.weebly.com

Watawat ng “KALIBAPI”

 Argumento 3

Noong panahon ng mga Hapon maraming mga Pilipino ang namatay at mga

nagbuwis ng buhay para sa kinakamit na kalayaan. Ipinaglaban ng mga Pilipino ang


ating bayan at ginawa ang lahat ng kanilang makakaya upang tayo ay makalaya sa

kamay ng mga mananakop at sa karahasan na ating dinanas sa kanilang mga kamay.

Ang pagsakop sa atin ng mga Hapon ay nagiwan ng peklat sa ating mga alaala na di

natin malilimutan dahil sa sakit na naidulot nito sa ating mga ninuno. Isa na sa

halimbawa nito ayon sa datos na aming nakalap na nagpapakita ng mga paghihirap at

karahasan na ating dinanas sa kamay ng mga Hapones ay ang Martsa ng Kamatayan

sa Bataan o "Bataan Death March" sa Ingles , ito ay sapilitang pagpapalakad sa mga

bilanggo o mga nadakip nooong ikalawang digmaan ng mga Hapon na may bilang ng

mahigit 70,000 na mga Pilipino at Amerikano. Ang naturing martsa ay nagsimula sa

Bataan patungong Pampanga, nagsimula ang martsa noong 9 Abril 1942 at tumagal

ang martsang ito ng mahigit na anim na araw. Marami ang mga namatay sa martsang

ito at ang iba ay di na umabot pa sa kanilang paroroonan. Ang mga bilanggo ay

walang kain at wala man lamang tubig na maiinom at tila pinapatay na sila sa

martsang ito. Marami pang di katanggap-tanggap na pangyayari ang nangyari sa mga

bilanggo na kasama sa martsang ito.

Di lamang iyan, labis din ang hirap na dinanas ng mga kababaihan sa kamay

ng mga Hapones. Sila ay sapilitang ginagahasa ng mga Militar sa likod ng kanilang

mga murang edad. Sila ay pinagsamantalahan, inabuso at pinagsamantalahan ng

walang pagdadalawang isip. Tila isa lamang laruan ang mga kababaihan na kanilang

ginagamit at pinaglalaruan. Na kung saan ang mga kababaihang ito ay tinakot at

pinagtangkaang papatayin kung hindi pagpipigyan ang mga kagustuhan ng mga

Hapones. Kaya naman nabuo ang samahan na tinatawag na “Comfort Women” sa

Ingles, ang samahang ito ng mga kababaihan ay patuloy na naghihingi ng hustisya at

kapatawaran mula sa mga Hapon para sa mga karahasan at paghihirap na kanilang

dinanas noong panahon ng pananakop ng mga Hapon hindi lamang sa Pilipinas gayun
na rin sa iba pang mga bansa na inalipin ng mga Hapon. Makikita ang kanilang mga

pahayag sa website ng www.npr.org. Lubos ngang napakalupit ng sinapit ng ating

kapwa Pilipino sa mga kamay ng hapones ngunit ang masakit pa rito ay ang ilan sa

ating mga kababayan pa ang tumutulong sa kanila na mangyare ang ganitong bagay.

Kaya sa aming palagay ay di dapat na ipagkaluob ang amnestiya sa mga nagtaksil sa

bayan.

Image source: npr.org


Image source: npr.org

Image source: npr.org (Cheryl Diaz Meyer)


Image source: Warhistoryonline.com (Ian Harvey)

III. KONKLUSYON/BUOD

Sa pang-kalahatang konklusyon, ang amnestiya ay hindi karapat-dapat na

ibinigay sa mga Pilipinong naki-isa sa mga Hapones noong ikalawang digmaang

pandaigdig. Sapagkat ito ay pagtalikod at pagtataksil sa sariling bansa at kapwa

Pilipino. Ang aksyong ito ang naging tulay upang makatakas ang mga may

pananagutan sa mga inabuso at namatay noon. Kaya bakit natin bibigyan ng

pagkakataon ang mga nagtaksil na ito na mamuhay ng malaya at matiwasay kung ang

kanilang ginawa ay nagdulot lamang ng hindi kalugod lugod na epekto sa bansa pati

na din sa mamamayan. Dapat nating tandaan na ang bawat aksyon at desisyon na

ating ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad. Mali ang kanilang nagawa kaya

nararapat lamang na harapin at pagbayaran nila ang kinalabasan ng kanilang naging

aksyon at patuloy na alalahanin at pagsisihan ito hanggang sa dulo ng kanilang buhay

Ang mga sumusunod ang maaaring mangyari, kung hindi binigyan ng

amnestiya ang mga Pilinong nakipag-tulungan sa mga Hapones:

1. Mabibigyan ng hustisya ang mga biktima noon.

2.Mapagbabayaran at kahaharapin ng mga Pilipinong naki-isa sa Hapones ang

kasong pagtataksil sa sariling bansa o "treason".

3. Kikilalanin at mabibigyang halaga ang sakripisyong ginawa ng mga

Pilipinong tumulong sa pakikipag-laban at nagbuwis ng buhay para sa

pagpapalaya ng bansang Pilipinas mula sakamay ng Hapones.

4. Mapagtutuonan ng pansin ang pantay na hatol sa mga may sala sa bayan.

IV. MGA SANGGUNIAN/PINAGMULAN


 Mga Primaryang Batis

Message of President Roxas asking the Concurrence of Congress to the Amnesty


Proclamation | GOVPH. (1948, January 29). Retrieved March 24, 2022, from
Official Gazette of the Republic of the Philippines website:
https://www.officialgazette.gov.ph/1948/01/29/message-of-president-roxas-
asking-the-concurrence-of-congress-to-the-amnesty-proclamation/

PHOTOS: Why These World War II Sex Slaves Are Still Demanding Justice.
(2020, December 4). Retrieved March 24, 2022, from NPR.org website:
https://www.npr.org/sections/goatsandsoda/2020/12/04/940819094/photos-
there-still-is-no-comfort-for-the-comfort-women-of-the-philippines

G.R. No. L-943. (2022). Retrieved March 25, 2022, from Lawphil.net website:
https://lawphil.net/judjuris/juri1947/nov1947/gr_l-943_1947.html

Ang pagbitay kay Jose Abad Santos | GOVPH. (2022). Retrieved March 25,
2022, from Official Gazette of the Republic of the Philippines website:
https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/judiciary/sc/cj/jose-abad-santos/
ang-pagbitay-kay-jose-abad-santos/

 Mga Secondaryang Batis

Pananakop ng mga Hapon. (2022). Retrieved March 24, 2022, from


Blogspot.com website:
https://tungkolsapilipinas.blogspot.com/2011/12/pananakop-ng-mga-hapon.html

Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas - Wikfilipino. (2016). Retrieved March
24, 2022, from Wikipilipinas.org website:
https://fil.wikipilipinas.org/view/Pananakop_ng_mga_Hapones_sa_Pilipinas

News, G. (2015). The hooded witness in Makapili tradition. Retrieved March


24, 2022, from GMA News Online website:
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/specialreports/1981/the-hooded-
witness-in-makapili-tradition/story/

Buhay Batangas. (2018, March 3). The Case of the 19-Year Old Makapili
Charged with Treason for Activities in Lipa and Santo Tomas. Retrieved March
24, 2022, from Batangas History, Culture and Folklore website:
https://www.batangashistory.date/2018/03/treason19.html

Bataan Death March. (2022). Retrieved March 24, 2022, from


http://dokumentaryonijuantagalog.weebly.com/bataan-death-march.html

You might also like