Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

MGA LAYUNIN NG DISKURSO

• MAKALIHA NG IMAHE SA ISIPAN NG KANYANG


MAMBABASA, UPANG MAGING SILA AY MARANASAN DIN
ANG NARANASAN NG MANUNULAT
• PAGBIBIGAY NG MALINAW NA IMAHE NG ISANG TAO,
BAGAY, POOK, DAMDAMIN O TEORYA UPANG
MAKALIKHA NG ISANG IMPRESYON O KAKINTALAN
• MAKAHIKAYAT NG TAO SA ISANG ISYU O PANIG
• MAKAPAGBIGAY NG ISANG SAPAT AT MATIBAY NA
PAGPAPALIWANANG NG ISANG ISYU O PANIG UPANG
MAKAHIKAYAT O MAKAENGGANYO NG MAMBABASA O
TAGAPAAKINIG
Kahalagahan ng Diskurso at Pagdidiskuro
 Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa
pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig at ng manunulat at mambabasa.
 Sa pamamagitan ng diskurso napaparating ang mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa
upang siya ay lubusang maunawaan.
 Mga Elemento ng Diskurso
1. Nilalaman
 May pagbatid o mahalagang mensahe
 May mahalagang impormasyon
 May kaalamang mapakiikinabangan
 Makalilibang
2. Pananalita
 Madaling maunawaan
 May tatlong bagay na makakatulong upang madaling maunawaan ng isang pahayag
 Maaaring gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan
Mga Dapat Taglayin ng isang Diskurso
1. Komunikatib kompetens
 Ito ay tumutukoy sa pagpili ng angkop na barayti ng wika para sa isang sitwasyong sosyal
2. Linggwistik kompetens
 Tinatatwag din itong sosyolinggwistik. Ito ay nangangailan ng sinsitibiti sa dayalek o rehistro
at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang
popuplar, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

 Mga Uri ng Diskurso


1. Pasaylaysay o Narativ – Ito ay may layuning magkuwento ng magkakaugnay na
pangyayari; makulay na kanarasan sa buhay.
a. Karanasang Tuwiran o direct - Ang karanasan ay maaaring makuha nang
tuwiran (direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkakadanas pagkakasangkot.
b. Karanasang Vaykaryos – Kung ang Kaalaman ay nakukuha lamang sa iba,
maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass
media, o naikwento ng kapit bahay.
Mga Dapat Taglayin ng isang Diskurso
1. Komunikatib kompetens
 Ito ay tumutukoy sa pagpili ng angkop na barayti ng wika para sa isang sitwasyong sosyal
2. Linggwistik kompetens
 Tinatatwag din itong sosyolinggwistik. Ito ay nangangailan ng sinsitibiti sa dayalek o
rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika,
kulturang popuplar, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.
 
Mga Uri ng Diskurso
 Pasaylaysay o Narativ – Ito ay may layuning magkuwento ng magkakaugnay na
pangyayari; makulay na kanarasan sa buhay.
1. Karanasang Tuwiran o direct - Ang karanasan ay maaaring makuha nang
tuwiran
(direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkakadanas pagkakasangkot.
2. Karanasang Vaykaryos – Kung ang Kaalaman ay nakukuha lamang sa iba,
maaaring
nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass
Mga Halimbawa ng Akdang Narativ
 Maikling Kwento, Sanaysay, Pabula, parabula, alamat, Nobela, Talambuhay atbp.

Gawain
1. Bumuo o sumulat isang halimbawa ng diskursong narativ/ pasalaysay
2. Panuto: Magsaliksik at pumili ng 5 sa mga halimbawa ng narativ at kilalanin ang
bawat
isa.
2. Paglalarawan (Dekriptiv) –
 Ito ay naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig;
Pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama

Mga Uri ng Paglalarawan


1. Pangkaraniwang Paglalarawan – Nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kuru-kuro.
Hal:
Makinis ang balat ng dalaga, ngunit kayumangging kaligatan, nagbibilugan ang kanyang
malarosas na pisngi at mahaba ang kanyang buhok at may balangkinitang pangangatawan.

2. Konkretong Paglalarawan – Ito ay naglalarawan ng literal na ginagamit dito ang mga


panggkaraniwang, paglalarawan gaya ng maganda, maayos, malinis atbp.
Hal.
Malinis na iniwan ang silid, habang maayos ding iniwan na nakahanay ang mga upuan kaya
maaliwalas tingan ang kabuuan ng silid aralan. 
3. Masining na Paglalarawan – ang guni-guini ng bumabasa ay pinagagalaw upang
Makita
ang isang buhay na buhay na larawan
Hal.
Kulay ginto na ang mga butil ng palay naghuhudyat na ito ng kapanabikan para sa
mga magsasaka ng isang maagan at maginhawang pamumuhay.

4. Abstraktong Paglalarawan - Naglalarawan na gumagamit ng mga di literal na


paglalarawan inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang mga
sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayutay sa ganitong uri ng
paglalarawan.
Hal.
Sa isang lugar kung saan maraming mga bata ang nanlilimahid ang kanilang
katawan, noroon ang isang walang muwang na himihingi ng limos na hindi naman
malingon man lamang ng mga walang puso at mapangmata sa mga batang katulad
niya na animo’y silay mga salot sa lipunan.
Mga Hakbanging Dapat Tandaan tungo sa Mabisang Paglalarawan:
1. Pagpili ng Paksa - Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o
pagkilala sa tao o lugar na ilalarawan ; tulad ng ibang uri o anyong sulatin,
ang paksa ang laging unang isinasaisip
2. Pagbuo ng pangunahing larawan – ito ang pangkalahatang
kabuuan ng isang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari na nais agad
maitanim sa isip ng mababasa o tagapakinig.
3. Pagbibigay ng Sariling Pananaw - pansariling pagtiningin ng
paglalarawan
4. Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa
paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo sa kabuuuan ng isang
pangunahing bagay o anumang ilalarawan
5. Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa paglalarawan –
hindi lamang mga nagkakauri-uring katangian ang dapat na isama sa
paglalarawan, mas mainam kung mapapalutang lalo ang kaibahan nito sa
lahat ng mga kauri nito.
GAWAIN
Panuto: Bumuo ng sariling halimbawa:
1. uri ng paglalarawan. (Isang talata 3-5 pangungusap)
2. Gumawa ng isang halimbawa ng teksong naglalarawan
tungkol sa paksang. (Sa Schoology)

“Pilipinas ang Perlas ng Silangan”

You might also like