Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABATAAN SA RESPONSABLENG PAGBOTO

ni: Joancel A. Espanola

Ang kabataan sa ngayon ay masasabi nating bukas ang kaisipan sa mga makabagong teknolohiya at mas
aktibo sa usapang pang pulitika.Bukas na ang isipan sa mga problemang hindi lang pansarili at
pampamilya kundi problemang pampulitika ng ating bansa.
Salamat na rin sa mga programang naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga napapanahong
problemang pampulitika at nagpapakita ng mga bulok na sistema ng ating pamahalaan na kailangan na
nating palitan.
Bilang kabataan paano ba natin mababago o kundi man mabago sa ngayon ng tuluyan ay maging
bahagi ng isang hakbang tungo sa pagbabago?
Para sa akin bilang isang kabataan ang aking boto ay isa sa mga mahalagang hakbang para sa ating
pagbabago.Naniniwala akong mas matalino at mas maparaan ang kabataan ngayon kahit na mayroong
ding hindi magagandang mga katangian.Alam kong mas malawak na ang ating kaalaman at magigig
responsable tayo sa ating pagpili ng ating mga iboboto.Alam ko na karapat-dapat at ating
pagkakatiwalaan na mamuno sa ating bansa ang ating iboboto sa darating na eleksyon.
Hayaan natin na makagawa tayo ng isang simpleng hakbangin tungo sa ating inaasam na
pagbabago, bilang isang kabataan.

Maraming salamat po sa lahat ng bumasa.


Pagsusuri :
Pananatili
ni: Jely T. Bermundo

Aking damdamin ay isinantabi


Pag-aalinlangan at nadarama pilit na iwinaksi
Lungkot ay pinapalitan muna ng isang ngiti
Sa tuwing ikay kasama, sakit ay ikinukubli

Oo, akoy nanatili parin sa iyong tabi 


Sa likod ng lahat ng sakit, sa loob ng pusong patuloy na nagdaramdam
Narito ako't nasasaktan habang sa kabilang dako ikaw nama’y walang alam
Mahirap man sa damdamin, kinailangan ko paring magpanggap.

Oo, mahirap maging bulag sa tunay na nadarama


Mahirap magpakita ng kasiyahan kung sa loob nito'y ikay wasak na wasak na
Ngunit kailangan kong gawin maitago lang ang tunay na damdamin
Ayaw kong bigyang lamat, PAGKAKAIBIGAN natin

Kapag ikay kasama lalo lang na humahapdi


Lahat ng kailangang limutin, sumasariwa lahat 
Kapag ikaw ay nakangiti, pakiramdam ko nama'y mag- isa lang ako 
Nais mang humingi ng karamay mula sa isang kaibigan, hindi naman maaari sayo

Alam mo iyong pakiramdam na wala kang mapagsabihan,


Kasi iyong taong alam mong makikinig, makakaintindi at iyong pinagkakatiwalaan
Siya naman lahat ng ito'y dahilan,
Kaya mas minabuti mo nalang kimkimin lahat ng bigat sa iyong kalooban.

Sa likod ng lahat, oo pinilit kong manatili,


Dahil alam kong kailangan mo ngayon ng isang kaibigang sayo'y dadamay
Sa mga problemang iyong pinagdadaanan, gusto kitang tulungan
Kahit pagbibigay lang ng payo, oras, at sa pakikinig ,gumaan lang ang iyong pakiramdam.

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko munang lumayo,


Dahil katulad ng karamihan, nasasaktan na din ako
Wariy naiipit ako sa isang sitwasyon
Na may kakayahan man umalis ngunit ikaw parin ang unang-unang iniisip ko

Oo akoy lalayo
Ngunit sa palagay ko'y kapag maayos na ang iyong pakiramdam,
Sa ngayon nandito parin ako bilang isang KAIBIGAN 
Na dadamay, makikinig at iyong maaasahan kapag iyong kailangan.

Kusa akong lalayo ,kapag ayos na ang lahat 


Nais kong makalimot at makapag-isip muna 
Ninilayin aking tunay na nadarama at tatapusin ng kusa,
Ako'y magbabalik at sisiguraduhing "KAIBIGAN KA LANG TALAGA"

“Pagpihit ng Pahina”
ni: Jely T. Bermundo
"Pusong nasaktan, ngayon ay nagdadalawang isip na ulit ay buksan,
Muling sumasariwa ang nakaraan at sakit na naramdaman,
Ala- alang nilibing bakit ngayoy muling bumabalik mula at nagpaparamdam,
Sugat ay muling humahapdi ngunit sa paglipas ng panahon sana’y unti- unti nalang itong maghilom"
PAGSUSURI SA SARILING AKDA:

I. PAMAGAT: Pananatili
II. MAY AKDA: Jely T. Bermundo

III. URING PAMPANITIKAN: Ang akda ay isang uri ng tula na nasa malayang
pagpapahayag .

IV. URI NG PAGLALAHAD: Ang akda ay gumamit ng pasalaysay at paglalarawan.


Isinalaysay sa akda ang nga damdaming nararanasan at pumapaimbabaw sa may akda
at ang mga pangyayaring naganap.

V. SARILING REAKSYON:

A. TEORYA:
B.

Pagsusuri sa dulang Makapaghihintay ang Amerika


“Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar

Ang dulang aking nabasa ay ang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar. Base sa aking
nabasa mangyaring dalawa ang aking perspektiba sa dulang ito. Una, nakapokus ang dulang ito sa mga
nangyayari sa lipunan kung gaano na katalamak ang mga krimen sa bansa, ang hindi makatarungang
hustisya sa gobyerno at ang hindi maayos na sistema ng bansa na nagiging sanhi ng kahirapan.
Pangalawa, mayroon isang linya sa dulang ito ang nakapukaw ng aking pansin ang mga salitang “Ang
isang maysakit, gaanu man kalubha ng karamdaman ay may pag-asang gumaling” dito naipahayag ng
husto na kahit ang sakit ng isang bansa ay makakayang maiahon ang lipunan kung magtutulungan ang
bawat mamamayan. Kung mayroon kooperasyon ang bawat isa ay maisasaayos ang bansa.

Ang pamagat nito ay angkop at wasto sapagkat naipakita sa dulang ito ang mga binipisyo na makukuha
kung sa Amerika magtratrabaho si Fidel, naipahayag din ang mga pupuwdeng mangyari kay Fidel sa
Amerika. Ngunit, may ibang bahagi sa pamagat nito ang hindi angkop dahil nakapokus ang dulang ito sa
sakit ng lipunan na nararanasan ng Pilipinas sa hindi makatuwirang pamamalakad ng mga politiko at
hindi maayos na sistema ng bansa.

I.Pamagat: Makapaghihintay ang Amerika


II. May Akda: Dionisio S. Salazar
Si Dionisio S. Salazar ay alagad ng Sining na tubong Nueva Ecija at hindi matatawaran ang
kaniyang husay at galing sa pagsulat ng mga nobela at dula. Marami na rin siyang natamong mga
parangal sa Carlos Palanca, National Balagtas at marami pang iba. Nakamit din ni Salazar ang unang
gantimpala sa One- Act Play sa Filipino noong 1968 ng kaniyang isinulat ang dulang “Makapaghihintay
ang Amerika.” Naparangalan din siya bilang Outstanding Filipino Awardee sa TOFIL noong 1994. Siya ay
tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra
maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na
manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y
sariling atin.
III. BUOD

Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa kanilang
sofa at bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking pamantasan sa Maynila.
Habang nagbabasa ay maiinip siiya sa kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan
ng ilang minute ay dumating na rin ang kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang
anak na lalaki ang kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang byenan na
mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino ngayong panahon. Habang nagkukuwentuhan ay
nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa
Amerika.
Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan naman
sa sala ang magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika at
ang mga suliranin ng lipunan. Nag-isip sila ng paraan para sa darating na kaarawan ni Fidel bukas.
Malungkot si Ligaya dahil muling malalayo nanaman ang kaniyang asawa sa kaniyang piling kaya naman
minabuti nan g magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-usapan din nila ang hindi patas na
pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa isa sa mga itataas ang posisyon sa ospital. Ang
pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika ay labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng
pamumuhay ng mga tao doon at panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho
si Fidel. Naituon naman ang kanilang usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay mayroon sila
at ang mga sawimpalad na mga dalagang ina na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang
katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen,
pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan.
Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si Ligaya.
Tinawag naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang kadarating pa
lamang na ama. Ikinumusta naman ni Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak, aktibo naman itong
ibinahagi ang kanilang karanasan at napanood. Pagkatapos ay inalok naman ni Marta ang kaniyang mga
apo upang magluto ng hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala. Sinabi naman ni Fidel na may naitalaga
na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka naman ipinilit uli ni Fidel ang
kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil mas giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa
sa Pilipinas. Hindi na masikmura ni Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.
Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas hanggang sa may
narinig silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay hanggang sa may narinig silang putok
ng baril. Nagpapatunay ito sa mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung kabi-
kabila ay may krimeng nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang kanilang anak na babae upang
maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing papasok na siya sa paaralan ay ihahatid at isusundo siya ng
kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong maging ni Boy paglaki nito.
Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga nasabi ng kaniyang
asawa at ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang
dyaryo. Pagbalik niya ay sinorpresa siya ng kaniyang pamilya. Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak
at ng kaniyang ina ang kanilang regalo kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta
ng Amerika at manirahan na lamang sa Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya ang
kaniyang regalo kay Fidel sa pamamagitan ng pagsabi nito na madaragdagan nanaman ang kanilang
pamilya. Masaya namang naibigkas ni Ligaya ang “Makapaghihintay ang Amerika.”

III. Pagsusuri
a. URI NG PANITIKAN
Ang nabasang teksto ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na pinakalayunin nito
ay maitanghal sa isang tanghalan, nahahati ito ilang yugto na maraming tagpo. Ang tagpo ay ang
paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan. Ang yugto naman ay ang bahaging pinanghahati sa dula.
Inilalahad ang tabing sa bawat yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga
manonood.
Ang patunay na isang uri ng dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ay sapagkat mayroon itong
Simula, Gitna at Wakas. Na kung saan sa Simula ay mayroon tagpuan at ipinakilala ang mga tauhan sa
kuwento. Sa Gitna naman ay ipinakita ang tunggalian na kung saan ipinahayag ang pagbabalak na
manirahan ni Fidel sa Amerika. Sa Wakas ay mayroon itong kakalasan at kalutasan na kung saan ay
napagdesisyonan ni Fidel na manatili na lamang sa Pilipinas. Isa pang patunay ay mayroon itong
tagpuan, sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila at mayroon din itong diyalogo.

PANANALIG PAMPANITIKAN/TEORYA:
HUMANISMO - dahil nabigyang pansin ang mga saloobin ng bawat tauhan sa kuwento.
Ipinakita rin kung gaano katalino at may mabuting hangarin ang mga ito.
FEMINISMO -dahil ipinakita sa dula ang mga gawain ng isang babae sa isang tahanan.
SOSYOLOHIKAL -dahil inilahad dito ang mga suliranin ng lipunan.
EKSISTENSYALISMO -dahil malayang nailalahad ng bawat tauhan ang kanilang opinyon tungkol sa mga
nangyayari sa bansa.
REALISMO -sapagkat ipinakita rito ang mga karanasan ng may-akda patungkol sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Samakatuwid, ang dula ay hango sa totoong buhay.

II. ESTILO
Ang estilo ng pagkakasulat ng banghay sa kuwento ay mayroon kronolohikal na pagkakasunod-sunod
dahil ang paksa nito ay tungkol sa tao na mayroon mahahalagang impormasyon at pangyayari na
nagaganap sa kanilang paligid. Nagsimula ang dula sa pag-uusap nina Ligaya at ng kaniyang byenan na si
Marta tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika. Napag-usapan din nila ang mga bagay-
bagay na nangyayari sa loob ng bansa, kung gaano na katalamak ang mga krimeng nagaganap at ang
hindi patas na pagtalaga sa posisyon. At sa pagdating ni Fidel ay ito ang naging sanhi upang mag-usap
ang mag-asawa ng masinsinan at magkasagutan.
Kapansin-pansin din na ang dula ay nakapokus lamang sa pag-uusap ng mga tauhan tungkol sa suliranin
ng bansa at ang kaganapan sa Amerika. Kakaiba ang naging paraan ng pagsulat ng banghay ni G. Salazar
sapagkat ang atensyon ng tema nito ay tungkol sa lipunan.
Nagsimula ang dula sa pagbukas ng tabing at makikita sa tanghalan si Ligaya na nagbabasa ng isang
“pocketbook” at hinihintay ang kaniyang pamilya na umuwi. Malungkot at puno ng aalalahin ang mukha
ni Ligaya. Nagtapos naman ito sa pagdedesisyon ni Fidel na naging sanhi upang maging masaya si Ligaya.

III: MGA PANSIN AT PUNA


a. TAUHAN:

Ligaya
Sa pagbubukas pa lamang ng tabing ay si Ligaya na agad ang makikita sa entablado. Siya ang asawa
ni Fidel at isang guro sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Sa simula, puro siya alalahin dahil sa
pagbabalak ng kaniyang asawa na pumunta ng Amerika sapagkat kakaiba na ang klase ng babae sa
bansang iyon, ayaw niyang nawawalay sakaniya ang kaniyang asawa at isa pa, siya ay buntis sa ikatatlo
nilang anak. Ang pinakatumatak na linya na kaniyang sinabi ay ang “Kahit saan, anak, ay may mahusay at
may mahinang klaseng guro.”
Fidel
Siya ang bana ni Ligaya, isang doktor at nagbabalak na pumunta sa Amerika. Ang may kaarawan
kinabukasan.Naisipan niyang pumunta ng Amerika dahil sa hindi maayos na sistema ng bansa. Mayroon
ding magandang oportunidad na naghihintay sa kaniya sa Amerika. Hindi rin siya ang napili bilang
assistant director sa kanilang ospital. Kilaunan, habang nag-iisip-isip tungkol sa mga nangyari at mga
nasabi ng kaniyang anak at asawa na tama sila at huwag na lamang tumuloy sa Amerika. Ang
pinakatumatak sa akin na kaniyang linya ay “Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang
aking nakikita, nadarama, nababasa… sayang at hindi ako naging nobelista o mandudula, kung
nagkatao’y baka sa isang Noli rin o isang “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ang masusulat ko.”
Marta
Ang ina ni Fidel. Naging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na. Kasama
ang mga bata na nanuod ng sine. Nag-aalala siya sa kaniyang anak na si Fidel sa pagbabalak nito na
pumunta ng Amerika. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak at apo kaya gusto lamang nito na maging
masaya ang kaniyang pamilya. Ang pinaka nagustuhan kong linya ay ang “Nakakahiya, ngunit totoong
ating panahon ay henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen at panggagahasa.”
Rosa
Anak na babae nina Fidel at Ligaya. 9 na taong gulang. Mapagmahal na anak at matulungin. Ang
gusto niyang kunin paglaki niya ay katulad din ng kaniyang ina, ang maging isang guro. Napapansin din
niyang mas mahal pa ng kaniyang tatay ang kaniyang trabaho kaysa sa kanila. Ang pinatumatak sa akin
na kaniyang linya ay ang “Sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo kesa sa amin.”

Boy
Anak na lalaki nina Fidel at Ligaya. 7 na taong gulang. Mapagmahal at maunawain. Ang gusto niyang
kunin paglaki ay isang pulis dahil susugpoin daw niya ang mga masasamang tao. Gusto niyang
makapiling ang ama tuwing papasok siya ng klase katulad ng kaniyang kaibigan. Ang pinakatumatak
saakin na kaniyang linya ay ang “‘Pahuhuli kong lahat-lahat ng magnanakaw, saka mandurukot, saka
‘yung nambabaril ng tao, saka – a basta lahat ng masama, ‘papahuli ko sa Pulis!”

b. GALAW NG PANGYAYARI
Pag-aalala ang himig na nagibabaw sa kuwento sapagkat nababahala si Ligaya sa pagbabalak ni Fidel
na pumunta ng Amerika dahil iba ang klase ng pamumuhay ng mga tao roon at isa pa, ibang klase ang
mga babae sa lugar. Mas gusto kasi ni Ligaya na manatili na lamang sa Pilipinas kaya naman pinaintindi
ni Ligaya kay Fidel na hindi na nila kailangan pang pumunta ng Amerika para lamang umalis sa bansang
walang kaayusan. Pinapakita rin dito ang mga suliraning nagaganap sa Pilipinas ang hindi organisadong
pamamahala ng mga Politiko at talamak na krimen.
Isa rig himig nito ang pagkagalak dahil sa huling tagpo ng dula ay naintindihan na rin ni Fidel na hindi
niya naman kailangan pang pumunta ng Amerika upang makaalis sa Pilipinas. Narito ang kaniyang
pamilya at dito na siya lumaki, napagtanto rin niya ang mga sinabi ng kaniyang mga anak. Pagkagalak
sapagkat napagdesisyonan na ni Fidel na manatili sa bansa at may isang balita siya na nagpagalak sa
kaniyang kalooban, ang pagbubuntis ni Ligaya sa kanilang pangatlong anak.
“Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang maysakit, gaaanuman kalubha ang
karamdaman, ay may pag-asang gumaling?” “Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y hindi
nandiri kailanman sa anumang sakit, datapwa’t ang sumasagong na ng ating lipunan ay totoong
napakalansa, nakakaririmarim, nakakasuka.” Isa ang linya ito sa patunay na ang paksa sa dulang ito ay
tungkol sa mga sakit ng lipunang nagaganap sa Pilipinas na kung saan hindi na kaya pang tignan ni Fidel
ang mga nangyayari.
Ang tagpuan ay sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila. Nagsimula ang kuwento sa may loob ng bahay
ng mga Cortez na kung saan naka-upo si Ligaya sa sopa at nagbabasa ng pocketbook makikita sa loob ng
bahay ang mga mamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, atbp. (iaangat ang ulo sa binabasa
at titingin sa kaniyang orasan) Aba mag-aanim at kalahati na’y wala pa si Mama, tila sila nawili sa
panonood… Si Fidel naman ay wala rin. (Itutuloy ang pagbasa)
Ginanap ito sa kasalukuyang panahon na kung saan talamak ang krimen at kawalan ng hustisya sa
bansa. Hindi organisado ang pamamahala at angat ang taong may kapit sa taas. Kabilabilaan ang mga
krimen nagaganap sa panahong ito mayroon isang linya sa kuwento ang nagpapatunay na kahit saan ay
may krimeng nagaganap.
IV: BISANG PAMPANITIKAN
A. BISA SA ISIP:
Pilipinas. Kung noon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, kilala na tayo
bilang mga magnanakaw kaya naman kinakatakutan tayo ng mga katabing bansa.
B. BISA SA DAMDAMIN:
Nang dumating ang Kastila ay naging alipin tayo sa sarili nating bayan, dito nagsimula ang
pangungutong, suhol at korupsyon. Malungkot man isipin ngunit hanggang ngayon ay nangyayari pa
ito sa ating bansa.
C. BISA SA KASALAN:
Kaliwa’t kanan ang mga krimeng nagaganap sa ating lipunan dahil sa mga taong tanging iniisip
lang ay ang kanilang ikaaangat sa buhay.
D. BISA SA PANLIPUNAN:
Ang dulang ito’y pinapahayag ang mga kadalasang nagyayari sa isang pamilya at lipunan. Sa dula rin
itong pinakita na ang mga materyal na bagay ay hindi siyang lahat sa buhay ng tao. Ipagmalaki rin natin
ang ating bayan at mas mahalin ang mga taong nakapalibot sa atin.

PAGSUSURI SA DULANG Bisperas ng Pasko- Dula-dulaan

Mga Tauhan:
Magkakabarkada- Shaira, Ed, Renz at Mariel
Tiyo ng barkada- Carlo
unang bahay: Rachelle -Ina
                           Megan- Bata
Ikalawang bahay: Mikha- Bata
                                  Tara- Bata
                                  Monica- Ina
                                  Frank- Ama

----------Curtains-------------
Tuwing Pasko, kaming magkakabarkada ay gumagawa ng mga parol at paputok. Binenbenta naming ito
upang mayroon kaming pangkain araw-araw.
Pumasok si Mang Carlo sa entablado
Carlo: Mga bata, tapos naba kayo diyan? Gabi na ah. Hindi na ba kayo mamamasko?
Shaira: Sandali nalang po tiyo. Marami pa po kasing bumibili eh.
Renz: Tama ka diyan ate.
Carlo: O sige, sige, ako na ang bahala diyan at magsi-alisan na kayo.
Ed: Tiyo, pinapa-alis nyo na ba kami? Ayaw nyo na po ba ninyo sa amin?
Carlo: Hindi naman, mamamasko pa kayo diba?
Ed: ay, tama! Nakalimutan ko... sorry po.
Carlo: Walang anuman Ed. Ang tunay na diwa ng pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan!
Mariel: Salamat po tiyo. Tatandaan po namin iyan.
Umalis sa entablado ang magkakabarkada
Carlo: O sige, umalis na kayo at puputok na ang shop.
Mon: Ang sungit naman! Wala pa nga akong nabili. Paano na to?
Pinulot ni Carlo ang kanyang mga gamit at umalis sa entablado
Mon malungkot na umalis sa Entablado
---------------------------------
Pumasok si Megan at Rachelle sumunod ang magbabarkada
Ed: Paano na to? Konte lang an gating naipon?
Mariel: ok lang yan.
Renz: Ayun ate O, may bahay!
Shaira: Hali! 1.....2..........3............Simula na!
Kumanta ang magkakabarkada (pasko4x pasko nanaman muli.....)
Megan: Stooooop! Tigil! Anu ba? Ang pangit naman ng iyong boses!
Ed: Ako?
Megan: Oo, ikaw. Sino pa pala?
Ed: Eh bastos ka pala eh!
Malapit na suntukin ni Ed si Megan
Renz: Huwag po kuya! Tama na po. Tandaan mo ang tinuro sayo ni tiyo.
(May sound Flashback)
Huminahon si Ed
Ed: Sorry bata!
Megan: Bading ka ba? Magsuntukan na tayo!
Rachelle: Anak! Anung ginagawa mo?
Megan: Ma, pupulbusin po nila ako!
Rachelle: Anak, nakita ko ang iyong ginawa. Huwag na huwag kang magsisinungaling!
Megan: Opo.
Rachelle: Pasyensya na ha, mga bata. Ganyan lang talaga ang anak ko, palabiro.
Ed: Ang ganda naman pala ng biro niya!
Si Megan ay pupunta sa likuran ni Ed upang kunin ang paputok
Mariel: (binubulong: kuya!)
Shaira: Ang ibig po niyang sabihin ay, naiintindihan niya po ang anak mo.
Rachelle: O, ito, para sa inyo. Maligayang Pasko!
Megan: Ako po? Unfair! (galit na galit)
Magbabarkada: Maligayang pasko rin po. Salamat po!
Rachelle: Anak hali na.
Pumasok sa entablado ang pamilya ni Mon
Tumabi sa entablado sina Megan at Rachelle, Megan, Dumadabog.
Pumunta ang magkakabarkada sa kabilang bahay
Magkakabarkada: Mamamasko po!
Mikha: Get out! Wala kayong lugar dito.
Tara: Namamasko sila. Hindi sila makikitulog.
Mikha: Alam ko! Hwag mo nga ako pangunahan.
Tara: Alam kong hindi mo alam. 70 ka kasi sa card.
Mikha: Ah talaga lang ha? At least may abilidad!
Tara: Tinatawag mo ba akong tanga?
Mikha: Hindi. Tinatawag mo ba akong bobo?
Shaira: Pasensya na kung naistorbo namin kayo. Aalis na po kami.
Mikha: Dapat lang.
Tara: Huwag. Mikha!
Mariel: Ang pasko ay araw ng pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi dapat kayo ganyan sa
          isa’t-isa.
Mikha: Hmm!
Mariel: at hindi lamang sa pasko, sa araw-araw rin.
Tara: Tama ka nga. Patawad Mikha sa nagawa ko sa iyo.
Mikha: Hmm! Sige na nga. Patawad rin.
Nagyakapan ang magkapatid
Pumasok ang mag-asawa
Monica: Anong kaguluhan ito?
Frank: Hindi ito kaguluhan! Isa itong milagro!
Napatulala ang mag-asawa
Monica: Mikha, Tara, kayo ba talaga yan?
Tara and Mikha: Opo mama.
Monica: Totoo nga dad, sila nga!
Monica and Frank: HIMALA!!!!
Renz: Pwede na po ba kaming mamasko?
Frank: Oo, pwedeng, pwede na!
Monica: Joy to the world please.
(Kumakanta sila ng joy to the world, Masaya lahat)
Frank: Salamat ha. Ito oh.
Tara: Pa pwede ditto nalang po sila kumain? Ang rami po niyan, tiyak hindi natin mauubos.
Mikha: Pleeeaaasssseee?
Monica: Sige na hon.
Frank: Sige na nga.
Mon, Mikha, tara: YEHEEEY!!!
Frank: Halika na kayo mga bata.
Shaira: Pwede po bang isama naming si tiyo?
Monica: Oo naman, pero asan siya?
Renz: Itetext niya po!
Tinetext ni shaira ang tiyo
Pumunta sa entablado si tiyo
Carlo: Party party!
Magbabarkada: Tiyo!
Monica & Carlo: Ikaw?
Monica: Puwede bang bumili ng paputok?
Carlo: Wala akong dala eh. Pasyensya na.
Ed: Meron po akong dala. Baka po kasi may bibili pa eh..... Ha? Asan na iyon? Aha!
Pumunta si Ed kay Megan. Tinigil niya ito sa pagsindi ng paputok
Ed: Ikaw ha, akin to!
Tumakbo si Rachelle sa stage
Rachelle: Anak! Naku! Salamat ha? Kung hindi dahil sa’yo, wala nang pasko para sa amin.
Ed: Walang anuman po. Ingatan nyo po ang anak niyo.
Mikha: Desperas na ng Pasko!
Lahat: 3.....2......1.......Maligayang Pasko!!! Let’s party party!
Masaya ang lahat at kumain ng masagana
Tara: sayang naman, naputulan ng paa ang manok.
Shaira: sayang talaga dahil mawawalan sya ng breast! (patuloy kumain)
Nag-paputok
------------------------------------tilon-----------------------------------------------

You might also like