Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ST.

THOMAS AQUINAS SCHOOL OF LAWAAN MONTESSORI


Linao , Talisay City
Telefax No.: 272 – 4534
Name: _________________________________________Date: ______________________
Parent’s Signature: _____________________________Teacher: Mr.Egie C. Maceda

Unang Markahan
Araling Panlipunan 9
I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
na nakalaan sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


a. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal
na pagdedesisyon.
c. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na
kanyang kinakaharap.
d. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
2. Bakit kailangang magsagawa ng trade-off ang tao?
a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
b. Upang matugunan niya ang kanyang pangangailangan na magdudulot ng higit na
kasiyahan.
c. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
3. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa
lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit
4. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
c. Isaalang-alang ang trade off at opportunity cost
d. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala mithiin at tradisyon
5. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakrispisyong hindi bilhin ni
Kobe upang makabili ng mas murang damit at pabango?
a. Trade off
b. Opportunity Cost
c. Marginal thinking
d. Incentive
6. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing
pang-ekonomiya na:
a. lumilinang ng likas-yaman.
b. namamahagi ng pinagkukunang-yaman.
c. lumilikha ng mga produkto at serbisyo.
d. gumagamit ng mga produkto at serbisyo.
7. Ang mga sumusunod ay maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa
kagustuhan, MALIBAN sa isa:
a. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya.
b. Maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
c. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa lahat ng tao.
d. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang- yaman.
8. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng:
a. prodyuser b. konsyumer
c. pamahalaan d. pamilihan
9. Kailan maituturing na primaryang pangangailangan ang isang produkto o paglilingkod?
a. Kapag ito ay kailangan ng tao upang siya ay mabuhay
b. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito
c. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao
d. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na gawain
10. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksyon. Sa
ekonomiks, ang mga pangunahing salik ng produksiyon ay kinabibilangan ng:
a. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa
entreprenyur.
b. upa sa lupa, sahod sa manggagawa, imprastraktura at entrepreneurship.
c. interes, kita, sahod at lupa.
d. lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship.
ikaw ay kabilang sa isang pamayanang mayroong tradisyunal na sistema ng ekonomiya?

a. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ibang mga
gawain.
b. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay na pakinabang sa mga
pinagkukunang-yaman.
c. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa isang central planning agency.
d. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinapakialaman ng pamahalaan.
12. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa
pamamagitan ng:
a. pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
b. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
c. pag-aaral sa nakatatak sa etikita ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng
produkto.
d. palagiang pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang ng
biniling produkto.

INPUT PROSESO OUTPUT


lupa pagsasama-sama kalakal o serbisyo
paggawa ng materyales, na pangkonsumo
capital o puhunan paggawa, capital at kalakal o serbisyo
Entrprenyur entreprenyur na gamit

13. Ang ilustrasyon sa itaas ay tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik sa gagamitin dito.
b. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa
mga makinarya.
c. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa, lakas-
paggawa, kapital, at intreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
d. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo
upang makabuo ng input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan ng entreprenyur.
14. Grumadweyt si Faith Matthew sa kursong Bachelor of Arts in Psychology noong nakaraang
buwan. Bilang isang bagong miyembro ng lakas-paggawa, ninanais
niyang ma-employ sa isang white-collar job. Saan maaaring mag-apply si Faith
Matthew upang makamit niya ang inaasam na white-collar job?
a. Sa isang unibersidad sa kanilang lugar bilang guidance counselor
b. Sa negosyong talyer ng kanyang ama bilang mekaniko
c. Sa ibang bansa bilang isang welder kung saan malaki ang inaasahang sahod
d. Sa lungsod kung saan maunlad ang pamumuhay ng mga tao

15. Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang binubuo ng dalawa o higit pang
indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng
negosyo?
a. Sole Proprietorship b. Partnership
c. Korporasyon d. Kooperatiba

16. Ang PPF ay isang modelong nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman upang makalikha ng produkto. Ano ang kahulugan ng PPF?
a. Production Plan Frontier c. Production Possibilities Frontier
b. Production Preparedness Form d. Plan for the Production of Food

17. Layunin ng negosyanteng si Ginoong Michael Jordan Castro na mapamahalaan ang suliraning
posibleng idulot ng kakapusan sa kanyang negosyong pagawaan ng Mike na sapatos. Natukoy ng
kanyang supervisor na mahalagang suriin kung paano lilikhain ang mga sapatos, gaano karami at
kung para kanino lilkhain ang mga nasabing produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan
na maaaring isagawa ng negosyanteng si Michael Jordan upang mapamahalaan ang suliranin sa
kakapusan, MALIBAN sa isa.
a. Kailangan ang angkop na makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon.
b. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay-proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad sa paglikha ng
produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
d. Pagbili ng mga hilaw na kagamitan mula sa ibang bansa.
18. Pagkauwi galing sa paaralan, mas pinili ni Gregzilla Slaughterhouse na magbasa ng kanyang
aklat sa Ekonomiks kaysa sa makipaglaro ng basketball sa kanyang mga barkada. Ano ang
isinagawa ni Gregzilla?
a. Trade off b. Opportunity Cost
c. Marginal thinking d. Incentive

19. Bumili si Eunes Alyzza ng mga rekado para sa pagluluto ng spaghetti at maja blanca dahil
kaarawan ng kanyang ina at nais niyang ipaghanda ito ng masarap na pagkain. Anong salik ang
nakaimpluwensiya sa desisyon niyang bumili at komunsumo ng mga nasabing produkto?
a. Mga inaasahan b. Kita
c. Demonstration Effect d. Pagkakautang

______21.Anong pamantayan sa pamimili ang ipinapahiwatig ng mga larawan sa ibaba?


a. hindi nagpapadaya b. mapanuri
c. may alternatibo d. hindi nagpapanic-buying

______22. Matapos maglaba, ginamit ni Dwyane Wade Salaksak ang pinagbanlawang tubig upang linisin ang
kanilang palikuran. Dahil dito, masasabi natin na si Dwyane Wade ay mapanagutan sa kanyang papgkonsumo
dahil siya ay mayroong:
a. pagmamalasakit sa lipunan.
b. mapanuring kamalayan.
c. kamalayan sa kapaligiran.
d. kaalaman sa pagkilos.

24. Bumili si Ela Veronica Nicole ng tatlong kilo ng bangus sa Pamilihang Lungsod ng San
Bernardino del Ruschel matapos niyang magsimba. Pagdating sa bahay, natuklasan niyang kulang ng ¼ kilo
ang timbang ng kanyang pinamiling bangus. Saang ahensiya ng lokal na pamahalaan siya maaaring dumulog at
maghain ng reklamo?

a. ERC b. PDEA c. BFAD d. City Treasurer’s Office

25. Tuwing araw ng Miyerkules ay binibigyan si LeBron James Dimagmintis ng baon na Php70.00
ng kanyang tatay. Upang maipamahagi nang wasto ang kanyang baon, ang sumusunod na talaan ang kanyang
binibigyang-prayoridad upang tugunan ang mga pangangailangan niya sa pagpasok sa paaralan:

 Php 18.00 – pamasahe


 Php 7.00 – SNJ
 Php 20.00 – pagkain sa tanghali
 Php 10.00 – kagamitan para sa mga Gawain/Activities
 Php 15.00 – pagkain sa recess

Anong mekanismong may kaugnayan sa pagdedesisyong pang-ekonomiko ang isinasagawa ni LeBron?

a. Alokasyon b. Trade off c. Opportunity Cost d. Produksiyon

II. TAMA O MALI

Panuto: Iguhit sa patlang na nakalaan ang ☺ kung ang isinassaad ng pangungusap ay wasto at ☹ kung ito ay di-wasto.
26. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat pinag-aaralan dito kung paano
matutugunan ng tao ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan.
27. Mahalaga ang konsepto ng trade off sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ng tao ang mga
alternatibo tungo sa kanyang pagbuo ng pinakamainam na pasya.
28. Sa ilalim ng command economy, pinapayagan ang pagkakaroon ng pribadong kapital upang
maitaguyod ang isang masiglang kompetisyon sa pamilihan.
29. Si Adam Smith ang itinuturing na Ama ng Modernong Ekonomiks.
30. Sa isang pinaghalong ekonomiya o mixed economy, ginagabayan ng pamahalaan ang mga gawaing
pangkabuhayan upang maprotektahan ang mga mamimili.
31. Mahalaga ang mekanismo ng alokasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay natutugunan ng
pamayanan ang suliranin ng kakapusan.
32. Ang partnership ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
33. Sole trader ang tawag sa taong solong nagmamay-ari ng lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo.
34. Ang pangunahing layunin ng negosyo ay kumita o tumubo.
35. Sa ilalim ng traditional economy, ang presyo ng bilihin ang nagsisilbing ugnayan ng mamimili at
nagtitinda.

You might also like