Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I. Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.


a. dagli b. alamat c. epiko d. mitolohiya
2. Mga kwentong hango sa bibliya at umaakay sa tuwid na landas.
a. dagli b. parabula c. nobela d. elehiya
3. Siya ang hari ng mga diyos at asawa ni Juno.
a. Zeus b. Poseidon c. Ares d. Venus
4. Siya ang hari ng karagatan.
a. Juno b. Poseidon c. Ares d. Venus
5. Siya ang reyna ng mga diyos.
a. Juno b. Poseidon c. Ares d. Venus
6. Siya ang diyosa ng kagandahan.
a. Juno b. Poseidon c. Ares d. Venus
7. Siya ang diyos ng digmaan.
a. Juno b. Poseidon c. Ares d. Venus
8. Anak ng hari na labis ang kagandahan at sinasabing makakapangasawa ng isang halimaw.
a. Psyche b. Cupid c. Venus d. Apollo
9. Siya ang diyos ng propesiya at liwanag.
a. Psyche b. Cupid c. Venus d. Apollo
10. Diyos na may kakayahang paibigin ang isang nilalang kung kanino niya gugustuhin at siya rin ay
umibig sa isang mortal.
a. Psyche b. Cupid c. Venus d. Apollo
11. Elemento ng parabula na tumutukoy sa oras, panahon at lugar na pinangyarihan ng kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
12. Elemento ng parabula na tumutukoy sa mahahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang
kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
13. Elemento ng parabula na tumutukoy sa sunod-sunod na pangyayaring naganap sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
14. Elemento ng parabula na tumutukoy sa karakter na gumaganap sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
15. Akdang pampanitikan na hayop ang karakter.
a. dagli b. parabula c. nobela d. pabula

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat
bilang at isulat kung anong Pokus ng Pandiwa ang ginamit.
A. Aktor B. Layon C. Tagatanggap D. Kagamitan

1. Niregaluhan ni Dindo si ama ng mamahaling relo.


2. Ipinaglaban ni Arnold ang pag-ibig nya kay Nora.
3. Inupuan niya ang sirang bangko.
4. Tumakbo ng matulin si Carlo.
5. Ipinantali niya sa kanyang buhok ang malaking laso.
6. Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat
7. Iniuwi namin ang pagkaing natira.
8. Ibinili ko ang nanay ng pasalubong.
9. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa parke.
10. Itago mo ang aking singsing.
11. Ibinili ni Aling Rosa ng mamahaling relo ang kanyang kaisa-isang anak.
12. Ipinambungkal niya ng lupa ang asarol sa kanilang hardin.
13. Umakyat sa puno ang pusa upang magtago sa mabagsik na aso.
14. Naglinis ng bakuran si Aling Lhea bilang pagtugon sa proyekto ng kanilang baranggay.
15. Ikinalungkot ng mga tao ang pagpanaw ni Miriam Defensor Santiago.

You might also like