Dedikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dedikasyon

Buong puso kong inaalay ang proyektong ito sa mga taong sumuporta sa aking sa
paglikha ng proyektong ito.Aking inaalay ang proyektong ito una sa Diyos na Maykapal sa
pagbibigay buhay, lakas at kakayahan upang matapos ang proyektong ito. Sa mga kapwa ko
mag-aaral, ang proyektong ito ay inaalay ko sa inyo nawa’y makatulong sa inyong pag-aaral. At
pagpapalawig ng inyong kaalaman. Sa aking mga kaibigan na nagpapasaya at sa mga
pagtitiwala nila sa Ate Micay nila, hindi ko na kayo kailangan isa-isahin dahil alam ko na sa oras
na mabasa niyo ang proyektong ito ay alam niyong kay ang tinutukoy ko.Nais ko din iaalay ang
librong ito sa aking anak at asawa na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa akin. Una sa aking
asawa na naniniwala na kaya ko at sumusuporta sa pangarap ko. At sa anak ko, Mat para sa iyo
ang proyektong ito bawat pagsisikap at pagpapagod ko ay para sa iyo aking anak. At higit sa
lahat, nais kong magpasalamat sa aking mga magulang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa akin ng
maayos. Sa pagbibigay sa akin ng aking pangangailangan at nagtataguyod sa akin upang
marating ko ang aking kinalalagyan ngayon. Sa pagtitiwala muli sa akin, sa bawat suportang
pinansyal at emosyonal. Sa pagtanggap sa akin ng paulit-ulit. Nais ko ding maghandog ng
maraming pagpapasalamat sa aming guro sa Panimulang Linggwistika na si Ginoong Raymond
Salas na may galing ng isang henyo, patuloy niya kaming hinihikayat na gawin ang bagay na
alam niyang makakatulong sa amin sa pagdating ng panahon. Patuloy niya kameng tinuturuan at
ginagabayan sa kabila ng hamon na ating kinakaharap.

Masasabi kong di ko mabububo ang proyekto na ito kung hindi dahil sa mga taong aking
nabanggit. Kung walang nagsilbing inspirasyon ko at nagbigay ng suporta sa akin ay maaring
magawa ko nga ito ngunit hindi kasing ganda ng nilalaman nito.

Inihahandog ko ang proyekto na ito sa kanila.

You might also like