Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FERVENT ACADEMY INC.

Baas , Pagsabungan ,Mandaue City


MIDTERM EXAMINATION (2nd SEM.)
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PANGALAN: _____________________________________________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang lahat ng katanungan bago isulat ang sagot.
Isulat ang iyong sagot ng malinaw at walang bura sa sagutang papel. Anumang anyo ng pagbura ay
maituturing na maling sagot. Panatilihing malinis ang papel na ito.

I. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1.Ito ay paglalarawan sa pagbasa na ang ibig sabihin ay ginagamit ang pag-iisip upang
makaalam at makaunawa ng bagong impormasyon.
a. kognitibo b. metakognitibo c. kasanayan d. kaalaman
2. Ito ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa tekstong
nakalimbag o wikang binibigkas.
a. pagsulat b. panonood c. pagsalita d. pagsulat
3. Ano ang tawag sa maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan ng mga
salita , pagbuo ng mga tanong sa isipan ng mambabasa , at pagbabalangkas ng mga pangyayari
sa teksto.
a. pag-aanalisa b. anotasyon c. pahiwatig d. paghihinuha
4. Tumutukoy ito sa isang kakayahan na kailangang paunlarin.
a. kaalaman b. kasanayan c. pagbasa d. decoding
5. Tungkol ito sap ag-unawa sa nilalaman , at dahil dito ay nabibigyan natin ng kahulugan ang
salita sapagkat may nauuna na tayong kaalaman tungkol dito.
a. sight word b. language comprehension c. decoding d. visualization
6. Ano ang kailangan sa paggamit ng iskema?
a. sariling dahilan b. sariling kakayahan
c. sariling pagbabago d. sariling kaalaman o karanasan
7. Ano ang iskemang pagbasa?
a. paggamit ng kaalaman b. paggamit ng imahen
b. paggamit ng kahulugan d. paggamit ng pag-unawa
8. Ito ay isang paraan ng decoding na ginagawa sa pamamagitan ng paglilista ng mga tanong
tungkol sa babasahing teksto.
a. graphic organizer b. guided reading c. summarizing d. sight word
9. Kung ang bottom-up ay isang text-based approach , ano naman ang top-down approach?
a. interactive approach b. basic approach
c. reading approach d. reader-based approach
10. Ano ang ugnayan ng mambabasa at teksto?
a. kognitibong pagbasa b. istematikong pagbasa
c. interaktibong pagbasa d. istematikong pagbasa
11. Ano ang pagkakaiba ng prosesong bottom-up at top-down?
a. Ang bottom-up ay pagsusuri ng teksto, samantalang ang top-down ay pagsusuri ng
komprehensiyon.
b. Ang bottom-up ay pag-unawa na nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa,
samantalang ang top-down ay pag-unawang nagmumula sa dati nang kaalaman patungo sa
teksto.
c. Ang bottom-up ay pag-unawa matapos masuri ang impormasyon, samantalang ang
top-down ay pag-unawa ng kaalaman ng mambabasa.
d. Ang bottom-up ay pag-alam sa kaalaman, samantalang ang top-down ay pag-alam sa
karanasan.
12. Ang modelong ito ng pagbabasa ay ang mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
mula sa sariling pag-unawa sa mga nabasang salita at pangungusap.
a. modelong bottom-up b. modelong kognitibo
c. modelong top-down d. wala sa mga nabanggit
13.Ito ay ang pagbubuod ng teksto.
a. summarizing b. kongklusyon c. visiualizaton d. sight word
14. Ano ang tawag sa pag-unawa sa wika?
a. decoding b. iskemata c. kasanayan d. language comprehension
15. Ano ang tawag sa pagpapakahulugan , pagbuo ng katanungan , pagbibigay ng hinuha , at
pagbuo ng kaisipan sa binasa?
a. suring-basa b. proseso ng pagbasa
c. metakognitibong pagbasa d. kognitibong pagbasa
16. Ano ang maaaring gamitin para maunawaan ang teksto habang nagbabasa?
a. pagsusuri b. c at d c. pag-aanalisa d. anotasyon
17. Sa yugtong ito ng pagbasa ay kailangan nating gumawa ng hinuha o palagay tungkol sa
tekstong babasahin.
a. habang nagbabasa b. bago magbasa
c. pagkatapos magbasa d. wala sa mga nabanggit
18. Paano masasabing ang impormasyon ay tuwiran sa tekstong impormatibo?
a. kung ang detalye ay mula sa hindi tuwirang nakasaksi
b. kung ang impormasyon ay hango sa opinion
c. kung ang detalye ay batay sa kaalaman ng pinagpasahan
d. kung ang impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan
19. Ito ay pormal na paglalahad sa publiko tungkol sa isang katunayan , intensyon , Gawain , o
pangyayaring dapat malaman ng mga tao.
a. memorandum b. anunsiyo c. patalastas d. balita
20. Ano ang tawag sa tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa
isang tao, bagay, lugar, o pangyayari?
a. impormatibo b. deskriptibo c. naratibo d. pasalaysay
21. Alin ang mga halimbawa ng tekstong impormatibo?
a. patalastas b. anunsiyo c. balita d. a, b, at c
22. Ano ang tawag sa pahiwatig, salita, o pariralang nakatutulong upang maunawaan ang
kahulugan ng isang di-pamilyar na salita sa pangungusap o talata?
a.cohesive device b. talinghaga c. context clue d. anaphora
23. Maliban sa context clues at paggamit ng diksiyonaryo, ano pa ang isang paraan ng pagkuha
ng kahulugan ng di-pamilyar na salita?
a. pagtukoy sa posisyon ng salita sa pangungusap
b. pag-alam sa kasalungat na kahulugan ng salita
c. pagsusuri sa ayos ng salita
d. paggamit ng cohesive devices
24. Ano ang tawag sa salitang hindi kaagad nauunawaan ang kahulugan?
a. di-pamilyar b. pamilyar c. kasingkahulugan d. kasalungat
25. Ito ay isang aklat na naglalaman , hindi lamang ng mga kahulugan ng salita , kung hindi ng
tamang bigkas nito , kung anong bahagi ng pananalita ito , kung paano ito gagamitin sa
pangungusap , at maaari pa ngang ang mga kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng
salita.
a. ensayklopidya b. diksiyonaryo c. almanak d. atlas
26. Ano ang deskriptibong impresyonistiko?
a. naglalarawan sa pamamagitan ng detalyadong pamamaraan
b. naglalarawan sa pamamagitan ng pagkuha ng opinyon ng iba
c. naglalarawan sa pamamagitan ng paghahambing sa karanasan ng iba
d. naglalarawan ayon sa personal na pananaw o saloobin
27. Ano ang tekstong deskriptibo?
a. nangangatwiran ng isang paninindigan ng isang paksa
b. nagpapaliwanag ng isang paksa
c. naglalahad ng pangyayari
d. naglalarawan sa katangian ng isang paksa
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang tekstong deskriptibo?
a. travel guide b. album review c. a, b, at d d. restaurant guide
29. Ano ang deskriptibong teknikal?
a. naglalarawan sa pamamagitan ng detalyadong pamamaraan
b. naglalarawan ayon sa personal na pananaw o saloobin
c. naglalarawan sa pamamagitan ng pagkuha ng opinyon ng ibang tao
d. naglalarawan sa pamamagitan ng paghahambing sa karanasan ng ibang tao
30. Ano ang pagkakaiba ng karaniwan at masining na paglalarawan?
a. Ang karaniwang paglalarawan ay gumagamit ng kumbensyon ng paglalarawan,
samantalang ang masining na paglalarawan ay gumagamit ng matalinhagang pananalita.
b. Ang karaniwang paglalarawan ay pisikal ang batayan, samantalang imahinasyon at
emosyon ng manunulat ang pinagbabatayan ng masining na paglalarawan.
c. Ang karaniwang paglalarawan ay tinutukoy ang ilang bahagi, samantalang ang
masining na paglalarawan ay tinutukoy ang lahat ng bahagi ng paksa.
d. Ang karaniwang paglalarawan ay kumbensyonal, samantalang kakaiba ang
paglalarawang masining.
31. Sino ang naglahad na may tatlong paraan para makahikayat?
a. Dante b. Aristotle c. Socrates d. Plato
32. Ano ang tekstong persuweysib?
a. nang-uusig ng pananaw ng mambabasa
b. tumatalakay ng mga posisyon sa isang paksa
c. nanghihikayat na maniwala sa posisyong inilalahad
d. naglalarawan ng isang bagay
33. Ano ang pamamaraang ginagamit ng ethos upang makapanghikayat?
a. bagay b. lohikal c. emosyon d. personalidad
34. Katangian ng tekstong persuweysib na may lohikal na kaayusan ang mga punto.
a. organisado b. simple
c. malinaw d. gumagamit ng mga salitang nakapanghahalina
35. Ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamimili na tangkilikin ang kanilang iniendorsong
produkto o serbisyo.
a. article b. balita c. patalastas d. talumpati
36. Ang paraang ito ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pag-apila sa damdamin o
emosyon ng mga tao.
a. ethos b. logos c. pathos d. lahat ng nabanggit
37. Alin ang mga elementong taglay ng tekstong naratibo?
a. paksa b. banghay c. tauhan d. lahat ng nabanggit
38. Naglalahad ito ng kuwento tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari na pawang
kathang-isip lamang o bunga ng mayamang imahinasyon.
a. Makatotohanan b. Hindi Makatotohanan
c. Tekstong Naratibo d.Tekstong Persuweysib
39.Ano ang tawag sa tekstong nagsasalaysay tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari?
a.deskriptibo b. naratibo c. impormatibo d. argumentatibo
40.Paano maipakikitang walang pinapanigan ang isang tekstong argumentatibo?
a. paggamit nito ng malalalim na salita b. pagtalakay nito ng maseselang paksa
c. pag-iwas sa personal na pagtuligsa d. pag-iwas nito sa pagtalakay sa maselang paksa
41. Ano ang nilalaman ng tekstong argumentatibo?
a. opinyon ng manunulat b. karanasan ng manunulat
c. imahinasyon ng manunulat d. kasaysayan ng manunulat
42. Ano ang mga dapat isama sa tekstong argumentatibo?
a. makatotohanang batayan b. magandang simbolismo
c. mahusay na pahiwatig d. matingkad na talinghaga
43. Ano ang tawag sa bagay o pangyayari na nais isagawa sa tekstong prosidyural?
a. kakailanganing bagay b. matatapos na Gawain
c. mabubuong produkto d. kalalabasan ng proseso
44. Bakit kailangang simple ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng tekstong prosidyural?
a. upang makapagbigay ng konklusyon b. para maging sunod-sunod ang hakbang
c. upang madaling maintindihan ng mambabasa d. para makapagbigay ng pamagat

45. Ano ang tawag sa pangatlong bahagi ng isang tekstong prosidyural?


a. konklusyon b. mga hakbang sa paggawa
c.mga sangkap d. pamagat
46. Ano ang teksto na naglalahad ng proseso o pamamaraan upang maisagawa ang isang
gawain? a.naratibo b. deskriptibo c. ekspositori d. prosidyural
47. Ito ay listahan ng mga kakailanganin para sa gagawing proseso.
a. pamagat b. konklusyon c. sangkap o kagamitan d. hakbang
48.Tumutukoy sa emosyong nalilikha sa isip ng mambabasa habang at pagkatapos niyang
basahin ang akda.
a. tono b.damdamin c. layunin d. pananaw ng teksto
49. Bakit tinawag na subhetibo ang pagtukoy ng damdamin sa isang binasang teksto?
a. dahil ito’y pansarili lamang b. dahil ito’y pangkalahatan
c. dahil ito’y nagbibigay tuwa d. dahil ito’y may tono
50. Ano ang akademikong pagbasa?
a. pagtukoy sa layunin ng teksto b. kasanayan at pagpapahalaga sa teksto
c. kritikal na pag-alam sa kahulugan ng teksto d.paraan ng pagbabasa sa paaralan
51. Ano ang mga pangunahing kasanayang nakatutulong sa akademikong pagbasa?
a. pag-unawa sa layunin b. pagtukoy sa tono at damdamin
c. pagtukoy sa pananaw d. a,b,at c
52. Anong hulwaran ang pinakaangkop gamitin kung ilalahad ng teksto ang dahilan ng isang
pangyayari at ang epekto nito?
a. pagbibigay ng depinisyon o kahulugan b. paglalahad ng sanhi at bunga
c. pagbibigay ng klasipikasyon d. paghahambing
53. Ano ang tawag sa paraan ng pagkakaayos ng mga ideyang isinulat sa akda?
a. layunin b. datos c. hulwaran d. suliranin
54. Katangian ng isang lagom at konklusyon na kapag nabasa mo na ang buong akda ay aayon
ka sa nilalaman nito.

a. Nakatatayong mag-isa o madaling maunawaan b. Tapat sa kaisipang ng teksto


c. malinaw d. maikli
55. Ano ang pinakasimpleng paraan ng paglalahad ng pangunahing ideya ng isang akda?
a. lagom b. konklusyon c. kahulugan d. paksa
56. Ano ang tawag sa pinagsamang lagom at pagbibigay-diin sa mga pangunahing ideya ng
teksto?
a. buod b. konklusyon c. paksa d. kahulugan
57. Anong kasanayan ang kailangan upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang mga
grapikong pantulong?
a. pagkilala ng mga batis o sources b. pagsagawa ng akademikong pagbasa
c. pagtukoy sa uri ng grapiko d. pag-unawa ng datos
58. Ito’y nagpapakita ng mga numero sa loob ng isang table o tabular na anyo.
a. grapikong pantulong b. grap c. dayagram d. talahanayan
59. Ano ang unang paraan upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang mga grapikong
pantulong?
a. Tukuyin ang layunin ng teksto.
b. Tuklasin kung para saan ang grapikong pantulong
c. Pag-aralan ang pamagat ng grapikong pantulong.
d. Alamin ang kahulugan ng mga simbolo.
60. Ito ay naglalayong magpakita ng estruktura ng isang sistema.
a. talahanayan b. dayagram c. tsart d. grap
II. A.Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang A kung ang pangungusap ay gumamit ng
panandang anaporik at K naman kung ito ay gumamit ng panandang Kataporik.
____1. Pupunta si Sonny ng Bulacan dahil bibisitahin niya ang isang kaibigan.
____2. Siya ay mamamasahe lamang dahil alam ni Sonny na maulan at maaaring bumaha.
____3. Sasama ang mga kaibigan ni Sonny dahil gusto rin nilang bisitahin ang kaibigan.
____4. Aalis sila ng Sabado dahil ito ang araw na walang pasok sa trabaho ang magkakaibigan.

____5. Matutulog ang magkakaibigan sa Bulacan upang masulit ang panahong sila ay
magkakasama.
____6. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban
ang kanilang karapan. Sila ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
____7. Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok na
kontento sila at nasisiyahan sa seminar.
____8. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Marc sa loob ng silid
kanina.
____9. Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
____10. Nakapili na ng damit na bibilhin si Trixie ngunit nakita niyang kulang ang perang dala
niya.
B. Tukuyin kung Anapora o Katapora ang sumusunod na pahayag. Kung anapora ay gawin
itong katapora; kung katapora naman ay gawin itong anapora.
____1. May 280 characters na ang Twitter, hindi kagaya noon na ito ay may 140 lamang.

____2. Ang Alzheimer ay karaniwang sakit na dumarating sa ibang matatanda na may edad na
70 pataas. Mahirap ang kalagayan ng isang matandang may ganitong sakit.

____3. Ang bansang ito ay itinuturing na pinakamaliit na bansa na may pinakamaliit ding
populasyon, ang Vatican City.

____4. Ang Pilipinas ay tinaguriang perlas ng silangan. Angkop sa kagandahang taglay nito.

____5. Ang tindi ng sikat ng araw ay patindi nang patindi sa bawat taon. Kaya naman sa bawat
pagsapit ng tag-init ay iniiwasan ito ng marami dahil sa hatid na mga problema sa balat.

You might also like