Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Magagawa kong…

magamit nang wasto ang mga


pahayag sa pagbibigay ng mga
patunay
Mga Pang-ugnay na
Ginagamit sa
Pagbibigay ng Patunay
1. “Sa katunayan”
ginagamit sa paglalahad ng
mahahalagang impormasyong
nakalap upang mapatunayan
ang mga pahayag na inilatag.
Halimbawa:

Sa katunayan, marami nang


pag-uusap ang ginawa upang
malutas ang problema ng
kapayapaan sa Mindanao.
2. “Ayon kay/ ayon sa”
pagpapatunay na ginagamit
sa pamamagitan ng pagtukoy
ng mga pangalan ng mga
dalubhasang tao na nagsabi ng
pahayag.
Halimbawa:

Ayon kay Pangulong Aquino,


kikilos ang pamahalaan upang
magkaroon ng pangmatagalang
kapayapaan sa Mindanao.
3. “Ang totoo/ sa totoo“
ginagamit ito bilang
pagpapatunay sa ipinahahayag
na paniniwala upang mahikayat
ang nakikinig o kausap.
Halimbawa:

Sa totoo lang, dapat lahat tayo


ay tumulong upang matapos na
ang kaguluhan sa Mindanao.
Sanggunian:

Aklat
1. Marina Gonzaga-Merida et al.
Bulwagan 7, Kamalayan sa Gramatika at
Panitikan 2006, Abiva Publishing House,
Inc.

You might also like