Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
Cabid-an, Sorsogon City

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7


Pangalan: _______________________ Antas/Seksyon: ______ Q:3 - Lesson 6b

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

* Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng


pamumuhay (AP7TKA-IIIg- 1.21 )

1. Nailalarawan ang paniniwalang panrelihiyon sa Timog at Kanlurang Asya.


2. Naibibigay ang epekto ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay

ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.

3. Nabibigyang halaga ang mga impluwensiya ng relihiyon sa iba’t-ibang

aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya.

II. Pangkalahatang Ideya


Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay

pagbubuklod at pagbabalik-loob. Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon

sa mundo ay nagmula sa Asya, dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng

relihiyon sa daigdig.

III. Mga Gawain:

MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA


HINDUISMO – ang mga Aryan ang nagtatag ng pundasyon nito at ito ay nakatuon

sa buhay sa daigdig. Sumasamba sila sa kalikasan. Sumasamba sila sa buwan,

bundok, ilog, at iba pa. Ang paniniwala o pagsamba sa mga pwersa ng kalikasn ay

tinatawag na Paganismo. Naniniwala ang mga tagasunod ng Hindusimo sa

reinkarnasyon o ang siklo ng kapanganakan at kamatayan. Kapag namatay,

1
pinaniniwalaan na ang kaluluwa niya ay muling mabubuhay sa mataas o mababang

kalagayan sa lipunan batay sa karma.

TATLONG PANGUNAHING DIYOS NG MGA HINDU - Brahma (Tagapaglikha);

Vishnu (Tagapangalaga); Shiva(Tagamasid)

* Bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na nahahati sa sumusunod na

pagpapangkat :Brahmin – binubuo ng mga pari, dalubhasa, at iskolar; Kshatriya –

pinuno, mga mandirigma at mga may kaya; Vaisha – mga magsasaka, artisano,

mangangalakal; Sudra – mga aliping mangagawa

* Sa labas ng sistemang Caste ay mga “Untouchables” o OUTCASTE. Sila ang

nagtatrabaho ng iba pang maruruming gawain.

BUDISMO - ipinangalan kay Siddharta Gautama Buddha, anak ng mayamang Raja

ng kaharian ng Kapilavastu, Nepal. Sa gitna ng karangyaan, patuloy na naghahanap

ng katiwasayan ng isip at kaluluwa si Siddharta. Iniwanan ni Siddharta ang kanyang

pamilya at palasyo upang maglagalag at mamuhay bilang asetiko. Sa pamamagitan

ng meditasyon ng 49 na araw, natamo niya ang kaliwanagan o “enlightenment”

habang naka upo sa ilalim ng puno ng Bodhi. Kung kaya’t tinawag siyang Buddha na

ibig sabihin ay “the enlightened one”. Matapos makamtan ang kaliwanagan, ikinalat

ni Buddha ang kanyang mga aral at doktrina.

Ang buod ng doktrina ng Budismo ay ang apat na katotohanan o Four

Noble Truths at ang walong landas o Eightfold Paths.

Four Noble Truths:

1. Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay

2. Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan, at

patuloy na pamumuhay

3. Maaalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa

4. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas


2
Eight Fold Paths

1. Tamang pag-iisip 5. Tamang pagkilos

2. Tamang pananaw 6. Tamang hanapbuhay

3. Tamang intension 7. Tamang pagka-unawa

4. Tamang pananalita 8. Tamang konsentrasyon

Sa kalaunan, nahati ang Budismo sa:

1. Mahayana – si Buddha ay itinataas bilang diyos na tagapagligtas mula sa

isang guro. Lumaganap ang Mahayana Buddhism sa Silangang Asya (China,

Korea, at Japan) at sa Vietnam sa Timog Silangang Asya

2. Theraada o Hinayana –nanatili si Buddha bilang isang guro at banal na tao.

Ito ang Budismo sa Sri Lanka at sa bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng

Myanmar, Thailand, Laos at Cambodia

JAINISM – itinatag ni Verdhamana na kilala sa tawag na Mahavira. Sila ay

naniniwala sa reinkarnasyon at karma. Sila ay naniniwala na lahat ng buhay sa

daigdig ay sagrado at bawal ang pagkain ng karne, bawal ang paggamit ng dahas,

pagkilos sa mapayapang paraan at bawal ang pananakit sa anumang may buhay.

Tinawag itong AHIMSA o kawalan ng karahasan.

SIKHISMO – itinatag ni Guru Nanak . Ang pangunahing nais ng tao ay sirain ang

siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos na magagawa sa

pagsunod sa Guru, meditasyon at serbisyo.Naniniwala din ang Sikh na ang diyos ay

hindi maaaring magkatawang tao. Ang mga nananampalataya sa Sikhism ay

matatagpuan sa India, Pakistan, at sa ibat-ibang parte ng daigdig.

MGA RELIHIYON SA KANLURANG ASYA

JUDAISMO – relihiyon ng mga Jew o Israelite. Isang monotiskong relihiyon na ang

ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at Tagapaglikha, si Yahweh. Ang mga

3
nais ni Yahweh ay nakasaad sa Torah, ang pinaka sentro ng pag-aaral ng Judaismo.

Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng 5 aklat ni Moses

sa lumang tipan o old testament: 1. Genesis; 2. Exodus; 3. Leveticus;

4. Numbers ; 5. Deuteronomy

Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina:

1. Abraham 3. Jacob

2. Isaac 4. Moses – pinakadakilang pinuno

Sa ngayon, ang mga Jew ay hindi naniniwala na si Hesukristo ang

Messiah o tagapagligtas.

KRISTIYANISMO – nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesukristo ng Nazareno. Ito

ay nagsimula sa relihiyong Judaism Ang kanyang mga tagasunod ay naniniwala na

si Hesus ang tagapagligtas na pinadala upang matupad ang pangako ng Diyos sa

sanlibutan. Bibliya ang itinuring na banal na aklat at ang mga aral ay nakabatay sa

sampung utos at sa paniniwala na mayroong langit at impyerno.

ISLAM – isang katagang Arabik na hango sa salitang ugat na “salam” na

nangangahulugang “kapayapaan”. Ito ay nangangahulugan, din ng pagsunod,

pagsuko, at pagtalima sa kalooban ng tunay na diyos (Allah). Itinatag ni Muhammad

na pinaniniwalaang huling propeta ni Allah. Ang ibig sabihin ng Islam ay’

kapayapaan ‘ o ‘pagsuko’, Islam ang nadarama ng isang tao kapag isinuko niya ang

lahat sa maykapal na tinatawag na Allah. Para sa mga Muslim, Kor’an ang banal na

aklat ang gabay sa pang araw araw na buhay.

“ 5 Pillars of Islam”

1. Shahadah (pananalig) 4. Saum (pag-aayuno)

2. Salah (panalangin) 5. Hajj (paglalakbay sa Mecca)

4
3. Zakat (paglimos o pagtulong sa kapwa)

ZOROASTRIANISMO - itinatag ito ni Zarathustra na kung tawagin ay Zoroaster o

Zarathoshta. Sinasabing may 2 Diyos ang Zoroastianism dahil sa may labanan ng

dalawang pwersa sa daigdig: ito ang mabuting isip at masamang isip. Sa

zoroastrianismo, ang manlilikhang si Ahura Mazda (wise lord) ay buong mabuti at

walang kasamaan na nagmula sa kanya. Kabilang sa aral nito ang tatlong luping

daan: Good Thought, Good Deeds, Good Words.

Pagsasanay 1

Panuto: Hanapin sa chart ang mga salitang may kinalaman sa relihiyon at kultura sa

Timog at Kanlurang Asya. Bilugan ang mga salita.

S O R P A H I N D U
R E L I H I Y O N K
R O O P K A N W A A
S D H M A E R T O R
U F E M O S E S T M
T M D H A M Z E B A
T B U R K A X S E N
E F G E O H I M L O
E C R E M A T I O N
R S E A L L A H J D
Pagsasanay 2

Panuto: Punan ang Data Retrieval Chart ng hinihinging konsepto.

BANSA/ EPEKTO/ IMPLUWENSIYA PINANINIWALAANG DULOT


NG RELIHIYON SA BUHAY NG RELIHIYON
REHIYON

5
IV. Repleksiyon: Panuto: Dugtungan ang sumusunod na linya.

“Ang batas ng Diyos at ang batas ng tao ay alam natin na dapat sundin o
tuparin. Kapag ito ay ating sinuway, may karampatang parusa na
naghihintay”

Para sa akin ang mensahe nito ay ____________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

IV. Rubrik sa Paggawa ng Data Retrival Chart

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kulang sa Total


Kasanayan
5 4 3 2 1

Naipahayag ang detalye ng


natutunan sa paksa
Mahusay ang pagkakagawa
ng Output
Nasunod ng tama ang
hinihingi sa panuto
V.Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1
1. Moses 2. Allah 3.Relihiyon 4. Karma 5. Hindu
Pagsasanay 2 Data Retrieval Chart (Maaaring sagot)

EPEKTO/ PINANINIWALAANG DULOT NG


BANSA RELIHIYON IMPLUWENSIYA RELIHIYON
NG RELIHIYON SA
BUHAY
India Hinduismo paniniwala ay Kapag namatay, pinaniniwalaan na ang
nakatuon sa buhay kaluluwa niya ay muling mabubuhay sa
sa daigdig mataas o mababang kalagayan sa lipunan
batay sa karma
VI. Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 271-272
Proto-type DLP, AP7 Q3 Aralin 20
https://www.slideshare.net/KenStudious/grade-7-4th-quarter-ang-asya-sa-sinaunang-
panahon-mga-relihiyon-sa-timog-at-kanlurang-asya
https://www.gotquestions.org/Tagalog/Kristiyano-meditasyon.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Karma
https://tl.wiktionary.org/wiki/guro
https://www.coursehero.com/file/44229317/MGA-RELIHIYON-SA-ASYAdocx/s
Inihanda ni: MANETTE F. ALAURIN (Gatbo National High School)
Bacon District, Sorsogon City

You might also like