Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Anyong tubig

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng
isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig;
ang mga ilog, sapa, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig
mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinuturing ding anyong tubig.

I log Gambia na dumadaloy sa Niokolokoba National Park


Ang Puerto ng Jackson sa Sydney, Australia na napapaligiran ng anyong tubig

Mga uri

karagatan

Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.

Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano,
Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.
dagat

Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng
dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Luzon, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat
Mindanao. Sa ibayong-dagat, ilan sa mga dagat ay Dagat Timog Tsina, Dagat Dilaw, Dagat Bering, Dagat
Mediteraneo, Dagat Karibe, Dagat Itim, at Dagat Pula.
I log

Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na
sapa o itaas ng bundok o burol.

Kabilang sa mga ilog sa Pilipinas ang I log Agusan, I log Marikina, at I log Agno. Sa ibang bansa naman ang I log
Yangtze, I log Ganges, I log Nilo, I log Mississippi, at I log Amazon.
Sangang-ilog

Ang sangang-ilog (tributary) ay isang batis o ilog na dumadaloy sa pangunahing tangkay (o magulang) na ilog o
lawa.

Isang halimbawa rito ay ang I log Peñaranda na isa sa mga sangang-ilog ng I log Pampanga.
Wawa
Ang wawa (estuary) ay isang bahagyang nakasarang anyong tubig sa baybaying-dagat na may isa o higit pang
mga ilog o sapang dumadaloy rito, at may malayang koneksiyon sa bukas na dagat.

Delta

Ang delta ay ang lokasyon kung saang dumadaloy ang ilog sa karagatan, dagat, wawa, lawa, o imbakan ng
tubig.

Look

Ang look ay isang anyong-tubig na nagsisil bing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat
din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng I ligan ay halimbawa ng
mga look sa Pilipinas. Sa ibayong-dagat, kabilang sa mga look ay Look ng Bengal, Look ng Korea, at Look ng
San Francisco.
Gol po

Ang gol po ay isang malawak na look.

I lan sa mga tanyag na gol po ay ang Gol po ng Leyte at Gol po ng Lingayen sa Pilipinas, at Gol pong Persiko at
Gol po ng Mehiko sa ibang bansa.
Lawa

Ang lawa ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao, at Lawa ng Naujan ay mga halimbawa ng mga lawa sa Pilipinas. Ang mga
halimbawa sa ibang bansa naman ay ang Lawa ng Michigan, Lawa ng Victoria, at Lawa ng Baikal.
Bukal

Ang bukal ay isang anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot

Ang kipot ay isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o
karagatan.

May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito. Kabilang dito ang Kipot ng San
Juanico sa Silangang Kabisayaan.
Bambang

Ang bambang (channel) ay isang pisikal na hangganan ng isang ilog o karagatang kipot na binubuo ng sahig ng
anyong tubig at mga pampang.
I lan sa mga kilalang bambang ay ang Bambang ng Bashi at Bambang ng Balintang sa Pilipinas, at ang
Bambang ng Inglatera sa Europa.
Talon

Ang talon ay isang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.

Kabilang sa mga talon ay ang Talon ng Maria Cristina sa Pilipinas at Talon ng Anghel sa Timog Amerika.
Batis

Ang batis ay isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.

Danaw

Ang danaw o laguna ay isang mababaw na anyong tubig na nakahiwalay mula sa mas-malaking anyong-tubig sa
pamamagitan ng mga pulong barrera (barrier islands) o bahura.

Imbakan ng tubig

Ang imbakan ng tubig (reservoir) ay isang lugar na nagpapa-imbak ng tubig para sa maraming mga paggamit
(lalo na ang maiinom na tubig) na maaaring likas o artipisyal.

Isa sa kilalang mga imbakan ng tubig sa Pilipinas ay ang Angat Reservoir sa Bulacan (iniimbak ng Saplad ng
Angat).
Kanal

Ang kanal o agusan ay isang artipisyal na daanang tubig na karaniwang nakaugnay sa (at kung minsan, ini-
uugnay ang) umiiral na mga lawa, ilog, o karagatan.

Kabilang sa mga tanyag na kanal ang Kanal Suez at ang Agusan ng Panama.
Piyordo

Ang piyordo[1] (fjord) ay isang makipot na inlet ng dagat sa pagitan ng mga bangin o matarik na mga dalisdis.

Mga sanggunian
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Anyong_tubig&oldid=1937892"


Last edited 6 months ago by 119.94.170.193

You might also like