Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panitikan ng Matandang Panahon

Kaligirang Kasaysayan
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila'y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso
ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan
ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga
prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Katutubong Panitikan

 Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay mga sinaunang


Pilipino.
 Punung-puno ito g matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon
nila. Nasasalamin din ang kanilang mg magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo.
Kaligirang Kasaysayan:
1. Negrito o Ita- kauna-unahang nanirahan sa Pilipinas mula pa noong 25000 taon; walang
kulturang masasabi; walang nalalaman na panitikan maliban sa awitin at pamahiin.

2. Indonesyo: - Unang sapit ay nakarating sa Pilipinas ng may 8000 taon na ang nakararaan.
Tinatawag na MONGOL.
Walang masasabing gaanong kultura maliban sa sila’y marunong nang mamahay, marunong
magtanim ng mga halaman at marunong nag mangisda Ikalawang sapit ng mga Indonesyo-
dumating sa Pilipinas 4000 taon na ang nakararaan; may sariling sistema ng pamahalaan;
hanapbuhay; may dalang panitikang gaya ng epiko, kwentong bayan, mga alamat, mga pamahiin
at pananampalatayang pagano.

3. Malay -Unang Pangkat ay nakarating sa Pilipinas noong 200 taon BC; nagdala ng kanilang
pananampalatayang pagano at mga awiting panrelihiyon.
Ikalawang pangkat ay may dalang wika; alpabeto, awiting-bayan, kwentong-bayan; mga alamat
at mga karunungang bayan.

Bahagi ng Panitikang Filipino bago dumating ang mga Kastila


1. Panahon ng Alamat
a. Alamat ng Bundok Pinatubo c. Alamat ng candelaria
b. Alamat ng Bigas d. Alamat ng Tiaong

2. Ang Mga Kwentong Bayan


a. Kwenton bayan ng mga Tagalog
1. Si Malakas at si Maganda
2. Maria Makiling
3. Princesa Makapuno

b. Kuwnetong bayan ng mga Pampanga


1. Ang haring Sicada at ang Haring Leon
2. Bundok Arayat
3. Ang buwan at ang Araw

c. Kuwentong bayan ng mga Bisaya


1. Ang mga Kaibigan Bangkawra
2. Ang Bundok Kalaon
3. Pinagmulan ng Lahi

3. Epiko- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan g pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao a kadalasan siya'y buhat sa lipi
ng mga diyos o diyosa.
a. Biag ni Lam-ang- Ilokano
b. Hudhud at Alim- Ipugaw
C. Kumintang-Tagalog
d. Ibalon at Aslon- Bikol
e. Maragtas, Haraya, Lagda, Hinilawod- Bisaya
f. Hari sa Bukid- Negros
g. Dagoy, Sudsud- Tagbanuas ng Palawan
h. Batnugan- Pinakapopolar sa Darangan ng Moslem
i. Ulagingen at Seleh- Manobo
INDARAPATRA AT SULAYMAN (Epikong Mindanao)
4. Awiting-bayan- kaugnay sa pananampalatayang pagano, lumipas nang dumating ang
mga Kastila.,
a. Ang mga awiting bayan ang siyang nagpapahayag ng reaksiyon ng mga mamamayan
sa kanilang mga karanasan sa buhay.
b. Ang mga awit kahit na mga sinauna ay siyang nagpapahayag ng kanilang mga
damdamin, panaginip, pag-asa at mga saloobin.
5. Kaalamang Bayan - binubuo ng mga bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan at
palaisipan.

a. Bugtong
Ex:
Nagtago si Piro Ha pula, ha pute
Nakalitaw ang ulo Iskwelang puti

b. Salawikain- patalinhagang pahayag


Ex:
Ang lumalakad ng matulin Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Kung matinik ay malalim. DI makararating sa paroroonan.

c. Sawikain – Nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos noong panahon n


gating ninuno.

Ex:
Daig ng maagap
Ang taong masipag

Kapag naiantang
Maiahahkbang

d. Panunudyo – patulang panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao


Ex:
Tiriririt ng maya
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon

Ikaw ay isang lalaking maliksi


Susong gumagapang
Hindi mo mahuli.
e. Palaisipan – gumising sa isispan ng tao uoang bumuo ng isang kalutasan ng isang
suliranin.

1. Sa isang kulungan may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan ngunit


lumundag ang isa. Ilan ang natira?
2. Kung son ay English ng anak na lalaki, ano naman sa isang araw?

f. Unang Dulang Filipino – patula rin and usapan. Ito ay ginaganap na kaugnay ng
mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-knailang mga pinuno at
bayani.

1. Watang-Orang at Wayang Purva-Bisaya


- Tungkol sa pananampalataya, may kasamang-awit at sayaw inilalarawan ditto
ang kapangyarihan ng Bathala sa pagpaparusa.

2. Embayoka at Sayatan-Muslim sa Hulo at Lanaw


- Isang babae at lalaki lang ang naganap
- Isang dulang may awitin, tulaan, at sayawan

Bulong- ito ay may diyalogo. Nag dula ay hindi lamang itinatanghal kundi itoy talagang
ginaganap sa tunay na buhay na kaugnay ng pananampalataya, pamahin o paniniwala at
paggagamot.

You might also like